Kabanata 1 ng isang Kwalitatibong Pananaliksik PDF

Title Kabanata 1 ng isang Kwalitatibong Pananaliksik
Author Marrieylle Siblos
Course Business administration
Institution Davao Oriental State University
Pages 8
File Size 147.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 415
Total Views 658

Summary

EPEKTO NG NEW TEACHING METHODS NG MGA BAGONG GURO SA MGAMAG-AARAL NG IKA-9 NA BAITANG NG IMMACULATE HEART OFMARY ACADEMYIsang Kwantitatibong Pananaliksik na inilalahad sa mga Guro at Kawani ng IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMYBilang bahagi ng mga kakailanganin sa asignaturang PAGBASA AT PAGSUSURI NG ...


Description

EPEKTO NG NEW TEACHING METHODS NG MGA BAGONG GURO SA MGA MAG-AARAL NG IKA-9 NA BAITANG NG IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY

Isang Kwantitatibong Pananaliksik na inilalahad sa mga Guro at Kawani ng IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY

Bilang bahagi ng mga kakailanganin sa asignaturang PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

SOMBADON, DARYL JAY R. SIBLOS, MARRIEYLLE F. CUA, RAYE KARYLLE L. PASAOL, REMBRANT B. DOSONO, EDZYL C. TEE, SHAMICA T. 12- HONOR

MARSO 2019

KABANATA I PANIMULA Ang kabanata ng sulating pananaliksik na ito ang naglalaman ng suliranin ng pag-aaral at paunang pahayag tungkol sa paksa. Nakapaloob din dito ang suliranin ng pag-aaral, ang kahalagahan ng pananaliksik, saklaw at limitasyon ng pag-aaral at katuturan ng katawagang gamit. Kaligiran ng Pag-aaral Ang

pagtuturo

ay

isa

sa

mga

pinakakomplikadong

gawain.

Ito

ay

nangangailangan ng buong atensyon, malalim na pag-unawa at masusing pag-iisip. Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito ang matuto ang kanyang mga estudyante. Tungkulin nitong maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na ituturo sa mga magaaral kaya naman malaking tulong ang mga pamamaraan ng pagtuturo bilang tulay upang maunawaan ng lubos ng mga mag-aaral ang nais na ibahaging impormasyon nito (Gurdial C., Pallarca A., Dela Cruz R., Barcelo A., De Paz C., Regondola A., Rosales J., 2016). Ayon sa akdang Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo, upang maging mabisa at mabilis ang pagkatuto, kinakailangan ang paggamit ng mabubuting pamamaraan ng pagtuturo sapagkat nakabase sa mabuting paraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Ibig sabihin, lubos na mauunawaan ng mga estudyante ang kanilang leksyon kung ang pamamaraan ng pagtuturo ay nakakaengganyo at kapantay ng lebel ng mag-aaral nang sa gayon sila ay mabilis na matuto (Gurdial, et. al., 2016).

Ang mga guro ay kailangang maging kritikal na mga mamimili ng pananaliksik tulad ng gamot, ang mga buhay ay nakataya rin - gayon pa man na ang pinakamainam na kalooban sa mundo at walang kaalaman at oras upang gawin ito, ang mga desisyon ay maaaring gawin upang mag-adopt ng mga bagong pamamaraang hindi lamang epektibo , ngunit maaari talagang gumawa ng pinsala. Ang isang kaso sa punto ay pag-aaral ng mga estilo (Dinham S., University of Melbourne, 2016). Ang ideya ng pagkakaroon ng mga estilo ng pag-aaral - na ang mga tao ay "hardwired" upang matuto nang pinakamahusay sa isang tiyak na paraan - ay naging sa paligid mula noong 1970s. Mayroon na ngayong higit sa 70 na nabubuhay na mga modelo mula sa maagang pagkabata hanggang sa mas mataas na edukasyon sa negosyo (Dinham S., 2016). Ang teorya ay kung ang isang guro ay makapagbibigay ng mga aktibidad sa pagaaral at mga karanasan na tumutugma sa estilo ng estudyante na dapat pag-aralan, ang pag-aaral ay magiging mas epektibo. Ang mga estilo ng pag-aaral ay naging isang malawak at kapaki-pakinabang na industriya na may mga inventories, manual, mapagkukunan ng video, mga pakete sa inservice, mga website, mga publication at mga workshop. Ang ilang mga paaralan ay gumugol ng maraming libu-libong dolyar na tinatasa ang mga estudyante gamit ang iba't ibang mga inventories (Dinham S., 2016). Ang mga sanggunian sa mga estilo ng pag-aaral ay patuloy pa rin sa maraming mga dokumento sa kurikulum sa antas ng sistema at paaralan, sa kabila ng kawalan ng katibayan para sa kanilang pagiging epektibo.

