Metodolohiya - filipino PDF

Title Metodolohiya - filipino
Author Grace Joy Labayne
Course Accountancy
Institution National University Philippines
Pages 6
File Size 166.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 89
Total Views 135

Summary

filipino...


Description

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa bisa ng paggamit ng wikang Filipino sa TV advertisement sa pagkamit ng mataas na benta sa negosyo. A. DISENYO NG PANANALIKSIK Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng eksperimental na metodolohiya ng pananaliksik. True experimental research design ang napiling uri ng eksperimental na metodolohiya ng mga mananaliksik. Ito ay kung saan nakasalalay sa statistical analysis ang mga datos upang pabulaan ang haypotesis at itinuturing na pinakawastong disenyo. Nagsagawa ng pre-test-post-test-only design ang mga mananaliksik kung saan nagpasagot ng palatanungan na tinatawag na pre-test sa respondente bago sila manood ng advertisement. Ito ay naglalaman ng mga tanong ukol sa karakter ng konsyumer, bisa ng wikang Filipino sa advertisement at komparatibo ng wikang Filipino sa wikang Ingles. Pagkatapos masagutan ang pre-test ay may ipinapanood ang mananaliksik na isang Filipino advertisement upang masagutan ang post-test na naglalaman ng mga tanong kung gaano kaepektibo ang wikang Filipino sa napanood na advertisement. Ang eksperimental na disenyo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananalisksik.

B. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang “Bisa ng Paggamit ng Wikang Filipino sa TV Advertisement sa Pagkamit ng Mataas na Benta

sa Negosyo” ginamit ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral mula sa College of Business and Accountancy ng National University – Manila na may edad dalawapu (20) at dalawapu’t isa (21). Malayang pumili ang mananaliksik nang dalawampu (20) mag-aaral na maaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang pre-test at ang post-test. Ang survey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung sa papaanong paraan nagiging epektibo ang wikang Filipino sa advertisement. Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

Pangalan : ___________________________________ Edad:

I.

___________________________________

Pre-test Questionnaire

A. (Demographic) Karakter ng Konsyumer na nakakaapekto sa pagkonsumo ng produkto

Oo

Hindi

1. Isa ka bang uri ng konsyumer kung saan ikaw ay nakabase sa kalidad ng produkto o serbisyo? 2. Nakakaapekto ba ang mga komersyal o advertisement sa pagkonsumo mo ng produkto o serbisyo? 3. Nahihikayat ka bang bumili dahil popularidad ng produkto at serbisyo? 4. Nagiging factor ba ang presyo ng produkto ng serbisyo sa iyong pagkonsumo?

B. Bisa ng wikang Filipino sa advertisement Higit na Epektibo 1. Pagpapahatid ng mensahe ng isang komersyal o advertisement gamit ang wikang Filipino? 2. Familiarization sa produkto o serbisyo sa paggamit ng wikang Filipino sa advertisement 3. Paggamit ng Slogan sa wikang Filipino 4. Paghikayat na bumili ng produkto o serbisyo kapag wikang Filipino ang gamit sa advertisement 5. Kalidad ng produkto o serbisyo sa paggamit ng wikang Filipino sa advertisement

Epektibo

Neutral

Hindi epektibo

Walang epekto

6. Pagtaas ng benta ng negosyo sa paggamit ng wikang Filipino sa advertisement

C. Komparatibo ng wikang Filipino sa wikang Ingles sa Advertisement Wikang Filipino

Wikang ingles

1. Anong wika ang mas madali mong maintindihan na ginagamit sa advertisement? 2. Anong wika ang mas naeenganyo ka kapag nabasa, narinig o napanood mo ito sa advertisement? 3. Anong wika sa advertisement ang madalas mong napapanood sa telebisyon? 4. Anong wika ang higit na epektibo sa paraang visual na paggamit sa advertisement ? 5. Anong wika ang higit na epektibo sa paraang audio na paggamit sa advertisement? II.

Post-Test Questionnaire

Sagutan ang mga sumusunod batay sa komersiyal o advertisement ng Nescafe na napanood.

Higit na Epektibo

Epektibo

Neutral

Hindi epektibo

Walang epekto

1. Gaano ka-epektibo ang paggamit ng wikang Filipino sa pagpapahatid ng mensahe sa advertisement na napanood? 2. Epektibo ba ang paggamit ng “Babangon tayo, susulong tayo” na slogan na nasa wikang Filipino? 3. Kung ang advertisement ay isasalin sa wikang Ingles, mas magiging epektibo rin ba ito sayo bilang isang konsyumer? 4. Batay sa napanood, naging epektibo ba ang advertisement na mahikayat kang bumili ng kanilang produkto? 5. Epektibo ba ang paggamit ng audio advertisement na nasa wikang Filipino upang ikaw ay maging pamilyar sa kanilang produkto?

D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS Ang mananaliksik ay kumalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng internet at social media upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pagaaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos. Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng survey gamit ang Google Forms at ito ay pinasagutan sa mga respondente sa pamamagitan ng pagpapadala sa social media ng mga mag-aaral.

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Enero hanggang sa Pebrero ng taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay sinagawa ng isang linggo para mas mabigyan ng oras ang mga respondente dahil ang iba ay nagkakaroon ng hadlang sa pagsagot dahil sa internet.

E. ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gagamit ng graphical na presentasyon ang mga mananaliksik upang ipresenta ang mga datos kung saan gagamit ng mga visual na presentasyong kumakatawan sa mga variable. Napili ito ng mga mananaliksik dahil mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod at nakaayos ang mga datos gamit ang iba’t ibang uri ng graphs upang talakayin ang nagging resulta. Ang paggamit ng graphs ay ang pinakamabilis na maintindihan ng mga mambabasa kaya mas higit na epektibo ang graphical na presentasyon upang matalakay ang resulta ng isinagawang survey....


Similar Free PDFs