25297271 - Kabanata 1 Epekto ng paglalaro ng Mobile Games PDF

Title 25297271 - Kabanata 1 Epekto ng paglalaro ng Mobile Games
Author Angel Lyn Lucero
Course Business Marketing Management
Institution Biliran Province State University
Pages 35
File Size 466.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 27
Total Views 79

Summary

EPEKTO NG PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS BANG BANG SA NASAKURSONG SIKOLOHIYA NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY-SAN PABLO CITY CAMPUS: BASEHAN SA AKADEMIKONG PERPORMANS NGMGA MAG-AARALIsang Tesis na Iniharap sa Mga Guro ng Kolehiyo ng Sining at Agham Laguna State Polytechnic University San Pablo Ci...


Description

EPEKTO NG PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS BANG BANG SA NASA KURSONG SIKOLOHIYA NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITYSAN PABLO CITY CAMPUS: BASEHAN SA AKADEMIKONG PERPORMANS NG MGA MAG-AARAL

Isang Tesis na Iniharap sa Mga Guro ng Kolehiyo ng Sining at Agham Laguna State Polytechnic University San Pablo City Campus

Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa Pangangailangan Para sa Titulong Batsilyer ng Sining at Agham

Mananaliksik Bautista, Allen Christian Monserrat, Kazumi Santos, Lyndonn Stephen D. Tobias, Aj B.

ABRIL 2019

KABANATA 1 PANIMULA Ang teknolohiya ay kagamitan o instrumento upang mapadali ang buhay ng tao. Tungkulin nito na malutas ang suliranin ng tao. Sinasabing mas nauna ang teknolohiya kaysa agham at inhinyeriya. Sa pag-unlad ng kaisipan ng tao, gayundin ang pag-unlad ng teknolohiya. Ang kompyuter at smartphone ay isa sa mga modernong pagsulong ng teknolohiya. Ang mga teknolohiyang ito ay maraming naitutulong para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao. Kalimitang ginagamit ang mga ito sa komunikasyon at pagpapalaganap ng impormasyon. Maari rin itong gamitin para sa pansariling kaaliwan. Ang mobile games ay isa sa mga halimbawa ng maaring mapag-aliwan gamit ang smartphone. Bagamat maraming magagandang dulot ang mga modernong teknolohiya, mayroon din itong mga masasamang dulot sa tao. Sa kadahilanang ito, napili ng mananaliksik na pag-aralan ang epekto ng mobile game na “Mobile Legends Bang Bang” sa akademikong kakayanan ng mga mag-aaral. KALIGIRAN NG PANANALIKSIK Magkaiba na ang larawan ng kabataan noon sa ngayon. Sa pagdaan ng panahon kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ang mga hilig ng kabataan ay nag-iiba rin. Marami rin namang maituturing na benepisyo ang teknolohiya sa buhay ng tao. Kung noong araw ay kinakailangan pang maghanap ng kalaro sa labas ng bahay upang magkaroon ng kasiyahan, sa makabagong panahon ang kailangan lang gawin ay pindutin ang mga buton sa iyong mobile phone at ikaw ay maaari nang makakita ng kalaro sa kahit saang panig ng daigdig.

Ang application games sa mobile phone at internet ay naging bahagi na ng ating buhay. Para sa karamihan, maayos nilang nababalanse ang paggamit nito pero para sa iba, ito ay nagiging isang malaking problema. Ang paglalaro ng online games tulad ng Mobile Legends Bang Bang, ay nakapagdudulot ng mga negatibong epekto sa kabataan at sa kanilang pag aaral lalong-lalo na sa panahon ngayon. Laganap na ang Online Gaming sa mga mobile phone ngayon. Ang application games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya at nakalilibang ang paglalaro nito at nakalilimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin. Gayunpaman, ito rin ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon. Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang paglalaro ng online games sa mobile phone ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan at ng mapaglilibangan. Maraming mag-aaral ang napaabayaan na ang pag-aaral sa paglalaro ng online games. Ang adiksyon sa mga online games ang nagpapalayo sa mga mag-aaral sa tunay na mundo na kanilang ginagalawan. Ang mundo na dapat lumilinang sa kanilang mga isipan para maging mga propesyonal sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng mga halimbawang hindi nakatutulong sa paghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga sa sobrang adiksyon ay hindi na lubusang natutugunan ang kanilang responsibilidad bilang isang mag aaral at ang mag-aral sa kaayusan. BALANGKAS TEORETIKAL Ang pag-aaral na pinamagatang “Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legends Bang Bang sa Nasa Kursong Sikolohiya ng Laguna State Polytechnic University- San Pablo City Campus: Basehan sa Akademikong Perpormans ng mga Mag-aaral” ay gagamit ng teoryang:

Teoryang Behaviorism o Sikolohiyang Pang-ugali, kilala rin bilang perspektibo sa pagkatuto o pananaw sa pagkatuto, kung saan ang anumang kilos o galaw ay isang ugali, ay isang (pilosopiya ng sikolohiya na nakabatay sa panukala na ang lahat ng mga bagay-bagay na ginagawa ng mga organism kasama na ang pag-arte, pag-iisip, at pagdama ay maaaring ituring at dapat na ituring bilang mga pag-uugali. Ayon sa Sikolohiyang Pang-ugali, ang ugali ay maaaring pag-aralan nang makaagham, na hindi kailangang malaman ang pisyolohiya ng kaganapan, at nang hindi gumagamit ng mga teoriyang katulad ng sa isipan. Ayon sa sikolohiyang pang-ugali, mapagmamasdan at mamamatyagan ang lahat ng mga pag-uugali.

MODELONG/BALANGKAS KONSEPTWAL

Pag-aaralan ng mga mananaliksik kung ano ang mga posibleng maging epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Para maipabatid sa mga magaaral na maaring mabawasan ang pagkahumaling sa paglalaro ng Mobile Legends. Ang pagaaral na ito ay napapaloob sa ilalim ng Teoryang Behaviorism, na nagbigay-diin kung paano nakaaapekto ang pagkahumaling sa paglalaro ng Mobile Legends sa pag-aaral ng mga magaaral at pagbabago sa ugali.

Malayang Varyabol Paglalaro ng Mobile Legends -

Oras

Pag-aaral -

Oras

Di-Malayang Varyabol Akademik na Performans -

GWA

HAYPOTESES Walang makabuluhang epekto ang paglalaro ng Mobile Legends Bang Bang sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral ng kursong Sikolohiya ng Laguna State Polytechnic University – San Pablo City Campus. Walang makabuluhang kaugnayan ang paglalaro ng Mobile Legends Bang Bang sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral ng kursong Sikolohiya ng Laguna State Polytechnic University – San Pablo City Campus.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN 1. Naapektuhan ba ng paglalaro ng Mobile Legends ang akademikong perpormans ng mga mag-aaral ng kursong Sikolohiya sa LSPU-SPCC 2. Anu-ano ang mga naidudulot sa mga mag-aaral ng kursong Sikolohiya sa LSPUSPCC sa paglalaro ng Mobile Legends Bang Bang? 2.1

Positibong naidudulot ng Mobile Legends Bang Bang sa mga mag-aaral

2.2

Negatibong naidudulot ng Mobile Legends Bang Bang sa mga mag-aaral

3. Paano mababalanse ang pag-aaral at paglalaro ng Mobile Legends?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang kahalagahan ng pag-aaral ay upang makapagbigay ng tamang impormasyon hindi lamang sa mag-aaral at mananaliksik kundi pati na sa mga guro at magulang ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral ay makatutulong upang lubusan maunawaan ang epekto ng mobile game na “Mobile Legends Bang Bang”. Ang mga impormasyon na makakalap ay maaring maging gabay sa magulang at mag-aaral na naglalaro nito.

SAKLAW AT LIMITASYON Ang pananaliksik ay sumasakop sa mga mag-aaral na nasa kursong Sikolohiya ng Laguna State Polytechnic University – San Pablo City Campus na naglalaro ng “Mobile Legends Bang Bang”. Ang tagatugon ay pinili gamit ang purposive sampling technique. Pinili ng mga mananaliksik ang mga mga-aaral sa kursong Sikolohiya dahil napapansin ng mga mananaliksik na marami ang mahilig maglaro ng Mobile Legends sa kursong ito. Ang mga kalahok ay lilimitahan lamang sa bilang na tatlumpo (30). KATUTURAN NG MGA TERMINO Ang bawat termino na mababanggit ay mapapaloob sa aming pananaliksik. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang maunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan at upang mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga diksyunaryo, internet, atbp. Teknolohiya

Ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Online game

isang laro ng libangan sa ilang uri ng computer network. Ito ay halos

palaging

gumagamit

ng Internet o

katumbas

na

teknolohiya, at kung anong teknolohiya ang mayroon: modem bago ang Internet, at hard wired terminal bago ang modem. Internet

ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.

Computer Network

isang

koleksiyon

mga kompyuter na pangkomunikasyon

ng

mga kagamitang

pinag-uugnay upang

ng

mga

makapagbahagi

metal at kanal ng

na mga

mapagkukunan at impormasyon. Kompyuter (Computer)

Isang aparato na nagmamanipula ng mga impomasyon at nagbibigay ng resulta batay sa lohikal na program o proseso.

