Mañana habit pananaliksik PDF

Title Mañana habit pananaliksik
Author Aniceto Sardo
Course Education
Institution Bulacan State University
Pages 27
File Size 321.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 248
Total Views 369

Summary

Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYONPAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NGBULACAN STATE UNIVERSITY Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulakan Bilang bahagi sa mga gawaing kailangan sa Pagpapasa sa asignaturang Araling Filipino Ipinasa kay: Sharwin Nonato Guro sa Araling Filipino Mga Mananaliksik: Cac...


Description

Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG BULACAN STATE UNIVERSITY Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulakan Bilang bahagi sa mga gawaing kailangan sa Pagpapasa sa asignaturang Araling Filipino Ipinasa kay: Sharwin Nonato Guro sa Araling Filipino Mga Mananaliksik: Caceres, Jezza Marie Esternon, Melanie Equiza, Jeanette Gozo, Christine Francisco, Princess Joy Jamero, Patricia Kaye Ann Juanillo, Honey Lou Parico, Jan Rose Salut, Erica May Sardo, Anna Mae Sison, Joanna Marie Orias, Carmela Jane

Bulacan State University – Sarmiento Campus San Jose Del Monte Bulacan

SANHI AT EPEKTO NG MANANA HABIT SA PAG-ARAAL NG MGA MAG-AARAL NG SAN JOSE DEL MONTE NATIONAL HIGH SCHOOL NA NASA IKALABING DALAWANG BAITANG NA KABILANG SA HUMSS STRAND SA PANURUANG 2019-2020

ABSTRAK

Ang manana habit ay isang kaugalian ng isang tao na kung tawagin sa ibang terminolohiya ay prokrastinasyon. ng manana habit ay ang gawain na kung saan ipinagpapaliban o ipinagpapasabukas ng isang tao ang mga gawaing dapat tapusin. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ng mga nasa ikalabing dalawang baitang na kumukuha ng humanity and social science ang kwalitatibong pananaliksik ay ginamit sa pangangalap ng mga datos napagalaman ng pananaliksik na ito na sa kabila ng prokrastinasyon o mañana habit ay nagkakaroon parin ng positibong epekto na kung saan ang mga magaaral ay mas nakagagawa ng maayos na gawain kapag sila ay nagmamadali. Ang mga mananaliksik ay nirerekomendang intindihin at pagkatiwalaan ang mga magaaral sa kanilang mga ginagawa lalo pa’t nagagampanan naman ng mga magaaral ang kanilang tungkuling mag-aaral nang mabuti.

PASASALAMAT

Taos puso kaming nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi at walang sawang tumulong upang mapagtagumpayan at maging epektibo ang ginawang pananaliksik. Kay Ginoong Sharwin C. Nonato na aming propesor na patuloy kaming ginabayan sa aming ginawang pananaliksik at binigyan kami ng pagkakataon upang madagdagan ang aming kaalaman at nagbigay ng inspirasyon. Sa aming mga repondante na naglaan ng oras at masigasig na nakibahagi sa pagsagot ng tapat sa aming “survey questionnaire” lubos kaming nagpapasalamat dahil kung wala ang inyong partisipasyon ay hindi magiging tagumpay itong pananaliksik na ito. Sa mga mananaliksik sa pag-aaral na ito, dahil nadagdagan ang aming mga nakalap na impormasyon at nagkaroon kami ng mga basehan sa aming pag-aaral. Sa aking mga kapwa kamag-aral na tumulong magbigay at kumalap ng impormasyon tungkol sa aming pananaliksik, Sa pamamagitan ng inyong tulong ay nagging epektibo ang pananaliksik na ito. Sa kani-kanilang pamilya na taos puso ring tumulong at sumuporta sa aspetong pinansyal, moral at umintindi sa mga panahong abala kami sa paggawa ng pag aaral na ito, sa pagbibigay ng pagmamahal sa amin, maraming salamat po.

At higit sa lahat sa Panginoon, ay lubos kaming nagpapasalamat sap ag bibigay sa aming pangkat ng determinasyon upang maisagawa at matapos sa itinakdang araw ang pananaliksik na ito, at sa pag bigay ng lakas ng loob at sa lahat ng aming ginawa ay naroon ang inyong presensya. Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.

Dedikasyon

Buong puso naming inihahandog sa Panginoon ang pananaliksik na ito na ginabayan kami mula sa simula pa lamang. Binibigyan Niya kami ng walang hanggang biyaya, lakas at katatagan upang maayos at matapos sa takdang panahon ang pananaliksik na ito.

