1 4 Laguman Performance TASK Q1 Filipino 6 PDF

Title 1 4 Laguman Performance TASK Q1 Filipino 6
Course Educational Statistics
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 16
File Size 586.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 75
Total Views 130

Summary

graduate studies...


Description

1 Laguman Filipino 6 Kwarter 1

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong.

Mga problemang pasan ng mga estudyante sa panahon ng pandemya Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang umusbong tungkol sa edukasyon. Ngayong pasukan , ang mga estudyante at magulang ay naghanda sa mga posibleng maging problemang papasanin nila habang hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic. Ang mga lumabas na problema nitong mga nakaraang linggo pagdating sa edukasyon at kung ano ang mga hakbang na gagawin ng Department of Education at Commission on Higher Education. Ang desisyon ng DepEd ukol sa guidelines ay base sa isang survey. Ang makaka-access ng surveys na ito na ginawa nila online. Iyong mga may internet access din. Paano natin mabibigyan ng boses iyong mga walang access sa internet? Paano sila makakapag-participate doon?" Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng online classes at pisikal na diskusyon sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit habang ang banta ng coronavirus ay malaki pa, makatitiyak na malaki ang papel ng internet sa unang buwan ng panibagong school year. Dapat alalahanin ng gobyerno ang iba't ibang pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante: "Dito talaga makikita iyong inequality sa mga

bata kasi parang… kahit na sabihin na lahat ay same lessons din per grade level, iyong access nila sa resources hindi pare-pareho. May mga bata na available agad ang computer, habang may mga batang aalalahanin pa ng parents kung saan kukuha ng pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng computer para sa online classes." Handa na ba ang mga eskwelahan? Ano ang dapat alalahanin ng mga ahensya ng gobyerno?

1. Bilang isang responsableng estudyante, paano mo matutulungan ang ating pamahalaan na ipagpatuloy ang edukasyon?

2. Bakit kaylangang magpatuloy ang edukasyon para sa iyo?

3. Paano mo maisasakatuparan ang mga mithiin ng gobyerno?

4. Bakit dapat na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng pandemya?

5. Paano ka magiging ligtas sa pag-aaral sa kabila ng sitwasyong ating kinakaharap.

Panuto: Piliin ang tamang sagot. 1. Ito ang mga salitang ipinapalit sa pangngalan at panghalip. A. pang-uri B. pandiwa C. panghalip

2.Alin ang panghalip panao na nasa unang panauhan at maramihan? A. akin B. tayo

C. kayo D. sila

3.Anong pangungusap ang gumagamit ng panghalip panaklaw? A. Ito ang dalang bag ni Mike. B. Ang iba ay umalis na kahapon. C. Sino ang kumain ng tsokolate? D. Kunin mo na ang mga aklat.

4.Aling mga panghalip ang nabibilang sa iisang uri? A. ito, ganyan, hayan, at doon B. kami, tayo, akin, at iba C. madla, pawang, ilan at sinoman D. iyo, ako, mo at saan

5. Al i ngpanghal i ppananonganggagami t i nk unggus t omongmal amanang t i r ahanngi y ongk ai bi gan? A.Ano B.Magk ano C.Saan D.Kai l an Goodluck!

1 Performance Task Filipino 6 Kwarter 1

PANUTO: Gumawa ng talaan ng mga pangngalan at mga panghalip na hahalili dito.

2 Laguman Filipino 6 Kwarter 1

I. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga matatalinhagang salita/ sawikain. 1. Tengang kawali- ____________________________________________ 2. Matalas ang isip - __________________________________________ 3. Ngiting buwaya - ___________________________________________ 4. Mapurol mag-isip - __________________________________________ 5. Basang sisiw - _____________________________________________ 6. Kalam ng sikmura - _________________________________________ 7. Naniningalang Pugad- ________________________________________ 8. Halik ni Hudas- _____________________________________________ 9. Kakaning- itik - _____________________________________________ 10. Isang Kahig, isang tuka- _____________________________________ 11. Bantay- salakay - __________________________________________ 12. Itaga mo sa bato- _________________________________________ 13. Maglubid ng buhangin- _____________________________________ 14. Natuka ng ahas- ___________________________________________ 15. Balitang kutsero- __________________________________________ II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat teksto. Bilugan ang titik ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat tanong. 1. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari kuwento? 1. Nag-igib ng tubig si Jose sa kabilang barangay. 2. Nagkaroon ng babala na mawawalan ng tubig sa lugar nila Jose. 3. Nagalit ang nanay ni Jose sa nadatnan niya sa kanilang bahay. 4. Binalewala ni Jose ang narinig na babala.

