Kabanata 3 - Pagpapalawak NG Talasalitaan PDF

Title Kabanata 3 - Pagpapalawak NG Talasalitaan
Author Joshua Niduaza
Course Civil Law
Institution Taguig City University
Pages 13
File Size 704.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 314
Total Views 505

Summary

KABANATA 3:PAGPAPALAWAK NG TALASALITAANLayunin:a.) Napag-uugnay ang kaalamang pantalasalitaan sa pagunawa ng teksto. b.) Nahahasa ang kahusayan sa pagsasaing wika ng isang akda. c.) Natutukoy ang mga hiram na salita.TALASALITAAN Tinatawag ding Vocabulary o bukabularyo , ay ang pangkat ng mga salita ...


Description

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK KABANATA 3: PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN Layunin: a.) Napag-uugnay ang kaalamang pantalasalitaan sa pagunawa ng teksto. b.) Nahahasa ang kahusayan sa pagsasaing wika ng isang akda. c.) Natutukoy ang mga hiram na salita.

TALASALITAAN -

Tinatawag ding Vocabulary o bukabularyo, ay ang pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao.

-

Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at nagsisilbing gamitin at pundamental na kasangkapan para sa komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman.

-

Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng isang wika ay ang kabuuang talasalitaan ng wikang ito.

PAHINA 28

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK -

Gumamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag ng ating naiisip at nadarama. Dapat isaisip na mahalaga ang wastong paggamit ng mga salita sa ating pangaraw-araw na pakikipagtalastasan. Dapat din nating mabatid na ang ganap na kawastuhan at kaliwanagan ng isang mensahe ay nakabatay sa mga salitang ating pinipili. Ang mga salita bilang pinakamahalagang sangkap ng wika ay mauuri natin sa dalawang pangkat: mga salitang pangnilalaman (content words) at mga salitang pangkayarian (function words). 1. Mga Salitang Pangnilalaman. Ito ay mga salitang may isang tiyak na kahulugan at nagsisilbing mahahalagang salita sa loob ng pangungusap. Ang mga salitang ito’y maaaring tumukoy sa isang tao, halimbawa, titser; isang bagaylapis; kilos o galaw- tumayo, lumundag, katangian- maganda o dikaya’y isang kalagayan- matiwasay. Ang mga salitang ito’y may taglay nang sariling kahulugan kahit hindi pa isama sa ibang salita. Kabilang sa mga salitang pangnilalaman ay ang mga pangngalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay. 2. Mga Salitang Pangkayarian. Ito ay mga salita o kataga na nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag nasa pangungusap at tungkulin nito na mapagsama-sama at mapag-ugnay-ugnay ang mga salitang pangnilalaman, upang makabuo ng pangungusap. Kabilang sa mga salitang pangnilalaman ang mga pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy at pangawing.

Ang Paglinang ng Talasalitaan -

Ang pagtatamo ng mga salita ay maaring bunga ng isang paglinang ng talasalitaan. Ayon kay Channell (1988), ang isang bagong talasalitaan ay maaangkin lamang ng mag-aaral kung maibibigay niya ang kahulugan alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at magagamit din niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan.

PAHINA 29

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Pag-alam sa Kahulugan ng Isang Salita -

Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang katangian ng isang salita ang mag-aaral bago lubusang sabihin na alam niya ang salitang ito. Dapat may kabatiran ang mag-aaral sa kahulugan nito sa kasalukuyang konteksto; ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa ibang salita na may kahulugan; ang ibang kahulugan na maaari itong taglayin; ang ibang anyo nitong panggramatika; paano ginamit ang salita at mga sitwasyong pinaggagamitan nito. Halimbawa: Pansinin ang iba’t ibang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkakaiba ng bigkas. TUBO 1. 2. 3. 4.

tubó tubo tubò tubô

-

isang uri ng pananim bakal na pandaluyan ng tubi pakinabang sa isang negosyo sumibol na

-

lipas na makitid na daan nalapnos dahil sa init taniman ng halaman

PASO 1. 2. 3. 4.

pasó paso pasò pasô

Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Paglinang ng Talasalitaan -

May ilang salik na nakaaapekto sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral. May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga salitang natutuhan sa pamamagitan ng aktibong paggamit nito ay higit na natatandaan kaysa sa mga salitang naririnig lamang o nababasa kaya. Ang pag-uulit at malimit na paggamit ng mga salita ay mahalaga para sa pagtatamo nito. Ang sampung minutong pagsasanay sa paglinang ng talasalitaan araw-araw ay mas mabisa kaysa sa minsanang limampung minutong pagkaklase.

