Pag-aaral sa mga Naidudulot ng Makabagong Teknolohiya sa Relasyon(Research) PDF

Title Pag-aaral sa mga Naidudulot ng Makabagong Teknolohiya sa Relasyon(Research)
Course Bachelor of Science in Information Technology
Institution University of Perpetual Help System DALTA
Pages 37
File Size 587.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 221
Total Views 278

Summary

1 KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Sa na pagpasok sa modernong panahon mula sa simpleng panahon na kung saan ay may simpleng komunikasyon, hanggang sa umusbong ang teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon. Sa pagdaan ng panahon tila nilalamon na tayo ng mundong teknolohiya. May mg...


Description

1

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon Sa tuloy-tuloy na pagpasok sa modernong panahon mula sa simpleng panahon na kung saan ay may simpleng komunikasyon, hanggang sa unit-unting umusbong ang ibat-ibang teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon. Sa pagdaan ng panahon tila nilalamon na tayo ng mundong teknolohiya. May mga tao na rin ang nagsasabing hindi nila kayang mabuhay ng walang internet at cellphone. Parami nang parami at palawak nang palawak ang mga naiimbentong mga teknolohiya para sa mga tao. Pero ano nga ba ang teknolohiya? Ang salitang teknolohiya ay nanggaling sa salitang griyegong "technologia" na ang ibig sabihin ay "sistematikong pagturing sa sining." At ayon sa wikapedia, “Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham.” Cellphone, laptop at computer, isa lamang ito sa mga gadgets na ginagamit sa pakikipag komunikasyon araw araw. Facebook, twitter, messenger at sms, mga application na ginagamit sa pakikipag komunikasyon sa tao sa iba’t ibang lugar. Ginagamit din ito upang makapamahagi at makasagap ng ibat-ibang mahahalagang impomasyon. Ito ang naging daan para mas mapadali at mapabilis ang komunikasyon sa isa’t isa. Text o Chat, isa sa pinaka basic na paraan ng komunikasyon, para maparating mo anong iyong mensahe sa iba gamit ang cellphone.

2

Layunin ng Pag-aaral Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa pag-aaral sa mga maidudulot ng makabaging teknolohiya sa isang relasyon at naglalayong matugunanang mga sumusunod na tanong: 1. Anu-ano ang mga magagandang naidudulot ng teknolohiya sa isang relasyon? 2. Paano naaapektuhan ng paggamit ng teknolohiya ang isang relasyon? 3. Anong kadalasang ginagamit na teknolohiya ng mga may karelasyon sa kanilang pakikipag usap o komunikasyon? 4. Paano nakatutulong ang teknolohiya sa pagpapanatili ng magandang relasyon sa magkasintahann?

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pagaaral na ito ay maaring makapagbigay ng benepisyo sa tatlong aspeto: Ang University of Perpetual Help System Dalta, maaaring makatulong ito sa paggabay, pagkalap ng impormasyon ng mga pag-aaral na isasagawa sa susunod na henerasyon. Sa mga estudyante at propesor, makakatulong ito upang madagdagan, mapalawak at mapayaman ang kaalaman tungkol sa pagaaral na ito. Sa mga magkasintahan, makakatulong ito upang mapalawak ang kaalaman, mai-apply sa kanilang relasyon at mapatibay ang pondasyon ng kanilang relasyon.

3

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng damdamin, pananaw at kaalaman ng mga magkakarelasyon hinggil sa mga naidudulot ng mga makabagong teknolohiya.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga magkakarelasyon lamang sapagkat sila ang mas nakararanas ng mabuti at masamang naidudulot ng makabagong teknolohiya. Hinggil sa ating kaalaman na maraming relasyon ang nabubuo sa tulong ng makabagong teknolohiya, nagsimula na nga sa pagpapalitan ng mensahe gamit ang text messages, sunod ay ang mga makabagong social media tulad ng facebook messenger. Sa unang tingin ay maituturi itong dagdag tulong sa pagpapatibay ng isang relasyon ngunit mayroon din itong masamang epekto at iyon nga ang layunin ng pananaliksik na ito.

