Readings in Philippine History PDF

Title Readings in Philippine History
Course Readings in Philippine History
Institution Our Lady of Fatima University
Pages 7
File Size 179.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 158
Total Views 571

Summary

KABANATA 1Introduksyon sa Pag-aaral ng KasaysayanAno ang Kasaysayan? ❖ Griyegong salita na “historia/historie” na ang ibig sabihin ay patuloy na pagkatuto , pagtatanong at pag- iimbestiga Tradisyonal na Depinisyon ng Kasaysayan - Mga tala ng nakaraan - Nakabase sa mga nasusulat na tala - Maaaring na...


Description

KABANATA 1 Introduksyon sa Pag-aaral ng Kasaysayan Ano ang Kasaysayan? ❖ Griyegong salita na “historia/historie” na ang ibig sabihin ay patuloy na pagkatuto, pagtatanong at pagiimbestiga Tradisyonal na Depinisyon ng Kasaysayan • Mga tala ng nakaraan • Nakabase sa mga nasusulat na tala • Maaaring nakabase sa mga panayam/Oral History/Oral Traditions • Ang mga Cultural Artifacts ay hindi maituturing na mga tala • NO WRITTEN RECORDS, NO HISTORY Modernong Depinisyon ng Kasaysayan • Pagtatatag muli ng mga pangyayari sa nakaraan sa pamamagitan ng mga umiiral na mga tala, mga panayam, mga artifacts, at mga tradisyon ng mga tao. • Kabilang ang collection (pangangalap), analysis (pagsusuri), synthesis (pagbuo) ng mga pinagkukuhanang batis o dokumento. • Ang mga historyador ay may mahalagang gampanin na bigyang-kahulugan at likhaing muli ang katotohanan sa isang maayos at matalinong pamamaraan. Bakit kailangang pag-aralan ang Kasaysayan? • Pinagtatagpo ang puwang sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. • Nagpapaliwang ng mga sanhi at bunga ng mga pangyayari. • Mahulaan ang maaaring mangyari sa hinaharap. • Bigyang kahulugan ang mga kondisyong dala ng panahon at oras. • Isulong ang Nasyonalismo at Makabayang damdamin. • Kasangkapan upang maintindihan ang pambansang pagkakakilanlan. Mga Elemento ng Kasaysayan • Tao ∙ Lokasyon • Konteksto ∙Batis/Batis Pangkasaysayan Ang mga Pangunahing Pananaw at Pilosopiya sa Pag-aaral ng Kasaysayan A. Cyclical View of History • Ang kasaysayan ay pag-uulit ng mga nakatakdang pangyayari at walang magagawa ang mga tao upang mabago ito. • Inihalintulad ang kasaysayan sa apat na panahon (Tag-lamig,Tag-sibol,Tag-araw, at Tag-lagas) na paulitulit lamang na nangyayari. • Ang tanging makakapagtakda ng kasaysaysan ay ang tadhana ng tao. • Ang kinatawan ng pananaw na ito ay si Herodutus na itinuturing na Ama ng Kasaysayan. • Pinaniniwalaan nilang ang Kasaysayan ay paulit-ulit lamang na pangyayari. B. Providential View of History • Ang kasaysayan ay mayroong simula patungo sa isang tiyak na layunin. • Ang nagpapatakbo sa kasaysayan ayon sa pananaw na ito ay ang patunay na mayroong Diyos at may nilaan na layunin ang Diyos na nais n’yang makamit ng sangkatauhan. •

Simula • • •

GabayngDiyos

TiyaknaLayunin

Ang kinatawan ng pananaw na ito ay si St. Augustine of Hippo. Pinaniniwalaan nyang ang Kasaysayan ay pakikibaka sa pagitan ng mga Tao ng Diyos at Mundo ng makasalanan na magreresulta sa paghahari ng Kaharian ng Diyos. Kritisismo:1. Ang tao ay isang instrumento na pinapagalaw lamang ng Diyos. 2. Ito ay masyadong misteryoso na itinuturing ngayon ng Agham

bilang hindi katanggap-tanggap. C. Progressive View of History • Ang kasaysayan ay umuunlad sa isang tuwid na linya ayon sa pag-unlad at pagbabago ng tao. • Ayon sa pananaw na ito, ang nagpapatakbo sa kasaysayan ay ang tao. D. The Marxist, Leftist-Socialist View of History • Ang nagpapatakbo sa kasaysayan ay ang produktibong pwersa na kasama ang naaayon na relasyon ng produksyon. • Ang kasaysayan ay ang kasaysayan ng pakikibaka ng iba’t-ibang klase o uri ng tao laban sa mga di pagkakapantay-pantay.

