Script - Radio Broadcasting PDF

Title Script - Radio Broadcasting
Course Accountancy
Institution Adamson University
Pages 17
File Size 327.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 508
Total Views 903

Summary

####### MGA TAUHAN: Ana Santos (Louis Lane Nazareno) o Pangunahing tauhan o Tahimik at matalino  Sofia Tomas (Kclyn Gumban) o kaklase ni Ana; kaibigan nina Elle & Mae o masayahin  Elle Zaldua (Pia Ayeeza Rain Torralba) o kaklase ni Ana; kaibigan nina Mae & Sofia o mataray  Mae Or...


Description

MGA TAUHAN: 











 

Ana Santos (Louis Lane Nazareno) o Pangunahing tauhan o Tahimik at matalino Sofia Tomas (Kclyn Gumban) o kaklase ni Ana; kaibigan nina Elle & Mae o masayahin Elle Zaldua (Pia Ayeeza Rain Torralba) o kaklase ni Ana; kaibigan nina Mae & Sofia o mataray Mae Orevallo (Nelyn Baradillo) o kaklase ni Ana; kaibigan nina Sofia & Elle o pokus sa pag-aaral Zoe Castillo o babae sa panaginip ni Ana o unang biktima ng cyberbullying Max Reyes (Ryanne Ashley Ligsay) o testigo sa nangyari kay Ana o nerd at mahirap Aling Rina (Christaline Quijaro) o ina ni Ana Gng. Lei o Guidance counselor ng paaralan

Mga kontribusyon ng bawat miyembro: Paglilikha ng konsepto: Louis Lane Nazareno Pia Ayeeza Rain Torralba Nelyn Baradillo Kclyn Gumban Scripwriters ng bawat eksena: EKSENA 1,2,3,4, 9 - Pia Ayeeza Rain Torralba EKSENA 5,6

- Ryanne Ashley Ligsay

EKSENA 8,7

- Christaline Quijaro

EKSENA 7

- Nieza Fuentes

EKSENA 10,11,12 - Nelyn Baradillo EKSENA 13,14

- Louis Lane Nazareno

EKSENA 15,16

- Kclyn Gumban

Script for Radio Drama:

CYBER BULLYING iLS:  Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Aline Paule)  Statistics and Probability (Divine Oarga)  Understanding Culture, Society, and Politics (Dianne Ganggay)

GROUP II: Nelyn Baradillo

Ryanne Ashley Ligsay

Kclyn Gumban

Christaline Quijaro

Pia Ayeeza Rain Torralba

Nieza Fuentes

Louis Lane Nazareno

PANIMULA DJ: Magandang magandang magandang magandang araw sa inyong lahat ako si DJ Charing, upang mag-lahad ng mga kuwentong makabuluhan! Kayo ay nakatutok sa DZG2 ang radyo ng masa! Sa ating kuwento ngayong araw, aking ilalahad sa inyo ang sulat na ipinadala ni Ana Santos. 1 EKSENA (Maingay na boses ng tao at musika.) Ana: Nasaan ako? Mga pinaghalo-halong musika, mausok at madaming tao. Panaginip ba ito? Sandali, kung panaginip ito bakit ko naamoy at nararamdaman ang mga nangyayari? Lahat ay malabo tila namumuo ang mga luha sa aking mga mata, Wala akong maaninagan, kundi tanging ang babaeng nakatingin sa akin ngayon. Gustong buksan ang kanyang bibig, tila may gustong sabihin. Zoe: U-u-m------ (Biglang lumakas ang musika) Ana: Ano? Sino ka? DJ: Paulit-ulit ang kanyang pag-bigkas, ngunit parang may pumipigil sa kanya. Sino ba itong babaeng to’? Ito ang tanging tanong ni Ana sa kaniyang isipan. Mahaba ang kanyang buhok, bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Takot at pag-aalala ang nakikita ni Ana sa kanyang mukha— (Alarm: Toototootot) Aling Rina: Ana! Gumising ka na, tatanghalian ka sa iyong klase! Ana: Bababa na po! (Pababa ng hagdan) DJ: Eto nanaman, panibagong araw, panibagong pakikisama ang tatahakin ni Ana. Aling Rina: Maligo ka na at papasok na ako sa trabaho, alam mo na ang daan patungo sa bago mong iskwelahan hindi ba? (Pag-galaw ng pinggan at kutsara’t tinidor) Ana: Opo.

