Modular distance learning: Epekto sa komprehensyon ng mga sekondaryang mag-aaral PDF

Title Modular distance learning: Epekto sa komprehensyon ng mga sekondaryang mag-aaral
Author Charish Mae Cordovero
Course MaED Filipino
Institution Western Mindanao State University
Pages 46
File Size 426.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 22
Total Views 201

Summary

KABANATA IPANIMULASanligan ng Pag-aaralSa pagpasok ng pandemya, hindi maiaalis ang pangamba na dulot ng Covid-19. Maraming pagsubok ang ating naranasan subalit ito ay hindi na naging hadlang sa pagyakap natin sa “Bagong Normal na Edukasyon.” Napakalaking hamon ang dala ng Covid-19 sa larangan ng edu...


Description

KABANATA I

PANIMULA

Sanligan ng Pag-aaral

Sa pagpasok ng pandemya, hindi maiaalis ang pangamba na dulot ng Covid-19. Maraming pagsubok ang ating naranasan subalit ito ay hindi na naging hadlang sa pagyakap natin sa “Bagong Normal na Edukasyon.” Napakalaking hamon ang dala ng Covid-19 sa larangan ng edukasyon at kinakailangang maging handa ang mga guro sa anomang pagbabago sa edukasyon. Kinakailangang maiangkop ng mga guro maging ng mga mag-aaral at magulang ang kanilang mga sarili sa “bagong normal” Maraming pamamaraan ang inilunsad upang patuloy pa ring makapag-aral ang mga bata. Kabilang na riyan ang modular printed o maaaring digital.

Ang pagbibigay ng mahusay na edukasyon ay ipinagpatuloy sa kabila ng pandemya sa pamamagitan ng Learning Continuity Plan o LCP. Ito ang solusyon ng DepEd upang ipagpatuloy ang paghatid ng edukasyon sa mga mag-aaral. Ang LCP ay binatay sa DepEd Order No. 012 (2020). Ang Learning Continuity Plan o LCP ng DepEd ay ginagabayan ng mga 1

prinsipyo na; una, protektahan ang kalusugan ng mag-aaral, guro, at ibang mga kawani, at iwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19. Pangalawa, ipagpatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan na ginawa na pagbabago sa K-12 Curriculum, pagsasaayos

ng mga

kagamitang

pampagkatuto, pagsagawa ng iba’t ibang learning delivery modalities, pagbibigay ng training sa mga guro at namamahala sa paaralan, at pagsagawa ng oryentasyon sa mga magulang at mag-aaral. Pangatlo, pagtiyak sa kaligtasan ng mga guro, mga kawani at mag-aaral sa muling pagpapatuloy ng pag-aaral na sumusunod sa derektiba ng DOH at IATF (DepEd LCP, 2020).

Malinaw na ang distance learning ang magiging susi upang ipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral ayon sa Learning Continuity Plan ng DepEd. Mayroong iba’t ibang uri ng distance learning. Ang mga ginamit na uri ay modular-printed, modular-digital, online, blended at iba pang distance learning. Kaakibat din nito ay naglunsad ng radio-broadcast instruction at tv-broadcast instruction bilang supplementaryong pagtuturo (DepEdLCP, 2020). Ayon sa Learner Enrollment and Survey Tagging Facility o LESF na binuo ng DepEd. Ang gusto ng magulang na uri ng distance learning ay ang modular 8.8 milyon magulang ang nagsabi gusto nila ito. Sinundan ng blended 3.9 milyon, Online 3.8 milyon, educational Tv 1.4 milyon at radio-based 900 libo (DepEd, 2020). Makikita sa datos na modular ang pinakagustong gamitin ng magulang sa mga uri ng learning modalities (DepEd,2020). 2

Ang modular distance learning ay paggamit ng modyul na maaaring nakalimbag o digital na kopya ang ibibigay sa mag-aaral (DepEd LCP, 2020). Hindi kailangan ng mag-aaral ng internet o gadget (DepEd Undersecretary Malaluan,2020). Ang modyul na ginamit ay isang uri ng self-learning module.