Inihahandog din naming ang pananaliksik na ito sa aming Propesor. na si Ginoong Sharwin . Nonato na nagbigay sa amin ng pagkakataon upang maipakita ang aming husay at katatagan sa pagsasagawa ng pananaliksik.

Sa aming pamilya na walang sawang sumuporta, mga kaibigan na tumulong at nagbigay ng inspirasyon, sa mga kabilang sa pangkat na ito na nagbuhos at namuhunan ng oras at pagod upang mabuo ang pananaliksik na ito, masasabing kayo ang dahilan sa aming pagsisikap.

Talaan ng Nilalaman

I.

Introduksiyon A. Paunang Kaalaman B.Layunin ng Pag-aaral C.Pahayag ng Tesis D. Kahalagahan ng Pananaliksik E. Mga Tanong F. Lawak at Delimitasyon

II.

Mga Kaugnay na Literatura

III.

Metodolohiya

IV.

Resulta

V. VI.

Konklusiyon at Rekomendasyon Bibliyograpiya Appendix

Unang Kabanata Introduksyon Paunang Kaalaman Isa sa mga kaugaliang nakatatak sa mga tao ang kaugaliang mañana habit. Ang mañana habit ay galing sa salitang español na ang ibig ay bukas na o mamaya na. Ito ay ang isang kaugalian ng isang tao na kung tawagin sa ibang terminolohiya ay prokrastinasyon na kung saan ipagpaliban o ipagapasabukas na lamang ang naturang gawain na dapat gawin sa nakatakdang oras at panahon. Sa panahon ngayon ang ganitong kaugalian o gawain ay patuloy na lumalaganap lalo na ngayon sa mga kabataan na mag-aaral. Ang gawaing ito ay sadyang nakababahala para sa kultura ng mga Pilipino. Madalas ipagpabukas ang mga bagay na nararapat gawin ngayon. Ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi natatapos ang gawain sa tamang oras at panahon. Inilahad ni Mendoza na nakasasayang ang mga tao ng oras at nagsasanhi sa mga tao partikular sa mga estudyante upang mahuli sa mga gawain. Mas inuna na ng mga kabataan ang hindi makabuluhang bagay. Sa mga proyekto o gawain sa paaralan, mas nagiging tamad at nababawasan ang kakayahang makapagtapos ng gawain. Ito din ang isa sa mga higit na dahilan kung bakit ang ilan sa mga Pilipino ay hindi gaanong umaasenso na naging sanhi ng pagpigil sa pag-unlad ng isang tao. Bunga ng katamaran, hindi makapagtamo na ninanais na hangarin, samakatuwid, nawawalan ang isang indibidwal ng opotunidad. Ayon sa perspektibo ng isang sikologo na si Alea Phils (2014), may mga taong mas pinipili na lamang talagang ipagpabukas o kung mas malala ay ipagsawalang bahala ang isang bagay o gawain dahil sa tingin nila wala na silang ibang pagpipilian. Kaya naman upang hindi na

magulo ang isip sa kung anong mangyayari mas pinipili nilang hindi ito bigyang pansin at madalas ay tinatatanggap na lamang mga kaakibat nitong kapalit na mayroong halong pagsisisi. Sa pananaliksik na ito nais maipakita ng mga mananaliksik kung ano nga ba ang sanhi at epekto ng mañana habit sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng San Jose del Monte National High School na nasa ikalabing dalawang baitang.

Layunin ng Pag-aaral

Inaalam ng mga mananaliksik ang mga dahilan sa pagpapaliban ng mga gawain ng mga estudyante ng San Jose Del Monte National High School partikular sa ika-labingdalawang baitang at ano ang maaring maging epekto ng nasabing gawain o pag-uugali.

Kahalagahan ng Pananaliksik Napapanahon sa mga kabataan ngayon ang pagpapaliban ng mga gawain o ang tinatawag na mañana habit. Sa kadahilanang ito, ang panaliksik ay mayroong dulot na kahalagahan sa mga sumusunod: 1.

Mag-aaral- maaaring maging pamantayan ang pag-aaral nasiyang magsisilbing

gabay upang magkaroon ng kamalayan ang mga estudyante sa maaaring maging epekto ng mañana habit. 2.

Mga Guro- magkakaroon ng kamalayan ang mga guro sa maaaring kadahilanan

ng pagpapaliban ng mga estudyante sa kanilang mga iniatas na gawain. 3.

Mga magulang, magkaroon ng kamalayan ang mga magulang sa kanilang mga

anak at masubaybayan ang mga ito ang kinikilos ng kanilang anak.