A. 4-3-2-1

B. 1-2-3-4

C. 2-4-3-1

D. 2-3-1-4

Si Jose ay batang walang pakialam. Isang araw nagpahayag ng babala ang kanilang barangay na mawawalan ng tubig pagsapit ng ika-anim ng gabi. Hindi ito pinansin ni Jose. Kinagabihan nawalan ng tubig sa kanilang lugar. Pagdating ng kaniyang ina hindi pa nakapaghugas ng pinggan at nakapagsaing si Jose. Galit na galit ang kaniyang nanay. Inutusan siya na mag-igib ng tubig sa kabilang barangay. Nagsisi si Jose sa ginawa niyang pambabalewala sa mga babala tungkol sa tubig. Masayang naglalaro sina Virgie at Janet nang makarinig sila ng mga putok. Nagmamadaling umalis ang dalawa upang alamin ang pangyayari. Nakita nila ang ilang mangangaso na humuhuli at namamaril ng mga hayop-gubat. 2. Ano sa inyong palagay ang gagawin ng dalawang bata? A. Magsusubong sila sa kani-kanilang mga magulang. B. Hahayaan na lamang nila at hindi na makikialam. C. Magsusumbong sila sa mga otoridad o bantay-gubat. D. Lalapit sa mga mangangaso ang dalawang bata at pagsasabihan ang mga ito.

3. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Kollete? A. Hihingi ng tulong si Kollete sa kaniyang kamag-aaral. B. Sisikapin ni Kollette na sagutin ang tanong ng guro. C.Hindi sasagutin ni Kollette ang itinatanong ng guro. D.Hindi papansinin ni Kollette ang tawag ng guro.

4. Ano ang pangunahing diwa ng talata? A. Ang tao ay hindi maiiwan ng panahon. B. Ito ay nangyayari sa buong daigdig. C. Ang pagbabasa ay susi sa pag-unlad ng tao. D. Maraming nagaganap na pangyayari sa paligid.

5. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Alex? A. Ipakakain ni Alex ang keyk sa kaniyang guro. B. Ireregalo ni Alex ang keyk sa kaniyang Tiyo Alex. C. Ipagbibili ni Alex ang keyk para makabili siya ng panregalo

D. Hindi na lamang papansinin ni Alex ang kaarawan ng tiyuhin

2 Performance Task Filipino 6 Kwarter 1

PANUTO: Gumawa ng “book report” ng kwentong -tiktaktok at pikpakbum- gamit ang grapikong pantulong sa ibaba.

3 Laguman Filipino 6 Kwarter 1 A. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat loob ng kahon ang iyong pahayag, saloobin, ideya, o reaksyon ukol dito. Huwag kalimutang gumamit ng pahayag na may paggalang. 1. Pinagdala kayo ng inyong guro ng alcohol, face mask, at sabon. Nakita mo ang kaklase mong napapaluha dahil wala siyang nadala ni isa sa mga ito.

2. Kasali ka sa isang pagpupulong tungkol sa mga safety measures sa inyong barangay. Nais mong magbigay ng mungkahi. Paano mo ito sasabihin?

3. Habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, nakita mo ang inyong punong barangay at mga kagawad na nagkakabit ng mga poster. Nais mong tumulong. Ano dapat ang iyong pahayag?

4. Nang matapos mong tulungan ang mga barangay officials sa pagkakabit ng mga posters, nakita mong nagtapon ng basura ang iyong kaibigan. Paano ito sasawayin?

5. Pag-uwi mo ng bahay, hindi pa nakakaluto ang iyong ina ng tanghalian sapagkat galing din siya sa bukid. Ano ang iyong pahayag upang tulungan siya sa paghahanda ng lulutuin?

B. PANUTO: Ang pagbibigay ng opinyon ay isang mabuting kasanayan. Mahalaga na may malawak na kaalaman sa paksang pinag-uusapan ang nagsasalita upang makatulong ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga matatag na opinyon at neutral. Mabilis na nagviral sa isang balita ng GMA news ang kuwento ng maglola matapos niyang bilhan ng cellphone ang kanyang apo na gagamitin sa online class. Marami rin ang naantig ang puso sa ginawang sakripisyo ng lola makaipon lang ng pera upang makapagpatuloy ng pag-aaral ang apo. Ikaw ano ang reaksyon mo? Buuin ang mga pangungusap sa ibaba sa tulong ng mga salitang nagpapahayag ng opinyon. 1. Sa aking palagay ________________________________________________________ 2. Kung hindi ako nagkakamali ____________________________________________ 3. Ayon sa nabasa ko ay ___________________________________________________ 4. Lubos kong pinaniniwalaan _____________________________________________ 5. Kumbinsido akong ______________________________________________________

