Research FILIPINO Negatibong Epekto ng Modular Learning PDF

Title Research FILIPINO Negatibong Epekto ng Modular Learning
Author Elthea Mae Madio
Course Filipino
Institution Saint Louis College
Pages 13
File Size 161.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 78
Total Views 180

Summary

research research research research research research research research research research research research research research research research research...


Description

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

ANG NEGATIBONG EPEKTO NG MODULAR LEARNING NGAYONG PANDEMYA SA MGA MAG-AARAL NG HIGHSCHOOL SA SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL

Isang sulating pananaliksik Na Iniharap kay Gng. Mary Josephine Legaspina Ng Saint Augustine’s School Tagudin, Ilocos Sur

Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa Pangangailangan ng Kursong Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikalawang Semestre, 2020-2021

Ipinasa nina: Elthea Mae Madio Julie Mae Calibuso Claude Andrei Lambinicio

Mayo 2021

Page | 1

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

PASASALAMAT

Taos pusong ipinaaabot ang aming pasasalamat sa mga taong naging parte o bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta at kontribusyon upang maisagawa nang maayos, maging epektibo at maging matagumpay ang pananaliksik na ito. Nang dahil sa kanila, mas napalawak pa ang aming kaalaman at naging posible na magkaroon ng magandang resulta ang aming pag-aaral. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod. Kay Gng. Mary Josephine Legaspina, ang aming mahal na guro na siyang gumabay at nagpalawig ng aming pananaliksik, kami po ay nagpapasalamat sa walang sawang pag-unawa at pagtulong sa amin sa pamamagitan ng pagtama ng aming mali habang isinasagawa namin ang aming pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng iyong kaalaman ukol dito. Kung hindi dahil sa inyo ay isang walang kalidad na pananaliksik ang aming magagawa. Sa Saint Augustine;s School na nagsilbing isang paaralan na hinayaan kaming matuto sa paggawa ng pamanahong papel. Sa mga respondente sa High School na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa aming kwestyoner, at sa pagbigay sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na ito, maraming salamat po sa inyong hindi matawarang kabaitan sa pagtugon sa aming mga katanungan. Kung wala ang inyong kooperasyon at kahandaan sagutin ang aming katanungan ay maaaring hindi mabuo ang pananaliksik na ito.

Page | 2

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

Sa aming kapwa mag-aaral na tumulong sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik, maraming salamat sa inyong pagbibigay suporta upang matapos namin ito.

Sa aming mga magulang na buong unawa kaming tinulungan at sinuportahan sa aming mga pangangailangan, maraming salamat po sa inyo. Kami ay nagpapasalamat sa inyong pag-intindi sa amin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na tulong, pagmamahal at inspirasyon sa amin.

At higit sa lahat, kami po ay lubusang nagpapasalamat sa Poong Maykapal na pumapatnubay sa bawat hakbang na aming isinagawa mula sa pangangalap ng mga datos hanggang sa ito ay matapos. Kami ay nagpapasalamat sa Inyo sa pagbibigay sa aming grupo ng sapat na kaalaman, lakas ng loob at determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral na ito, at sa pagdinig sa aming mga panalingin lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.

Mga Mananaliksik

Page | 3

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

TALAAN NG NILALAMAN

Page | 4

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata I KALIGIRAN NG PAKSA Introduksyon Sa pagpasok ng taong 2020, hindi rin inaasahan ng lahat ang pagdating ng nakakamatay at nakakahawang “Corona Virus” na kilala sa tawag na “Covid 19” at naituturing na matinding paghinto ng daigdig lalo na sa ekonomiya. Isa sa mga lubhang naapektuhan ay ang sektor ng edukasyon kung saan ay napilitang magsara at ihinto muna ang pagsasagawa ng tradisyonal na pagtuturo pansamantala. Mahigit isang bilyong estudyante sa 186 na bansa ang naapaektuhan dulot ng pandemiyang ito. Subalit parehong hindi nais ng lahat na ang mga mag-aaral ang matigil sa taong ito gayundin mga guro at iba pang tauhan na mawalan ng trabaho ngunit imposible nang maipatupad ang napagkasanayang pag-aaral dahil sa pag-iingat na madagdagan pa ang mga nahahawaan ng bayrus at para na rin sa kaligtasan ng lahat. Kaya naman, ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng krisis na ito ang mainam lunas ay ang pagpatupad ng online at modular learning mode na sinang-ayunan naman ni Cathy Li (2020) ng World Economic Forum, na mas epektibo ang online/modular learning kesa sa pag-aaral sa loob ng silid paaralan. Ngayon, madaming unibersidad sa buong mundo ang kumupkop sa pagbabagong ito at isa na roon ang Saint Augustine’s School ng Tagudin, Ilocos Sur. Hindi maipagkakaila na malaki ang naiaambag at naitutulong nito upang makapagpatuloy sa pag-aaral dahil sa kaginhawan at katipiran sapagkat hindi na kailangang gumastos ng pamasahe papuntang paaralan , kahit nasa bahay ka lang ay maari ka ng dumalo sa klase. Subalit hindi rin maitatanggi ang mga kahirapan o desbentaha sa ibang mga estudyante sa iba ‟t ibang mga kadahilanan na ang kanilang sikolohikal na aspekto ay naaapektuhan. Alam naman ng lahat

Page | 5

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabagal na koneksyon ng internet. Hindi rin lahat ng mga mag-aaral ay may pribilehiyong magkaroon ng maayos na koneksyon ng internet at isa pang problema nito ay ang mga lugar na wala ring maayos na signal. Sa parte ng mga mag-aaral, nangangailangan ito ng sariling displina at katatagan ng loob dahil sa maraming magiging balakid at istorbo sa kanilang mga focus at maaring magdulot ng karagdagang stress at iba pang mga bagay na makakaapekto sa kanila. Sa Saint Augustine’s School ng Tagudin, Ilocos Sur, isa ito sa mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang opinyon ng mga –aaral ukol dito, kung ano o walang negatibong epekto ba ito. Ito ay para maging gabay at daan para maipaabot sa mga kinauukulan ang kinalabasan ng pag-aaral na ito upang makagawa ng mga aksyon o programa na mapabuti ang pagsasagawa ng modular learning mode at upang ang epekto nito sa mga mag-aaral ay mabawasan at masolusyunan.

