Panitikang Filipino: General Education Subject PDF

Title Panitikang Filipino: General Education Subject
Author Anonymous User
Course Accountancy
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 70
File Size 1.7 MB
File Type PDF
Total Downloads 21
Total Views 63

Summary

KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SAPANITIKANG FILIPINOGEED 10133Hermeline AguilarIrene Joyce BiscochoPerla CarpioRicardo CarpioJhonley CubacubMel Matthew DoctorArgie B. HifarvaSheila May IntoyMarvin M. LobosJenilyn C. ManzonMclougin D. MislanCarmelo T. Osorio Jr.Jeffrix S. ParajasLeomar P. RequejoFederico B....


Description

KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA PANITIKANG FILIPINO GEED 10133

Hermeline Aguilar Irene Joyce Biscocho Perla Carpio Ricardo Carpio Jhonley Cubacub Mel Matthew Doctor Argie B. Hifarva Sheila May Intoy Marvin M. Lobos Jenilyn C. Manzon Mclougin D. Mislan Carmelo T. Osorio Jr. Jeffrix S. Parajas Leomar P. Requejo Federico B. Rivera Jr. Lara Joy Sawa-an Diana Grace Taala Alyssa M. Teodoro

Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin sa paraang elektroniko/ mekanikal ng walang nakasulat na pahintulot mula sa nagsagawa ng publikasyon o nagtipon sa pamamagitan ng [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], [email protected], . Ang pangalan ng/ ng mga dalubguro na makikita sa pabalat ng kagamitang panturo ay tanging nagtipon lamang ng materyales mula sa iba’t ibang awtor. Tinitiyak ng mga naghanda ng kagamitang panturo / nagsagawa ng publikasyon na tanging layuning akademiko ang ginawang pagsipi at hindi gagamitin bilang rekurso.

2

TALAAN NG NILALAMAN

Deskripsyon ng kurso Inaasahang kalalabasan

5

Awtlann ng kurso Plano ng Kurso

6

Paraan ng pagmamarka Mga materyales na gagamitin

8

KABANATA 1 Samu’t Saring Kabatirang Sa Panitikan

11

Kahulugan ng Panitikan

12

Uri ng Panitikan

15

Anyo ng Panitikan

17

Dispensasyon ng Panitikan Pilipino

20

Impluwensiya ng Panitikan

24

Kahalagahan ng pag-aaral ng sariling Panitikan

25

KABANATA 2 Pagpapahalaga sa Akdang Pampanitikan sa Tula at Awitin Tula

30

Katuturan ng Tula

32

Katangian ng Tula

33

Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Tula

36

Pangtatanghal ng Akda

38

Awitin Mga Katutubong Awitin

40

Panahon ng Kastila Panahon ng Amerikano

41

Panahon ng Hapon

42

Musika bilang Instrumento ng Paglaya

43

3

KABANATA 3 Kasaysayan ng Maikling Kuwento sa Pilipinas

52

Mga samahang Pampanitikan Panahon ng Pananakop ng Hapon

54

Paglaya sa Hapon Panahon ng Batas Militar

55

Maikling Kuwento sa Panahong Kasalukuyan

56

KABANATA 4 Pagpapahalagang Pampanitikan sa Sanaysay Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera

63

May Boses sang Sanaysay May Tono ang Sanaysay

67

May Ugnay ang Sanaysay May Kurokuro sa Sanaysay

68

4

GABAY SA KURSO

Deskripsyon ng kurso: Ang Panitikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa Kolehiyo ay nakatuon sa pagaaral ng mga akdang Pampanitikang sumasalamin sa pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at maging ng kasaysayan ng sambayanan/liping Pilipino. Gamit ang Wikang Filipino bilang wika ng pagkatuto; nakatuon ang kurso sa pag-aaral ng pasalita at pasulat na tradisyon ng ating panitikan. Babagtasin nito ang mga yugto ng panitikan sa iba’t ibang panahon na may espesyal na tuon sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikang nakalapat at nakaugnay sa mga kasanayan ng iba’t ibang larang at disiplina. Tangan ng kursong ito ang mga sumusunod, una; pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagkilatis ng iba’t ibang akda ng mga Pilipinong manunulat sa wikang Filipino, banyagang wika at Bernakular na magiging salalayan sa pagsusulong ng kaisipang Filipinolohiya. Pangalawa; ang pagbasa sa mga kontemporaryong mga akdang pampanitikan na tangan ang malaya at progresibong kaisipan; pangatlo; ang pag-aaral ng Panitikang Filipino bilang lente sa ating kasaysayan na may maka-Pilipinong pananaw. At pang-apat; ang pagkakaroon ng produksyon at presentasyon ng mga artikulong hinggil sa mga panunuri ng mga akdang pampanitikan.