Ang pagbabago ng sistema ng edukasyon o paggamit ng distance learning ay posibleng makaapekto sa karanasan ng pagkatuto ng mag-aaral. Bagama’t ginagamit na ito ng DepEd para sa ALS at open high school program. Ngunit, ang karamihan sa mag-aaral at guro ay bago ang distance learning. Ang pagtuturo gamit ang iba’t ibang pamamaraan ay may epekto sa pagkatuto ng mag-aaral (Naseri, 2014). Kung ating susuriin, may mga suliranin ang pagpapalit mula sa face-to-face papunta sa distance learning. Ang distance learning tulad ng MDL ay mayroong suliranin, halimbawa nito ay ang ALS na gumagamit ng MDL. Ayon sa World Bank Education na ang mababang partisipasyon (enrollee) at passing rates sa ALS ay indikasyon na ang programa ay hindi masyadong epektibo.

Sa panahon ng bagong normal ay mas maraming mga mag-aaral ang

nahihirapang

umunawa

ng

aralin.

Sila

ay

nakararanas

ng

komplikadong pag- unawa sa mga teksto. Nagkakaroon sila ng kahirapan sa pag-aanalisa sa mga susing salita at hindi nila alam kung anong 3

kahulugan ng nasabing salita. Maaaring nakakasagabal din ang kanilang pamumuhay sa pagtamasa nila ng sapat na kaalaman sa pag aanalisa ng iba’t ibang uri ng teksto. Marami sa kanila ang nahihirapan sa pagsusuri ng konteksto ng teksto sapagkat hindi

sapat

ang

kaalaman

sa

bokubularyo at gramatika na bumubuo sa isang teksto at isa sa tinukoy na dahilan ay ang kakulangan ng gabay at pagtuturo ng mga guro maging ng mga magulang sa panahon ng bagong normal.

Ayon kay Snow (2003), ang komprehensyon ay isang proseso nang magkasabay na paghalaw at pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon at pakikipagugnayan sa lenggwaheng nakasulat. Ginamit ang mga salitang paghalaw at pagbuo upang bigyang-diin ang parehas na kahalagahan at kakapusan ng teksto bilang resulta ng pagunawa sa binasa. Ayon pa rin sa kanya, na hindi lamang nakasalalay sa teksto, o sa mga aklat ang paglinang ng kasanayan sa pagbabasa kundi sa karanasan ng mambabasa. Kahit pa

nasa bagong henerasyon na ang mga

mambabasa, mayroon pa rin ang nahihirapan magbasa. Nahihirapan silang tumuklas at magproseso ng mga kahulugang kinakatawan ng mga simbolong nakalimbag sa bawat pahina ng aklat.

Para kay Buban (2005), ang proseso ng pagbabasa at pagunawa

na

nakapaloob

sa

akdang

pampanitikan

ay

may

tatlong

elementong kasangkot. Una, mambabasa na siyang umuunawa sa binasa, kasama dito ang lahat ng kanyang kakayahan, kaalaman at karanasan. 4

Ikalawa, ang teksto na inuunawa ang anumang nakalimbag o electronic texts at ang

ikatlo ay

ang pantulong na gawain

na bahagi ng

komprehensyon na tumutukoy sa layunin ng may-akda, mga prosesong kanyang ginamit, at maaaring kahihinatnan ng gawaing kaugnay ng pagbabasa.

Sa kabilang dako, ang isa sa mga paaralang seondarya sa distrito ng Tagasilay ay gumagamit din ng modular-printed bilang learning modality at batay sa obserbasyon ng mananaliksik ukol sa resulta ng pagtatasa ay kapansin-pansin ang mababang antas ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral. Hindi lubos maunawaan ng mga magaaral ang aralin dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Kaya naman nais tukuyin ng

mananaliksik

kung

mayroon

bang

kaugnayan

ang

antas

ng

komprehensiyon ng mga mag-aaral kung ang baryabol ay papangkatin ayon sa Unang Wika, kasarian, katayuan sa buhay (SES).

Ang mga obserbasyong ito ang siyang nag-udyok sa mananaliksik upang alamin ang naging epekto ng modular distance learning sa komprehensyon ng mga sekondaryang mag-aaral.

5

1.2

Paglalahad ng Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang epekto ng modular distance learning sa komprehensiyon ng mga mag-aaral.

