Lesson Plan o Banghay Aralin PDF

Title Lesson Plan o Banghay Aralin
Course Filipino
Institution Bulacan State University
Pages 5
File Size 224.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 300
Total Views 379

Summary

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINOI. Layunin Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral ay: a. maunawaan ang paksa sa tulong ng masuring pagbasa; b. natutukoy ang simbolo ng Bapor Tabo; c. nakakapagbigay ng saloobin hinggil sa kalagayan mula sa nakaraan at kasalukuyan patungkol sa is...


Description

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I.

Layunin Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral ay: a. maunawaan ang paksa sa tulong ng masuring pagbasa; b. natutukoy ang simbolo ng Bapor Tabo; c. nakakapagbigay ng saloobin hinggil sa kalagayan mula sa nakaraan at kasalukuyan patungkol sa isyung panlipunan;

II.

Paksang-aralin a. Paksa: Kabanata 1 “Sa Kubyerta” ni Jose Rizal (El Filibusterismo) Pagbasa ng Panitikan. b. Sanggunian: Binagong Edisyon: El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal, pahina 1-6 c. Kagamitan: Telebisyon, PowerPoint, Speaker

III.

Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagbati at pagtawag sa mag-aaral para sa isang panalangin. 2. Pagsasaayos ng upuan, lamesa, atb. 3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase. Guro: Magandang araw! Tayo’y tumayo at maglaan ng isang panalangin para sa araw na ito. Pangunahaan mo _________ (Panggalan ng isang mag-aaral). Ayusin ang mga upuan at pulutin ang mga makikitang kalat sa inyong paligid. B. Pagganyak Pagsagot sa pamukaw na aktibidad. Guro: Ako ay magpapakita ng iilang larawan. Sa bawat larawan ay may “Jumbled letters” na inyong aayusin upang mabuo ang salita na may kinalaman sa ating tatalakayin. Ang siyang mauna sa pagtaas ng kamay ang maaaring sumagot at bawat tamang sagot ay may katumbas na tatlong puntos.

C. Pagtalakay  Estratehiya/Teknik sa Pagtalakay: Pagpapakita ng bidyo, Ugnayang Tanong-Sagot, Pinatnubayang Pagbasa (Direct Reading) Guro: Suriin natin ng maigi ang nilalaman ng kabanata. Bawat 2-3 talata ay ihihinto ko ang bidyo upang hingiin ang inyong pagkakaunawa sa inyong nabasa bilang patnubay sa inyong pagsuri.

Gabay na Tanong: 1. Sino-sino ang pangunahing tauhan? Ilarawan ang kanilang katangian. 2. Saan ang pangunahing tagpuan? 3. Ilarawan ang mga pangkat-pangkat na sakay ng Bapor Tabo. 4. Tungkol saan ang usapin nina Simoun, Padre Salvi, Ben Zayb, at Don Custodio? Ano ang naging mungkahing lunas sa problema ng bawat isa? 5. Ano ang simbolo na maaaring inilalahad ng Bapor Tabo? Magbigay ng partikular na katangian ng bapor ang nagsisilbing simbolo. Pagbibigay ng kaugnay na tanong: 

Mula sa inyong suri sa mga simbolo ng Bapor Tabo, ano sa tingin niyo ang kaugnayan nito sa memes na ito?

D. Paglalahat  Sa iyong palagay, mayroon bang kaugnayan ang mga simbolo ng Bapor Tabo sa kasalukuyan? Oo o hindi. Ipaliwanag.  Noong nabubuhay pa si Rizal, ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit mas pinili niyang gamitin bilang sandata ang pagbasa at pagsulat kaysa sa marahas na pakikipaglaban?