Tulong upang mas maunawaan ang Kabanata 3, buksan ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=k5zM4kfThiI

PAHINA 30

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Mga Talasalitaang Aktib At Pasib

1. Aktibong ginagamit ng isang tao ang mga salita kapag siya’y nagtatalumpati o di kaya’y nagsusulat. 2. Pasibong nagagamit ang mga salita sa pakikinig at pagbasa. Ito’y tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na maunawaan ang mga salitang ginagamit sa pagsasalita at pagsulat ng ibang tao. Ang Aktibo at Pasibong Gamit ng mga Salita Tinatayang mas maraming salita ang nauunawaan ng isang tao kaysa sa mgasalitang aktibo niyang nagagamit. Ayon kina Richards et.al (1985), ang isang taal natagapagsalita ng wika ay maaaring magtaglay ng mahigit sa 100,000 pasibongtalasalitaan ngunit ang taglay niyang aktibong talasalitaan ay maaaring nasa pagitanlamang ng 10,000 hanggang 20,000 salita. Ang Mga Salita at Pagpapakahulugan sa mga Ito Maraming dapat alamin ang guro tungkol sa kalikasan at katangian ng mga salitakung nais niyang maituro nang mahusay ang talasalitaan. Talakayin sa bahaging ito angilang konsepto o kaisipan na may kaugnay sa mga salita at ang kanilang taglay na kahulugan.

1. Denotasyon -

Karaniwang kahulugan dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinaka karaniwan at simpleng pahayag.

-

Kung pinag-uusapan ang mga pagpapakahulugan sa isang salita, karaniwan nang tinutukoy ay ang kahulugan nitong konseptwal, iyong kahulugang naguugnay dito sa isang bagay, tao, lugar o pangyayari.

-

Tinatawag itong kahulugang denotatib.

-

Ang denotatibong kahulugan ay ipinalalagay na sentral o pangunahing kahulugan ng isang talasalitaan.

PAHINA 31

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Halimbawa: Makunat ang tikoy. Makunat = mahirap kagatin 2. Konotasyon -

Kung pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat. Kung may dalang kahulugang iba kaysa sa karaniwang pakahulugan.

-

May mga salitang nagtaglay ng posibo o negatibong konotasyon, samantalang ang iba’y maaaring neutral ang kahulugan.

Halimbawa: Makunat ang taong iyan. Makunat = kuripot Mga halimbawa ng Denotasyon at Konotasyon BUGTONG ANAK Denotasyon : anak na bugtong Konotasyon : nag-iisang anak NAGSUSUNOG NG KILAY Denotasyon : sinusunog ang kilay Konotasyon : nag aaral mabuti UMUSBONG Denotasyon : paglaki o pagtubo ng halaman Konotasyon : kinalakihan o lumaki BALITANG KUTSERO Denotasyon : balita ng kutsero Konotasyon : gawa gawang storya o chismis NAGPANTAY ANG PAA Denotasyon : pantay ang paa Konotasyon : patay na IYAK PUSA Denotasyon : umiiyak ang pusa Konotasyon : iyakin BUHAY ALAMANG Denotasyon : buhay na alamang Konotasyon : mahirap PAGPUTI NG UWAK Denotasyon : pumuti ang uwak

PAHINA 32

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Konotasyon : hindi na matutuloy o hindi mangyayari BASANG SISIW Denotasyon : Sisiw na basa Konotasyon : Batang kalye GINTONG KUTSARA Denotasyon : Kutsara na ginto Konotasyon : Mayaman na angkan 3. Salita na Maraming Kahulugan (Polysemy) -

may mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng dalawa o mahigit pang kahulugan.