4

Konseptwal na Balangkas Ang konseptwal na balangkas o “conceptual framework” ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input-process-output model. Inilalahad ng input frame and profyl ng mga tagatugon tulad ng edad at kasarian. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon ng mga nakalap na resulta. Ang output frame ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos at ang epekto ng makabagong teknolohiya sa relasyon.

Makabagong Teknolohiya

Relasyon

5

Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ang bawat isa sa pamanahong-papel na ito. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang maunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan at upang mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga diksyunaryo, Internet, atbp. Teknolohiya – Ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Internet– Isang lugar savirtual world kung saan ang mga computer sa buong mundo magkakakonekta at nagbibigay ng impormasyon na bukas sa publiko. Computer – Isang aparato na nagmamanipula ng mga impormasyon at nagbibigay ng resulta batay sa lohikal na program o proseso. Social Media – ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Website – ay isang koleksiyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan sa isang partikular na pangalan ng dominyo o sub-domain sa World Wide Web sa Internet. Gadget – isang aparato o kontrol na ay lubhang kapaki-pakinabang para sa isang partikular na trabaho

6

KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Pinaniniwalaan na ang abacus ay matuturing na isang computer noong unang panahon sapagkat ang layunin nito ay mapadali ang kalkulasyon ng mga mangangalakal. Sa kasalukuyan, ang abacus ay hindi na maituturing na computer sapagkat napakalayo na ng agwat ng kakayahan nito at mga nagagawa nito sa kasalukuyang computer. Napaganda, napabilis, napaayos at napadali ng ilang siglong pag-aaral ang mekanismo ng teknolohiya. Ang versatility nito ay isang resulta ng pagiging malikhain at matiyaga ng mga tao. Naituring ang computer na isa sa pinakamagandang nalikha ng tao sapagkat isa itong makapangyarihang aparato na nagpapatakbo sa halos lahat ng bahagi ng mundo upang maging mas maayos at madali ang buhay. (Florentino, D., 2009) Tinatalakay ni David Kirkpatrick (1994) sakanyang pag-aaral mula sa facebook na ito ay ito ay mas higit na ginagamit sa pananaliksik, sapagkat ito ay napakadaling gamitin. Naniniwala siya na ang teknolohiyang ito ay mas lalawak pa at mas magiging mas pakipakinabang, at ayon sakanya na ito ay lubos na ginagamit upang makakonekta sa iba pang lugar upang kumilanlan at makipagkomunikasyon. Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe upang makagawa ng isang kumunikasyon. Ayon sa kanya na ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkumunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin. Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipagkomunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa

7

din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Ayon naman kay Fraser Matthew (2008) na gumagamit ng mga sosyal na pakikipagkumunikasyon ay nabago daw nito ang estado ng kanyang buhay, nakahanap siya ng magandang trabaho at madali itong nakikipagkumunikasyon sa ibang tao. Ayon naman kay Marc Prensky (2001) na hindi lamang damit ang mabilis na nagbago, maging ang paraan na din ng pakikipagkumunikasyon. Ayon sa kanya na kahit bata pa lamang ay nakakayanan ng gumamit nito, sapagkat sadyang madali itong gamitin. Ayon sa artikulo ni Michael A. Fuoco ng Pittsburgh Post-Gazette, sa Pampublikong Paaralan ng Pittsburgh, ang Science and Technology Academy nila ay may kasabihan na ganito, “Dream, Discover, Design.” Ito ang naging batayan ni US Sen. Bob Casey na hikayatin ang ibang paaralan para tularan ito. Ang batas na tinatawag na Computer Science Education Act ay naglalayong pagtibayin ang K-12 computer science education upang maihanda ang mga mag-aaral para sa mataas na kita sa trabaho ng kompyuting. Ang batas na ito ay magbibigay ng dalawang-taon na grant kaya maaaring pag-aralan ng mga estado ang inaalok sa mga paaralan at bumuo ng isang plano upang taasan at palakasin ang kanilang kakayahan upang mag-alok ng epektibong edukasyon sa computer science. Pagkatapos nito, ang limang taon mapagkumpitensya grant ay inaalok para sa pagpapatupad ng epektibong plano. Sinabi din niMr Casey na sa taong 2018 ay tataas pa ang bilang ng trabahong nangangailangan ng sapat na kaalamn sa computers science. Sa pampubliko at pribadong pag-aaral ay nagpapahiwatig na mas kaunti sa 40,000 mga tao ay nagtapos na may bachelor degree sa computer science noong 2009, ngunit halos 140,000 trabaho ay inaasahang para sa bawat taon sa pagitan ng 2008 at 2018.Ang pagaalok ng introductionsa kurso ng computer science ay nabawasan ng 17 porsyento mula