Inaasahang kalalabasan: 1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa historikal na pag-unlad nito; 2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng sambayanang Pilipino. 3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng panitikang Pilipino. 4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika; 5. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina tungo sa pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan. 6. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga manunulat na Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular tungo sa kaisipang Filipinolohiya. 7. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan tangan ang Malaya at progresibong kaisipan.

5

8. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng makaPilipinong pananaw. 9. Nakabubuo ng papel/artikulo hinggil sa panunuri ng mga akdang pampanitikan. 10. Responsableng nakagagamit ng iba’t ibang platform para sa pagtatanyag sa iba’t ibang panitikang Pilipino. 11. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod. 12. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at globa na aspeto.

Awtlayn ng kurso:

Kabanata 1: Samu’t Saring kabatiran sa Panitikan Kabanata 2: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Tula at Awitin Kabanata 3: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Maikling Kuwento Kabanata 4: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Sanaysay

Plano ng kurso WEEK 1-4

KABANATA/PAKSA

GAWAIN

Oryentasyon sa VMGO (Vision,

Talakayan at pagsagot sa mga

Mission, Goals at Objective) ng

inihandang aktibidades na makikita sa

Unibersidad.

kabanata 1

Pagbibigay ng mga kahingian sa kurso, pagtatalakay sa kasaklawan ng mga paksain sa klase at sistema ng paggagrado (grading system). Kabanata 1: Samu’t Saring Kabatirang sa Panitikang Filipino 5-8

Kabanata 2:

Pagpapahalagang

Pampanitikan sa Tula at Awitin

Talakayan Bugtongan Challenge Pagsulat ng maikling tula batay sa piniling apat na larawan na may dalawang saknong at may 6

sinusundaang tugmaan. Panghuling pagtatasa tungkol sa binasang tula. Pagsagot sa mga katanungan tungkol sa kantang Un Potok na likha ni Fr. Oliver Castor. 9 10 - 13

PANGGITNANG PAGSUSULIT Kabanata 3:

Pagpapahalagang

Pampanitikan sa Maikling Kuwento

Talakayan Pagbasa

sa

maikling

kuwentong

“Kapayaan sa madaling araw” ni Rogelio Ordoñez at pagsagot sa mga kaakibat na katanungan. 14-17

Kabanata 4:

Pagpapahalagang

Pampanitikan sa Sanaysay

Talakayan Pagbasa ng babasahing “Tungkol kay Angel

Locsin”

“Pangmomolestiya

p.

101-107,

at

sa Pabrika” p.

113-116 mula sa Peryodismo sa Bingit:

Mga

Naratibong

Ulat

sa

Panahon ng Digmaan at Krisis ni Kennenth Roland A. Guda.

Paggawa ng sanaysay batay sa sariling

danas

tungkol

sa

mga

sumusunod: 1. Kalagayan

ng

pamilya

sa

ilalim ng ECQ. 2. Obserbasyon sa Freedom of Expression sa panahon ng pandemya. 3. Kalagayan ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng Online Class. 18

HULING PAGSUSULIT O PAGPAPASA NG KAHINGIANG PAPEL

7

Paraan ng pagmamarka

Class Standing Attendance Recitation Pagsusulit Proyekto/ Ulat/ Takdang Aralin Midterm/Finals

70

30%

Kabuuan

100%

Mga materyales na gagamitin:

Kabanata 1: Samu’t Saring kabatiran sa Panitikan Kabanata 2: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Tula at Awitin A. Tula Andang

Juan.

(2013,

January

13).

Ano’ng

Tula?.

Nakuha

mula

sa

https://arspolitika.wordpress.com/2013/01/10/anong-tula/

Añonuevo, R.[Roberto]. (2009, June 5). Kahulugan ng Talinghaga. Retrieved from Alimbukad: https://dakilapinoy.com/2009/06/05/kahulugan-ng-talinghaga/

Anonuevo, R. [Rebecca]. (2014). Language Poetry: Saan ang Mambabasa? In R. Anonuevo, Talab: Mga Sanaysay sa Panitikan, Wika at Pagtuturo (pp. 122-128). Naga: Ateneo De Naga University Press.

Gappi, R. R. (2013, February 19). Hinggil sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Nakuha sa

https://arspolitika.wordpress.com/2013/02/19/hinggil-sa-malikhaing-pagsulat-

ng-tula-sa-filipino/

Guillermo, G. (2013, March 5). Ano ang silbi ng Makata?. Nakuha mula sa https://arspolitika.wordpress.com/2013/03/05/ano-ang-silbi-ng-mga-makata/

Macaraig, M. B. (2004). Sulyap sa Panulaang Filipino. Lungsod ng Maynila: Rex Bookstore.