-

Polysemous ang tawag sa mga salitang ito.

-

Kung babasahin o di kaya’y maririnig natin ang salitang kamay, agad na pumapasok sa ating isipan na ito’y bahagi ng katawan. Ngunit maari rin itong magtaglay ng iba-ibang kahulgan gaya ng mga sumusunod na halimbawa: kamay na bakal, mahabang kamay, malikot na kamay atb.

Halimbawa: KAMAY – bahagi ng katawan. KAMAY na bakal, mahabang KAMAY, malikot na KAMAY

4. Kasingkahulugan (Synonym) - may mga salita na halos pareho ang kahulugan.

Halimbawa: Magsagupa – mag-away Namataan – nakita Mapintog – matambok Bagwis – pakpak Supling – anak Sukab – taksil Ngunit tandaan may mga salitang magkakasingkahulugan na hindi maaring magkapalitan ng gamit tulad ng matangkad at matayog.

Matangkad ang babae. Matayog ang puno.

PAHINA 33

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK 5. Magkasalungat (Antonym) - ang mga salitang kabaligtaran ng kahulugan ng isang salita ay sinasabing kasalungat na salita.

Gradable – pinahihintulutan nitong magkaroon ng pagpapahayag ng degree of contrast. Non-Gradable – hindi pinahihintulutan nitong magkaroon ng pagpapahayag ng degree of contrast. Converse Terms – ito ay ang mga salitang magkakasalungat ang kahulugan ngunit magkakaugnay ito.

6. MGA HAYPONIM (Hyponyms) - may mga salita na magkakugnay sa kahulugan kaya’t ang kahulugan ng isang salita ay maaaring sumaklaw sa kahulugan ng iba pang salita, iyon nga lamang, mas pangkalahatan ang kahulugan ng isang salita kaysa karamihan.

PAHINA 34

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

7. HOMOGRAPH -ang salitang parehong baybay ngunit magkaiba ng bigkas at kahulugan. Halimbawa: tubo-tubo, paso-paso, basa-basa, puno-puno

8. HOMOPHONES -ang salitang parehong bigkas ngunit magkaiba ng baybay at kahulugan Halimbawa: cite-site

Narito ang tulong upang mas madaling maunawaan ang Kabanata 3, buksan ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=pDiVCobB74E

Pag-uugnay ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-uugnay. a. Pangkagamitang posisyon b. Pangkakayahang posisyon c. Pangkaalamang posisyon

PAHINA 35

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

1. Pangkagamitang Posisyon (Instrumentalist Position) - dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip na hayaan na lamang silang matutunan ito sa pagbabasa. 2. Pangkakayahang Posisyon (Aptitude Position) - ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na kaalamang pantalasalitaan s pamamagitan ng malawakang pagbabasa. - nararapat na magkaroon ang mga estudyante ng maraming pagkakataon sa pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita. 3. Pangkaalamang Posisyon (Knowledge Position) - sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pagunawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at kultura. - pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at konsepto na ginagamit ng isang estudyante sa pag-unawa ng mga salita, sa kabuuan ng teksto. - kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat na mga karansan na pag-uusapan at maisusulat nang sa gayon ay mapauunlad ang mga konsepto at kaisipan nila na magagamit sa pag-unawa ng nilalaman ng teksto.

4. Interaktibong Posisyon (Interactive Position) - ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cueing system) sa teksto na tumutulong sa mabisang pag-unawa.

Ang mga palatandaang ito ay:

1. Palatandaang Grapoponiko – nauukol sa tunog na bumubuo sa mga salita. 2. Palatandaang Sintaktibo – nauukol sa pagbubuo o kayarian ng mga salita.