8

noong 2005 at bumaba ng 33 porsiyento ang bilang ng Advanced Placement course sa computer science. Isinulong ni Sen. Casey ang batas na naglalayong palawakin ang pag-aaral ng computer science (Wereschagin, 2011) Ayon kay Benedict Anderson sa kanyang Imagined Communities (2001), ang pagkakaroon ng pagkaka-isa sa isang ideya o idiyolohiya ay nagiging batayan sa pagkakaroon ng mga komunidad na ito. Kaya para sa isang gumagawa ng isang personal na webpage, langawin man ang kanyang website, ay meron pa rin siyang isang ideya ng isang mambabasa sa batayan na meron at merong makaka-relate sa kanyang pagbuo ng sarili na naganap sa website. Dahil na rin sa isang imagined audience, kahit na sinasabi ng mga indibidwal na kanilang totoong sarili ang kanilang binubuo, meron pa ring nagaganap na self-censoring o tailoring. Merong iba na meron ng tinatawag na “virtual alter-egos.” Ang istilo ng komunikasyon ay maaring hindi nagkakalayo sa istilo ng komunikasyon ng kanilang real-life ego, ngunit meron pa ring self-conscious articulation of that tailor-made self-identity.

Ang isang website na binuo para sa sarili, na ngayon ay kinikilala bilang isang “blog,” at ang pinakamalaking isyu sa papel nito, ay isang website na ginagawa ng indibidwal mismo. Nagiging isang repleksibong pagprepresenta at pagkukwento ng sarili ang nangyayari. Ito ay biglang nabibigyang kahulugan ng midyum na ginagamit, at sa isang ideya ng imagined audience.

Ayon kay Susan Dumedres (1993), ang mga pamilyang Pilipino, tulad ng karamihan sa Asya, ay pumipigil sa indibdwalisasyon dahil sa pagkakamalapit ng mga magkakamag-anak (o ang tinatawag na close family ties). Ang mga bata ay parating tumitingin sa kanilang mga magulang bilang batayan ng paghubong ng kanilang sarili. Kung ikukumpura sa mga kanluranin na

9

katumbas (counterparts), mas dumedepende ang mga kabataang Pilipino sa kanilang mga magulang dahil madalas ay ang mga magulang mismo ay may matataas na ekspektasyon sa kanikanilang mga anak. Kanonisado na sa maraming akda ang pag-asa ng mga magulang sa kanilang mga anak na makapagtapos ng pag-aaral para maiahon ang buong pamilya sa kahirapan. Nandyan din ang pag-asa ng mga magulang na sumunod sa kanilang mga yapak ang kanilang mga anak. Dahil dito, mahirap ang pag-forge ng self-identity ng mga kabataang Pilipino dahil nasanay na sila sa kultural na pandidikta ng kanilang mga magulang sa kanilang dapat gawin, dapat asalin.