2 EKSENA (Triiiiiiiiiiing) Guro1: Magandang umaga sa inyong lahat! Mayroon akong ipapakilala sa inyo, Siya ay bagong lipat lamang dito sa ating paaralan. Ana? Maari mo bang ipakilala ang sarili mo? (Bulungan ng mga studyante) Ana: Magandang umaga ako si Ana Santos. Lahat sila ay nakatingin sa akin, nagiintay ng kadugtong sa aking mga sinabi. Guro1: Ah yoon lamang Ana? Sige, maari ka ng maupo sa dulo. Mukang mahiyain yata si Ana kaya aasahan ko ang magandang pakikitungo ninyo sa kanya ha? Sofia: Uy Ana! Ako si Sofia, Sofia Tomas! Ana: Maputi siya, namumungay ang mga singkit na mata, matangos ang ilong. Masasabing palakaibigan, magaan ang loob ko sa kanya. Tanging ngiti ang binati ko sa kanya, hindi ako sanay sa ganito

Sofia: Ay? Suplada, eto nga pala si Elle! Medyo mataray lang to pero mabait. Ana: Morena, singkit ang mga mata. Tanging matalas na tingin ang iginawad niya sa akin, gusto ko ang ugali nya. Hindi siya nagpapanggap para magustuhan lang ng iba. Elle: Omg! It’s so mainit here sa Pilipinas talaga, I need malamig na water! Mae: Ako naman si Mae, sana maging mag-kaybigan tayo. Ana: Hindi tulad ng dalawa na malaya ang ekspresyon sa mukha eto si mae, Hindi. May salamin sya, walang bahid ng emosyon sa kanyang mukha. Hindi ako kampante sa kanya tila limitado ang bawat galaw niya. Sofia: Siya ang may unang karangalan sa seksyon naminnatin! Elle: Yuh, sobrang study study kasi siya eh! Teka, why di ka nagt-talk? Ana: Uh, di lang talaga ako sanay. Wala pa akong nagiging kaibigan. DJ: Oo, totoo. Kahit kalian hindi ako naging komportable si Ana sa mga taong nakapaligid sa kanya, ngunit sa unang pagkakataon naranasan niya ang pakiramdam na hindi siya mag-isa. (Triiiiiiiiiiing)

3 EKSENA (Ingay ng studyante) Mae: Ana, sumama ka na sa amin mag-tanghalian. Sofia: Oo nga! Ana: Sige, pero may gusto lang sana ako itanong. Elle: About saan ba? Ana: Yung dating may-ari ng locker ko, kilala niyo ba? Naiwan niya kasi yung isang libro niya kaso wala naman pangalan. DJ: Tumahimik sila, may gustong sabihin kay Ana ngunit parang pinipigilan. Mae: Ibigay mo nalang sa guro natin. Sofia: U-Uhm, tara na kumuha na tayo ng pagkain natin! Pasensiya na Ana bawal pag-usapan eh. DJ: Natapos na ang araw ngunit mayroon paring mga katanungan sa kaniyang isipan. Ana: Siguro huwag ko na lamang pakielamanan ang mga bagay na di dapat. Nakatingin ako sa kawalan hanggang sa natangay ako ng aking kamalayan. (Maingay na boses ng tao at musika.) Ito nanaman ulit, Mga pinaghalo-halong musika kasabay ng ingay ng iba’t ibang tao, ang amoy ng usok at ang babae……. Nakatitig nanaman siya sa akin? Ganoon parin ang mga tingin niya sa akin, bakit ko siya nakikita sa panaginip na itona’to? Zoe: U-u-umiwas ka… Ana: Teka, panaginip ito ngunit paano mo ako nakaka-usap? Sino ka ba? DJ: Malungkot na tingin lamang ang sinagot niya.