C. Panuto: Punan ng angkop na panghalip ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. ___ 1. Si Ginoong Harry Roque ang bagong itinalagang tagapagsalita ni Pangulong Duterte. _______ ang nagbibigay ng pahayag sa mamamayan na may kinalaman sa kalagayan ng bansa. A. Siya B. Niya C. Ako D. Ni

___ 2. Isa sa binibigyan niya ng pansin ay ang pagbibigay impormasyon tungkol sa COVID-19. Sinabi niyang, ________ ang pangangailangan ng mga mamamayan, ay gagawan ng paraan ng pamahalaan. A. gaanoman B. kailanman C. sinoman D. anoman ___ 3. Isa sa prayoridad ng gobyerno ay mahatiran ng ayuda ang mga mahihirap na mamamayan. _______ ay bumuo ng programa upang maisagawa ito. A. Kanila B. Kami C. Sila D. Tayo ___ 4. Marami ang naapektuhan sa nangyayaring krisis sa ating bansa. Isa na rito ang mga mamamayang nawalan ng trabaho, na umaasa lamang sa _______ arawang sahod. A. kanila B. namin C. sila D. ito ___ 5. Ayon sa ulat, matindi ang naging epekto nitong pandemya sa _______ ekonomiya. A. ito B. nila C. atin D. natin ___ 6. Muling naipakita ng mga Piipino ang katatagan ng loob sa gitna ng pagsubok. Ang pagtutulungan ng _______ ay sagisag ng nagkakaisang puso at isip ng bawat mamamayan ng bansa. A. lahat B. bawat C. sinoman D. ninoman ___ 7. Maraming bansa ang naapektuhan ng pandemyang ito. Subalit, mayroon pa rin namang tumulong sa Pilipinas upang mapunuan ang _______ mga kakulangan sa kagamitang pang-medikal. Anong panghalip ang dapat ipuno sa puwang? A. amin B. atin C. ito D. mo ___8. Ang mga artista at mga ordinaryong tao naman ay nagsagawa rin ng _______ paraan ng pagtulong tulad ng pagbibigay ng mga donasyon at relief goods. A. kani-kanila B. kanila C. nila D. sila ___ 9. Ang pagtulong sa mga nangangailangan, ________ ay mananatiling nasa puso ng bawat Pilipino. A. anoman B. sinoman C. kailanman D. gaanoman 10. Ang pagsunod sa umiiral na batas ay malaking tulong sa ________ mga Pilipino upang hindi na lumaganap ang sakit na COVID-19. A. naming B. nila C. atin D. mo

3 Performance Task Filipino 6 Kwarter 1

PANUTO: gumawa ng powerpoint presentation tungkol sa mga panghalip at sa mga uri nito.

4 Laguman Filipino 6 Kwarter 1 A. Panuto: Tukuyin kung anong elemento ng kuwento ang mga sumusunod. 1. Ang __________ ay bahagi ng isang kuwento kung saan dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. A. suliranin

B. panimula

C. tunggalian

D. kasukdulan

2. Ito ang __________ na bahagi ng kuwento kung saan tumutukoy sa kahihinatnan ng kuwento at kadalasang binibitin ng awtor. A. wakas

B. kakalasan

C. tunggalian

D. kasukdulan

3. Ang bahagi ng kuwento kung saan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento ay tinatawag na __________. A. wakas

B. tagpuan

C. kakalasan

D. tunggalian

4. Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban sa bahaging __________. A. panimula

B. tunggalian

C. kakalasan

D. kasukdulan

5. Ito ay nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema. Anong elemento ng kuwento ito? A. wakas

B. tunggalian

C. kakalasan

D. saglit na kasiglahan

B. Piliin ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na mga sitwasyon. Isulat ito sa inyong sagutang papel. 1. Ang ating bayan ngayon ay nahaharap sa matinding suliranin dulot ng Corona Virus. Bilang isang mamamayan na isa sa mga apektado ng krisis na ito, ano ang maaari mong gawin upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng virus na ito? A. Magsuot lamang ng Face Mask kapag may nakakakita. B. Manatili na lamang muna sa bahay. C. Panatilihing marumi ang kapaligiran. D. Maglaro sa labas.

2. Alin sa sumusunod ang benepisyong dulot ng pagsusuot ng face mask? A. Proteksyon laban sa matinding sikat ng araw. B. Napipigilan na malanghap natin ang hangin. C. Hindi nito napipigilan na mahawa o makahawa tayo ng sakit. D. Sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask nababawasan ang kaso ng mga nadapuan ng COVID- 19.