Subalit ayon sa isang pag-aaral ng McCann-Erickson Philippines noong 1993, sa mga panahon ngayon (kung ikukumpara sa panahon na ginawa ang pag-aaral nila Mendez at Jocano), mas mataas na ang lebel ng parental absenteeism. Ang mga magulang ay nagiging careeroriented o kaya’t abala sa pamamalakad ng kabahayan (household management), kaya’t hindi na masyadong nabibigyan ng buong pansin ang kani-kanilang mga anak. Nasanay na tuloy ang kabataan sa isang independent na inquiry, at umaasa na rin sa kanyang mga kaibigan at sa midya para sa patnubay at awtoridad. Kahit papaano, meron pa rin namang ginagampanan ang mga magulang, ngunit nagiging hati nga ito, dahil marami sa kanila ay umaasa na lang sa iba’t ibang mga sistema dahil iba na nga naman ang panahon. Maraming sa mga kabataan na nasasanay naman sa ganito, basta hindi hati ang pamilya, dahil halos lahat rin siguro ng kanilang mga kaibigan ay may mga sitwasyon na ganoon na nga. Andun ang kanilang magulang, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon.

10

Ayon kay Chris Borgan, sa librong Social Media and Social Networking Starting Points (2010), For you, it’s mostly a question of whether you have the community in place and are looking for a targeted place within your platform to offer them tools and resources to connect and cross- communicate. One of the current best-of-brees examples of this is FastCompany.com, who turns their online property into a social network around their magazine’s points of interest instead of rehash of their magazine. Sinasabi sa artikulo nito ang pagkilala sa mga social networking sited bilang isa makabagong paraan na maaring makatulong upang magkaroon ng koneksyon sa iba’t ibang komunidad sa iba’t ibang lugar. Ito rin ay masasabi upang isang mabilang paraan upang makipaguganayan sa mga tao at makakuha ng isang mabuting malilikuman na impormasyon. Mapapakita sa pag-aaral na ito kung paano nababago ng mga social networking sites ang paraan ng pamumuhay ng isang komunidad sapagkta sa pamamagitan ng mga social networking sites, pinapakita na mas napapadali ang pamamaraan at proseso nito. At dahil sa dahilan na ito kaya napapabilis ang paraan na ito.

Ayon kay Deanna Zandt sa librong Share This!: How you will Change the World with Social Media (2010), The difference between old ways of communicating and what’s happening on the internet now is the digitization of our relationships and networks. Social networks are not a new phenomenonpeople have belonged to numerous networks since the beginning of humanity. Think of your own social spheres, which may include work friends, family members, and neighbors. Now picture them just as isolated from one another in our minds, but also as overlapping at some points, and connected in public through you. We’re sharing information about ourselves and our networks online, which leads to more connections with other people and other networks. KABANATA 3

11

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptib sarbey na pananaliksik. Isa sa mga uri ng deskriptibong pananaliksik ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Ito ang disenyong ginamit ng mga mananaliksik dahil sa paraang ito mas mapapadali ang pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente.

Mga Respondente Ang mga napiling respondente sa pagaaral na ito ay ang mga taong nasa isang relasyon sa loob ng Unibersidad ng Perpetual Help System Dalta – Las Piñas at sa labas. Isang-daang respondente lamang ang maaring sumagot sa aming talatanungan. Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente na nasa isang relasyon dahil sila ang akmang respondente para sa aming paksa. Sa paraan na pagbibigay ng sarbey kwestyuner sa aming mga respondente ay sapat na matutugunan ng mga mananaliksik ang pangangalap ng mga datos at upang magkaroon na din ng katibayan ang mga mananaliksik sa ginawang pananaliksik.

Instrumento ng Pampananaliksik

12

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang malaman ang mga naidudulot ng makabagong teknolohiya sa relasyonng mga respondent.

Tritment ng mga Datos Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangan gawin ng mga mananaliksik. Dahil isandaan (100) ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatik ng katumbas sa porsyento niyon.

