Pagbasa 11 Kwarter 3 Mod2 Tekstong Deskriptibo v3 PDF

Title Pagbasa 11 Kwarter 3 Mod2 Tekstong Deskriptibo v3
Author Billy Caranay
Course Bachelor of Science in Accountancy
Institution Bicol University
Pages 24
File Size 1.5 MB
File Type PDF
Total Downloads 10
Total Views 229

Summary

Kuwarter 3 - Modyul 2:Tekstong DeskriptiboPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Senior HighSchool Alternative Delivery ModeKuwarter 3 – Modyul 2: Tekstong DeskriptiboUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaringmagkaroon ng karapata...


Description

Kuwarter 3 - Modyul 2: Tekstong Deskriptibo

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Senior High School Alternative Delivery Mode Kuwarter 3 – Modyul 2: Tekstong Deskriptibo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Alain Del B Pascua Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral

Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara, Bonifacio N. Gegato Jr,Marben A. Oco Tagasuri ng nilalaman: Johanna Vanessa C. Obedencio Tagasuri ng Lengguwahe: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza Tagabalibasa: Louella Jean B. Mariano Tagasuri : Helen R. Lucman,PhD Tagaguhit: Perlito L. Lomongo Naglayout: Jupiter B. Acosta Mga Tagapamahala: Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Regional Director Pangalawang Pangulo:Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Assistant Regional Director Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V Schools Division Superintendent Rowena H. Para-on, PhD Assistant Schools Division Superintendent Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Mga Miyembro: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD,EPSADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000 Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245 E-mail Address: [email protected]

Kuwarter 3 - Modyul 2: Tekstong Deskriptibo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected] Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap. Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito ay hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto. Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi: Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na sisikapin nating matamo sa buong semestre. Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman tungkol sa paksa. Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito, matututunan mo ang araling itinakda na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip at isagawa. Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong kaalaman. Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang kailangan mong tapusin sa bahaging ito. Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo pinal na isulat sa Activity Sheets. Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan. Halina’t matuto!

Mga May-akda 1

ALAMIN Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap. Sa bahagi ng modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng modyul ay may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago at matapos ang aralin. Sa bawat yugto ng pagkatuto ay may inihandang gawain na maging batayan mo upang mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-motor (psychomotor). Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat malinang mo bilang isang mag-aaral: 1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng tekstong deskriptibo (FIIPT-IIIa-88); 2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo (FIIPS-IIIb91); 3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong tekstong deskriptibo (F11PU – IIIb – 89); 4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong deskriptibo o sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig ( F11PB – IIId – 99);

Bago pasagutan ang kasunod na bahagi, siguraduhing asahan lamang ang sariling kaalaman tungkol sa paksa. Sa pagkakataong ito, hindi mahalaga ang iskor na iyong makukuha. Iwasang silipin ang mga mga kasunod pa na pahina.

2

SUBUKIN PANIMULANG PAGTATAYA PANUTO: Tama o Mali. Batay sa sariling paghihinuha, tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali. Isulat sa inilaang patlang ang salitang MATA kung ito ay tama, at LIMA naman kung ang pahayag ay mali. _____ 1. Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. _____ 2. Gumagamit ang manunulat ng mga salita upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo. _____ 3. Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptibo ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan. _____ 4. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais na bigyangbuhay. _____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring karaniwan o malikhain. _____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba pang uri ng teksto lalong-lalo na ng tekstong naratibo. _____ 7. Ang maikling kwento ay isang direktang halimbawa ng tekstong deskriptibo. _____ 8. Ang paningin, na isa sa mga limang pandama ay isa lamang sa mahalagang pumupukaw sa paglalarawan. _____ 9. Ang malikhaing paglalarawan ay ginagamitan ng mga matalinghagang salita. _____ 10. Sa karaniwang paglalarawan, subhektibo ang paglalahad ng kongkretong katangiang inilalarawan. _____ 11. Simpleng salita lamang ang kailangan sa malikhaing paglalarawan. _____ 12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama ang tekstong deskriptibo. _____ 13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa ng karaniwang paglalarawan sa tekstong deskriptibo. _____ 14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng karaniwang paglalarawan. _____ 15. Ang karaniwang paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mga mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa limang pandama.