Ana: Umiwas? Kaynino?!— (Triiiiiiing)

4 EKSENA Ana: Nay, naranasan mo na ba makontrol ang sarili mong panaginip? Aling Rina: Ano ba naman yang pinagsasasabi mo Ana, mabuti pa at bilisan mo ang pagkain at pumasok ka na. (Ingay ng mga mag-aaral) Sofia: Ana! Halika dali! Ana: Bakit? Sofia: Kaylangan natin mag-aral may pag-susulit daw mamaya sa Filipino! Ana: Nakapag-aral na ako kagabi, kayo nalang. Elle: Wow Ana, masipag din pala you mag-study ha! Parehas kayo ni Mae! Sofia: Ikaw lang naman hindi, Elle. Elle: Bwisit ka! Mae: Kaylangan ko lang talaga mag-aral at maipasa ang pagsusulit para hindi mapagalitan nila Mama. Ana: Ngayon naiintindihan ko na, pinalaki siguro siya ng istrikto na magulang. Ito ang maaring dahilan Kung bakit mukhang limitado lagi ang galaw niya.

5 EKSENA (Triiiiiiiiit) Guro1: Sige simulan na natin ang ating pasusulit ngayong araw at ina-asahan ko na lahat kayo ay naghanda, tama ba? Sofia: Masagutan sana natin lahat! Mae: Kayang-kaya yan. (Pagpapasa ng papel) (Triiiiiiit) Guro1: Maganda Umaga mga mag-aaral, narito ako upang ibahagi ang resulta ng inyong pagsusulit! Ang naka-kuha ng pinaka-mataas na iskor ay si Ana at Mae! (Ingay ng mga mag-aaral) Pag-butihan niyo pa sa susunod ha? (Palakpakan) Ana: Opo Gng. Mae, Ang galing mo. Mae: Ah-h ikaw din, ang galing mo. Sofia: Elle! Halika may sasabihin ako sayo bilis! Elle: Tsk. What now? Ang noisy mo, ano naman yang say mo? Make it sure na may kwenta yan ah. Sofia: Oo may kwenta ito! Bakit ganun parang nalungkot si Mae. Bakit kaya?

Elle: Di ka na nasanay sa kanyato her, Si Mae ayaw niyang laging may nakakalamang sakanya. DJ: Hindi alam ni Ana ngunit may nararamdaman siyang di tama, tila nag-iba ang ihip ng hangin. (Triiit)

6 EKSENA (Pag-susulat sa pisara) Sofia: Uy Mae! Ang lalim yata ng iniisip mo ah? Kanin ka pa tahimik, Anong problema? Mae: Wala… Sofia: Hoy! Mae! Mae: Ano ba! Ang ingay mo Elle: Manahimik ka na nga lang Sofia. Naandyan na si gng. Guro1: Maari niyo bang sagutan ang nasa pisara? Sino ang may alam? Wala? Ikaw Mae? Mae: Ah.. eh.. pasensiya na po hindi po ako pamilyar. Guro1: Ana, Ikaw? Alam mo ba? Ana: Ah, sige po. (Nag-susulat sa pisara) Guro1: Tama! Napaka-husay Ana! (Ingay ng kamag-aral at palakpakan) Kamag-aral 1: Ana ang galing mo naman Ana! Baka masambit mo ang unang karangalan! Kamag-aral 2 : Galingan mo pa Ana! Ana: Iba’t-ibang papuri ang natanggap ko, Inaamin ko na natutuwa ako dahil maraming nakaka-kilala sa akin. Hindi tulad ng dati na para akong hangin na hindi nakikita. Sofia: Pag katapos ng araw ng pagkilala na mag diwang tayo kinabukasan. Ano sa tingin niyo? Elle: Mag solo ka, total ikaw naman ang nakaisip ng planong iyan Sofia: Ana sige na? Mae? Mag diwang tayo kung sino ang unang karangalan sa inyong dalawa Mae: Kung ano ang gusto mo sofia, wala ang mga magulang ko noon dahil aalis sila patungong amerika. Ana: Hindi ako sigurado kung makakasama ako kasi hindi ako sanay sa mga ganyan, Pasensiya Mae: Masaya yun! Ana sumama kana kami na ang bahala sayo diba? Sofia: Oo nga kami na ang bahala sayo! Wala naman tayong pasok kinabukasan! Elle: Sama kana ah. Ana: Susubukan ko. DJ: May panga-ngambang nararamdaman ngunit sa kabila nito nais parin sumama ni Ana, dahil ito ang unang pagkakataon na mararanasan niya ito. Natapos ang araw ng walang sawang pag-iisip kung

