Julian\'s story, radio drama script with lines. PDF

Title Julian\'s story, radio drama script with lines.
Author Mogote, Ivy V.
Course Filipino
Institution Laguna State Polytechnic University
Pages 10
File Size 69.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 318
Total Views 719

Summary

Download Julian's story, radio drama script with lines. PDF


Description

JULIAN STORY

SCRIPT WRITERS: GRACE ANN MONECIA PAULENE PAMATMAT NHERZEN MAULAWIN

SOUND EFFECTS: Cut and extend audio – IVY MOGOTE Special effects – LEI ANN PASCUAL Set of moods effects – MARIEN SOSA

MAIN CHARACTERS: N – narrator KATE LIWANAG J – julian SHAWN ORTEGA B – father LAICA REPIZO G – mother JESSA JUYO

SUPPORTING CHARACTERS: T – Sped Teacher ROSELYN VALLENTE P- Pediatrician JIEZEL LINTAC DS – development specialist JOANA PAPA TT- therapist ANGELIKA TUBIG M1 – mag aaral 1 JANE LUCBAN M2 – mag aaral 2 TISHA PRICIPE

SCRIPT: N: ang bawat isa ay nagnanais na magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit gaano ka ba patatatagin ng iyong pananampalataya upang malampasan ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay.

( happy sounds)

N: masayang nagsasalo ng hapunan ang magkasintahan sa tabing dagat, na isa kanilang mga pagmamay-ari.

(Sound effect)

B: mahal matagal na tayong magkasintahan,alam kong nasa tamang edad na tayo para bumuo ng ating mga pangarap ng magkasama at hawak ang kamay ng isat-isa.

G: anong ibig mong sabihin mahal ko?

B: Mahal ko?

G: ano yun mahal ko?

B: Maaari mo ba akong samahan hanggang sa pagputi ng aking mga buhok? Nais sana kitang makasama sa habang buhay. Maari kabang maging kabiyak ng aking puso at magkasamang bubuo ng isang masayang pamilya? Will you marry me mahal?

G: yes! Oo mahal pumapayag ako.

(Love songs)

N: makikita ang walang pagsidlang galak sa mukha ng magkasintahan ng parehas nilang maramdaman ang kasabikan at abot kamay na pangarap sa pagbuo ng isang masayang pamilya. N: nagplano ng mas maaga ang magkasintahan para sa kanilang kasal, nais nilang maging maayos at makabuluhan ang kanilang kasal. Puno nang pag iibigan at pangarap ang bawat nilang mga hakbang. Tila ba ang Diyos ay panig sa lahat nilang mga dasal. N: lumipas ang ilang araw, linggo, buwan at taon. At ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng isang anghel na bubuo sa lahat nilang mga pangarap. Isang anghel na bigay ng Maykapal upang pumuno sa lahat nilang

pangungulila. Isang anghel na siyang magsisilbi nilang lakas at pampatibay ng kanilang relasyon. Isa itong lalaki at pinangalanan nilang Julian na ang ibig sabihin ay “The child of love, one who is youthful.”

B: maraming salamat sayo Panginoon at nakaraos ng ligtas ang aking mag ina.

N: labis ang galak ng ama ng mahawakan ang kanyang munting anghel. Hindi matapos na pasasalamat sa Diyos ang kanyang sinasambit.

G: maraming salamat mahal ko.

B: maraming salamat din mahal, binigyan tayo ng Diyos ng anak na matagal na nating ninanais at pinagdarasal. Tunay ngang sa kanya’y walang imposible.

(Sounds related to thank you God)

N: makalipas ang ilang araw ay nakauwi na ang mag ina sa kanilang bahay. Naging masaya ang kanilang pagsasama, ang pamilya ng Montalve ay naging buo at masaya kapiling ang kanilang pinaka mamahal na anghel. Tila ang lahat ay perpekto na labis pa sa kanilang pinangarap.

N: ngunit may kakaiba sila napansin sa kanilang munting anghel, dahil sa tuwing ito ay iiyak ay hindi ito mapatahan sa kahit na anong paraan o paglilibang ng kanyang mga magulang. Tila may mali sa munting anghel na hindi mawari.

(Sound effect, sad moods)

G: mahal ko? Wala kabang napapansin kay Julian?

B: bakit mahal ano ang ibig mong sabihin?