3

YUGTO NG PAGKATUTO BALIKAN Kung iyong maaalala sa Modyul 1 ( Tekstong Impormatibo ), may mga elementong taglay ang tekstong impormatibo gaya ng layunin ng may-akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan at istilo. Tukuyin ang mga ito mula sa tekstong mababasa sa kahon. Inilunsad ni Mark E. Zuckerberg ang Facebook mula sa kanyang dormitoryo sa Harvard noong ika-4 ng Pebrero 2004. Ang sapantaha ng Facebook ay galing sa kanyang mga araw sa Phillips Exeter Academy kung saan gaya ng karamihan sa mga dalubhasa at mga paaaralan ay mayroong nakagawiang taunang sanggunian ng mga mag-aaral na mayroong mga larawan ng mga guro at lahat ng mga kawani na tinatawag na "Facebook". Noong siya ay nasa dalubhasaan pa, ang Facebook ni Zuckerberg ay nagsimula lang bilang isang bagay na pang-Harvard lamang. Hanggang ninais ni Zuckerberg na palawigin ang Facebook sa iba pang mga paaralan at inarkila sa tulong ng kasama niya sa kuwarto na si Dustin Moskovitz. Una nila itong pinalawig sa Stanford, Dalubhasaan Dartmouth, Pamantasan ng Columbia, Cornel at Yale, at sa lahat ng paaralang may koneksiyong panlipunan sa Harvard.

ng mga

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mark_Zuckerberg

Layunin ng May-akda: _________________________________________________ ___________________________________________________________________ Pangunahing Ideya: ___________________________________________________ ___________________________________________________________________ Pantulong na Kaisipan: ________________________________________________ ___________________________________________________________________ Istilo: _____________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

4

TUKLASIN PANUTO: Basahin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon at sagutin ang mga katanungan.

Dahil umuulan, nakisilong si Dodoy sa ilalim ng makapal na berdeng payong ni Ningning na pinalamutian ng mga pulang beads. Ito na marahil ang pinakamasayang sandali niya sa piling ng kanyang kasintahan.

A.

B. Dahil umuulan, nakisukob si Dodoy sa ilalim ng payong ni Ningning na animo’y madahon ng punongkahoy na pinalamutian ng mga pulang bunga. Abot-langit ang ngiti sa kanyang mga labi sa pagkakataong ito kasama ang nagpapatibok ng kanyang puso.

1. Alin sa dalawang pahayag ang madaling unawain? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Alin sa dalawang pahayag ang pumukaw sa iyong pang-unawa at damdamin? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Alin sa dalawang paraan ng paglalarawan ang mas nanaisin mong gamitin? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

Sa puntong ito ay panibagong aralin na naman ang matututunan ng ating mag-aaral. Tulungan siyang ihanda ang sarili para sa makabuluhang paglalakbay na ito!

5

SURIIN TEKSTONG DESKRIPTIBO

KAHULUGAN Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. LAYUNIN Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o pangyayari. MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN) 1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay. Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon. 2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan o pangyayari. PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SA PAGGAMIT NG WIKA SA MASINING NA PAGLALARAWAN. a. Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, animo’y at katulad. Halimbawa:

6

b. Metapora o Pagwawangis – tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad. Halimbawa:

c. Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay. Halimbawa:

d. Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong katotohanan at hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan. Halimbawa:

7

e. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan. Halimbawa:

URI NG PAGLALARAWAN 1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohanan. Halimbawa: Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan dahil sa matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan. 2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan. Halimbawa: Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa bansa.

Subukin ang pang-unawa ng mag-aaral at pasagutan ang Gawain 1. Kung may mga bahagi na nahihirapan siyang unawain, tulungan siyang mabigyan ng linaw sa mga ito.

