Retorika - retotika PDF

Title Retorika - retotika
Author Ian Paolo Melad
Course Bachelor of science in accountancy
Institution Cagayan State University
Pages 4
File Size 89.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 67
Total Views 136

Summary

retotika...


Description

Kasaysayan ng Retorika Ang retorika ay nagsimula noong ika-limang siglo bago dumating si Kristo. Pinaniniwalaang nagsimula ito bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang maliit na isla sa Sicily. Nang bumagsak ang sistemang diktaturyal ng nasabing lugar, nagbigay ito ng pagkakataon upang ilahad ng mga mamamayan ang kanilang mga saloobin. 

Corax – isang iskolar na taga-Sicily na tumayong tagapaglahad ng mga argumento na nagsabing mahalagang magkaroon ng maayos at sistematikong paraan sa pagpapahayag.

Limang Elemento ng Pagbuo ng Argumento sa Talumpati 1. Proem o Panimula 2. Salaysay o Kasaysayan 3. Pangunahing Argumento 4. Mga dagdag na pahayag o kaugnay na argumento 5. Kongklusyon 

Sophist (Iskolar) – tawag sa mga matatalino at dalubhasa sa pananalita. Sila ang nagbigay ng kahulugan sa retorika bilang isang pagtamo ng kapangyarihang politikal sa pamamagitan lamang ng pagpapahalaga sa paksang pinaglalaban at sa estilo ng pagbibigkas.



Socrates – kauna-unahang lumikha ng mga pamantayang panretorika noong ika-limang siglo. Binigyang-diin ang paggamit ng wika sa paghahayag ng mga karaniwang suliranin, mga pangkaranasan at katotohanang madalas na hindi nakakamit.



Aristotle – naghayag ng bagong kaisipan sa retorika. Ang kanyang pamantayan sa talumpati ay naging batayan ng mga abogado sa paglalahad ng mga usaping nakatuon sa nakaraan. Sa kanya rin nagmula ang orotaryong politikal na ang pokus ay sa hinaharap. Siya rin ang nagdisenyo ng paglalagay sa mga mabulaklak na mga salita sa talumpatian.



Cicero – kilalang orador na nagpaakilala rin ng kakaibang pamantayan sa pagtatalumpati. Ayon sa kanya, mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting asal.

Kahulugan ng Retorika - Batay sa diksyunaryo, ito ay sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan, pasalita man o pasulat. - Mula sa salitang “rhetor” na nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati “Ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga makikinig o mambabasa.” – Dr. Jose Villa Panganiban Klasikong Kahulugan ng Retorika “Ang retorika ay agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.” – Socrates (300 BC) “Ito ay kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.” – Aristotle “Ang retorika ay sining ng argumento ng pagsulat” – Richard Whatley Apat na Uri ng Diskurso  Diskurso – pagpapahayag ng kaisipan at pagtugon sa mga ipinahahayag ng iba

1. Pagsalaysay o Naratib – paraan ng pagpapahayag na may layuning magkuwento. Ito ang pinakamatandang anyo ng pagpapahayag 2. Paglalarawan o Deskriptibo – may layong bumuo ng ng isang konseptong nagpapakita ng isang hugis o anyo ng isang tao, pook, pangyayari gamit ang mga salitang laan lamang dito 3. Paglalahad o Ekspositori – naglalayong magbigay ng kaalaman, magpaliwanag at sumagot sa mga masusing pangangailangang pangkarunungan 4. Pangangatwiran o Argumentatibo – naglalayong humikayat o magpaniwala sa mga mambabasa o tagapakinig. Hinihikayat ng tagapagsalita ang kanyang tagapakinig na kumilos at tanggapin ang mga hinarap na patotoo o ebidensya Sangkap ng Retorika  Kaisipang gustong ipahayag – pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. May mga mahahalagang kaisipang nais ipahayag.  Pagbuo o organisasyon – pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad, kumakatawan sa kahusayan ng pagkakabuo Kanon o Batas ng Retorika 1. Imbensyon – tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para sa isang talumpati na maaaring sa paraang induktibo o deduktibo. - mula sa salitang “ invenire” na ang ibig sabihin ay “ to find” - tinatawag itong topic of invention o topoi sa griyego.  

Induktibo – pagbuo ng pankalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiran Deduktibo – tumutukoy sa pangangatwiran o mga impormal na anekdota

2. Pagsasaayos – proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas sa mga sumusunod: I. Introduksyon o Panimula II. Narasyon o paglalahad ng mahahalagang punto tungkol sa isang isyu III. Paghahain ng mga patunay sa kasong tinatalakay IV. Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga katuwiran V. Kongklusyon na tumutukoy sa nabuong hinuha matapos mailahad ang isang talumpati 3. Istilo – proseso ng masining na pagsasatirik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya 4. Memorya – bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto ng isang talumpati. 5. Deliberasyon - aktuwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokontrol ang modulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga angkop na kumpas sa isang talumpati upang higit itong maging mabisa Uri ng Retorika Bilang Sining 1. Bukluring Sining o Kooperatibong Sining - makikita ang pagkakabuklod-buklod o pagkakaisa at pagkakasundo sa diwa ng naghahatid ng mensahe sa tumatanggap 2. Pantaong sining – tao ang may katangiang magsalita at ipahayag ang kaniyang sariling damdamin at iniisip upang siya ay higit na maunawaan ng kanyang kapwa...


Similar Free PDFs