Pdfcoffee - pananaliksik PDF

Title Pdfcoffee - pananaliksik
Course AB Filipino
Institution Naga College Foundation
Pages 50
File Size 750.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 287
Total Views 687

Summary

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PATULOY NA PAGHUBOG SA UGALI/PERSONALIDAD NG MGA KABATAAN MULA SA SENIOR HAYSKUL NGIMMACULATE CONCEPTION ACEDEMY, DASMA ÑASIsang Sulating Pananaliksik na Ihaharap kay Gng. Mary Ann C. Escoto ng Kagawaran ng Filipino at Panitikan Dalubhasaan ng Malalayang Sining at Komunikasi...


Description

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PATULOY NA PAGHUBOG SA UGALI/ PERSONALIDAD NG MGA KABATAAN MULA SA SENIOR HAYSKUL NG IMMACULATE CONCEPTION ACEDEMY, DASMAÑAS

Isang Sulating Pananaliksik na Ihaharap kay Gng. Mary Ann C. Escoto ng Kagawaran ng Filipino at Panitikan Dalubhasaan ng Malalayang Sining at Komunikasiyon Pamantasang De La Salle – Dasmariñas Lungsod ng Dasmariñas, Cavite

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan para sa FILI 102 Pananaliksik Tungo sa Pagkatutong Pangkaalaman

Jewel Briones Jonna Gervacio Isabel Maca Erica Rabacal

Mayo 29, 2017

1

TABLE OF CONTENTS

I. Abstrak

3

II. Introduksyon

4-10

III. Depenisyon ng mga Salita

11

IV. Paglalahad ng Layunin

12

V.Kaugnay na Literatura

13-15

VI. Konseptuwal na Balangkas

16

VII. Metodolohiya

17-23

V11I. Sarbey

24-27

1X. Konklusyon

28

X. Rekomendasyon

29-30

2

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay tatalakay hinggil sa epekto ng teknolohiya sa personalidad ng mga kabataan galing sa senior hayskul ng National College of Science and Technology, Dasmariñas. Ang mga kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa sanhi, epekto at eksplanasyon tungkol sa suliran ay mapaguusapan din sa pananaliksik na ito. Naglalayon ang pananaliksik na malaman kung ano ang tatlong maka-teknolohiyang gadyet na pinaka-ginagamit at kinahihilingan ng mga kabataan, malaman kung ano ang tatlong aplikasyon ang pinakakinahuhumalingang ng mga kabataan sa mga gadyet nila at maintindihan kung ano ang epekto ng teknolohiya sa personalidad ng mga kabataan. Gumamit ng mga convenient sampling sa pamamagitan ng online na talatanungan o questionnaire sa pangangalap ng datos ang mga mananaliksik upang mapadali ang pagkuha ng impormasyon mula sa mga kalahok. Gumamit ng Descriptive correlational upang ipakita ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mag-aaral. Ang mga kalahok ay ang mga senior hayskul na mga mag-aaral ng NCST Dasmariñas na nag-eedad 15 hanggang 17 na taong gulang. Nais alamin ng mga mananaliksik kung ano ang direktang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan upang malaman kung positibo ba o negatibo ang nagiging epekto ng paggamit ng mga kabataan ng maka-teknolohiyang gadyet at aplikasyon. Kapag nalaman naman ang epekto nito, maaaring maintindihan kung ano ang nagdudulot ng mga pag-uugali o pagbabago sa personalidad ng mga kabataan gamit ang mga datos galing sa online sarbey na kanilang sinagutan.

3

INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral Sa kasaysayan ng edukasyon, malaki ang nagiging ambag ng teknolohiya. Ito’y isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kaya naman ay napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. (Bertillo, 2011). Ang madalas lamang na bigyan ng pansin na paksa kaugnay ng teknolohiya ay ang social media at ang epekto nito sa mga edad 18 taong gulang at pataas. Sa pag-aaral na ito, pinili ng mga mag-aaral na maiba, at bigyan naman ng pansin ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan na may edad 15 hanggang 17 na taong gulang. Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga makabago at progresibong gamit ngayong panahon. Ang teknolohiya din ay ang mga gadyet at iba’t-ibang ‘platforms’ na nagbibigay ng tulong sa iba’t-ibang klase ng gawain sa panahon ngayon. (Tuzon, 2014). Ang teknolohiya ay lawas ng mga kasangkapan, makina, materyales, pamamaraan at prosesong ginagamit upang magbunga ng gamit at serbisyo para matugunan ang pangangailangan ng tao. Ito ay may kakayahang gawing mas produktibo, mabilis at palagiang tama ang ibinibigay na resulta ng anumang pinaggagamitan nito ay sapat nang katibayang malaki ang kontribusyon nito sa pagunlad ng bansa. Hindi maitatanggi na madaming klase ng tao ang gumagamit ng iba’t-ibang makateknolohiyang aplikasyon. Ayon kay Havas Media Ortega, ang mga tao ngayon ay may dalawang pamumuhay; ang totoong buhay at ang virtual na pamumuhay. Sa virtual na pamumuhay, ang isang tao ay umuubos ng kanyang oras sa paglalaro, paggamit at pagkonsumo ng napili niyang aplikasyon. Sa kabilang banda, ang totoong buhay naman ay sumasaad sa mga normal na gawain ng isang tao araw-araw.