8

Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga uri at paraan ng paglalarawan batay sa iyong naunawaan sa bagong aralin tungkol sa tekstong deskriptibo.

SUBHEKTIBO

OBHEKTIBO

KARANIWAN

MALIKHAIN

9

PAGYAMANIN Basahin ang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo.

Ang Karanasang ‘Di Ko Malilimutan Jheru Alselmo Mendoza Lahat tayo ay may karanasang di makakalimutan - karanasan sa pag-ibig, sa kaibigan, at sa pamilya. Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan? Ano bang alaala ang lubos na nagdulot ng sakit sa atin? Kailan ba tayo naging masaya? Naalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na aking naranasan, kulang pa yata ang isang libro para maikuwento ko nang buo ang simpleng buhay ko. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kaming magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan. Kinakaya namin anumang unos ang dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng aking mahal na ina noon, ayos lang daw maghirap kami at magdildil ng asin basta kompleto at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang nahiwalay sa kanyang pamilya noon. Bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa. Mahirap daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon. Ang aking ama naman ay siyang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya kahit minsan napapalo niya ako dahil nakakainom siya ng alak. Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit lingid sa aming kaalaman, isang malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na sumubok sa aming katatagan. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman, pinilit naming maging masaya para sa aming ama dahil ayaw naming makita niyang nalulungkot kami para sa kaniya. Kahit paano ay mabawasan ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan. Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil sa kakulangan sa pera. Lumala nang lumala ang sakit niya at bumagsak ang dating masigla niyang katawan dahil nangayayat siya nang husto. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan. Nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa, kami lang ang nagdiwang at nagsalu-salo. Ang ama ko ay masaya noong araw na iyon ngunit nararamdaman ko na parang malungkot siya. Hindi niya pinapakita sa amin iyon dahil gusto niyang maging masaya kami sa araw na iyon. Ang saya talaga ng araw na iyon para sa akin ngunit iyon na pala ang huling kaarawan ng aking ama. Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na lang ako habang tinitingnan ko ang bangkay niya. Pero naalala ko ang sabi niya sa akin noon; “Anak, huwag kang iiyak kapag nawala na ako, ha.” Kaya noong libing niya ay hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya at hindi na siya mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama. https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-karanasang-di-ko-malilimutan

10

PANUTO:Batay sa tekstong binasa sa Gawain 1, tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa mga siniping pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang letrang S kung ito ay subhektibo at O naman kung ito ay obhektibo. _____ 1. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. _____ 2. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, at kinakaya namin ang anumang unos na dumating dahil lagi kaming magkakasama. _____ 3. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon. _____ 4. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama. _____ 5. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan. nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagsalu-salo.

Muling balikan ang tekstong binasa, sumipi ng bahagi ng sanaysay na sa tingin mo ay Karaniwan o Malikhain ang paraan ng paglalarawan. Magbigay lamang ng isang halimbawa na may 1-3 pangungusap lamang.

KARANIWAN

MALIKHAIN

______________________________

______________________________ ______________________________

______________________________

______________________________ ______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________ ______________________________

______________________________

______________________________ ______________________________

______________________________

______________________________

______________________________ ______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

11

Kung nakukulangan ka sa pag-unawa sa aralin, maaaring bisitahin ang site na ito para sa karagdagang paliwanag: https://www.slideshare.net/marlonorienza/tekstong-deskriptibo

ISAISIP

Mahusay! Binabati kita sa panibagong biyaya ng kaalaman na iyong natutunan mula sa modyul na ito. May dalawang uri ng paglalarawan. Una ay ang ___________ na nakabatay sa mayamang imahinasyon at ang ikalawa ay ang ____________ na nakabatay sa katotohanan. Kung nais mong mas simpleng paglalarawan, gumamit ng _____________ paraan at kung nais mo namang paggalawin ang imahinasyon ay gumamit ng ___________ paraan.

ISAGAWA Sumulat ng isang tekstong deskriptibo batay sa sumunod ...


Similar Free PDFs