Pananaliksik PDF

Title Pananaliksik
Author Rhowella Mantile
Course Practical Research
Institution Leyte National High School
Pages 11
File Size 102.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 294
Total Views 477

Summary

EPEKTO NG ARAW-ARAW NA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SALOOB NG SILID-ARALAN NG MGA MAG-AARAL NG BAITANG 11HUMSS ERIKSONKabanata 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYANPanimulaNapakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansang Pil...


Description

EPEKTO NG ARAW-ARAW NA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA LOOB NG SILID-ARALAN NG MGA MAG-AARAL NG BAITANG 11 HUMSS ERIKSON

Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Panimula

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansang Pilipinas. Mas nagkakaintindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ito ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila (Kitkat,2016). Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon at dahil dito, nagkakaintindihan ang lahat ng tao (Martha.C,2014). Maraming iba’t ibang wika dahil sa archipelago ng hugis ng bansang Pilipinas at tinatawag itong varayti ng wika. Sabi ng marami, Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing llinggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man magpunta sa mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino (Martha.C,2014).

Sa araw-araw na paggamit ng Wikang Filipino ng mga kabataang magaaral ngayon, nauuso na sa kanila ang paggamit ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng Wikang Filipino, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabolaryo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas madaling maintindihan. Nauuso rin sa mga kabataan ngayon ang pagpapalit ng mga salita sa ginagamit noong unang

panahon upang mas magangdang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng iba’t ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakaaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya. Ang pag-aaral na ito ay may layuning tulungan ang mga mag-aaral at mga kabataan upang kanilang malaman kung paano nakakapekto sa loob ng kanilang klase ang araw-araw na pagsasalita ng Wikang Filipino lalong-lalo na sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum sa pagpapahayag at pagpapaliwanag nila ng kanilang mga ideya at opinyon. Mauunawaan rin ng mga kabataan at mag-aaral ang mga responsableng paraan ng paggamit ng bawat salita sa paglalabas ng saloobin.

Sa pagpili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din ang kahalagahan ng pag-aaral na isinagawa. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang masasagot ang bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan patungkol sa epekto ng araw-araw na paggamit ng Wikang Filipino. Gamit ang mga makakalap na datos at impormasyon, ito ang siyang magiging batayan ng mga kasagutan sa mga suliranin na pinag-aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito. Kaligiran ng Pangkasaysayan

Ayon sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa (Martha.C,2014).

Ayon naman sa artikulong “A Modern Portrait Of Juan Dela Cruz”, na isinulat ni G. Roger Cerda, isang propesor sa asignaturang ingles ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang mga Pilipino ay “trying hard copycats”. Kung hindi nagkakamali ay isa ito sa mga dahilan kung bakit patok na patok ang Korean Trend dito sa Pilipinas. Dahil mahilig manggaya ang mga Pilipino na kulang nalang ay maging Koreano na rin sila na kung ano man ang nakikita nilang uso ay gagayahin nila. Sa patuloy na pagtangkilik ng mga ito umuunlad na ang ating kaalaman sa linggwahe ng ibang bansa. Maging ang kanilang paraan ng pagdikta ng salita ay ginagaya na rin. Simula elementarya palang ay hinahasa na ang kanilang pagsasalita ng ingles dahil ito ang kadalasang gamit na linggwahe sa pagtuturo ng matematika agham at halos lahat ng assignatura hanggang sa pagtungtong ng kolehiyo.(Nakahara, 2006)

Ang isyu sa pananaliksik na ito ay laganap ngayon dahil karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng Wikang Filipino sa pagpapahayag at pagpapaliwanag ng kani-kanilang mga opinyon at saloobin sa loob ng klase. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy ang mga epekto ng araw araw na paggamit ng wikang Filipino sa loob ng klase ng mga magaaral ng baitang 11-HUMSS Erikson ng Polomolok National High School.

Balangkas Teoritikal Ang

Wikang

Filipino

ang

ginagamit

sa

buong

kapuluan

sa

pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang etnikong grupo. Ang Wikang Filipino ay dumadaan sa isang prosesong paglinang sa pamamagitan ng paghiram ng mga wika ng Pilipinas at di katutubong wika sa ebolusyon ng barayti ng wika para sa mga iba’t ibang sitwasyon, ang mga nagsasalita nito ay may iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga talakayang paksa at iskolariling pagpapahayag. Sa mga nagkaroon ng kaalaman sa mga barayti ng wika, magkakaroon ng mga pagbabago sa atityud o kaugalian ng mga Pilipino sa wikang pambansa. Ang kamalayan ng bawat isa sa atin na mayroon tayong

malaki at mahalagang papel sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Magiging mas aktibo na ang mga partisipasyon ng lahat sa iba’t ibang gawain at mas ikalalago ang isang barayti ng wika kaya mas gagamitin at tatangkilikin ang wikang Filipino ng iba’t ibang Pilipinong nagsasalita nito. Isang bagong istratehiya ito upang magamit sa iba’t ibang paksa at gawaing pag-aralan saliksikin ng mga mag-aaral at guro sa ano mang antas ng pag-aaral Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa pagpapahayag ng sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanitili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan (Martha.C,2014).

Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na Epekto ng araw-araw na Paggamit ng Wikang Filipino sa loob ng Silid-aralan ng Baitang 11-HUMSS Erikson na kung saan ito ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod:

1. Para sa iyo, ano ang Wikang Filipino? 2. Kailan mo ginagamit ang Wikang Filipino?

3. Ano-ano ang mga positibong epekto ng Wikang Filipino? 4. Ano-ano ang mg negatibong epekto ng Wikang Filipino?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy ang mga epekto ng araw araw na paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral. Nais naming maging tulay o makapagbigay ng impormasyon sa mga mambabasa, estudyante, guro at mananaliksik. Sa Administrasyon. Upang mapagtanto nila na dapat ay bigyang halaga pa rin ang paggamit ng sariling wika dahil kung minsan ay pinagbabawalan tayong gumamit ng ating sariling wika at mas iniimplementa pa ang paggamit ng mga dayuhang linggwahe tulad ng ingles.

Sa mga Guro. Upang magamit nila ito bilang basehang materyal sa kanilang pagtuturo sa mga estudyante. Ito rin ay makapagbibigay impormasyon para sa kanila na mas maintindihan ng mabuti ang kanilang itinuturo sa mga estudyante at bigyang diin ang pagturo ng kahalagahan ng pagsasalita ng Wikang Filipino. Sa mga Mag-aaral. Upang magpagtanto ang kaakibat na epekto sa paggamit at pagkahilig ng wikang pandayuhan. Upang mas biyang halaga ang paggamit araw-araw at pagtangkilik ng sariling wika.

Sa mga Mambabasa. Upang makapagbigay kaalaman o impormasyon sa mga epekto ng paggamit ng Wikang Filipino sa pag aaral.

Sa mga susunod na mga Mananaliksik. Upang sila ay mabigyan ng ideya sa mga posibleng pag-aaral na may kaugnayan sa paksa na ito at upang makapagtipon pa sila ng mas maraming ulat at impormasyon ukol sa epekto ng paggamit ng wikang filipino sa pag aaral. Magagamit din ito bilang estratehiya na maging matagumpay ang kanilang pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral ng Baitang ikalabing

isa

HUMSS

Erikson

ng

Polomolok

National

High

School.

Kinabibilangan ito ng 29 na mga babae at 15 na mga lalaki, pinili sa paraang random, na may edad na 16-17 taong gulang . Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Upang mas mapaiging maunawaan ang mga nilalaman ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:

Archipelago - isang uri ng anyong lupa na binubuo ng mga isla. Balbal- ito ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Bokabularyo- ito ay maihahalintulad sa isang diksyunaryo. Ito ay naglalaman

ng mga salitang alam at pamilyar sa atin.

Kabanata II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga ideyang galing sa iba’t ibang awtor at mga babasahin kung saan nauugnay sa ginawang pagaaral.

Kaugnay na Literatura Ayon kay Cafford (1965), sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano ito nabuo. (Sanggunian: Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon,p:32)

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito. Ayon kay Mendoza (2004), ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang

pagpapahayag

ng

diwa.

(Sanggunian:Mendoza-Decal,

Eleonita,Pagbigkas at pagsulat na pakikipagtalastasan, National Bookstore, 2009)

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinion at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mg personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ng mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan. Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Lydia

Liwanag (2005), matatanaw

rin ang

malaking

kontribusyon ng iba’t ibang uri ng wika sa bansa sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Kinukunan ang mga rehiyunal na wika ng mga datos mula sa kanilang etnolinggwistiko, komunidad at sosyal na kinabibilangan. Ang mga kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral nila nito ay dala-dala nila sa kanilang pagpasok sa eskwela at kanila itong minumungkahi at bukambibig na ibinahagi sa kanilang interaksiyon sa klase. Sa isang pag-aaral naman, lumabas sa mga resulta na ang pagtuturo gamit ang katutubong wika ay napabilis ang proseso ng edukasyon. Kung ibang wika ang ating pag-aaralan o mga dayuhang linggwahe may tatlong proseso na palaisipan sa atin: perpesyon (kaalaman), pagsalin at pag-unawa (Jovie Halasan,2010).

Kabanata III METODO NG PANANALIKSIK Tinatalakay sa bahaging ito ang mga konsepto at mga yunit ng matalinong pagpili ng angkop na metodong gagamitin, populasyon, mga kalahok at pamamaraan ng pangangalap ng datos. Pamamaraang Gagamitin Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik. Populasyon Ang kabuuang bilang ng inaasahang mga kalahok ay apatnapu’t-apat na mga estudyante na binubuo ng dalawampu’t siyam na babae at labinlimang mga lalaki sa Baitang ika-labing-isa ng HUMSS Erikson sa Polomolok National High School. Paraan ng Pagpili ng Kalahok Sa pagpili ng mga kalahok, ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Simple Random Sampling. Deskripsyon ng mga Kalahok Ang mga napiling kalahok ng mga mananaliksik ay purong nag-aaral sa paaralan ng Polomolok National High School. Sila ang mga kabataan na nasa edad labing-anim hanggang labingpito. Sila ay naka-enroll sa baitang 11HUMSS Erikson. Sa kabuuan, sila ay binubuo ng apatnapu’t-apat na mga estudyante. Instrumento Sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay gumagamit ng intrumentong talatanungan upang matukoy at malaman ang sagot at tugon ng mga respondente sa mga suliranin ng pananaliksik.

Paraan ng Pangangalap ng Datos Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungang pamamaraan sa pangangalap ng datos upang malaman ang tugon ng mga kalahok sa mga suliranin....


Similar Free PDFs