G: sa tuwing siya ay iiyak hindi siya mapatahan halos mapaos na siya sa pag iyak ngunit ayaw nya pading tumigil. Wala naman siyang lagnat, may sakit kaya siyang dinadaing?

(Sounds of crying baby)

B: ano kaba mahal normal lang yan sa kaniyang edad marahil ay hinahanap lamang niya ang hele ng kanyang daddy. Halika nga dito mahal kong Julian. N: sa isip ng ina ay marahil tama nga ang nasambit ng kaniyang kabiyak. Marahil ay naninibago lang siya sa pagiging isang ina. N: kinarga ng kanyang ama si Julian habang umiiyak. Ngunit gaya ng ina hindi din niya ito mapatahan. Sayaw dito sayaw doon halos mag iisang oras na silang nag aamuan ngunit wala padin.labis silang nababahala dahil alam nilang hindi maganda ang maidudulot nito sa kanilang anak. Ilang sandali pa, sa wakas ay nakatulog na Julian. N: lumipas ang ilang buwan at ganoon padin ang kanilang sitwasyon sa tuwing mag iiyak si Julian. Lalong nagulumihanan ang ina dahil tila hirap bumigkas ng mga simpleng salita si Julian. Sa kanyang edad dapat ay naka-uusap na sila ng dada o mama ngunit wala.

G: mahal hindi talaga ako mapalagay sa aking napupuna sa paglaki ng ating anak.

B: mahal bakit nanaman ba? Tingnan mo nga ang ating anak napaka lusog niyang tingnan hindi ba mukha ba siyang may sakit?

G: hindi moba napapansin mahal na may iba sa kanya ni hindi pa niya nababaybay ang mga salitang dapat sana ay nauusap na niya ng paunti unti. (paiyak at labis na malungkot)

B: ano kaba mahal wag kang mag alala ng husto hindi iyan makakabuti sa iyo. Maayos ang kalagayan ng ating anak, normal lang siya. Siguro ay sadyang iba iba ang proseso at kaganapan sa paglaki ng isang bata.

N: naniwala ang ina sa kanyang asawa, muli ay binaliwala nalang niya ang agam agam sa kanyang puso ukol sa kalagayang ng kanilang anak. N: lumipas ang unang kaarawan ni Julian at walang paglagong nakikita ang kanyang ina. Ganoon padin siya, parang napakabagal ng pag unlad ng kanyang physical at mental na aspeto. Labis nang nabahala ang ina at gayon din ang ama ng siya na mismo ang makapuna na may kakaiba nga sa kanilang anak. Lumipas ang ilan pang buwan at minabuti na ikonsulta ito sa kanilang pediatrician.

G: mahal hindi na normal ito, hindi ko na kayang antayin na mas lumala pa siya. Marahil ay bago lamang ako sa pagiging ina ngunit alam ko na may hindi tama sa ating anak may mali sa kanya.

B: napansin ko na nga din na waring may mali sa kanyang paglaki. Ano ang nais mong manyari mahal?

G: bukas na bukas din ay ikonsulta na natin ito sa ating pediatrician.

B: sige mahal para nadin sa ikatatahimik ng iyong kalooban.

N: nagpunta nga ang mag-asawa sa pediatrician upang isangguni ang kanila ng mga agam agam. Tama ang matagal ng hinala ng ina, may improper development nga si Julian na ngayon lamang mas lumabas at mas nagiging kakaiba. Ni referred sila sa isang health development specialist. Nang masuri ng specialist si Julian nakumpirma na mayroon nga itong Intellectual Disability o mental retardation. At pinayuhan ang mag asawa na sumailalim si Julian sa isang Occupational Theraphy. Isa itong sangay ng pangangalaga sa pangkalusugan na tumutulong sa may mga problema sa pisikal, pandama o pag iisip.

G: kamusta po ang aking anak? Ano pong mayroon sa aking anak?

P: misis kaya po ganoon ang inyong anak ay maaari at Malaki ang posibilidad na mayroon siyang intellectual disability o mas kilala sa tawag na mental retardation. I re-refer ko kayo sa isang development specialist na mas makakatulong kay Julian.

(Sound effects sad)

B: ano po ang maari nating gawin sa kondisyon ng aming anak?

DS: wag po kayong mabahala may mga paunang lunas po tayo na maaaring ibigay sa kanya. Maaari natin siyang isailalim sa occupational theraphy....


Similar Free PDFs