Upang matugunan ang layuning ito, binuo ng mananaliksik ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang pangkalahatang antas ng komprehensyon ng mga piling sekondaryang mag-aaral? 2. Ano ang antas ng komprehensyon ng mga piling sekondaryang mag-aaral kung ang baryabol sa papangkatin ayon sa: a. Unang Wika b. Kasarian c. Katayuan sa buhay (SES) 3. Mayroon

bang

makabuluhan

pagkakaiba

ang

antas

ng

komprehensyon kung baryabol sa papangkatin ayon sa: a. Unang Wika b. Kasarian c. Katayuan sa buhay (SES) 4. Mayroon

bang

makabuluhang

kaugnayan

ang

antas

komprehensiyon kung baryabol sa papangkatin ayon sa: a. Unang Wika

6

ng

b. Kasarian c. Katayuan sa buhay (SES) 5. Ano ang epekto ng modular distance learning sa komprehensiyon ng mga piling sekondaryang mag-aaral.

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mga Administrador ng Paaralan Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing pananaw sa mga programa at makabuluhang pagpaplano patungkol sa modular learning na maaaring isagawa ng pamunuan upang mabigyang suporta ang mga guro sa pagpapaunlad ng komprehensyon ng mga mag-aaral at malunasan ang mga suliranin ng mga mag-aaral partikular sa komprehensiyon sa pagbasa.

Tagapagbalangkas ng Kurikulum Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga dapat o bigyan ng tuon sa kurikulum upang mapaunlad ang komprehensiyon ng mga mag-aaral at

7

makapagpanukala ng bagong patakaran patungkol sa implementasyon ng Alternative Delivery Modalities.

Mga Guro Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga guro sapagkat ito ay magsisilbing gabay upang malaman ang mga salik na nakakaapekto sa komprehensiyon ng mga mag-aaral na gamit ang Self Learning

Module

at

makapagbigay

ng

alternatibong

solusyon

o

interbensyon upang mapaunlad ang kanilang komprehensiyon sa new normal setting at makapaglalaan ng sapat na oras upang makipagugnayan sa mga mag-aaral at magulang nang sa ganoon ay nalalaman ang estado ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mga Magulang Mahalaga ito sa mga magulang bilang pangunahing tagapagsubaybay ng mga mag-aaral sa new normal setting . Ang pagaaral na ito ay makapagbibigay ng higit na kamalayan at kaalaman ukol sa suliraning kinakaharap ng kanilang mga anak upang matugunan ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga guro.

Mga Mag-aaral 8

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay maglalantad ng kahinaan at kahusayan ng mga mag-aaral na maaaring makatulong sa paglutas ng mga

suliranin

ng

mga

mag-aaral

partikular

sa

kahirapan

sa

komprehensiyon gamit ang modular learning. Makakatulong din ito upang mapaunlad ang kanilang

kakayahan sa

pag -aanalisa

ng

teksto

at

magkaroon ng bagong kaalaman lalo na ang mga salita o bokabularyo na siyang pinakamahalaga sa pag-unawa ng teksto.

Mananaliksik sa Hinaharap Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa sinumang magnanais na magsagawa ng pag-aaral ukol sa komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral.

9

1.3

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral ay sumasaklaw sa pagtukoy sa epekto ng modular distance learning sa komprehensiyon ng mga mag-aaral sa isa sa mga

paaralang sekondarya ng

distrito

ng

Tagasilay, Lungsod

ng

Zamboanga sa taong panuruang 2021-2022.

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga mag-aaral ng baitang pito (7) ng distrito ng Tagasilay na kasalukuyang nag-aaral sa taong panuruan 2021-2022.

Ang instrumentong gagamitin sa pagsukat ng lebel ng komprehensyon ng mga mag-aaral ay ang resulta ng isasagawang Philippine-informal Reading Inventory (Phil-IRI) ni Morris at Gunning (2007) na kagamitan sa pagtataya sa lebel ng pag-unawa sa pagbasa ng mga kalahok na nasa ikapitong baitang. Magsasagawa ng Phil-IRI pretest bago ginamit ang Self Learning Module (SLM). At sa pagtatapos ng taon ay magsasagawa na naman ng Phil-IRI posttest sa mga mag-aaral upang matukoy kung may naging epekto ba ang modular distance learning bilang learning modalities sa kanilang komprehensyon. Isasaalang-alang din sa pag-aaral na ito ang unang wika, kasarian, at katayuan sa buhay (SES) ng mga kalahok bilang mga baryabol ng pag-aaral.

10

KABANATA II TEORETIKAL AT KONSEPTWAL NA LITERATURA

Tinatalakay sa kabanatang ito ang konseptwal na literatura at mga kaugnay na pag-aaral na naging batayan sa pagbuo ng haypotesis gayundin ang pagbibigay katuturan sa mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito.