13

KABANATA 4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon na aming nakalap sa aming pag sisiyasat sa mga mag-aaral: Bilog na Grap Bilang 1 Bilang ng Babae at Lalaki

Lalaki; 42.00% Babae; 58.00%

Limamgpu’t walong porsyento (58%) na kababaihan at apatnapu’t dalawang porsyento (42%) naman na mga kalalakihan ang sumagot sa sarbey.

14

Bar na Grap Bilang 1 Edad ng mga may Karelasyon

58.00%

18.00% 13.00%

11.00%

14 -15

16 -17

18 -19

20 - pataas

Labing isang porsyento (11%) ang edad 14-15, labing walong porsyento (18%) ang edad 16-17, limampu’t walo ng porsyento (58%) edad 18-19 at labing tatlong porsyento (13%) edad 20 – pataas. Mas marami ang may karelasyon na edad 18-19 sumunod ang 16-17 at 14-15 , ang pinaka mababa naman ay ang 20- pataas

15

Bar na Graph Bilang 2 Ginagamit upang Makapagkomunikasyon sa Minamahal

4.3

3.5

2.5

Social Media

Text

Call

Limampu’t pitong porsyento (57%) ang social media, dalawampu’t walong porsyento (28%) ang text, labing limang porsyento (15%) ang call. Mas marami ang gumagamit ng social media sa pakikipagkomunikasyon sa kanilang minamahal, sumunod ang text at huli ang call.

16

Bar na Grap Bilang 3 Paraan ng Pakikipagkomunikasyon sa Minamahal

36

Pakikipag - usap ng harapan

58

Gamit ang teknolohiya

Liham

6

Tatlumpu’t anim na porsyento (36%) ang pakikipag-usap ng harapan, limampu’t walong porsyento (58%) ang ginagamit ang teknolohiya at anim na porsyeto (6%) ang liham.

17

Mas marami ang gumagamit ng teknolohiya sa paraan ng makikipagkomunika, sumunod ang pakikipag-usap ng harapan at huli ang liham.

Bar na Grap Bilang 4 Sanhi ng Paghihiwalay ng Magkasintahan

Iba pa

Kakulangan sa oras

Miskomunikasyon

Apatnapu’t

7

44

49

siyam na porsyento (49%) sa miskomunikasyon, apatnapu’t apat na

porsyento (44%) sa kakulangan sa oras at pitong porsyento(7%) ang pumili ng iba pa.

18

Mas marami ang naghihiway na magkasintahan dulot ng miskomunikasyon, sumunod ang kakulangan sa oras at ang pinaka kaunti ay ang iba pa.

Bar na Grap Bilang 5 Halaga ng Makabagong Teknolohiya sa Isang Relasyon

59

36

5 Mahalaga

Napakahalaga

Hindi Mahalaga

Limampu’t siyam na porsyento (59%) ang nagsasabi na mahalaga, tatlumpu’t anim na porsyento (36%) ang napakahalaga at limang porsyento (5%) ang nagsabing hindi mahalaga.

19

Mas marami ang nagsabi na mahalaga ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa isang relasyon, sumunod ang napakahalaga at ang huli ay ang nagsasabing hindi raw ito mahalaga.

Bar na Grap Bilang 6 Aplikasyon na Madalas Gamitin ng Magkasintahan

78

8

10

4 Fb Messenger

WeChat

Viber

SnapChat

Pitumpu’t walong porsyento (78%) ang gumagamit ng fb messenger, apat na porsyento (4%) sa WeChat, walong porsyento (8%) sa viber at sampung porsyento (10%) ang SnapChat.

20

Mas madalas gamitin ng mga magkasintahan ang Fb messenger kaysa sa SnapChat, Viber at WeChat.

Bar na Grap Bilang 7 Mga Rason kung bakit Mahalaga ang Teknolohiya sa Isang Relasyon

Upang maging...


Similar Free PDFs