E. Relativist View of History • Ang pananaw na ito ay naniniwalang walang paniniwala ang ganap na totoo. • Ang katotohanan ay tanging nasa mata lamang ng nakakakita at naniniwala. F. Kasaysayang Pasalita • May mga lipunang walang nasusulat na tala ng nakaraan. • May mga lipunan na kung saan ang mga mamamayan ay hindi marunong bumasa at sumulat. • Kakulangan sa mga kinakailangan na kagamitan sa pagsulat.

• •

May mga lipunang hindi nagawang mapanatili ang kanilang mga nasusulat na tala. Para sa ibang pangkat etno-linguistiko, ang kanilang kasaysayan ay hindi talaga nakasulat, bagkus ay nasa anyong pasalita. • Kadalasang nasa anyo ng mga kwento, kanta, kwentong bayan, epiko, mitolohiya, at mga alamat. • Bagaman hindi nasusulat, maaari nating tanggapin ang anyong pasalita bilang kasaysayan sapagkat nakakapagbigay ito ng malinaw na pa paglalarawan sa nakaraan ng lipunan. Kasaysayan: Sining o Agham? A. Kasaysayan bilang parte ng Agham Panlipunan • Ang Kasaysayan bilang Agham ay may siyentipikong metodolohiya. Hindi nito pinapayagan na makagambala ang imahinasyon ng manlilikha sa pang-agham na metodolohiya na ginagamit sa imbestigasyon ng ideya sa pagsulat ng kasaysayan. B. Kasaysayan bilang parte ng Sining • Ang mga datos ay nabibigyan ng buhay sa pamamagitan buhay at kahulugan gamit ang sining ng historyador sa pamamagitan ng pamamaraan ng pag sulat. • Gumagamit ng “disiplinadong imahinasyon” maipakitang muli ang pangyayari sa nakaraan. Aralin 1.2: Primarya at Sekondaryang Batis Ano ang Batis? ◦ Ito ay bahagi ng pag-aaral ng kasaysayan ang pagkilala sa mga bagay na pinagkukunan ng mga tala at datos upang lubos na maunawaan ang kronolohiya, saysay at katibayan ng mga kaganapan. Primaryang Batis Ito ay nagbibigay ng direktang katibayan tungkol sa paksang sinasaliksik. Ito ay naglalaman ng impormasyon na galing mismo sa bagay o tao na pinag-uusapan o nakasaksi sa pangyayari sa kasaysayan. Halimbawa: Telegrama ni Emilio Aguinaldo kay Antonio Luna Talaarawan ni Emilo Aguinaldo Noli Me Tangere na akda ni Jose Rizal Sekondaryang Batis ◦ ito anumang bagay na naglalarawan, nagsasalin o nagsusuri ng impormasyon mula sa primaryang batis. Halimbawa: Libro Dyaryo Dokumento Mga Sanhi ng Problema at Hirap sa Pagsulat at Pag-aaral ng Kasaysayan ◦ Kakulangan sa mga nasusulat na tala na matatagpuan sa lokal set up. ◦ Problema sa pagsasalin ng mga dokumento na nakasulat sa wikang Espanyol sa iba pang banyagang wika. ◦ Pagkakaroon ng bias at pagkiling sa parte ng mga banyagang manunulat. ◦ Kakulangang sa mga kinatawang materyales, dokumento at mga tala sa buong bansa. ◦ Kakulangan sa mga nakapagsanay na historyador. Metodolohiyang Pangkasaysayan • Pagpili ng paksa. • Pangangalap ng mga batis • Pagsusuri ng mga batis • Panlabas na Kritisismo • . Panloob na Kritisismo • Pagkuha ng datos mula sa tunay at kapanipaniwalang batis • Ang pagsulat ng kasaysayan ay kinakailangang organisado, magkakaugnay at mainam ang pagkakasulat KABANATA 2 First Voyage Around the World by Antonio Pigafetta Matapos na makumpleto ang modyul, ang mga estudyante ay inaasahan na: • Masuri ang konteksto, nilalaman, at perspektiba ng iba’t ibang uri ng primaryang batis • Malaman ang ambag ng iba’t ibang uri ng primaryang batis sa pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas. Sino si Antonio Pigafetta? • Ipinanganak noong 1491 sa Vicenza, isang bayan na may isang daang kilometro sa kanluran ng Venice, Italya. • Panganay na anak na lalaki ni Giovanni Pigafetta sa pangalawang asawang si Angela Zoga. • Nag-aral ng Astronomiya, Heograpiya at Kartograpiya • Isa siyang “Venitian Scholar” • Kinilala siya bilang isa sa mga sobresalientes (supernumeraries) o sobrang tauhan sa paglalakbay. • Sumali sa delegasyon ni Monsignor Francesco Chieregati nang siya ay itinalaga bilang Papal Nuncio sa Espanya noong 1519. Sa parehong taon, naging pamilyar siya sa mga kalakalan ng pampalasa at narinig