ano ang dapat maging sagot. Hanggang sa tuluyan nang nawala sa kamalayan at dinala sa kaniyang panaginip. (Maingay na boses ng tao at musika.) Ana: Ito ang ikatlong beses, hindi na ito normal. Paulit-ulit nalang ngunit sa pagkakataong ito may saysay ang mga salitang binibigkas ng babaeng nasa harapan ko. Zoe: Umiwas ka sa kanila Ana. Ana: A-a-ano? K-Kaynino? Bakit? Mia: Umiwas ka, kung ayaw mong matulad sa akin. (Nag-eecho)

7 EKSENA (Palakpakan) Sofia: Ang talino mo talaga Ana! Turuan mo naman kami! Ana: A-ah… sige. Elle: Shhhh! Wag kayong maingay nakikinig ako kay ma’am Sofia: Sus, elle. Guro1: Mag-kakaroon tayo ng tagisan ng talino at lahat kayo ay kailangan ang partisipasyon upang makapasa sa aking asignatura (Bulungan ng estudyante) Elle: Kailan po ang kompetisyon? Guro2: Sa lunes na ito! (Bulungan ng estudyante) Elle: Omg! Need ko palang mag study baka mag-fail ako dyan! Sofia: Naandiyan naman si ana sigurado akong tutulungan naman nya tayong mag aral! Mae: Uy, pasali naman dyan? Sofia: Oo naman Mae. Kayong dalawa ni Ana ang tutulong saamin para mag aral diba? Mae: Oo naman. Kaylan ba tayo mag uumpisang mag aral? Elle: Later sa canteen! Sofia: Oo nga para nakain tayo habang nag-aaral. (Tiriiiiiiiiiiiiiit) Elle: Let’s punta na sa canteen para study at maka-eat na tayo! Sofia: Oo nga, tara na! Mae: Bilisan natin kumain! Ana: Oo nga naman, tama si mae bilisan natin ang pag kain upang makapag simula na tayo (Palitang ng kuro-kuro) (Tiriiiiiiiiiiiiiit) Sofia: Ana sumabay kana sa amin para naman may kasabay ka pag uwi mo. Mae? Ikaw sabay ka na din Mae: Wag na kaya kong mag isa.

Ana: A-ah… sige. Ingat ka Mae Sofia: Hayaan mo muna si Mae baka may iniisip lang yon.