Paglalahad ng Suliranin

Ang mga mananaiksik ay naglalayong alamin ang dahilan at epekto ng mañana habit sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa San Jose del Monte National High School na nasa ikalabing dalawang baitang na kabilang sa HUMSS strand.

Ang pananaliksik na ito ay sasagot sa

sumusunod: 1. Ano ang posibleng epekto ng pagpapaliban ng mga gawain ng isang mag-aaral sa kaniyang pag-aaral? 2. Ano ang mga saklaw na dahilan ng nasabing pagpapalibang ng mga gawain?

Konseptwal na Balangkas I-P-O ISKIM INPUT

PROSESO

AWTPUT

Nais ng mga mananaliksik na

Pagkalap ng impormasyon o

Sanhi at Epekto ng Mañana

malaman

datos sa pamamagitan ng

Habit sa Pag-aaral ng mga

talatanungan

Mag-aaral ng San Jose del

ang

posibleeng pagpapaliban

iba’t-ibang

epekto ng

ng mga

questionnaire.

o

survey

Monte National High School

Gawain ng isang mag-aaral

na nasa ikalabing dalawang

sa kaniyang pag-aaral at ang

baitang

mga saklaw na dahilan ng

na

nasabing pagpapaliban.

Strand

kabilang

sa

HUMSS

sa panuruang 2019-2020

Lawak at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga dahilan at epekto ng mañana habit sa pag-aaral mga mag-aaral ng San Jose del Monte National High School na nasa ikalabing dalawang baitang na nakabilang sa HUMSS strand. Ang mga mananaliksik ay interesado na malaman ang dahilan at epekto ng mañana habit o pagpapaliban ng mga gawain.

Depinisyon ng mga termino Blog – iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog Convenience Sampling – pagtatakda ng pagaaral kaginhawaan Descriptive – may taglay na pananalaysay o pagsasalaysay Homogeneous Sampling – nagsasangkot ng pagpili ng mga katulad na kaso upang higit pang mag-imbestiga sa isang partikular na kababalaghan o subgroup ng interes HUMSS – Humanities and Social Sciences Manana Habit – ang salitang “mañana” ay nangangahulugan na ang “mamaya na” o “bukas na” na kilala rin bilang "pagpapaliban" sa simpleng ingles ay procrastination Questionnaire – talatanungan Sikilogo – taong dalubhasa sa agham ng isip Talahanayan – “table” sa ingles ay isang paraan ng pagpapakita ng mga datos, o di kaya'y ng imbestigasyon tungkol sa isang paksa.

Kabanata II Kaugnay na Literatura

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga literatura at mga naunang pag-aaral sa loob at labas ng bansa. Ang mga sumusunod na mga literatura ay nakatulong sa maga mananaliksik na makadagdag ng kaalaman at mapatibay pang lalo ang ginagawa nilang pananaliksik. Lokal na Literatura Ayon kay Adrianne Eumague (2012), ang manana habit ay mula sa kastilang salita na nangangahulugan na ang isang tao ay ipinagpapaliban ang kanyang gawain o nakaatas sa kanyang gawain at mabilisang itong gagawin kung kalian malapit na o sa eksaktong araw ng pasahan. Ayon kay Fatima Josue (2010), ang mga taong may ugaling manana habit ay masasab ing makasarili dahil sa pansiriling kasiyahan lamang ang kanilang inisip at ito ay nakapokus lamang sa kung ano ang nagaganap sa kasalukuyan at sa kasiyahang kanyang natatamasa. Ayon naman kay Jordan Castillo, ang manana habit o ang ugaling bahala na ay may negatibong implikasyon dahil ginagawa nitong tamad ang mga tao dahil nagpapakita ito ng paulit-ulit na pagsasawalang bahala ng mga bagay o gawain na sa una palang dapat ay naumpisahan na tinapos ng mas maaga. Ayon sa isang blogger na si Cyptic, ang prokrastinasyon ay nagsasanhi ng kawalan ng dedikasyon at konsentrasyon ng mga estudyante sa kahit ano mang bagay na kanilang ginagawa o mga bagay na ipapagawa sa kanila. At higit pa rito, ang prokrastinasyon ay nagdudulot rin ng pagbaba ng tiwala sa sarili at sa mga bagay na kaya nilang gawin at mga bagay na maari pa nilang magawa. Ayon sa perspektibo ng isang sikologo na si Alea Phils (2014), may mga taong mas pinipili na lamang talagang ipagsabukas o kung mas malala ay ipagsawalang bahala ang isang