4

Bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataan sa social media at ang iba’t-ibang aplikasyon na maaaring magamit dito? Facebook, Yahoo, Twitter: ilan lamang ang mga iyan sa mga pinakausong tambayan ngayon ng mga kabataan, pagdating sa pag gamit ng internet; tambayan na sa simpleng salita ay tigilan o pampalipas ng oras na maaaring naghahatid ng saya, o maaari namang instrumento upang patayin ang oras mula sa labis na kayamutan. Ang internet ay isang uri ng tsanel kung saan ang maraming impormasyon ay madaling matatagpuan sa pamamagitan ng ibat-ibang makabagong teknolohiya at gadyet. Sa pamamagitan rin ng internet, ay mabilisan mong naipapadala ang mensahe, saloobin, nararamdaman o kurokuro at mabilisan ka din namang makatutugon. Gamit din ang aplikasyon sa internet ay maaaring makipag-ugnayan sa mga taong malayo, malapit, kakilala at kahit sa hindi kakilala, na nagbibigay daan upang makatulong sa mas mabisang pangangalap ng impormasyon galing sa iba’t-ibang lugar at tao. Ang pinakabago at pinakasikat na kinahuhumalingan ng mga kabataan ay ang paglalaro ng mga online games gaya ng Dota, Clash of Clans, League of Legends, at iba pa na pawang kaiga-igaya, may makukulay na disenyo ngunit mayroong kalimitang mababagsik na tema. Ayon sa social learning theory ni Bandura, madaming proseso ng pagkatuto ang maaring magamit ng isang tao. Ang dalawa sa mga ito ay ang Vicarious Conditioning o ang pagkatuto mula sa kinalabasan ng gawain ng iba o ng observational learning o pakatuto batay sa panunuod lamang sa iba. Masasabi na pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito, gamit lamang ang mga gadyet na mayroon tayo. Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na sinusunod at ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media. Sa mga uri ng social media,

5

ang sinasabing pinakakilala ay ang Facebook at ang iba pang mga ginagamit ay ang Twitter at Instagram na may iisang layunin, ang makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa mga tao sa iba’tibang parte ng mundo. Hindi lang ang buhay natin ang kayang hubugin ng internet at ng teknolohiya, maaari din nitong hubugin ang pamamaraan ng pagiisip natin (Carr, 2010). Isang kadahilanan kung bakit maaaring magbago o maapektuhan ang personalidad ng isang tao na gumagamit o nahuhumaling sa teknolohiya ay ang kakayahan nitong padaliin ang buhay ng bawat tao. Maaaring mawalan ng gana kumilos ang isang tao dahil maaari naman gawin para sa kanya ng teknolohiya ang kinailangan niyang gawin magisa. Isa pang maaaring kadahilanan kung bakit nagbabago ang pag-uugali ng isang tao sa paggamit ng teknolohiya, ay ang kapabilidad nito na magbigay ng madaming impormasyon sa taong naghahanap gamit ang internet. Dahil sa kadahilanan na ito, maaaring ang isang tao ay mas maging palabasa kaysa sa maging palalabas at maliksi. Ano nga ba ang tunay na epekto ng teknolohiya? Madaming aplikasyon at mga ‘social media platforms’ ang ginawa upang mapadali ang paraan ng pangungusap, pagbibigaykaalaman, kasiyahan at pagbibigay-serbisyo sa iba’t-ibang klase ng tao. Ngunit hindi napapansin ng karamihan na kapalit ng madaming gamit ng teknolohiya ay ang direktang epekto nito sa nagiging o magiging personalidad ng bawat tao, lalong-lalo na sa mga kabataan. Dahil sa kinamulatan o nakasanayan na uri ng pamumuhay ng mga kabataan, normal lamang na maepektuhan ang kanilang personalidad. Maaari din na mahubog ang personalidad nila batay sa kung anong aplikasyon ang ginagamit nila. Madaming maaaring maging direktang epekto ng teknolohiya, at ang iba’t-ibang aspeto nito, tulad ng mga aplikasyon sa mga kabataan ngayon; positibo man o negatibo.