Gamer

Mga tao na naglalaro ng mga electronic o video games ng regular. May malalim na kaalaman sa isa o higit pang uri ng laro.

Download

Ang proseso ng pagkuha ng isang dokumento na nang galing sa Internet at pag-save nito sa iyong kompyuter na maaari nang gamitin sa ibang pamamaraan.

KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga babasahin na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito. Kaugnay na Literatura Mobile Gaming Ayon sa isang artikulo na pinamagatang “The Best Games for Your Smartphone” ang mobile gaming ang may pinakamalaking bahagdan sa merkado ng video gaming ng taong 2018. Ang uri ng paglalaro na ito ay pinakamabisa sapagkat maaari mo itong gawin kahit saan hanggang mayroon kang mobile device o cellphone. Ang mobile gaming ay isang gawain na masasabing portable o madaling bitbitin o dalhin dahil nga ito ay isinasagawa sa cellphone na palaging hawak at kasa-kasama ng tao. Ito ang nangunguna na plataporma ng mga laro ngayon kaysa sa mga PC at Consoles. Kung titingnang mabuti, ang mga mobile games ay kasangkot sa kasaysayan ng mga cellphones. Sa simula ay nakikita lamang ang mga ito bilang isang karaniwang libangan gaya ng Angry Birds, Plants vs Zombies, Fruit Ninja, and Temple Run na pampalipas-oras lamang. Ang mga mobile games ay hindi nilalaro ng matindi, hindi gaya ng mga PC o Console noon at ilang taon pa bago maging higit sa pampalipas-oras ang mga ito. Ang mobile gaming ay nagkaroon ng pagtaas sa kita at kasikatan taong 2018. (Estacio, 2018) Sa pag-angat ng antas at kalagayan ng teknolohiya sa panahon na ito, ang mobile gaming ay mas naging malakas at mas nagagawa ng marami na humantong sa pangunguna nito sa uring online gaming at hindi lang dahil ang mga mobile games ay madaling laruin pero ang gastos na magagawa mo ay mas mababa kumpara sa mga PC o Console

Mobile Games Ang online games ay isang laro na gumagamit ng iba’t ibang uri ng computer network. Isang uri ng online game ang mobile games. Madalas na ginagamit dito ang internet o kahit anong pang katumbas na teknolohiya. Maraming mga online games (mobile) ang may online na komunidad, na nagiging paraan ng pakikisalamuha sa ibang tao na kabaligtaran kung solong naglalaro. Ang pagpapalawak ng online gaming ay sumasalamin sa pangkalahatang pag-unlad ng mga network na computer mula sa maliit na lokal na network sa internet hanggang sa paglago sa pagkonekta sa internet mismo. (Agosto, 2011) Ang mobile games ay mga laro na dinisenyo para sa mga mobile devices, tulad ng mga smartphones, feature phones, pocket PCs, personal digital assistant (PDA), tablet PCs at media players. Ang mobile games ay sinasaklawan mula karaniwan hanggang sa sopistikadong mga laro. Ang mga mobile phones ngayon, lalo na ang mga smartphones ay mayroong malawak na saklaw pagdating sa tinatawag na tampok ng pagkakakonekta (connectivity features), kasama rito ay ang infrared, Bluetooth, Wi-FI at 3G. Ang mga teknolohiyang ito ay nangangasiwa ng wireless multiplayer games na mayroong dalawa o mas marami pang users. Maraming tumatangkilik sa mga ganitong produkto sapagkat ito ay madaming kayang gawin. Karamihan sa mga tao ngayon ay palaging gustong maglaro ng mga online games upang magsaya kahit mag-isa silang naglalaro o may kasamang mga kaibigan, sa isang uri ng online games na tinatawag na Multi-player Online Battle Arena o MOBA ay sigurado na mapapalaro ang tao ng ilang oras. Ang MOBA ay unang nilaro sa mga PC at maraming manlalaro ang nakita ito bilang mabisang panukat ng kakayahan ng isang tunay na manlalaro pagdating sa bilis ng reaksyon, kritikal nap ag-iisip at mga istratehiya para maipanalo ang laro. Gayunpaman, sinusukat nito ang pagka-isports ng isang manlalaro. Noon habang