8 EKSENA (Pag-huhugas ng pinggan) (Ingay ng telebisyon) Aling Rina: Ana kamusta naman ang bago mong iskwelahan? Ana: Maayos naman po Nay. May mga bago na po akong kaibigan, Mababait po sila. Aling Rina: Aba! Mabuti naman kung ganoon anak! Oh sige kumain ka na, pinaguto kita ng sinigang Ana: Mamaya na po nay may tatapusin pa po ang takdang aralin. Aling Rina: Osige anak basta pag kumain ka mamaya. Ana: Opo Nay. (Pag-taas sa hagdan) Mae: Ana nakapag-basa ka ba para sa tagisan ng talino mamaya? (Ingay ng mga studyante) Ana: Ah.. Oo kaunti lang Mae: Sige! Sana masagutan natin lahat yon! Ana: Oo nga.. (Tiriiiiiiiiiiiiiit) Guro1: O’siya magsi-upo na kayo at sisimulan na natin ang tagisan ng talino. Pakipasa ang mga papel sa inyong mga kamag-aral (Pag-pasa ng papel) Sofia: Unang numero pa lamang pero hindi ko na alam ang sagot!! Guro1: Sagutan niyo ng tahimik! Ang inyong oras ay tumatakbo. (Tunog ng orasan) Elle: Omg! Buti nalang finish na the tagisan ng talino, Ang hard non ha! 9 EKSENA Guro1: Wala tayong gagawin ngayon araw dahil mayroon kayong ensayo para sa araw ng pagkilala, ngunit bago iyon may nais ako sabihin. Ang nagkamit ng unang karangalan sa inyo ay si Ana Santos! Siya ang may pinaka-mataas na puntos sa tagisan ng talino! (Sigawan at palakpakan) Sofia: Ana!!!!! Binabati kita! (palakpak) Mga kaklase: Ang Galing mo Ana! Ikaw na talaga! Ana: Maraming Salamat po Gng! Hindi ko ito ina-asahan, akala ko talaga si Mae ang mananalo. Elle: Ana super galing mo! M-Mae, di mo ba babatiin si Ana? Mae: A-eh.. Binabati kita Ana. Tara na daw, at kaylangan pa natin mag-ensayo para bukas. Ana: Ang swerte ko, ito yata ang unang beses na tinawag ko ang sarili ko na “Swerte”. Lumaki ako ng walang katuwang sa buhay bukod kay Nanay, Hindi ko alam kung bakit wala akong mga kaibigan dati. Sa unang pagkakataon naramdaman ko ang halaga ko, naramdaman ko ang suporta ng mga tao sa paligid ko.

Hindi ko kailangan ang kahit ano man parangal, Ang kailangan ko ay kaibigan, totoong kaibigan at sila yon. Mga taong hindi ko aakalain na magiging malaki na parte ng buhay ko. Aling Rina: Ana binalita sa akin ng guro mo na ikaw ang nag-kamit ng unang karangalan! Ana: Opo nay! (Pag-huhubad ng sapatos) Aling Rina: Nako anak! Napaka-talino mo talagang bata, lakad na at magpahinga ka na para sa programa ninyo bukas! Mag-susuot ako ng magandang bistida bukas! Ana: Sige po nay! Aakyat na po ako. (Yabog ng mga paa) (Maingay na boses ng tao at musika.) Maingay, mausok at madaming tao. Alam niyo na siguro kung nasaan ako. Oo, nananaginip nanaman ako. Hindi ko rin kayang sagutin ang mga katanungan niyo kung bakit naandito nanaman ako, kung anong koneksyon nito sa pagkatao ko. Gustong gusto ko rin mala— Zoe: Umiwas ka sa kanila Ana. Ana: Lagi mo nalang sinasabi na umiwas ako sa kanila! Sinong sila? Sino ka? Parang awa mo na sagutin mo ako! Zoe: Umiwas ka kila Mae, matutulad ka sakin Ana! Ana: A-ano?! Ba’t ako iiwas sa mga kaibigan ko! Mia: Hindi mo sila tunay na kaibigan Ana, umiwas ka habang may oras pa. Ana: Hindi kita maintindihan….. DJ: Naguguluhan, pinagpatong-patong na katanungan ang nasa isipan ni Ana. Ana: Bakit ako maniniwala sa babaeng nakikita ko lang naman sa panaginip ko?

10 EKSENA Guro 1: Ngayon naman ay bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga natatanging mag-aaral na nagkamit ng karangalan! (Recognition music) Guro 2: Elle Zaldua! (Palakpakan) Sofia: Akalain mo ‘yun, Elle! May karangalan ka? Hahaha! Elle: Don’t me! I’ll make sabunot you, later! Mae: Umakyat ka na sa stage, Elle! Ana: Congrats, Elle! DJ: Pinagmamasdan ni Ana ang tatlo, tila nararamdaman rin ang kasiyahan na natatamasa ng kaniyang mga kaibigan. Guro 1: Max Reyes! (Palakpakan) Ana: Max Reyes. Noong una pa lang ay napansin ko nang may kakaiba sa kanya. Siguro, ito ‘yun. Na matalino pala siya kahit tahimik lang.