bagay o gawain dahil sa tingin nila wala na silang ibang pagpipilian. Kaya naman upang hindi na magulo ang isip sa kung anong mangyayari mas pinipili nilang hindi ito bigyang pansin at madalas ay tinatatanggap na lamang mga kaakibat nitong kapalit na mayroong halong pagsisisi. Para naman kay Paul K. (2009), hindi mo malalaman o lubos na maiintindihan ang kahulugan ng katagang “bahala na” kung hindi napapad sa Pilipinas o wala kang kakilalang Pilipino dahil sa ang kaugaliang ito ay isa sa mga katangiang natural sa mga Pilipino. Banyagang Literatura Ayon sa propesor na si Hatice Odac (2013), nagiging maliking problema ng mga magaaral na nasa kolehiyo ang prokrastinasyon lalo na ng mga mag-aaral na hindi magrunong magbalanse ng kanilang oras. Ayon naman kay William J. Knaus (2012) na isang sikologo karamihan ng tao ay may kaugaliang kung tawagin ay manana habit. Sinasabi din na kaakibat ng kaugaliang ito ay ang pagiging seguristo at segurista ng mga tao lalong lalo na ng mga estudyante. Ayon kay Jill Omer Janssen (2010), ang pag-uugaling bahala na ay isang paguugali na kung saan ang isang tao ay isinasawalang bahala ang mga bagay na dapat gawin o ipasa sa makalawa at sinabi rin dito na ito ay nagreresulta ng mababang grado at stress marahil dahil sa magkakasabay na gawain. Ayon sa blog ni Timothy A. Pychyl Ph.D (2016) na pinamagatang “Due Tomorrow, Do Tomorrow”, mas gusto ng mga mag-aaral na gumawa o gawin ang isang proyekto o aktibidad kung kalian malapit na ang pasahan nito dahil gusting nilang nahihirapan dahil sa palagay nila ang “pressure” na dala nito ay nakakatulong upang mas mapaganda nila ang kanilang ginagawa.

Ayon sa isang manunulat sa The University of North Carolina na si Mary Heaton Vorse (2011), ang pag-uugaling nakasanayan ng mga tao lalo na iyong mga negatibo ay maaaring mabago o mabigyan ng solusyon. Sabi pa niya na hindi porket ang isang tao ay may ugaling ipinagpapabukas ang mga gawain ito ay mangangahulugan na siya ay tamad bagkus ito ay isa lamang kaugalian na dapat mabigyan ng tamang perspektibo at ng sa gayon ito ay mabago. Ayon din naman kay Romeo Vitelli Ph.D (2017)sa kanyang blog na pinamagatang “Getting Around to Procrastination”, kailanman ang pagsasawalang bahala ay hindi magiging problema. Sinaad din dito na magiging problema lamang ito kung sasanayin natin ang ating mga sarili sa ganitong paraan at hahayaan na lamang lumipas ang maraming oras at pagkakataon na walang ginagawa.

Kabanata III Metodolohiya ng Pananaliksik

Sa kabanata ng metodolohiya makikita ang paliwanag at paglalahad ng mga paraang ginamit sa pagsulat ang susunod na bahagi sa pagsasagaw ng pananaliksik bago dumako sa pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey at ang pagbubuo ng disenyo ng pananaliksik na mayroong matalinong pagpili ng angkop sa metodong gagamitin ganon din sa pagpili ng respondente at populasyon na tutugon sa mga talatanungan ukol sa sanhi at epekto ng manaña habit sa pagaaral ng mga mag-aaral sa San Jose del Monte National High School. Disenyo ng pagaaral Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong uri ng pananaliksik bilang disenyo ng pagaaral na nakatuon sa mga pagkakatulad ng pinagdadaanan ng mga respondente. Ang pangunahing layunin ng disenyong Ito ay tungo sa likas na paglalahad ng katangian ng mga Hindi pangkaraniwang bagay ang pananaliksik na ito ay gumamit ng phenomenon na ng mga kabataan partikular na sa mga mag-aaral ng San Jose del Monte National High School na nasa ikalabing dalawang baitang ng na kabilang sa HUMSS ang phenomenological method ay naglalayong maglarawan ng mga sanhi o dahilan ng mañana habit o pagliban ng mga gawain gayundin sa pagkilala o paglalahad sa mga epekto ng mañana habit sa pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Respondente at populasyon Ang mga manaliksik ay nagsagawa ng pagaaral tungkol sa sanhi at epekto ng mañana habit sa pagaaral ng mga magaaral ang respondente ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa San Jose del Monte National High School na nasa ikalabing dalawang baitang na kabilang sa HUMSS strand. Ang mga datos na makukuha mula sa mga respondente ay makakatulong sa mga manaliksik upang makapagbigay ng matibay na pagaaral ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa limangpung mga magaaral na nagsilbing mga respondente na makakatulong sa paglalahad ng