6

Upang maipaliwanag at maintindihan ang iba’t-ibang personalidad at epekto ng teknolohiya, ay kina-kailangan ng masinsinang pananaliksik. Ito ay tutugon sa mga klase ng katangian ng kabataan at kung anong nagdulot nito. Ito ang mga dahilan kung bakit napili ng mga mananaliksik ang paksang ito. Interesado ang mga mananaliksik na matukoy kung anu-ano ang mga maaring positibo at negatibong epekto nito sa buhay ng mga kabataan at kung bakit ganon na lamang sila mahumaling sa teknolohiya kaysa noon. Nais din matuklasan kung bakit mas gusto ng mga kabataan na mag laro na lamang sa loob ng bahay gamit ang kanilang mga gadyet kaysa sa lumabas upang makipag laro at makipag salamuha. Panghuli, nais malaman ng mga mananaliksik kung paano naapektuhan ang mga bata na hindi gumagamit ng teknolohiya at gadyet sa maka-teknolohiyang panahon ngayon at kung ano ang mga rason at opinyon nila. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mananaliksik upang makakuha ng sapat na resulta at makamit ang layunin at kahalagahan ng pananaliksik na ito. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral kung saan malalaman ng mga estudyante ang kahalagahan at epekto ng pag gamit nila ng teknolohiya, dito mauunawahaan natin kung bakit ganon na lamang ang personalidad at pag uugali nila, upang matulungan namin sila maintindihan at mapaliwanag ang mga posibleng epekto nito. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga magulang ng mga mag-aaral na matukoy at maintindihan kung bakit ganoon ang personalidad at pag uugali ng kanilang mga anak. Gamit ang pananaliksik na ito, maaari ding magkaroon ng kamalayan ang mga mambabasa o mga taong nag-aalala sa mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa kabataan. Mula dito, maaaring maigrupo ang mga kabataan batay sa pagkapareparehas ng kanilang mga ugali, kung ano ang edad nila, kung anong mga aplikasyon at gadyet ang kadalasan nilang ginagamit at kung ano ano ang pagkakaparehas sa kanilang mga interes.

7

Importante na malaman ng mga tao kung ano ang mga naidudulot ng paggamit ng mga maka-teknolohiyang bagay sa kanila. Hindi man kapansin-pansin ngunit natural lamang na may pagbabago sa mga ikinikilos ng mga tao lalong-lalo na dahil ang ibang tao ay gumagamit ng teknolohiya upang mapadali ang pang araw-araw nilang mga gawain. Ang mga kaugalian ng mga piling tao na edad 20 pataas ay napag-aralan at dahil diyan, napatunayan na ang mga ugali nila ay nagbabago paunti-unti dahil sa paggamit ng teknolohiya. Hindi man malaki ang pagbabago, unti-unti naman naiiba ang mga paniniwala at mga karanasan ng mga ito dahil sa paggamit ng iba’t-ibang kagamitang pang-teknolohiya. (Currie, 2015). Dahil sa kaalaman na ito, maaring masabi na malaki ang nagiging epekto ng iba’t-ibang aspeto ng teknolohiya sa mga ugali, paniniwala at mga nakasanayan na ng mga tao, lalong-lalo na sa mga kabataan na madaling maimpluwensiyahan at matuto. Marahil sa panahon ngayon ay normal na makita ang mga kabataan na may hawak na mga ‘tablet’, iPad at kung anu-ano pang mga gadyet. Pero noong bago pa maging uso ang mga maka-teknolohiyang mga kagamitan na ito, ang mga bata ay madalas makikita sa labas ng kanilang mga bahay, naglalaro at nakikipag-usap sa kanilang mga kalaro. Bakit nga ba mas pinipili na nila manatili sa loob ng kanilang mga bahay upang maglaro gamit ang isang bagay? Maraming dahilan kung bakit mas pinipili ng mga kabataan ngayon ang kanilang mga ‘tablet’ o ‘iPad’. Ito ay dahil nakakalaro, nakakapagusap at nakakapagsaya sila gamit ang mga ito ng hindi kinakailangan lumabas sa kanilang mga tahanan. Nakakapangmangha nga naman kung anu-ano ang mga naibibigay ng mga bagay na ito sa kasiyahan at kaaliwan ng mga kabataan ngayon. Ngunit lahat nga ba talaga ng naidudulot nito ay maganda o nakakatulong sa kanila? Ang mga batang gumagamit ng iba’t-ibang gadyet habang bata pa sila ay sinasabing mas nailalantad sa mga kapahamakan sa kanilang kalusugan at kanilang ugali, (Teng, 2013). Ang