2.1 Konseptwal na Literatura

2.1.1 Komprehensyon sa Pagbasa Ayon kay Klingner (2007), ang komprehensyon ay "ang proseso ng pagtatayo

ng

kahulugan

sa

pamamagitan

ng

pag-uugnay

sa

isang bilang ng mga komplikadong proseso na kasama ang pagbabasa ng salita at kaalaman sa mundo. Ito ay tumutukoy sa kakayahan sa pagbibigay-kahulugan

sa

mga salita, pag-unawa sa kahulugan at ang

mga relasyon sa pagitan ng mga ideya na ipinahayag sa isang teksto. Binanggit niya ang pagtuturo ng pagbabasa sa pag-unawa para sa guro bilang pagsunod sa isang tatlong hakbang na pamamaraan: pagbanggit, pagsasanay, at pagtatasa. Ang pag-unawa ay ang pangunahing layunin kapag nagbabasa. Ang mga kasanayan sa pag-unawa ay tumutulong sa

mag-aaral

na

maunawaan ang kahulugan ng mga salita 11

at

konteksto (Palani, 2012). Naniniwala siya na ang proseso

ng

pag-iisip,

pagsusuri,

pagbabasa

ay

isang

paghusga, pangangatuwiran

at

paglutas ng problema. Upang maunawaan ang teksto, dapat malaman ng mambabasa ang nilalaman ng teksto.Sa pag-unawa sa nilalaman, ito ay kasangkot sa mga salita at ang istraktura ng pangungusap. Ang mga aspeto ay madaling maunawaan kung sinusuportahan ng kaalaman sa bokabularyo. Ang pinakamahalagang bagay ay ang pag-aralan nang wasto 24ang teksto, dapat gamitin ng mambabasa ang naaangkop na pamamaraan sa pagbabasa habang nagbabasa.

Ayon pa kay Davis (2007), dahil alam na ng guro na ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang kaalaman at pagtingin sa isang partikular na asignatura, kailangan niyang bumuo ng batayang upang masukat ang kanilang kaalaman sa pagkakaunawa sa isang paksa at upang matukoy na rin ang lawak ng iba’t ibang pagbabago sa kaalaman at pagunawa. Ito’y makukuha lamang sa pamamagitan ng posttest. Ang disenyong ito ay maaaring maging kritikal na katagumpayan sapagkat nakabatay sa uri at gawi ng magaaral ang ikatataas ng kanilang kahusayan sa isang partikular na asignatura. Ang paguulit ng parehong tanong ay hindi mainam

na

paraan

upang

makamit

ang

pag-ugnay

bagkus

ito’y

magandang ideya upang manatili at pantay ang orihinal na materyal sa pagsusulit at nararapat na ihalo ito sa mga bagong katanungang inaasahang may magiging magandang bunga

12

Ayon naman kay Lehr at Osborne (2006) napagtanto niya sa kanyang pag-aaral na ang mahusay na mambabasa ay naaabot ang mataas na antas ng komprehensyon dahil nagagamit nila ang mga tamang hakbang—pag-uugnay ng mga ideya mula sa teksto at sa dati na nilang kaalaman; napapanitili kung gaano na ang kaalamang taglay mula sa mga nabasa; at ang pang-unawang sumusuri sa mga sanhi ng suliranin at kung paano ito nalapatan ng solusyon.

Pinatunayan sa pag-aaral ni Torgesen (2007) sa kanyang Research Related to Strengthening Instruction in Reading Comprehension, ang mga mag-aaral sa Grade 4-6 ng Florida State University ay sinukat ang

antas

ng komprehensyon

sa

pamamagitan ng makabuluhang

diskusyun habang binabasa ang teksto. Binibigyan diin dito ang kritikal na pag-aanalisa sa teksto. Ang diskusyon din ay pangungunahan ng mga mag-aaral mismo habang ang guro ay nakamasid lamang. Ang mga magaaral na nagpamalas ng komprehensiyon sa pagbasa ay napatunayang may aktibong pag-iisip na nakabubuo ng kahulugan. Ang aktibong pagiisip na ito ay gumagamit ng dating kaalaman, impormasyon mula sa teksto at matamang pag-iisip upang makatuklas ng bagong kaalaman at pang-unawa.

