Panitikang Filipino - PREKOLONYAL, AMERIKANO, HAPON, AT KASALUKUYAN PDF

Title Panitikang Filipino - PREKOLONYAL, AMERIKANO, HAPON, AT KASALUKUYAN
Author Stacey Ongpauco
Course Panitikang Filipino
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 6
File Size 159.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 232
Total Views 371

Summary

PanitikangFilipinoONGPAUCO, Ciastacey May T. BSBA MM 2-1N GEED 10133Sagutin sa anyo ng sanaysay ang sumusunod na mga tanong:1. Ipaliwanag ang ugnayan ng panitikan sa pag-usad ng kasaysayan at lipunang Filipino (mula prekolonyal hanggang sa kasalukuyan).PREKOLONYAL Pinaniniwalaang ang panahong ito ay...


Description

Panitikang Filipino ONGPAUCO, Ciastacey May T. BSBA MM 2-1N GEED 10133

Sagutin sa anyo ng sanaysay ang sumusunod na mga tanong: 1. Ipaliwanag ang ugnayan ng panitikan sa pag-usad ng kasaysayan at lipunang Filipino (mula prekolonyal hanggang sa kasalukuyan). PREKOLONYAL Pinaniniwalaang ang panahong ito ay ang panahon kung saan ang ating mga ninuno ay nagsimula lang magkaroon ng sariling literatura at panitikan mula nang dumating ang mga mananakop. Ngunit ito ay isang kathang isip lamang dahil noon pa man ay napakayaman na ng ating bansa nang dahil sa ating panitikan. Bagamat ang mga panitikan sa panahong ito ay pasalin-dila lamang, nagawa pa rin nitong manatili sa ating kultura at kasaysayan magpahanggang ngayon. Nariyan ang mga bugtong, salawikain, mga alamat, mito, epiko, at mga awiting bayan na hanggang ngayon ay laganap at patuloy pa ring naipapasa sa pamamagitan ng edukasyon. Sa aking natutuhan, naniniwala ako na ang panahong ito ay may malaking papel sa ating kasaysayan. Sa pamamagitan nang pag usbong ng mga panitikan o literaturang ito, ay nabigyan tayo nang kakayahan masilayan kung ano ang mga iba’t ibang kultura’t tradisyon na kanilang isinasabuhay, nabigyan tayo ng kamalayan sa kung paano ipinapahayag ng ating mga ninuno ang mga nangyari noong panahon nila. Nang dahil din sa mga panitikang ito ay nabigyan tayo nang kakayahang ngayong kasalukuyan na mabalikan at mapahalagahan ang mga panitikang umusbong sa panahong ito. Hindi man mayaman ang ating mga ninuno sa paraan upang mas mapalaganap ang panitikan sa panahong ito, hindi pa rin natin maipagkakaila na sa kabila nito ay talagang napayaman na ng ating bansa at kasaysayan.

PANAHON NG MGA KASTILA Nang dumating ang mga mananakop na kastila sa ating bansa, nagdala ito nang isang malaking dagok sa panitikan at sa lipunang Filipino. Sa pamamagitan nang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, maraming mga pilipino ang nabinyagan sa ilalim ng relihiyong ito. Ang pangyayaring ito ay naging adbentahe naman sa mga kastila na mas madaling mahubog ang kaisipan ng ating mga ninuno. Dahil dito, mas nabigyang kapangyarihan ang mga mananakop na kontrolin ang kamalayan ng mga pilipino, mula sa kanilang pananalita, maging sa literatura. Nabanggit na bago pa man dumating ang mga mananakop ay likas na ang taglay na yaman ng mga pilipino sa panatikan. Ngunit mula noong sinakop tayo ng mga kastila, naging matumal ang pagsibol ng mga panibagong panitikan. Karamihan ng mga nalikhang panitikan ng mga pilipino ay sinunog at sinira, sa paniniwalang ang mga ito ay mga sulating pumapanig sa diyablo. Ang iba namang mga sulatin ay isinalin sa wikang espanyol, karagdagan dito ay maraming umusbong na iba't ibang estilo ng pagsusulat. Dito na rin sumibol ang mga propagandistang nagsusulat laban sa pamahalaan. Gaya na lang ng mga sulat ni Dr. José Rizal. Ang mga nangyari noong panahong ito ay higit na mahalaga sa ating kasaysayan, at sa mga nangyayari ngayon sa kasalukuyang lipunan. Ang mga nangyari noon ang ating nagsisilbing takda at tanda sa kapangyarihan at dalang pagbabago ng rebolusyon at pagkakaisa. PANAHON NG MGA AMERIKANO Iba naman ang ginamit na paraan ng mga Amerikano sa pagbilog ng kaisipan ng mga pilipino noong panahong ito. Noong sinakop tayo ng mga Kastila, lubos na