ang balita ng paglalayag na isasagawa ni Ferdinand Magellan. Isa si Pigafetta sa mga nakaligtas sa ekspedisyon ni Magellan at dito nga niya nabuo ang librong “First Voyage Around the World” na isa sa mga maituturing nating primaryang batis sa pag-aaral ng kasaysayan ngayon. Paglalakbay ni Magellan sa Paikot ng Mundo •

Si Magellan ay isang Portugese na manlalakbay na lumipat ng Spain pagkatapos tanggihan ang kanyang hiling na makapaglakbay paikot ng mundo. • King Charles V, hari ng Spain na pumayag upang matupad ang ekspedisyon ni Magellan. • Treaty of Tordesillas- ay napagkasunduan ng mga Espanyol at Portuges upang linisin ang pagkalito sa bagong inaangkin na lupain sa Bagong Daigdig (New World). • Ang mga pampalasa ay naging pinakamahal at in demand na kalakal sa mga Europeo dahil sa maraming gamit. Ginagamit nila ang mga ito upang mapanatili ang mga pagkain at maiwasang masira. Nang maglaon nalaman nila na ang mga pampalasa ay may panggagamot na gamit at maaari ding magamit para sa pampalasa, pangkulay at bilang mga additives sa pagkain. Dahil ito ay isang napaka-kapakipakinabang na kalakal, maraming mga mangangalakal ang naghangad na i-monopolyo ang supply at pamamahagi sa mga merkado sa Europa. • Setyembre 20, 1519- nagsimula ang paglalakbay ni Magellan na kinabibilangan ng 270 na tauhan at 5 barko. • Oktubre 21, 1520- nahanap na nila yung tinatawag nating “Straight of Magellan”. ● 38 na araw ang binuno nila para makalagpas sila sa rutang ito at makarating sa Dagat Pasipiko. Trivia: Si Magellan ang nagbigay ng pangalan ng Dagat Pacipiko.Tinawag niya itong “Mar Pacifico”o matahimik at kalmado ● inabot sila ng 99 araw upang makatawid sa Dagat Pacifico at makarating sa Isla de LaDrones noong Marso 6, 1521. Pagdating ni Magellan sa Pilipinas • Ika 16 ng Marso, 1521 nakarating sina Magellan sa Cebu at nakausap nya si Rajah Humabon. • Rajah Humabon- kauna-unahang Pilipino na pumayag na maging Kristiyano at pumayag na maging kaanib ng mga Espanyol. • Nagkaroon sila ng kasunduan na kailangan matapatan nina Magellan si Lapu-lapu na Rajah ng Mactan. • Pumayag si Magellan at kinumbinsi niya si Lapu-lapu na pumanig sa Hari ng Espanya. Ngunit hindi ito pumayag kaya tinakot niya ito na gagawa siya ng gulo. • Kinabukasan nagdala si Magellan ng 49 na tauhan upang makipaglaban kina Lapu-lapu. • Unang utos ni Magellan ang sunugin ang mga bahay sa tribo ni Lapu-lapu. • Pangalawang utos ay pang-atake sa harap, ngunit natakot ang ilan sa mga tauhan ni Magellan at nagtakbuhan. 