PONEMANG SUPRASEGMENTAL BANGHAY ARALIN Gr 7 PDF

Title PONEMANG SUPRASEGMENTAL BANGHAY ARALIN Gr 7
Author LJ Llena
Pages 10
File Size 479.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 58
Total Views 947

Summary

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila FILIPINO VII Mala-masusing Banghay-aralin (60 minuto) I. Layunin Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan ang mag-aaral na: A. Napipili ang salitang pupun...


Description

Accelerat ing t he world's research.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL BANGHAY ARALIN Gr 7 LJ Llena

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila FILIPINO VII Mala-masusing Banghay-aralin (60 minuto) I. Layunin Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan ang mag-aaral na: A. Napipili ang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap; B. Napaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental at di berbalna palatandaan; at C. Naibibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/ awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan sa pamamagitan ng paglalapat ng ponemang suprasegmental; II.

Paksang-aralin A. Paksa: Ponemang Suprasegmental B. Sanggunian: Setubal, J., & Choa, J. H. (2016). Pinagyamang Wika at Panitikan 7. 120 Rada Corner Legaspi Street, Legaspi Village, Makati, 1229 Metro Manila: Diwa Learning System Inc. Kagamitan: Laptop, ppt, google drive at zoom app., C. Code: F7PS-IIIa-c-13

III.

Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Paghahanda a. Panalangin b. Pagtatala ng Liban (Pagtawag isa-isa sa mag-aaral) 2. Balik-Aral Pagbabalik aral sa mga Kaalamang Bayan. 1. Ano-ano ang mga kaalamang-bayan na natalakay? Magbigay ng halimbawa. • • • •

Tugmang de gulong Palaisipan Tula/Awiting Panduyo Bugtong

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila

B. Pagganyak Panuto: Basahin pahayag batay sa bantas na gamit. Pagkatapos ay basahin muli ang pahayag na walang damdamin o buhay. TOTOO? MABILIS KUMALAT ANG VIRUS.

HINDI, IKAW ANG MAY SALA?

TOTOO! MABILIS KUMALAT ANG VIRUS.

HINDI, IKAW ANG MAY SALA!

Pamprosesong Tanong: 1. Anong napansin ninyo habang binibigkas ang mga pahayag nang walang anumang damdamin? 2. Ipaliwanag ang kahulugan o saloobin ng mga pahayag. C. Pagtatalakay ng Aralin Ponemang Suprasegmental ay ang pag-aaral ng diin, pagtaaspagbaba ng tinig (tono o punto), haba at hinto (juncture). Sa pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan, layunin o intension ng pahayag o nang nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental.

1. Intonasyon, Tono, at Punto Nagbinigay-linaw ito sa tunay na mensahe ng pahayag. Ang isang pahayag ay maaring magkaroon ng dalawa o higit pang batay sa tono ng pagsasalita.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila

Karaniwang nagsisimula sa label 2 ang intonasyon ng mga pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag lamang. Halimbawa: a. kahapon = 213, pag-aalinlangan Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag b. Talaga = 213, pag-alinlangan Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag 2. Haba Ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u) ng bawat pantig. Maaring gumamit ng tuldok upang ipakita ang haba ng pagbigkas. Halimbawa: a. bu.kas = nangangahulugang sa susunod na araw bukas = hindi sarado b. tu.bo = pipe tubo = sugarcane 3. Diin Tumutukoy ito sa bigat ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas. Ang diin ay tinutumbasan ng tuldik. Ang mga sumusunod ay apat na diin sa Filipino. •

Malumay - binibigkas ng banayad at may diin o bigat sa penultima o ikalawang pantig ng salita. Hindi ito tinutuldikan at maaring magtapos sa pantig at katinig.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila Halimbawa:



Nagtatapos sa Patinig

Nagtatapos sa Katinig

dalaga lalaki sarili talo

nanay kanluran matahimik malumay

Malumi - tulad ng malumay, ito ay binibigkas nang banayad subalit may impit o glottal stop sa huling pantig ng salita. Nilalagyan ito ng tuldik na paiwa (`). Halimbawa: batì batà labì sukà



dalamhatì talumpatì dambuhalà mutà

Mabilis - binibigkas ito nang tuloy - tuloy at may diin sa huling pantig. Tinutuldikan ito ng pahilis (′). Halimbawa:



Nagtatapos sa Patinig

Nagtatapos sa Katinig

tabkó bató sulú malakí

mapaypáy bulaklák alagád alitaptáp

Maragsa - tulad ng mabilis, binibigkas ito nang tuloytuloy subalit may impit sa huling pantig at tinutuldikan ng pakupya (^).

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila

Halimbawa: dukhâ kaliwâ sampû pô

salitâ butikî panibughô apatnapû

4. Antala/Hinto (Juncture) Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe. Maaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling ( - ) upang ipakita ang paghinto. Halimbawa: Hindi, siya ang kababata ko. (Pinatutunayang siya ang kababata ko)

Hindi siya ang kababata ko. (Itinatangging siya ang kababata ko)

Tanong: 1. Ano ang maaring mangyari kung sakaling mali ang paggamit sa mga ponemang suprasegmental?

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila

D. Aplikasyon 1. Isahang Gawain Panuto: Piliin sa kahon at isulat sa linya ang tamang salitangpupuno sa diwa ng mga pangungusap.

/bu.ka/bu.kas/,

1. _________ na tayo pumunta sa silid-aklatan upang magbasa ng mga bagong tula. 2. _________ pa kaya ang silid aklatan hanggang mamayang hapon.

bu.hay/, /buhay/

3. Ang wika ay _________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon. 4. Ang _________ ng tao ay naisasalaysay nang maayos gamit ang angkop na salita o wika.

sa.yah/, /sayah

5. Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng __________ sa panahong ito. 6. Hindi n’ya mapigilan ang kanyang __________ nang makabalik siya sa Pilipinas at makasama ang kanyang pamilya.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila

2. Pangkatang Gawain Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat pangkat magkakaroon ng sabayang pagbigkas ng mga sumusunod:

Tulang Panudyo (Pangkat 1) Bata batuta Samperang muta Tutubi tutubi wag kang pahuli Sa batang mapanghi Putak, putak Batang duwag Matapang ka’t nasa pugad

Tugmang de gulong (Pangkat 2) Sitsit ay sa aso, Katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto

Palaisipan (Pangkat 3) Guro: Sa taas ng bubong,may tandang, saan mangingitlog yung tandang? Pedro: Sa taas ng bubong po. Juan: E, hindi naman nangingitlog ang tandang eh.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila

Gamitin ang rubrik bilang gabay sa pagmamarka sa gawaing ito. PAMANTAYAN Wasto ang pagkakabigkas ng mga salita

5

Angkop ang damdamin at lakas ng boses sa pagbigkas

5

Naisasaalang-alang sa pagbigkas ang di berbal na palatandaan sa pagpapahayag

5

Kabuoang Presentasyon

15

E. Paglalahat Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmentalat. •



Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng paggamit ng tamang diin, tono at antala sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan? Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tayo gumamit ng tamang diin, tono, at antala sa pagsasalita? Magdudulot ba ito ng kaguluhan sa ating pamayanan at dahilan ng hindi pagkakaisa ng isang bansa? Bakit? ____________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ _______________.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Edukasyon Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila

F. Takdang-Aralin Panuto: Gawin ang mga sumusunod. 1. Sumulat ng tatlong salita na pareho ang baybay atisulat ang tamang pagbigkas nito. 2. Manood sa youtube nang nagtatalumpati. Isulat ang layunin, mensahe at intension ng pahayag. Pagkatapos mong malaman ang ponemang suprasegmental, paano ito nakatulong sa iyong panonood?...


Similar Free PDFs