8

Montalban, P. (2018). KM64 Patikim Workshop: 24/7 na Karinderya ang Tula [Powerpoint slides]. Nakuha mula sa http://facebook.com/km64

Montalban, P. (2020). Karapatang Sumulat, Sumulat Para sa Karapatan [Powerpoint slides]. Nakuha mula sa http://facebook.com/km64

B. Awit

Maceda T. Pagkatha ng Tunay at Totoo sa mga Lipunang Silensyo (July-December 2015) Social Science Diliman

Navarro, R. (2001) Ang Musika sa Pilipinas: Pagbuo ng Kolonyal Polisi, 1898-1935. Humanities Diliman

Navarro, R. (2017) Apat ba Taong Pagsikat ng Nakapapasong Araw: Musika sa Filipinas sa Panahon ng Hapon, 1942-1945. Plaridel

Navarro R. (January-December 2008) Ang Bagong Lipunan, 1972-1986: Isang Panimulang Pag-aaral sa Musika at Lipunan. Humanities Diliman. Salamat, M. (2018, December 14). In the Philippines, A Dam Struggle Spans Generations, Inspires Songs of Unity For the Environment. Bulatlat News, Mula sa https://www.bulatlat.com/2018/12/14/in-the-philippines-a-dam-struggle-spansgenerations-inspires-songs-of-unity-for-the-environment/ Kabanata 3: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Maikling Kuwento Nobela

MaIkling Kuwento

Ordonez, Rogelio L. "Kapayapaan sa Madaling Araw", Pluma at Papel https://plumaatpapel.wordpress.com/2009/07/09/kapayapaan-samadaling-araw/

Samar, Edgar Calabia "Pagsulat ng Maikling Kuwento" Mula sa: https://www.facebook.com/watch/live/?v=273232570527367&ref=watch_ 9

permalink

Kabanata 4: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Sanaysay

Sanaysay Lumbera, B. Ang Sanaysay: Introduksyon. Sa B. Lumbera. R. Villanueva, R. Tolentino, & J. Barrios (Eds.) Paano Magbasa ng Panitikang Filipino (pp. 3-9). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

Guda, Kenneth Roland A. Peryodismo sa Bingit: Mga naratibong ulat sa panahon ng digmaan at krisis. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2016, 95-129. Print.

Santiago. Lilia Quindoza (ed.). Mga idea at estilo: Komposisyong pangkolehiyo sa wikang Filipino. Lungsod Quezon: UP Press at DFPP-UP Diliman, 1995. Print.

10

KABANATA 1 SAMU’T SARING KABATIRAN SA PANITIKANG FILIPINO

Layunin: 1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa historikal na pag-unlad nito; 2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng sambayanang Pilipino. 3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng panitikang Pilipino. 4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika. 5. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod. 6. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at globa na aspeto.

I. PAGTALAKAY: Marami-rami na rin siguro ang mga narinig mo nang kuwento mula sa magulang, lolo, lola, tiyo, tiya, pinsan, kamag-anak, kaibigan, guro, kaaway at iba pang tao. Hindi na rin siguro mabilang ang iyong mga nabasa mula sa facebook, twitter, blog, o iba’t ibang social media, maging sa mga libro, magasin, komiks, patalastas, peryodikit, brosyur at iba pa. Kung oo ang iyong sagot, nagpapatunay lamang ito na hindi ka makakatakas sa daigdig ng panitikan. Halos lahat ng galaw mo sa buhay ay nasa impluwensiya ng panitikan. Sinasabing ang Panitikan ay kabuuan ng mga akda, o ang disiplina ng pag-aaral nito. Ngunit bago pa man naging isang disiplina, ang panitikan bilang isang natatanging kabuuan o body of works ay umiiral na. Ito ay sa kadahilanang likas sa tao ang magpahayag at lumikha. Naging bunga ang panitikan ng pagnanasa ng taong makapagpahayag at maging malikhain. Mula nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang pagkatao, nagsimula itong maging disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang dating behikulo lamang ng ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalikhain, ito ay naging isang karunungang kailangan ng tao at ng kanyang sibilisasyon. Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pangedukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay gumanap/gumaganap ng iba’t ibang tungkulin at iba-iba sa bawat panahon, sa bawat lugar, sa bawat antas. 11

Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas-kolehiyo, ang pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing pemis: kognitibo at kultural, bukod sa iba pa. Lunsaran ang panitikan ng pagpapaunlad ng mga kasanayang kognitibo o pangkaisipan ng mga mag-aaral. Bukod dito, kasangkapan din ito, partikular ang pag-aaral ng ating sariling panitikan, sa pagpapatibay ng sariling kabansaan at pagkakakilanlan. Hindi kaiba sa ibang disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang prosesong debelopmental.