10-15 na lang ang natira sa kanila. • “They rushed upon him with iron and bamboo spears and with their cutlasses, until they killed our mirror, our light, our comfort, and our guide. When they wounded him, he turned back many times to see whether we were all in the boats. Thereupon, be holding him dead, we, wounded, retreated, as best we could, to the boats, which were already pulling off.” - Antonio Pigafetta Anong nangyari sa mga nakatakas na tauhan ni Magellan? • Bumalik sila sa tribo nina Rajah Humabon at inimbitahan sila na magkaroon ng salo-salo. • Ngunit hindi nila alam na isa pala itong bitag upang patayin sila. • 27 na tauhan ang napatay ng grupo ni Rajah Humabon at yung iba naman ay nakatakas • Nobyempre 08, 1521 nakarating yung mga natitirang tauhan ni Magellan sa Moluccas at nakipagpalitan sila ng mga pampalasa. • Sa oras na ito dalawang barko na lang ang natitira, ang Trinidad at Victoria. • Ang problema, itong Trinidad ay nasira kaya napagdesisyonan nila na maghiwalay. Naunang umalis ang Victoria. • Pinamunuan ni Juan Sebastian Elcano ang Victoria. • Nang magawa ang Trinidad naglakbay na ulit sila pabalik ng Espanya at kung anong ruta ang ginamit nila papuntang Pilipinas ay yun din ang ginamit nila pabalik. Ngunit nahuli sila ng mga Portugese at ikinulong. • Samantalang, ang Victoria naman ay nakabalik ng maayos sa Espanya noong Setyempre 5, 1522. • 18 na tauhan ni Magellan ang nakarating pabalik ng Espanya, ngunit unti- unti ay tumaas ito sa 35 dahil sa mga nakulong na tauhan na pinakawalan ng mga Portugese. Mga Kontribustyon at Kaugnayan ng mga Dokumento ni Pigafetta sa Kasaysayan A. Sa Heograpiya ⮚ Ang dokumento ni Pigafetta ay nagbigay ng isang detalyadong salaysay ng mga makabuluhang kaganapan sa ekspedisyon ni Ferdinand Magellan. ⮚ Nagbigay ito ng isang paglalarawan, lokasyon at distansya ng mga lugar na binisita sa gayon napahusay ang kaalaman ng kartograpya sa oras na iyon. ⮚ Nagbigay ito ng isang paglalarawan, lokasyon at distansya ng mga lugar na binisita sa gayon pinapaghusay pa ang kaalaman ng kartograpya sa oras na iyon. B. Sa Ekonomiks at Kalakalan ⮚ Mayroong isang katibayan ng mga gawaing pang-agrikultura batay sa kanilang ani. •

⮚ Nakipagtulungan sila sa mga karatig bansa tulad ng China. C. Sa mga Sining, Kaugalian, Tradisyon at Relihiyon ⮚ Tulad ng inilarawan, ang mga Pilipino ay may kakaibang instrumentong pangmusika;