nagpapalipas-oras maglaro sa mga PC, may mga henyo na nakapag-isip na ilabas ang MOBA sa mga mobile devices. Ito ang tuluyang nagpabago sa kung paano maglaro ang mga manlalaro ngayon, mula online games sa PC na naging mobile gaming na sa mga cellphones. (Aragon, 2017) Mobile Legends: Bang Bang Ang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) ay isang sikat na laro na kilala sa mga manlalaro nito na interesado sa paglalaro ng Multiplayer Online Battle Arena (MOBA). Ang MLBB ay isang uri ng larong MOBA na ginawa at binuo ng Montoon, na inilabas ng Nobyembre ng taong 2016 sa Pilipinas. Ito ay sadyang dinisenyo na laruin sa mga mobile phones na maaari ring laruin sa PC gamit ang Android or IOS emulator. Katulad nito ang iba pang larong MOBA gaya ng DOTA 2 at League Of Legends. Ayon sa akda ni Migs Lopez na pinamagatang “On The Know: Mobile Legends: Bang Bang”, isa sa masasabing sanhi ng pagtangkilik ng mga manlalaro sa Mobile Legends ay dahil sa pagkakahalintulad nito sa mga nasabing ibang larong MOBA. (DOTA 2 at League Of Legends) Ayon sa prioridata.com, ang Mobile Legends: Bang Bang ay mayroong 31.60 na milyong download, may kita na lagpas sa 5.30 milyon na dolyar at sa Pilipinas naman ay may pinakamaraming bilang ng downloads na may 938.70 na libong user-downloads. Masasabi na ito ay dahil sa mga maayos na smartphones na nasa pamilihan sa bansa at sa aktibong paggamit ng mobile phone kahit saan. Sa kasalukuyan, ang mobile game na ito ay libre na maidownload sa mga cellphones. Ang laro na ito ay hinahayaan ang manlalaro na kontrolin at pagalawin ang karakter na gusto nila na ilaban sa labanan. May isang layunin ang mga manlalaro at ito ay ang wasakin ang base ng kanilang mga kalaban. Ang isang maganda sa larong ito ay nagbibigay-daan upang mabilis na makipagkomunikasyon sa mga kaibigan na naglalaro din ng larong ito. Ang

Mobile Legends ay maaaring laruin sa mga mobile phones, isang devices na na maaaring magkasya sa mga bulsa ng isang pantalon. Ito ay nagbibigay puwang at nagpapamadali sa tao na ilabas ang kanilang mobile devices. (Aragon, 2017) Mobile Legends: Bang Bang ay isa sa mga esport titles na kasali sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games na paghahandaan ng Pilipinas. Ang larong ito ay sikat sa bansa at sa iba na ring bansa sa SEA. Ang pagiging libre nitong laruin para sa kahit sinong gumagamit ng mga mobile devices and nagbigay-daan para makapasok ito bilang isang medal sports kumpara sa ibang esports. Kalimitan ng mga manlalaro sa Pilipunas at sa SEA ay naglalaro sa mga internet shops dahil mas abot-kaya ang paggamit ng mga ito kumpata sa pagbili at pagpapanatili ng sariling computer. Dahil pedeng laruin ang Mobile Legends kahit saan gamit ang mga cellphones ay hindi nakakapagtaka na sumikat ito sa buong rehiyon. Epekto ng Paglalaro Sa akda ni De Castro, 2012 na pinamagatang “Computer Games: Nakakatulong ba o nakakasira sa pag-aaral?”, tinutukoy na ang computer games ay nagdudulot ng pagkasugapa o adiksyon sa mga bata. Dahil sa sobrang pagkasugapa ng mga bata sa computer games nakakalimutan nila ang dapat nilang gawin sa araw na iyon at nasasayang lang ang kanilang oras sa paggugol doon imbes na bigyang pansin ang mga makabuluhang bagay katulad na lang ng pag-aaral at pakikisalamuha sa iba. Sinabi din na ang computer games ay nagdudulot ng pagka-adiksyon sa mga batang mag-aaral. Dahil sa pagkahumaling ng mga bata, kinakalimutan na nila ang mga bagay na kailangan gawin tulad na lamang ng pag-aaral. Mas binibigyan pa ng pansin ang paglalaro ng computer games. Masasabing nakakasira sa pagaaral ang paglalaro ng online games.