Kahulugan ng Panitikan Sinasabing ang Panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino

tungkol

sa

pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang

pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino. Bakas na bakas sa kultura ng mga Pilipino ang pasalitang pagpapahayag ng damdamin. Hindi natin maitatatwa na ang ating mga ninuno o marahil mga lolo at lola ninyo ay nakaranas pa ng mga umpukan noong sila ay mga bata at nagbibidahan ng kani-kaniyang pasiklab gaya ng bugtungan. palaisipan paligsahan ng tula, o kaya nama’y pagkukuwento ng mga alamat, kuwentong bayan.

Ang mga ito ay maihahanay natin sa mga panitikang pasalita.

Sa

kasalukuyan, marami pa rin ang gumagamit at sumisikat sa ganitong uri ng panitikang pasalita gaya ng spoken poetry at paligsahan sa pamamagitan ng flip top. Hindi rin matatawaran ang bugso nang hindi mabilang na naisulat na panitikang Pilipino na umiiral sa ating bansa na naging bahagi na ng ating kasaysayan at karamihan pa nga ay naging malaking ambag sa pagbibihis at pagbabago ng lipunang Pilipino. Ayon kina Lalic, E.D. at Matic, Avelina J (2004) Ang panitikan ng isang lahi ay ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago ng kabuhayan ng isang bansa ay nakaiimpluwensya sa panitikan nito. Hindi maikakaila na napakalaking bahagi ng mga mamamayan ng Pilipinas ang kabilang pananampalatayang katolisismo dahil sa impluwensiya ng mga panitikang umiral sa bansa sa loob ng mahabang panahon, gayonpaman dahil sa pag-usbong iba pang uri at klase ng panitikang panrelihiyon kung bakit lumaganap at lalo pang dumami ang iba’t ibang sekta sa Pilipinas. Maging ang pamumuhay ng mga Pilipino ay kinabakasan ng maraming pagbabago dahil sa impluwensiya ng panitikan.

12

Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan. May mga nagsasabing ang panitikan ay talaan ng buhay. Ayon kay Arrogante (1983), talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Ayon naman kina Salazar (1995), ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Maaalalang nagsilbing titis sa mga Amerikanong may kulay ang pagkakabasa nila sa Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe upang kanilang ipakipaglaban ang kanilang pantay na karapatan sa mata ng batas at katarungan na humantong sa kanilang tagumpay sa Digmaang Sibil sa Amerika. Pinukaw naman ni Jean Jacques Russeau sa kanyang Social Contract ang isipan ng mga Pranses. Sa pamamagitan ng akda ni Russeau, nabatid nilang sila’y biniyayaan din ng Diyos ng karapatan at katarungan at natutunan nilang iyo’y kanilang ipakipaglaban. Nang patuloy iyong ipagkait sa mga Pranses, ang pakikipaglaban nila sa katarungan at karapatan ay humantong sa isang himagsikan sa Pransya, dito sa Pilipinas man ay makakatukoy ng napakaraming katibayan kung paano pinakilos ng panitikan ang lipunan. Nagsilbing inspirasyon sa mga katipunero ang mga akda ni Rizal upang maglunsad ng isang himagsikan laban sa mga Kastila. Ang mapanghimagsik na dulang itinanghal noong panahon ng mga Amerikano ay ikinapiit ng mga may-akda niyon at lalong nagpagalit sa maraming Pilipino. Sinikil ng dating Pangulong Marcos ang laya sa pamamahayag ngunit hindi niya napigilan ang paglaganap ng mga akdang naglalarawan sa pagmamalabis ng kanyang administrasyon. Iyon ay isa sa maraming dahilan ng pagwawakas ng kanyang pamumuno noong 1986 sa EDSA. Ayon naman kay Webster (1947), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. Kung ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat, maituturing bang panitikan ang mga tula, tugaman, kasabihan, awit at iba pang pasalin-salin sa bibig ng tao lalo na noong panahong bago dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan? Ang sagot ay oo, panitikan din ang mga iyon. Kailangan bigyang-diin na ang kahulugan ni Webster ay modernong pagpapakahulugan sa panitikan sa panahong ang tao ay marunong nang sumulat at sa panahong ang panitikang pasalin-dila ay naisalin na sa anyong pasulat. Kung tutuusin, maging ang palabuan ng salitang panitikan ay nagbibigay-diin sa pasulat na katangian nito. Ang salitang panitikan ay nanggagaling sa salitang-ugat na titik, kung gayon, naisatitik o nasusulat. Ngunit lahat ba ng nasusulat ay maituturing nang panitikan? Ang sagot naman sa tanong na ito ay hindi. Kung babalikan natin ang kahulugang ibinigay ni Webster, matutukoy 13

natin ang iba pang pangangailangan upang ang isang bagay na nasusulat ay maituturing na panitikan-malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalangmaliw. Ayon kay Bro. Azarian sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha. Ayon naman kay Jose Villa Panganiban (1954), ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba. Binigyang din nina Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel (1978) ng katuturan ang panitikan bilang salamin ng lahi, kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na i...


Similar Free PDFs