⮚ Mayroon silang mga sining tulad ng nakikita sa kanilang mga katawan na kinukulit (sa ilang mga nayon); ⮚ Marami silang mga kasanayan sa paglilibing; ⮚ Nagsagawa ng mga ritwal sa panahon ng kainan at ilang mga pagtitipon; ⮚ Pagsamba sa mga anito (mga kahoy na idolo) at ritwal para sa paggaling ng mga taong may sakit. ⮚ Sa kabilang banda, isinalaysay din ng dokumento ang katayuan (kahinaan) ng mga Pilipino sa ilang mga paraan tulad ng; ∙ Digmaan - sandata ∙ Paraan ng pagbibihis ∙ Sistema ng pagsulat D. Sa Kristiyanismo ⮚ Isinalaysay ng mga dokumento ang pag-convert ng mga naunang Pilipino sa pagiging Kristiyanismo E. Sa Kasalukuyan….. ⮚ ginagamit ng mga manunulat ng aklat ang kanyang libro bilang kanilang mapagkukunan ng impormasyong pangkasaysayan tuwing tinatalakay nila ang simula ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang kanilang mga tala tungkol sa unang misa sa Pilipinas, ang pagbabalik-loob nina Rajah Humabon at kanyang asawa at ang kwento ng imahe ng Sto. Niño ay halos kinuha sa aklat ni Pigafetta. KABANATA 3 Mga Gawi ng mga Tagalog ni Juan de Plasencia, O.F.M. Matapos na makumpleto ang modyul, ang mga estudyante ay inaasahan na: • Masuri ang konteksto, nilalaman, at perspektiba ng iba’t ibang uri ng primaryang batis • Malaman ang ambag ng iba’t ibang uri ng primaryang batis sa pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas. PADRE JUAN DE PLASENCIA ❑ Ipinanganak sa isang marangal na pamilya sa Portocarreros Plasencia sa rehiyon ng Extremadura, Spain noong 1520. ❑ Lumaki siya sa panahon na kung saan ang Sining at Literatura ay namamayagpag sa lahat ng sulok ng Espanya. ❑ Si Padre Juan de Plasencia ay dumating sa Pilipinas kasama ng mga unang grupo ng mga Misyoneryong Franciscano. ❑ Ang barkong sinasakyan nila ay dumaong sa pantalan ng Cavite noong Hulyo 2, 1578. ❑ Ang kanyang buhay ay kinakitaan ng kasigasigan at taos-pusong pagtatalaga sa mga espiritwal na gawain. ❑ Siya ay kinilala din bilang tagapagtanggol ng mga katutubo, mga maysakit, mga pinabayaan ng lipunan at lumaban para sa kanilang karapatan sa maraming pagkakataon. ❑ Pagsalin ng Doktrina Cristiana sa wikang Tagalog at Bicolano. ❑ Siya ang may akda ng kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas, ang Doctrina Cristiana: ❑ Ito ay nailimbag sa mga sumusunod na wika: Espanyol, Tagalog, Latin , Baybayin ng mga katutubo, at Tsino. ❑ Binigyang-pansin din niya ang pagtatatag ng mga pangunahing paaralan bilang sentro ng karunungan ❑ Ito ay binigyang pahintulot ng unang obispo ng Maynila na si Domingo de Salazar. ❑ Si Juan de Plasencia ay binawian ng buhay sa Liliw, Laguna noong 1590. IMPORMASYON AT KASAYSAYAN NG DOKUMENTO A. Mga tala ng pangyayari: ❑ 57 taon pagkatapos ng paglalayag ni Magellan. ❑ 35 taon pagkatapos pangalanan ni Ruy López de Villalobos na Las Islas Filipinas (isinunod kay Philip II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte ❑ 7 taon pagkatapos sakupin ng Espanya ang Maynila at Tondo B. Pagdating ng mga Kastila ❑ Ang mga unang misyonerong sumubok gawing Kristiyano ang mga katutubo ay ang mga Agustino. ❑ Ang mga sumusunod na kongregasyon ang nagsagawa ng misyon sa Pilipinas - Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswit at mga Rekoletos ❑ Nakatulong ng malaki ang pagdating ng mga Pransiskano; kabilang na dito si Placensia noong 1578. ❑ Dahil nababatid nilang mahalagang elemento ang pag-unawa sa heograpiya at kultural na kalagayan ng mga katutubo na di tulad ng sa mga Europeo, pinag-aralan nila ang kultura ng mga katutubo ❑ Tanyag ang mga Pransiskano sa pagtatanggol sa karapatan at tradisyon ng mga Pilipino ❑ Nang ipatawag ni Obispo Domingo Salazar, OP ang isang konseho na didinig sa mga usapin ukol sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipinong alipin, ang mga Pransiskano, kabilang si Plasencia ay sumuporta sa kanya....


Similar Free PDFs