8

mga magulang ay di masyadong naiintindihan ng lubusan kung ano ang mga tunay na negatibong epekto ng paggamit ng kanilang mga batang anak ng teknolohiya. May tama nga bang edad at lugar para sa paggamit ng maka-teknolohiyang mga kagamitan? Dapat nga ba hayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak? O dapat nilang gabayan ang mga anak nila habang gumagamit ng mga gadyet na ito? Ayon sa artikulong nahanap ng mga mananaliksik na kahawig ng kanilang pinag-aaralan, ang positibo at negatibong epekto ng social networking websites sa mga piling mag-aaral ng Ginoog Christian College ay isa sa mga mahahalagang usapin ngayon sa ating lipunan. Nag iiba ang panahon dahil sa mga makabagong teknolohiya, gadyet at apliksyon na nakaka apekto sa mga tao lalo na sa mga kabataan ngayon. Ang kahalagan ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga mabuti at hindi mabuting naidudulot ng social networking sites sa mga estudyante nasa kursong edukasyon ng Ginoog College. Ang pag-aaral ay gumagit ng disenyong diskrptib – analitik para makakalap ng mga datos, nag disensyo ang mga mananaliksik na sarbey – kwestyuneyr para sa dalawampung (20) respondente. Sa pag-aaral na nabanggit sa itaas ay gumagamit din ng deskriptibong pananaliksik ang mananaliksik na si Lovely Rose Jemenia na tulad rin ng ginamit ng mga mananaliksik sa aral na ito. Ang pagkakaiba nga lang ay gumamit rin ang mananaliksik ng pag aaral na ito ng fgd o focused group discussion kung saan mas may nakuhang malinaw na detalye at impormasyon sa mga respondente. Ang madalas lamang na bigyan ng pansin na paksa kaugnay ng teknolohiya ay ang social media at ang epekto nito sa mga edad 18 taong gulang at pataas. Sa pag-aaral na ito, pinili ng mga mag-aaral na maiba, at bigyan naman ng pansin ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan na may edad 15 hanggang 17 na taong gulang. Ngunit sa pag-aaral na ginawa sa Ginoog College ay gumagamit lamang ng dalawampung respondente kung saan hindi gumamit 9

ng formula para sa pagkuha ng respondente nangangahulugan hindi balido ang mga nakuhang resulta. Mas tiyak ang makukuhang resulta sa pag-aaral na ito kung saan gumamit ng formul para sa malawak, tiyak at detalyadong resulta at impormasyon.

DEPINISYON NG MGA SALITA Ang mga terminolohiya ay binigyang kahulugan batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga tagasaliksik. 1. Teknolohiya- ay isang napakabagong makina o gadyet na kung tawagin ng iba ay Awtomatik na proseso o hindi manu-mano. 2. Gadyet- isang maliit na gamit pang teknolohiya. 3. Tablet/ipad- ito ay isang kompyuter sa anyo ng isang pad/board na madalas nasa 7-10 inch pahilis ang laki. Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng iba-ibang klase ng pag-press o swipe sa screen. 4. Kompyuter- ay isang uri ng teknolohiya na nagbibigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng internet. 5. Telebisyon- ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. 6. Aplikasyon- ito ay ang iba’t-ibang mga programa na ginagamit sa iba’t-ibang mga makateknolohiyang kagamitan. 7. Personalidad- ito ang iba’t-ibang katangian na humuhubog sa buong karakter ng isang tao. 8. Introvert – tao na may pagka-mahiyain at naiilang makipagsalamuha.

10

9. Extrovert – isang tao na walang problema makipagsalamuha sa iba at papalabas ang personalidad. 10. Ambivert – isang tao na may halong introvert at extrovert ang pag-uugali o ang personalidad.

PAGLALAHAD NG LAYUNIN Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay para malaman ang epekto ng teknolohiya sa patuloy na paghubog sa ugali/personalidad ng mga kabataan mula sa senior hayskul ng National College of Science and Technology, Dasmariñas.

Nilalayon din ng mga mananaliksik na: 1.

Malaman kung ano ang tatlong maka-teknolohiyang gadyet ang pinaka-ginagamit at

kinahihiligan ng mga mag-aaral ng senior hayskul ng NCST.; 2.

Malaman kung ano ang tatlong pinaka-kinahuhumalingang aplikasyon ng mga mag-aaral

sa mga gadyet nila; at 3.