E. Paglalapat Guro: Gumawa ng maikling sanaysay na hindi bababa sa isang talata at hindi lalagpas sa tatlong talata. Tiyakin na nakaayon ang inyong gawa sa ating paksa. Maaari niyong gamitin ang batayan ng pagmamarka sa inyong pagsulat. Pagsulat ng Maikling Sanaysay Panuto: Suriin ang nais iparating ng paksa at ihambing sa mga kasalukuyang nagaganap sa lipunan. “Ang sakay ng bapor Tabo ay pangkat-pangkat. Sa ilalim ng kubyerta ay naroon ang mga Indiyo, Instik, at mga mestizo. Nasa itaas naman ng kubyerta ay ang mga manlalakbay na nakasuotEuropeo, mga prayle at mga opisyal na nakaupo sa mga malalambot na upuan na nasisiyahang pinagmamasdan ang mga magandang tanawin.” Batayan ng Pagmamarka

IV.

Kategorya

Kahanga-hanga 20-18 puntos

Mahusay 17-14 puntos

Introduksyon at Nilalaman

Nakapanghihika yat ang introduksyon. Malinaw at makabuluhang nakalahad ang paksa.

Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa. Malinaw ang pagbabahagi ng ideya.

Organisasyon

Mahusay ang pagkakasunodsunod ng ideya sa kabuuan ng talata. Matibay ang paglalahad ng paksa mula panimula hanggang konklusyon. Naisuma ng mahusay at tiyak ang sanaysay ayon sa pagkabuuang kaisipan/mensa he.

Maayos ang organisasyon sa pagkakabuo ng talata na may angkop at sapat na ideya mula sa simula at kongklusyon.

Konklusyon

Naisuma ng tiyak ang sanaysay ayon sa pagkabuuang kaisipan/mensahe.

2 puntos 1 puntos 13-10 puntos 9-pababa na puntos Nakalahad Hindi sa malinaw ang introduksyon introduksyon ang at walang pangunahing diwa ang paksa ngunit nilalaman. hindi sapat ang pagpapaliwa nag ukol dito. Maayos ang Hindi organisasyon maayos ang sa organisasyo pagkakabuo n ng mga ng talata ideya at ngunit hindi walang ganap na panimula at nadebelop ang ideya. kongklusyon . Katamtaman g naisuma ang sanaysay ayon sa kaisipan/men sahe.

Hindi naisuma ng buo ang sanaysay.

Pagtataya Guro: Para sa ating pagtataya, isulat ito sa inyong kwaderno bago sagutan. A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod. Pillin sa kahon ang angkop na sagot at isulat ito sa patlang.

Simoun

Bilanggo

Don Custodio

Bapor

Ibabaw

Padre Salvi

Don Tiburcio

Indiyo

Donya Victorina

Bapor Tabo

Opisyal

Prayle

Kapitan

Ilalim

Kubyerta

1. Ang mga _______ ang nasa itaas ng kubyerta na nasisiyahang pagmasdan ang tanawin at nakaupo sa malalambot na upuan. 2. Ayon kay Simoun, ang mga _________ ang gagamitin para sa ikakaayos ng daan ng Ilog Pasig na hindi na kailangan pang bayaran o gumugol ng malaking halaga. 3. Kung aalisin ang makakapal na kolerete kay _______ ay lalabas din ang kaniyang pagiging Indiyo. 4. Buhat ng masamang pag-uugali ni Donya Victorina, naisip niyang bibilis ang takbo ng Bapor Tabo kung walang ________ sa ilog o buong daigdig. 5. Si ________ ang mayamang mag-aalahas na isang matipuno, mataas, maitim ang balat na nakasuot ng damit Ingles. 6. Ang ________ ay nagbubuga ng maiitim at makakapal na usok patungong Laguna sakay ang mga opisyal, prayle, indiyo at marami pang iba. 7. Hindi sang-ayon si _______ sa anumang desisyon o suhestiyon ni Simoun. 8. Sa _______ ng kubyerta nagsisiksikan ang mga Indiyo. 9. Sinisikap ng _______ na iwasan ang mga balakid sa liku-likong daan ng Ilog Pasig. 10.Ang mga _______ ay kabilang sa nasa itaas ng kubyerta.

V.

Takdang-aralin Basahin at suriin nang maigi ang ikalawang kabanata ng El Filibusterismo. Maghanda ng repleksyon/pagninilay sa mga natutuhan mula sa binasa. Pagtuunan ng pansin ang pag-uusap nina Isagani, Basilio at Simoun....


Similar Free PDFs