mga sanhi at epekto ng mañana habit sa pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral sa San Jose del Monte National High School. Instrumento sa pananaliksik Ang mga manaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos ang talatanungan ay binubuo ng damping katanungan na Kung saan ang limang katanungan ay naglalayong ng mga sanhi o dahilan ng mañana habit at ang ikaanim hanggang sampung katanungan naman ay naglalahad ng mga epekto ng mañana habit sa pagganap sa akademiko ng mga magaaral ang bawat katanungan ay mayroong pagpipilian gaya ng palagian, kadalasan, paminsan-minsanan, at hindi kailanman. Hakbang sa pangangalap ng datos Ang mga manaliksik ay gumawa ng talatanungan na pinagtibay ni Ginoong Sharwin Nonato. Ang mga manaliksik ay humingi ng pahintulot sa mga guro na nasa silid aralan na gamitin ang kaunting oras ng klase para sa pagsagot sa mga talatanungan humingi rin ng pahintulot ang mga mananaliksik a a mga magaaral ng nagsilbing respondente para sa pangangalap ng datos sa pananaliksik personal na pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan ay binigyan lamang ng limang minuto upang sagutan ang talatanungan at ibabalik sa mga mananaliksik upang mailahad ang mga datos na nakalap.

Sa kabuuan, ipinapakita sa kabanatang ito ang mga kapamaraanang ginamit ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos na gagamitin sa pag-aaral.

Ang unang nilalaman ay ang mga proseso ng pagkuha sa detalye na susundan ng pokus ng pag-aaral. Ikatlong makikita ang paraan ng pagkakaproseso ng mga nakalap na impormasyon

na siyang wawasakan ng napiling instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik upang tanungin ang kanilang mga “respondent”.

“Descriptive qualitative” ang metodolohiyang ginamit ng grupo sa pangangalap ng impormasyon. Angkop ang estilong ito lalo’t inaalam nila ang magiging tugon at manipestatyon ng kanilang respondante. Sa kabilang banda, ang pokus ng pag-aaral ng mga mananaliksk ay 50 estudyante na mag –aaral ng HUMSS Strand. Gayon na lamang ang ginawang pagpili upang malaki ang matitipid na oras at salaping gugugulin sa pagbuo ng papel. Dagdag pa rito, dalawa ang gagamiting paraan ng pagkakaproseso ng mga makakalap na impormasyon: ang “convenience sampling” at “homogenous sampling”. Ang convenience sampling ay mainam gamitin sa paag-aaral sapagkat kapwa mag-aaral lamang nila ang magbibigay ng katanungan. Sa tulong nito ay maiiwasan ang labis na paggastos ng pera. Ang homogeneous sampling, gaya ng paunang anyo ay nagataglay din ng kainamang dulot para sa mga mananaliksik dahil ang mga magigng sagot ng mga napiling pokus sa pagaaral ay repleksyon din ng isa pang mag-aaral. Nasa anyo naman ng “questionnaire” ang gagamiting “research instrument”ng mga mananaliksik na naglalaman ng mga katanungan hinggil sa pagliban ng mga gawain. Kaugnay nito, nahahati ang questionnaire sa dalawang bahagi. Ang una ay tungkol sa mga dahilan ng pagpapaliban ng mga gawain at ang ikalawa naman ay tungkol sa epekto ng pagpapaliban ng nasabing mga gawain. KABANATA IV Resulta at Talakayan

Dahilan Talahanayan I

A. Hawak palagi ang cellphone Palagian

Kadalasan

Paminsan-minsan

Hindi kailanman

24

13

8

5

Ipinapakita sa talahanayang ito na may dalawampu’t apat (24) na mag-aaral ng San Jose del Monte National High School na kabilang sa strand ng HUMSS na pal aging gumagamit o humahawak ng cellphone, labing tatlo (13) naman ang nagsasabing kadalasan, samantala walo (8) naman ang nagsasabing paminsan-minsan, lima (5) naman ang hindi kailanman .

Talahanayan II

B. Inuuna ang gawaing bahay bago ang mga takdang-aralin. Palagian

Kadalasan

Paminsan-minsan

Hindi kailanman

10

24

15

1

Sa ikalawang tanong mas nangunguna ang bilang ng mga estudyanteng sumasagot ng kadalasang mas inuuna ang gawaing bagay bago ang mga takdang-aralin na nakakuha ng dalawampu’t apat (24), para naman sa paminsan-minsan, mayroong labing lima (15) ang gumagawa, samantala ...


Similar Free PDFs