Mga Layunin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magkaroon ng sapat na impormasyon, matukoy o malaman ang negatibong epekto ng Modular Learning Mode sa mga mag-aaral upang sa gayon ay maiwasan ang mga ito. Naglalayon din itong malaman ang epekto ng pagkatuto ng estudyante, kung mayroon ba silang natututunan.

Page | 6

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

Kahalagahan ng Pag-aaral Isinagawa ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito upang tukuyin ang mga negatibong epekto o dulot ng "Modular Learning” sa mga mag-aaral. Ang mga benepisyo sa mga benepisyaryo ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay maka-tutulong sa mga mag-aaral at mambabasa na malaman ang mga negatibong epekto ng makabagong paraan ng pag-aaral o ang "Modular Learning", na kung saan maaring nilang bigyang solusyon ang mga hindi magandang epekto nito. Sa mga Guro. Ang mga guro ay magkakaroon ng kaalaman at ideya sa kung ano-ano ba ang epekto ng "Modular Online Learning" sa mga mag-aaral at maaari din nilang tugunan ang ilan sa mga suliranin nito. Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay hinuha sa mga magulang sa kung ano ang maaaring solusyon sa mga suliranin na nararanasan ng kanilang mga anak sa modular learning mode. Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at reperensya sa mga susunod pang pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay pumopokus sa mga negatibong epekto ng modular learning sa mga mag-aaral. Ito ay sumasaklaw kabuuang epekto nito sa mga mag – aaral ng Saint Augustine’s School ng Tagudin, Ilocos Sur. Ang mga magsasagot ay galing sa highschool ng paaralan dahil sa pagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik ang epekto nito sakanila at hindi nito isasama ang mga mag-aaral sa ibang departamento. Page | 7

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

Inaasahang Output Makabuo ng isang sulating pananaliksik na tumutugon sa layunin ng papel na ito. Inaasahang magkakaiba ang pananaw ng mga mag-aaral sa modular learning, makakalap ng impormasyon patungkol sa mga opinyon ng mga mag-aaral kung ano-ano ang mga negatibong epekto nito.

Pahayag ng Tesis Hindi natututukan ng maayos ang mga estudyante kaya ang karamihan ay nagkokopyahan at nagiging dahilan ito na walang natututunan ang mga estudaynte.

Page | 8

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata II METODOLOHIYA Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang na ginawa ng mga mananaliksik upang malutas ang suliranin.

Disenyo ng Pananaliksik Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maaari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng datos. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

Page | 9

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

Respondente at Populasyon Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga mag-aaral na nagmumula sa Junior at Senior High School ng Saint Augustine’s School. Ang mga respondente ay limitado sa 50 na mag-aaral na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na ipapamahagi ng mga mananaliksik.

Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente Ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga respondente ay Convenience Sampling. Ito ay sapagkat ang mga respondenteng pipiliin ay limitado lamang sa 50 na mag-aaral at hindi buong populasyon ng High School. Ang populasyon ay masyadong malaki at imposibleng isama ang bawat indibidwal. Ito ang piniling teknik ng mga mananaliksik sapagkat ang mga pipiliing respondente ay batay sa kanilang availability at easy access.

Instrumento ng Pananaliksik Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay kwestyoner o talatanungan na sariling gawa ng mga mananaliksik. Ipamumudmod ito sa 50 na mag-aaral sa Senior at Junior High School sa Saint Augustine’s School. Ang talatanungan ay binubuo ng ilang mga katanungan at ipapasagot sa mga respondente. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang magiging daan upang makakuha ng mga datos na susuporta sa tesis o pag-aaral na ito.

Page | 10

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipepresentang datos. Ginamit ang talatanungan sa pangangalap ng datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging kompidensyal ng mga nakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga sasagot sa tanong.

Istatistikal na Pagsusuri ng Datos Ang mga nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gumamit ng prekwensi at bahagdan ang mananaliksik sa istatistikal na pagususuri ng datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang pinaka-karaniwang istatistikal na pamamaraang maaaring magamit sa pagsusuri ng mga nakalap na datos. Nakabatay sa mga naging sagot ng mga respondente ang gagawing istatistikal na pagsusuri na e-ebalwahin ng mga mananaliksik, at dito matutukoy ang mga negatibong epekto ng modular learning mode sa mag-aaral.

Page | 11

Republic of the Philippines SAINT AUGUSTINE’S SCHOOL Tagudin, Ilocos Sur SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata III PAGLALAHAD NG MGA DATOS AT INTERPRETASYON Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga magaaral sa Senior at Junior High School tungkol sa pananaw nila sa negatibong epekto nito, mga karanasan at suhestiyon nila sa kinauukulan. Talahanayan 1.1

Page | 12

Kabanata 5 LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral, konklusyon, at rekomendasyon para ang solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay. Lagom ng mga Natuklasan Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa negatibong epekto ng modular learning ngayong pandemya ay naganap. Limampung respondente ang sumagot sa mga katanungan na pinamigay ng mga mananaliksik, at ang resulta ay ang mga sumusunod: 1. Batay.. Kongklusyon Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon. 1. Ang.. Rekomendasyon

Page | 13...


Similar Free PDFs