Posisyong Papel - Face to face classes PDF

Title Posisyong Papel - Face to face classes
Author Learn Math by mallows
Course Contemporary Arts
Institution Laguna University
Pages 1
File Size 39.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 171
Total Views 348

Summary

Face to face classes sa panahon ng Pandemya:Sa paglaganap ng pandemya sa ating bansa, marami ang naapektuhan at nagbago lalo na sa sektor ng edukasyon. Hindi maaaring lumabas kung kaya’t sinuspinde ang klase sa buong bansa nang mahigit anim na buwan. Kinakailangan ng bawat isa na patuloy matuto at m...


Description

Face to face classes sa panahon ng Pandemya: Sa paglaganap ng pandemya sa ating bansa, marami ang naapektuhan at nagbago lalo na sa sektor ng edukasyon. Hindi maaaring lumabas kung kaya’t sinuspinde ang klase sa buong bansa nang mahigit anim na buwan. Kinakailangan ng bawat isa na patuloy matuto at mag-aral kaya naman pinatupad ang online classes sa ating bansa. Mahirap ang naging simula dahil sa kawalan ng kagamitan at kakulangan ng kaalaman sa mga makabagong teknolohiya. Marami ang hindi makasabay dahil sa bagal ng internet at signal sa ating bansa na nakakahadlang upang maunawaang mabuti ng mga mag-aaral ang mga tinuturo. Dahil nga sa mga suliraning kinakaharap sa online classes, minungkahi ang pagpapatupad ng face to face classes sa panahon ng pandemya. Ayon din sa bagong panukala ng Commission on Higher Education (CHEd), pinayagan na ang limitadong face to face classes sa 24 na kolehiyo at unibersidad sa ating bansa. Ngunit, magiging epektibo ba ito lalong lalo na sa pagsugpo at pagtigil ng patuloy na dumaraming kaso ng COVID-19? Hindi, lalo lamang itong kakalat dahil sa dalasang paglabas ng mga mag-aaral. Batay sa tala ng Department of Health (DOH) noong ika-26 ng Marso 2021, mayroong 9,838 na bagong kaso ng covid. Ito ang pinakamataas na naitalang positibong kaso sa loob lamang ng isang araw. Sa kasalukuyan, ang bilang ng aktibong kaso sa ating bansa ay umabot na sa 109,018. Marami pa rin ang naitatalang mga bagong kaso at patuloy itong tumataas kaya’t hindi pa maaaring ipatupad ang face to face classes. Marahil maraming nahihirapan sa online class ngunit mas mahalaga pa rin ang ating kalusugan. Hindi natin alam kung sino ang ating mga nakakasalamuha kung magkaroon ng face to face classes. Maaring sila ay positibo na at wala tayong kaalam alam na maaring magdulot ng hawaan. Bagaman limitado ang face to face na ito, hindi pa rin maiiwasan na makasalamuha ng iba lalo na kung bumi-byahe pa ang mga mag-aaral. Wala pa ring kongkretong solusyon ang ating bansa ukol dito. Wala pang gamot, may mga bakuna na ngunit limitado lamang ang bilang nito. Tanging mga healthworkers at frontliners pa lamang ang nababakunan sapagkat mas kailangan nila ang mga ito. Hindi lahat kayang mabakunahan kaya’t hindi pa ligtas ang lumabas. Hindi pa ligtas na magkaroon ng face to face classes lalo na sa panahong ito. Mahalaga na matuto at mahirap ang sitwasyon sa online classes. Totoo ang mga ito ngunit ang pinakamahalaga ay ang ating kalusugan upang matupad at maisagawa natin ang ating mga hangarin. Gumagawa rin naman ng paraan ang mga guro upang makasabay ang mga mag-aaral. Kailangan ng pagkakaisa at pagtutulungan nang mawala na ang mikrobyo sa ating bansa. Ipagpaliban ang face to face classes at patuloy tayong sumunod sa mga protokol na ipinapatupad sa ating bansa....


Similar Free PDFs