Sa lahat ng paraan, magsilbi kami para sa mga indibidwal na pagkakaiba sa pagaaral ng estudyante. Ito ay pinakamahusay na nakamit sa pamamagitan ng alam ang aming mga mag-aaral bilang mga nag-aaral at mga tao, masusing pag-aaral, nakakatulong na feedback at naka-target, mga diskarte sa pagtuturo batay sa ebidensya. Sa mundo ng pagmamanupaktura, ang isang produkto na nahanap na mapanganib ay karaniwang naalaala. Ang oras ay dumating para sa isang pangkalahatang pagpapabalik sa paggamit ng mga estilo ng pag-aaral sa pagtuturo (Dinham S., 2016). Upang maging epektibo ang estratehiya ng isang guro, may mga dapat itong bigyang pansin. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng gagamiting pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyante. Ang mga salik na ito kapag nabigyan ng kaukulang atensyon ay magpapadali at magpapagaan ng proseso ng pagkatuto ng mga estudyante at maaring maging tulay upang mas maging mabisa ang estratehiya na ginagamit ng isang guro. Sa pag-aaral na ito, tatalakayin ang mga salik tungo sa epektibong pamamaraanng pagtuturo sa mga estudyanteng nag-aaral sa ika-9 na Baitang sa Immaculate Heart of Mary Academy taong-panuruan 2019-2020. Mababatid din ang kahalagahan ng mga salik sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa pagsagot sa suliranin na, may epekto ba o wala ang isang panibagong pamamaraan ng pagtuturo ng isang guro sa academic performance ng isang mag-aaral. Dagdag pa rito, ang pananaliksik din na ito ay makakasagot din sa mga tanong na ito: 1. May mga bagong pamamaraan ba ang mga bagong guro sa paglalahad ng impormasyon sa mga mag-aaral ng ika-9 na baiting; at 2. May relasyon ba ang effectiveness ng isang guro sa academic performance ng isang ik-9 na baiting na mag-aaral.

Ang pag-aaral din na ito ay may nais ding abutin na mga layunin: 1. Malaman ang antas ng academic performance ng mga nasa ika-9 na baitang sa mga bagong pamamaraan ng pagtututro ng mga bagong guro sa institusyon ng Immaculate Heart of Mary Academy. 2. Malaman kung mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang pamamaraan ng mga dating paraan ng pagtuturo ng mga guro sa mga bagong pamamaraan ng pagtuturo ng mga bagong pasok lamang na guro.

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makatulong sa mas malawak na pagunawa at makapagdulot ng pakinabang at kahalagahan sa mga sumusunod: Guro. Makabenipisyo ang mga guro lalong-lalo na sa mga bagong guro. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa kanilang estilo sa pagtuturo at malalaman nila kung ano ang epekto ng kanilang new teaching method bilang bagong guro sa academic performance ng mga mag-aaral. Mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay makakabenipisyo sa pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbigay ng kanlang karagdagang kaalaman at malaman ang epekto ng new teaching method ng kanilang bagong guro sa kanilang academic performance. Paaralan. Sa katapusan ng pag-aaral nito, matutuklasan ng mga mananaliksik ang epekto ng new teaching method ng mga bagong guro sa academic performance ng mga mag-aaral at ito ay nagsisilbing gabay sa paaralan tungo sa pagpapaunlad sa mga kakayahan ng mga mag-aaral. Mga mananaliksik sa hinaharap. Makakabenipisyo ang mga mag-aaral sa hinaharap sa pag-aaral na ito dahil maaaring magagamit nila ito bilang gabay o sanggunian sa mga pananaliksik sa hinaharap na maaaring konektado ang paksa nito. Layunin ng mga mananaliksik na alamin at sagutin ang mga ibinanggit na mga suliranin na hinaharap ng pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Isasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral tungkol sa epekto ng new teaching methods ng isang guro sa academic performance ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang sa Immaculate Heart of Mary Academy. Ang paksa ng naturang pag-aaral ay walang ibang hangarin kundi alamin ang persepsyon ng mga estudyante at guro patungkol sa epekto ng mga estratehiya sa pagtuturo sa pagkatuto at malaman ang problemang sakop nang sa gayon ay mabigyan ng karampatang kasagutan. Mahigit kumulang na 100 ka estudyante sa pangkat 9 ng paaralan na maisasali sa random sampling na gagamiting instrumento ng mga mananaliksik. Ang mga hindi kasali sa pangkat ay hindi na bibigyang pansin Ang pag-aaral na ito ay hindi sumasakop sa ibang baitang o pangkat at pati na sa ibang paaralan. Sa Immaculate Heart of Mary Academy lang ito isasagawa ng mga mananaliksik.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit 1. Grade 9 – mga mag aaral sa Immcaulate Heart of Mary Academy na magsisilbing respondante ng pananaliksik. At ang pagkukunan ng mga pangunahing impormasyon ng mga mananaliksik.

2. Academic Performance – magsisilbing basehan kung ang mga bagong paraan ng pagtuturo ng mga guro ay epiktibo ba o hindi sa mga magaaral sa ika siyam na baitan ng Immaculate Heart of Mary academy.

3. Guro – gumagamit ng mga makabagong paraan ng pagtuturo sa mga magaaral sa ika siyam na baitan ng Immaculate Heart of Mary academy.

4. New Teaching Method – mga bagong paraan ng pagtuturo na ginagawa ng mga guro sa mga magaaral sa Immaculate Heart of Mary Acadey....


Similar Free PDFs