Ang pag-aaral ng mga mananalik at maihahalintulad sa pag-aaral na ginawa ng awtor sapagkat magkaiba ang pinatutunguhan nito. Kung sa akda ay ang epekto sa kanilang pagaaral, ang sa mga mananaliksik naman ay epekto sa kanilang aspetong sosyal. Sa akda ni McGraw, 2009 na pinamagatang “Exploiting Online Games: Cheating massively distributed systems” tinutukoy na milyun-milyong katao ang gumagamit ng online games sa iba’t ibang panig at dako ng mundo kada araw. Isang napakagandang negosyo ang online games dahil nga sa milyung-milyong tao nga ang gumamit nito, siguradong milyunmilyon ang kita lalo na kung sikat ang nagawang laro. Tinutukoy din ditto ang mga malawakang pandaraya sa mundo ng online games. At sa pananaliksik na ginawa ni Bhandary, 2010 na pinamagatang “Net, Online Games Have Kids Hooked”, tinutukoy na maraming kabuuan ngayon ang nagiging tamad dahil sa paglalaro ng online games, nagiging tamad na rin silang mag-aral o tumulong sa mga gawing bahay. Bumababa na rin ang kanilang mga grado dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang online games. Kaugnay na Pag-aaral Ayon sa jepoy.info, simula pa noong dekada `90, marami nang pag-aaral tungkol sa epekto ng computer gaming ang isinagawa ng ilang grupo, indibidwal, institusyon at pamahalaan sa iba’t ibang bansa partikular na ang Estados Unidos. Marami na ring nailathalang libro, artikulo sa pahayagan, internet at journal tungkol sa mga posibleng epekto ng computer games. Sa Estados Unidos, naging isang malaking problema ang computer games dahil sa epekto na katulad din sa nagaganap sa Pilipinas. Ayon sa isang ulat ni Rafael Cabredo, isang Faculty sa De La Salle, nagsisimulang maglaro ang isang bata sa America sa edad na 6 at ang average na edad ng mga naglalaro ay dalawampu’t-siyam (29). Hindi pa

tiyak ang istatistikang ganito sa Pilipinas, subalit maaaring pareho ang mga pigura o kung hindi man ay hindi rin nalalayo.(jepoy.info) Isa sa pinakamalalaking pananaliksik na ginawa ay ang pag-aaral ni Nicolas Yee, Ph.D. ng Communications Department ng Stanford University. Nagsimula ang kanyang pangangalap ng impormasyon noong taong 1999 at inilabas ang kanyang mga findings sa isang website na tinawag niyang The Daedalus Project. Ayon kay Yee, may iba’t ibang dahilan ang mga naglalaro ng computer games. Nagawa niyang i-grupo ang mga dahilang ito sa lima at ito ayang mga sumusunod: achievement, socialization, immersion, vent/escape at competition. Lumabas din sa kanyang pag-aaral na ang kadalasang naglalaro ng computer games partikular na ang online games ay ang mga mag-aaral mula labintatlo hanggang labimpitong (13 – 17) taong gulang. Ipinakita sa kanyang pag-aaral na ang karamihan sa mga ito ay gumugugol ng sampu hanggang dalawampung (10 – 20) oras ng paglalaro sa isang linggo. (jepoy.info) Ayon pa rin sa kanyang pag-aaral habang ang isang lalaki ay tumatanda at nagkakapropesyon, nawawala at naiisang tabi ang paglalaro ng computer. Kahalintulad ng nakita ni Nick Yee sa kanyang pag-aaral, napansin din ng mga mananaliksik na higit na mas marami ang mga lalaking naglalaro ng computergames kaysa sa mga babae. (jepoy.info) Sa kanyang pag-aaral sa edukasyunal na epekto ng computer games, lumabas na karamihan sa mga respondents ay masasabing nalinang ang kakayahan sa larangang sosyal, sikolohikal, teknikal at leadership. Sa isang bahagi ng kanyang report, ito ang ipinahayag ni Yee na maaaring gamitin ang Online Computer Game upang masukat ang kakayahan ng isang taong nag-aapply sa isang posisyon na nangangailangan ng pamamahala. (jepoy.info) “Ang mga MMOGs (Massive Multiplayer Online Games) ay maaaring, at dapat na binibigyang konsiderasyon bilang isang medium o instrumenting panlinang sa kumplikadong

sosyal na kaalaman. Isang halimbawa, sa isangpagsasanay, maaaring magamit ang MMOGs upang masala ang mga aplikante. Sa halip na bigyan ang mga aplikante ng Critical Behavioral (CBI) Questions, maaaring obserbahan ang mga ito sa kung ano ang mga hakbang na gagawin saisang kritikal sitwasyon sa isang grupo. Makapagbibigay ito ng mas mabutingpagsusuri at pagtitimbang sa aplikante kaysa sa mga CBI questions kung saanang mga aplikante ay maaaring makapaghanda ng mga sagot” (jepoy.info) Inihayag naman ni Khalid Al Mubireek (2003) sa kanyang thesis sa Graduate School ng Ohio State University ang mga katangian ng isang 12 educational computer game at inihambing ito sa isang pangkaraniwang computer game. Ayon sa kanya, ang Educational ...


Similar Free PDFs