Guro 2: Sofia Tomas! (Palakpakan) Sofia: Ay, ako ‘yun! Mas mataas ako sa’yo, Elle! Bleh! Elle: Che! Mas mataas naman sa’yo sina Ana at Mae! DJ: Nakangiti bumaling si Ana kay Mae pero seryoso naman itong tumingin pabalik at saka pilit na ngumiti. Sofia: Wala naman akong sinabi na mas mataas ako sa kanila, ah! Hmp! Elle: Umakyat ka na lang, faster! Sofia: Wag mo nga akong utusan! Mae: Congrats, Sofia. Sige na, hinihintay ka na sa stage. DJ: Tinawag na rin ang ilan pang may mga karangalan at sumunod naman ay si… Guro 1: At ang ikalawang karangalan naman ay nakamit ni Mae Orevallo! (Palakpakan) (Gulat na reaksyon ng mga tao) DJ: Natigilan si Mae at tila natulala. Maya-maya pa ay sumeryoso ang mukha nito kaya naman nakaramdam si Ana ng kaba. Sofia: Congratulations, Mae!!! Ang galing mo, talaga!!! Elle: Congrats, Mae! You’re so galing! Oh my G! Ana: C-congrats sa’yo, Mae. Ngumiti ako sa kanya kahit na kinakabahan ako. Nang ngumiti siya pabalik ay nakahinga naman ako ng maluwag kahit paano. Guro 1: Mae? Maaari ka nang pumunta ka na rito sa entablado. Guro 2: Ngayon naman ay ang pinakahihintay ninyong lahat! Ang nagkamit ng Unang Karangalan ay si Ana Santos! Salubungin natin siya ng masigabong palakpakan! (Palakpakan) Sofia: Ana!!! Ikaw ang nagkamit ng unang karangalan!!! Congrats!!! (Sigawan) Ana: Salamat! Elle: Congrats, Ana! You’re very magaling din like Mae! Ana: Napatingin naman ako kay Mae na tila nakangiti ng pilit sa akin. Mae: Ana, congratulations. Siguro naman, sasama ka na talaga sa amin mamaya dahil ikaw ang top 1? Ana: A-ah, oo naman. Salamat, Mae. Sofia: Ana! Umakyat ka na! Naghihintay na ang mama mo, oh! Ana: Ma! (mangiyak-ngiyak) Aling Rina: Anak! Ang galing mo! Proud ako sa’yo! Congratulations! Ana: Salamat po, Ma. Para sa’yo po ‘to. Akyat na tayo? Guro 1: Congrats, Ana! Congrats din po sa inyo, Nay! Mahusay po ang anak ninyo! Aling Rina: Ay ganoon po ba? Maraming Salamat, po!