13

2.1.2 Komprehensiyon sa pagbasa batay sa unang wika

Napatunayan sap ag-aaral ni Fernandez (1999) na ang unang wika

ng

mga

kalahok

ay

walang

makabuluhang

kaugnayan

sa

kakayahang pag-unawa sa paglinang ng kamalayang panlipunan.

Sa pag-aaral nina Emmanuel (2011), Ebrole (2014), napatunayang ang unang wika ng mga kalahok ay may kinalaman sa antas ng kasanayan sa Filipino. Samantalang, iba ang resulta ng pananaliksik nina Diaz (2013), Ponce (2011), Saavedra (2011), at Depositario (2003), dahil napatunayan na ang unang wika ay walang kinalaman sa kahusayan sa kasanayan.

2.1.3 Komprehensiyon sa pagbasa batay sa kasarian

Ayon sa pag-aaral nina Suazo et. al (2013), ipinakita sa kanyang pag-aaral na ang kasarian ng mga kalahok ay nakaapekto sa kahusayan sap ag-unawa sa pagbasa. Lumabas na ang mga babae

ay

may makabuluhang pagkakaiba sa kanilang kahusayan ayon sa apat na antas na sinubok. Ito ay nangangahulugang ang kasarian ng mga kalahok ay may makabuluhang kaugnayan sa kanialng kahusayan sa pagbasa.

14

Napatunayan sa pag-aaral ni Cudia (1998) na higit na mataas ang kasanayan sa wikang pasulat ng mga kalahok na babae kaysa mga kalahok na lalaki.

Sa pag-aaral naman nina Gernale at Jamari (2009), lumabas sa kanilang pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pag-unawa na nasa antas na literal, interpretattib at aplikasyon. Bagamat sa antas ng mapanuri, lumabas na ito ay may makabuluhang pagkakaiba ang mean iskor ng mga babae kaysa sa mga lalaki sa nasabing antas.

Napatunayan sa pag-aaral ni Ahadain (2020), na ang baryabol na kasarian ay nagpapakita ng makabuluhang pagkakaiba ngunit ang programang

kinabibilangan

ng

mga

kalahok

ay

wala

namang

makabuluhang pagkakaiba.

Ayon kay Francisco (2019), Kinakailangang bigyan ng pansin ang gender sensitivity sapagkat mas dominante ang antas ng kahusayan sa pagbasa ng mga babae kung ikukumpara sa mga lalaki.

15

2.1.4 Komprehensiyon sa pagbasa batay sa Katayuan sa buhay (SES).

Binanggit nina Singh at Choudhary (2015), pinatunayan na nakakaimpluwensya ng katayuan sa buhay o siocoeconmic status sa kanilang komprehensyon at ang mga mag-aaral na kanilang sa high at moderate socioeconomic status ay nagpakita ng kahusayan.

Si Cheng at Wu (2017), lumabas sa kanilang pag-aaral na ang socioeconomic status ay may malaking ambag sa komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral naman na isinagawa nina Asiegbu at Ezeukbor (2018), ipinahayag nila na ang mga mag-aaral na may mataas na katayuan sa buhay ay nagpapakita ng kahusayan kung ikukumpara sa mga mag-aaral na nanggaling sa mababang antas ng pamumuhay.

Natuklasan din sa pag-aaral Francisco (2019), na mas lamang ang antas ng kahusayan sa pagbasa ng mga mag-aaral na kabilang sa katamtaman o mayamang pamilya kung ikukumpara sa pangkat na may mababang antas ng pamumuhay.

16

Binanggit naman ni Marciana et al. (2007), na walang signipikanteng pagkakaiba ang antas ng kasanayan ng mga respondente kung ibabatay sa kanilang katayuan sa buhay (SES) at nakita namang may malaking signipikanteng kaugnayan ang interes ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na kasanayan sa pagbasa.

2.1.5 Epekto ng modular distance learning

2.1.6 Modular Distance Learning

Ayon kay Manlangit et. al (2020) “Ang modyular na pagkatuto ay isang anyo ng distance learning na gumagamit ng SelfLearning

Modules (SLM)

na batay sa

most essential learning

competencies (MELCS) na inilaan ng kagawaran ng edukasyon”. Ito ay is a ng sistemang ginawa ng Department of Education o DepEd upang makapag-aral parin ang mga studyante kahit hindi pumapasok sa paaralan.

Binanggit naman ni Dalanon, (2020), sa sistemang ito, pahihir...


Similar Free PDFs