ipinagbabawal ang edukasyon. Ang mga mayayaman lamang ang nabigyang oportunidad na makapag-aral. Sa paraang ito ay madaling nailimbag sa isip ng mga pilipino na ang mga Amerikanong dayo na ito ang ating tagapagligtas sa pananakop ng mga Espanyol. Subalit noong panahon naman ng Amerikano, binigyang karapatan ng mga Amerikano na mag-aral ang mga pilipino. Sila pa nga ang nagpakilala sa sistema ng edukasyon na magpahanggang ngayon ay ating sinusundan. Kaya naman ang panitikan sa panahong ito ay muling nagsibol sa kadahilanang may kalayaan ang mga Pilipinong sumulat. Mula sa mga panitikan na nasa wikang Filipino, mayroong ding mga literaturang nailikha na nasa wikang Ingles. Dito umusbong ang mga dula patungkol sa mga kalapastanganan at kasakiman ng mga mananakop. PANAHON NG MGA HAPON Matapos tayong sakupin ng mga Amerikano, ay siyang dating naman ng mga Hapon. Ipinagbabawal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at kanilang ipinakita at hinikayat naman na dapat ay ating gamitin ang ating sariling wika, lalo na sa paggawa ng iba't ibang sulatin at mga akda tungkol sa yaman ng ating kultura, mga sariling tradisyon, paniniwala, at kaugaliang pilipino. Bagamat hinayaan at binigyang kasarinlan ang ating mga ninuno sa paggamit ng sariling wika at paggawa ng panibagong mga literatura, nabahiran pa rin ng impluwensyang Hapon ang ilan sa mga sulatin at akda ng mga pilipino. Gaya na lang ng mga sulating gumagamit ng estilo ng Haiku at Tanaga. Ito ay mga tula na may bilang ang bawat linya at pantig, nang magmukha itong uniporme.

KASALUKUYAN Nagdaan ang maraming henerasyon, at nakamtan din natin ang kasarinlan. Pagtapos nang lahat ng pananakop na naranasan ay ating bansa, ay makikitang labis na sumasalamin pa rin ang ilan sa mga gawi natin ngayon sa panahon noon. Ngayong kasalukuyan ay mas malinaw na sa atin ang mga impluwensyang naidala ng bawat bansang nagtangkang sakupin ang ating bansa. Ang pagkakaroon ng ating kalayaan ang nagbigay daan para sa panahong ito na mas maging malaya sa paggawa ng panitikan. Lalong sumibol ang mga akdang gawa ng pilipino, at ito pa'y patuloy na lumaganap sa kung saan saan pang lalawigan at dako ng bansa. Subalit, hindi pa rin dito natatapos ang kahirapan na dinadanas ng mga pilipino. Ilang taong sumailalim sa Batas-Militar. Mahirap nag naging gawi ng mga pilipino lalo na ng mga dyornalista't reporter. Dahil sa sitwasyon noon ay napabagal ang daloy nv inpormasyon at talamak ang pagkalat ng inpormasyon, kaya naman lubos na naapektuhan ang paglilikha noon ng mga bagong sulatin. Sa panahong ito maraming nakitil na buhay, maraming nagdusa't naghirap. Kaya naman ang karamihan sa mga akdang nailikha noong panahong ito ay hango sa mga storya't karanasan ng mga pilipino. Mga akdang patungkol sa paglaban at pagtuligsa sa masasamang gawi ng mga nanunungkulansa sistema ng pamahalaan.

2. Sa iyong palagay o pagsusuri, ano ang estado o kalagayan ng Panitikang Filipino sa kasalukuyan?

Kasabay nang lalong pag-lago ng teknolohiya, ay ang pag-unlad ng panitikan ng ating bansa. Gamit ang teknolohiya, ito ay naging adbentahe upang mas mapabilis ang pagpapalaganap ng iba't ibang inpormasyon. Dahil dito mas marami ngayon ang may oportunidad na manunulat at sa iba pang may potensyal sa paggawa ng mga panibagong sulatin. Nang dahil sa teknolohiya mas naging matiwasay ang pagdaloy ng impormasyon, gamit na lamang ang mga iba't ibang gadyets, madali na ngayon ang magpalit, magbahagi, at tumanggap ng inpormasyon. Sa patuloy na paglago at pag-debelop ng teknolohiya, mas naging madali na lahat ng sistema, maging sa akses sa mga panitikan. Kahit pa ito'y matagal nang nailikha, sa isang klik lamang ay maaaring na nating mahanap ang naturang akda. Maging ang paggawa ng mga sulatin ay puwede na ring gawin sa internet. Dahil sa teknolohiya, sobrang lumawak at dumami ang mga paraan upang magbahagi ng panitikan. Walang limitasyon ang inpormasyong umiikot, nang dahil sa teknolohiya mas nagiging maalam ang mga tao ngayon na gayunding ginagamit upang mapaunlad ang ating lipunan. Masasabi kong ang kalagayan ng panitikan ngayon ay maaaring magtungo sa mas mabuting daan, o ito'y maging oportunidad sa iba upang abusuhin ang teknolohiya't gamitin ang panitikan upang mangloko o manakit ng ibang tao. Kaya naman sa aking palagay, mainam na tayo'y maging maalam at mapagmatyag sa lahat ng inpormasyong ating matatagpuan, ating gamitin ang teknolohiya at sumabay sa agos nito at patuloy na magbahagi ng magandang aral sa iba....


Similar Free PDFs