3. Maliban sa pagsusuot ng face mask at pananatili sa loob ng bahay ang sumusunod na hakbangin ay maaari ring maging solusyon para maiwasang madapuan o mahawa ng COVID- 19. Alin ang maaari pang gawin? A. tama at madalas na paghuhugas ng mga kamay B. madalas na paghuhugas ng mga pinggan C. hindi paggamit ng alcohol D. maglapit-lapit

4. Patuloy ang pagputol ng mga tao sa mga puno sa kagubatan. Tuwing Dumarating tag-ulan, lubos rin ang pagbaha. Ano ang angkop na solusyon para rito?

A. Tigilan ang pagputol at magtanim ng mas maraming puno. B. Bunutin ang mga tanim na halaman ng kapitbahay. C. Gumamit ng dinamita sa pangingisda. D. Magkalat ng basura sa paligid.

5. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga solusyon tungkol sa polusyon? A. Maghiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura. B. Magresiklo ng mga bagay na maaari pang gamitin. C. Huwag gumamit ng dinamita sa pangingisda. D. Gumamit ng dinamita sa pangingisda.

C. Panuto. Basahing mabuti ang bawat talata. Piliin ang angkop na pamagat ng talata. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong sagutang papel. 6. Anong hiwaga mayroon ang ngiti. Isang ngiti lang napapawi ang anomang sigalutan. Galit sa dibdib dagling napaparam kung ngiti sa labi ay nasisilayan. Hindi ka man magsalita, ang mga ngiting taglay sa labi ay siyang mangungusap upang pagmamahalan at kapayapaan ay maipadama sa bawat isa. A. Dagling Napaparam, Galit sa Dibdib B. Ang Hiwaga ng Ngiti C. Kapayapaan sa Bawat Isa D. Ano ang Ngiti?

7. Libangan ko ang pag-aalaga ng isda. Nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko silang lumalangoy sa malaki kong akwaryum. Lagi ko silang binibigyan ng paboritong pagkain at madalas kong linisin ang kanilang akwaryum. Iba ang kaligayahang nadarama ko sa pagaalaga sa mga isda at naniniwala ako na swerte raw ito. A. Ang mga Isda B. Ang paniniwala sa Isda C. Ang Libangan Ko D. Ang Malaki Kong Akwaryum

8. Iba-iba ang ginagawa ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan sa bakante nilang oras. May mga nagbabasa ng aklat. May mga gumuguhit ng larawan. May mga gumagawa ng paskil o patalastas. May kumakanta at sumasayaw. Sa dakong gulayan ay may mga nagtatanim at ang iba ay nagdidilig. Sa kabila ng kani- kanilang pinagkakaabalahan ay sabay- sabay na silang pumila nang maayos matapos marinig ang bell. A. Sa Loob ng Paaralan

B. Ang mga Nagbabasa

C. Ang Sabay-sabay na Pagpila

D. Ang Pampalipas Oras ng mga Mag-aaral

9. Marami tayong magagandang pook sa ating bansa na dinarayo ng mga turista. Nariyan ang Luneta, Fort Santiago sa Maynila. Bulkang Taal sa Batangas at Bulkang Mayon sa Albay. Sa Bohol naman ay may Chocolate Hills. Ang Hagdang-hagdang Palayan o Payew ay hindi rin pahuhli. Sa Palawan ang Boracay. Ilan lamang ito sa magagandang lugar na ipinagmamalaki ng mga Pilipino na nakatutulong sa pag-unlad ng ating turismo. A. Ang Luneta sa Maynila B. Ang Hagdang-hagdang Palayan C. Ang Boracay sa Palawan D. Ang Magagandang Pook sa Pilipinas

10. Ang mga Tagalog ay may taglay na iba’t ibang mga katangian. Sila ay masayahin, magalang, magiliw at mahilig sa masasarap na pagkain. Ang mga babae ang namamahala sa gastusin ng pamilya. Karamihan sa mga lalaki ay maibigin sa mga kasayahan at may likas na kakayahan sa musika. Mahigpit din ang pagkakabuklod ng mag-anak na Tagalog. Sila rin ay mapamahiin. A. Ang mga Katangian ng Tagalog B. Tagalog, Sadyang Mapamahiin C. Masasarap na Pagkain, Hilig ng Tagalog D. Tagalog lang, masarap!

D. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at sabihin kung anong sanggunian ang tinutukoy sa bawat paglalarawan. Ayusin ang mga letra sa loob sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa ibaba ng kahon.

E.

4 Performance Task Filipino 6 Kwarter 1

PANUTO: gumawa ng album ng mga sanggunian at mga halimbawa nito. Lakipan ng mga larawan

MELIZA D. DICKINSON FILIPINO VI TEACHER...


Similar Free PDFs