Malaman kung ano ang epekto ng teknolohiya sa personalidad ng mga mag-aaral.

Teoretical na Balangkas Ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pang arawaraw na gawain. Ang pag-aaral na ito ay naglalarawan tungkol sa epekto ng teknolohiya sa pagaaral ng mga kabataan. Sa palagiang paggamit ng teknolohiya kagaya ng computer, tablet/ipad, cellphone, at telebisyon ay may dalang naidudulot at ito ay ang masama at mabuting epekto sa pag-aaral. 11

KAUGNAY NG LITERATURA (Foreign) Ang mga kabataan ay higit na gumagastos ng maraming oras sa paggamit at pagkuha ng impormasyon gamit ang teknolohiya (Jackson 2012). "Ang Internet, cell phone, instant messaging at mga larong pambidyo ay humahawak ng malaking porsyento sa araw-araw na buhay at gawain ng mga bata. Ngunit napakaliit ang kaalama tungkol sa kung ano ang tunay na epekto nito sa kanilang personalidad. Nakapagpapabago talaga ng buhay ang teknolohiya na mayroon tayo ngayon. Mahalaga ang ganap ng teknolohiya sa bawat buhay ng tao sa pamamaraan na pinapadali niya ito. Ang mga komplekado at kritikal na mga proseso ay napapadali ng teknolohiya at ng mga aplikasyon na kasama nito. Madami ding epekto ang teknolohiya sa pang araw-araw na buhay: 1) Madaling makakuha ng impormasyon, 2) Maaaring tumaas ang interes ng kabataan, 3) Mas madaming maaaring maalala gamit ang teknolohiya, 4) Mas napapadali ang pagpepresenta ng impomasyon at ang huli 5) Mas nagiging interaktib ang pangangalap ng impormasyon at ang paggamit ng social media. Kinayang baguhin ng makabagong teknolohiya natin ang pamamaraan ng pagturo ng ating mga guro sa paaralan. Ngunti sa pangsariling kagamitan, ano nga ba ang epekto nito sa mga personalidad at ugali ng mga kabataan?

12

KAUGNAY NA LITERATURA (Lokal) Maraming tao ang nagdedebate kung ang teknolohiya ay nakakabuti ba talaga o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan pag-aralan ng mabuti kung ano talaga ang epekto ng teknolohiya. Ang mga maaaring Positibong Epekto: 1) Pag-unlad ng antas ng libangan, 2) Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan, 3) Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa, 4) Mas mapapalapit sa iba gamit ng komunikasyon at ng teknolohiya, 5) Mas makakamura sa ibang paraan. Ang Mga Negatibong Epekto: 1) Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao, 2) Maaaring gamitin sa karahasan, 3) Nakakasira ng kalikasan, 4) Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon at 5) Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ayon sa blog nila Gergimar John Alinsangao, Ryan Nawal, Renan Sansait at Clark Lachica. Sa panahon ngayon, maraming gadyet na ang maaaring makita at mabili. Iba't ibang brand at model ng cellphone, laptop at iba pa ang patuloy na humuhuli sa interes ng mga tao lalong-lalo na ng mga kabataan. Hindi lang saya ang nadudulot nito kundi mas napapadali ng ang paguusap at mas naging organisado ang mga personal na gawain. Ang ibig sabihin lamang ito ay nakakasabay na sa modernisasyon ang mga Pilipino.

13

Di mapagkakaila na madami ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa pang arawaraw na buhay ng bawat tao. Ngunit dapat ding isaalang-alang ang maaaring maging epekto nito sa panahong inilalaan sa mas mahalagang bagay o gawain. Kabalikat ng pagkakaroon ng makabagong kagamitan o gadyet ang maayos na pamamahala dito. Hindi lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa buhay. Ang pagbibigay ng atensiyon sa mas mahalagang bagay ay isang kagalakan at responsableng pamamahala sa buhay at sa mga bagay na nagpapagaan at nagpapabilis sa gawain. Marami sa mga kabataan ngayon ang may mga mabababang marka, ayon sa uro.net. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo...


Similar Free PDFs
Pananaliksik
  • 11 Pages
Pdfcoffee
  • 88 Pages
PANANALIKSIK
  • 23 Pages
PANANALIKSIK
  • 49 Pages
Pdfcoffee
  • 3 Pages
Pdfcoffee
  • 11 Pages
Pdfcoffee
  • 29 Pages
Pdfcoffee
  • 4 Pages
Pdfcoffee
  • 12 Pages
Pdfcoffee
  • 57 Pages
Pdfcoffee
  • 14 Pages
Pdfcoffee
  • 23 Pages