11 EKSENA Sofia: Wooo! Magsaya tayo ngayong gabi! (Maingay na musika at tao) Elle: Yeah! Let's make party-party! Ana: Salamat dahil isinama niyo ako dito! Mae: Walang anuman, Ana. Marami kang mararanasang first time ngayon kasama s'yempre kasama kami. Ana: Ha? A-ano? (Mas lumakas na musika) Mae: Magsaya na tayo, Ana. Congrats sa ating apat! Elle: I'll make order our drinks, dito muna kayo. Mae: Tutulungan na kita, Elle. Elle: Mabuti pa nga! Ana: May kakaiba kay Mae na hindi ko malaman kung ano. Ewan ko ba! Siguro ay guni-guni ko lang iyon. Elle: OMG! How dare you make tapon those drinks on my clothes?! Alam mo ba kung magkano 'to? (Nabasag na baso) Sofia: Napakataray talaga ni Elle! Sino naman kayang malas na- Teka, si Max Reyes ba 'yun? Ana: Max Reyes? Yung kaklase natin? Batay sa suot niya ay mukhang isa siyang waitress sa lugar na ito. Sofia: Oo nga. Max: Pasensiya na po, Ma'am. Ana: Tara, puntahan natin! Sofia: Elle, anong nangyari dito? Elle: Bakit hindi siya ang tanungin mo? Tinapunan niya lang naman yung damit ko ng dala-dala niyang alak! Max: Aksidente po ang nangyari. Hindi ko sinasadya, Elle. Pasensiya na. Elle: Don't make salita my name! Hindi tayo close! Ana: Tama na iyan, Elle. Elle: Huwag kang makialam dito, Ana. Kasalanan niya naman talaga, e! Mae: Itigil niyo na nga iyan, Elle! Tara na, kumuha na tayo ng maiinom pagkatapos ay magbihis ka ng damit. May dala akong extra. Elle: Kainis! Tara na! Ana: Tumingin ako kay Max at nagulat pa ako na nakatingin siya sa akin. Bakit ganoon tumingin si Max sa akin? Parang nanghihinayang siya pero hindi ko alam kung bakit. Sofia: H-hindi ko alam, e. Weirdo lang talaga siya minsan.

Ana: Bakit parang sobrang tahimik niya? Madalas ko kasi siyang nakikita pero kanina ko lang narinig ng husto ang boses niya. Sofia: Gan’yan talaga siya, e! Ana: Ah, ganoon ba? Sofia: Huwag mo na lang siyang pansinin. Oh! Ayan na pala sila Mae, e! Mae: Heto na yung mga inumin! Mag-inuman na tayo! Ana: Ang dami niyo namang dala! Kaya ba natin ubusin iyan? Mae: Para sa iyo talaga ito, Ana. Ana: H-ha? Ano bang sinasabi ni Mae? Hindi ko siya maintindihan. Sofia: Simulan na! Ana: Oh, Elle! Bakit parang namumutla ka yata? Elle: A-ah, anong namumutla? Mae: Nilalamig lang itong si Elle. Ana: Ganoon ba? Baka gusto mong hiramin itong jacket ko? Elle: Ayos lang ako, Ana. Mae: Ana, heto oh! Inumin mo iyan! Elle: G-girls? Cheers! (Cheers ng mga baso) Ana: Ano ba itong alak na 'to? Hindi naman masyadong masarap. Mae: Oh, Ana! Uminom ka pa. Dapat tayong magpakasaya ngayon, lalo ka na! Ikaw ang nagkamit ng unang karangalan! Ana: A-ah oo, sige. DJ: May kung ano sa sinabi si Mae nanagpakaba kay Ana gayunpaman, pinipilit niya itong isantabi na lamang. Sofia: Binabati ulit kita, Ana! Elle: Congrats, Ana! Dahil diyan, uminom ka ng isa pa! Mae: At ng isa pa. Congratulations, Ana. Ana: Baka malasing naman ako ng husto niyan, haha! Mae: Lahat naman tayo dito ay malalasing. Kaya sige na, inumin mo na 'tong dalawa. Sofia: Kaya mo 'yan! Elle: G-go, Ana! Ana: (lagok) Tama na 'yun, ha! Medyo masakit na ulo ko, e! Mae: O sige. Pero Elle, 'di ba sabi mo sa akin kanina na sasayaw tayo?

Elle: A-ah oo, Ana! Sasayaw tayo! Tara na M-mae at Sofia! Sofia: Gusto ko 'yan! Pero kaya mo pa ba, Ana? Ana: Ah, medyoMae: Kayang-kaya iyan ni Ana! Nag-top 1 nga siya, e! Ana: K-kaya ko, hehe. DJ: Salungat ng mga sinasabi ni Ana ang kaniyang nararamdaman. Nakararamdam na siya ng hilo at naninibago na rin siya sa ikinikilos ni Elle at sa pananalita ni Mae. Sofia: Woooo!!! Sumayaw ka pa, Ana! Mas...


Similar Free PDFs