PAHINA 36

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

3. Palatandaang Semantiko – nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnay nito sa iba pang salita. 4. Palatandaang Iskematik – pag-uugnayan ng sariling karanasan sa binabasa. Mga Estratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis) – mauunawaan ng isang mag-aaral ang isang salita sa pamamagitan ng pagsuri ng kayarian nito tulad sa salitang-ugat, mga panlapi, paraan ng pagkakabuo sa salitang tulad ng payak, maylapi, inuulit o tambalan. Halimbawa: Ibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa panlaping ginamit o paraan ng pahkatuto. Ligaya ---------------------------------Kaligayahan -------------------------Maligaya------------------------------Kahoy----------------------------------Makahoy------------------------------Kahuyin-------------------------------Kamoteng-kahoy--------------------

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay kahulugan (Context Clues) -ang mga paaltandaan o pahiwatig ay makikita sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-uugnay sa mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita. Halimbawa: Mga pangungusap na may kontekstwal klu. 1. Pula ang kanyang bag. (kulay) 2. Binatikos ng pulitiko ang pulhan nating kababayan (mga rebelde) 3. Hugasan mo ang putik sa gulong ng kotse. (dumi, nabasang putik) 4. Ang putikan niyang nakaraan ay pilit na itinatago (hindi maganda) 5. Kunin mo ang palakol sa likod ng pinto. (pumutol ng kahoy) 6. Nakakatuwa ka talaga, puro palakol ang iyong grado ! (bagsak) 7. Madaling kumalat ang liwanag sa probinsya. (kawalang dilim) 8. Bigyan mo ng liwanag ang isip ko. (ipaliwanag) 9. Pahiran mo ng gamiit ang napasong daliri. (nadarang sa init o apoy)

PAHINA 37

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK 10. Napaso ako sa alindog ni Maria. (naakit, nahalina) C. Ang Pag-uugnay ng mga Salita (Word Association) – hindi lamang kayarian

at gamit ng salita ang dapat bigyang pansin sa pagpapakahulugan ng mga salita.

1.Collection - Pagsasama-sama ng angkop na mga salita upang makabuo ng ibang kahulugan. Halimbawa: Sinasabi nating pusong-bato sa halip na pusong matigas. Matang-lawin sa malilinaw ang paningin sa halip na matang-kuwago. 2.Clustering - Pagbibigay ng iba pang mga salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng naunang salita. Halimbawa:

3. Clining - Pagkilala ng pagkakaugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan ipinahahayag. May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag. Halimbawa: Damdamin: inis – yamot – suklam -- galit Panahon: noon- kamakalawa- ngayon- mamaya- bukas-sa isang buwan

PAHINA 38

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK 4. Level of Formality – Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito. Halimbawa:

5.Classification - Pagpapangkat ng salita ayon sa punong salita o paksa. Halimbawa: PANLASA: matamis, mapakla, mapait, matabang, maalat. KILOS: magaslaw, malikot, mabagal, mabilis, mabini, maharot. PANDINIG: malagong, dagundong, matinis, malambing, maugong. PANINGIN: madilim, malinaw, malabo, maulap.

6.Association/Word Network - Pagbibigay ng mga salita kaugnay sa isang salita o paksa. Halimbawa:

PAHINA 39

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK 7.Gamit ng Diksyunaryo

- isang librong naglalaman ng seleksyon ng mga salita ng isang wika, kalimitang isinaayos nang paalpabeto na nagbibigay-impormasyon, implekasyon atbp. -Ibinibigay din nito ang wastong baybay, wastong gamit, etimolohiya, pagbigkas at uri ng salita. -Nakakatulong din ang disyunaryo sa pagbibigay sa mga mambabasa o manunulat ng mga salitang maaaring magamit upang maipanghalili sa isang palasak na salita.

Tulong upang mas madaling maunawaan ang Kabanata 3, buksan ang link na ito: https://prezi.com/wnr9bm0-57co/kahalagahan-ng-pagpapalawak-ng-bokabularyo/

Eriberto Astorga Jr.et.al,Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc; 2013 Cynthia B. Cruz et. al, Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc;2013 Magdalena O. Jocson et. al., Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, Lorimar Publishing Inc. 2005

PAHINA 40...


Similar Free PDFs