Filipino 12 Q1 Mod3 Tech Voc PDF

Title Filipino 12 Q1 Mod3 Tech Voc
Course Filipino
Institution Bicol University
Pages 10
File Size 379.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 50
Total Views 350

Summary

Re p ub lika ng Pilip ina s Ka g a w a ra n ng Ed uka syo n Pa mb a nsa ng Puno ng Re hiyo n SA NG A Y NG MG A PA ARA LA NG LUNG SO D – MA YNILA Se ntro ng Ed uka syo n ng Ma ynila , Luntia ng Pa rke ng Arro c e ro s Da a ng Anto nio J. Ville g a s. Erm ita , Ma ynila Te le Fa x: 5272315 / 5275184 /...


Description

Re p ub lika ng Pilip ina s Ka g a w a ra n ng Ed uka syo n Pa mb a nsa ng Puno ng Re hiyo n SANG AY NG MG A PAARALANG LUNG SO D – MAYNILA Se ntro ng Ed uka syo n ng Ma ynila , Luntia ng Pa rke ng Arro c e ro s Da a ng Anto nio J. Ville g a s. Ermita , Ma ynila Te le Fa x: 5272315 / 5275184 / 5275180 m a nila _d e p e d @ y a ho o .c o m

Filipino 12 Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) Katangian ng Gagamit ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin Unang Markahan Ikatlong Linggo Mo Kasanayang Pampag Nakikilala ang iba’t ibang tek sa: a. Layunin b. Gamit c. Katangian d. Anyo e. Target na gagamit

1

PAANO G AMITIN ANG MO DYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito. 1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito. 2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang. 3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul. 4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan. 5. Pag- aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw- araw na gawain. 6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL 1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito. 2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin. 3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na. 4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin. 5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha. 6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin. 7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong aralin. 8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa bagong aralin. 9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-aaralang modyul.

2

Aralin

1

Katangian, Anyo, at Target na Gagamit ng TeknikalBokasyunal na Sulatin

Inaasahan Magandang araw! Simulan ang araw sa isang positibong pananaw. Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw mag-aaral ay inaasahang: Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa: a. Layunin b. Gamit c. Katangian d. Anyo e. Target na gagamit

Unang Pagsubok Panuto: Suriin ang mga pahayag. Piliin at isulat sa kwaderno ang tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang ISA sa mga pangunahing katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin? A. May obhektibong pagtingin B. May kababalaghan C. May damdamin D. May kasiyahan 2. Alin dito ang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin? A. Flyers B. Babala C. Manwal D. Lahat ng nabanggit 3. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa lipunang kinabibilingan ng target na gagamit ng teknikal-bokasyonal na gagamit? A. Hanapbuhay B. Edukasyon C. Lipunan D. Interes 3

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa teknikal-bokasyunal na sulatin? A. Menu ng pagkain B. Maikling kwento C. Naratibong ulat D. Anunsyo 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa katangian ng teknikalbokasyunal na sulatin? A. May katiyakan B. May katumpakan C. May pinapanigan D. May maayos na gramatika

Balik- tanaw Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa kwaderno. A. Isa-isahin ang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

1. ___________________________________________________________ 2. ____________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ B. Isa- isahin ang gamit ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

1. ____________________________________________________________ 2. _____________________________________________________________ 3. ______________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang teknikal-bokasyunal na sulatin ay isang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panulat. Sa ganitong uri ng pagpapahayag ay isinasaalang-alang ang katangian, anyo at target na gagamit nito upang maging matagumpay ang anumang transaksyon.

4

Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin Sa pagsisimula ng pagsulat ay nararapat na pag-aralan muna ang mga katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin tulad ng mga sumusunod: 1. may katiyakan 2. may kalinawan 3. may katumpakan 4. may maayos na gramatika 5. may obhektibong pagtingin 6. mahusay ang kayarian ng pagpapaliwanag 7. may angkop na terminolohiyang ginagamit 8. may kahusayan sa paggamit ng mekanismo sa pagsulat

Anyo ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin May iba’t ibang anyo ang teknikal-bokasyunal na sulatin kabilang na rito ang mga sumusunod: 1. Feasiblity Study 2. Liham- Pangnegosyo 3. Promo Materials 4. Flyers/ leaflets 5. Deskripsyon ng Produkto 6. Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay/Produkto 7. Naratibong Ulat 8. Menu ng Pagkain 9. Manwal 10.Paunawa/ Babala/ Anunsyo

Target na Gagamit Sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin, nagsasaliksik ang mga manunulat sa mga katangian ng kanilang target na mambabasa batay sa mga sumusunod: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Edad Kasarian Kapaligiran Hanapbuhay Kita Edukasyon at Interes Ang lahat ng nabanggit ay isinasaalang-alang sapagkat ang bawat isa ay may kani-kaniyang karanasan at pananaw na nakaaapekto sa kanilang mga pangangailangan. 5

(Pakikipagtalastasan, Pagtutulungan)

Gawain 1

Panuto: Pumili ng kapareha mula sa iyong mga kamag-aral sa pamamagitan tex messaging o chat kung hindi maaari ang personal na paguusap. Bumuo ng diyalogo. Pag-usapan at magpalitan ng ideya tungkol sa katangian, anyo, at target na gagamit ng teknikalbokasyunal na sulatin. Isulat ang usapan sa kwaderno.

Anyo Target na gagamit

Katangian

Gawain 2

(Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)

Panuto: Batay sa sariling interes, pumili ng isang anyo ng teknikalbokasyunal na sulatin na nabasa o nakita mo sa paligid. Gawan ito ng pagsusuri gamit ang tseklist sa ibaba. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagmamarka ng gawain. Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal: ________________________________ Tseklist ng Pagsusuri A.

Katangian

Lagyan ng tsek (/) ang puwang kung taglay ng _______(anyo ng sulatin) ang mga katangian sa ibaba at ekis (x) naman kung hindi. ______may katiyakan ______may kalinawan ______may katumpakan ______may maayos na gramatika ______may obkektibong pagtingin 6

______ mahusay ang kayarian ng pagpapaliwanag ______ may angkop na terminolohiyang ginagamit ______ may kahusayan sa paggamit ng mekanismo sa pagsulat

B. Target na Gagamit Edad: Kasarian: Kapaligiran: Hanapbuhay: Kita: Edukasyon: Interes: PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PAMANTAYAN Mahusay ang ginawang pagsusuri. Wasto, at angkop ang paggamit ng wika. Malinaw na naipaliwanag ang mga puna sa Target na Gagamit KABUUAN

PUNTOS 10 10 10 30

Tandaan Ang teknikal-bokasyunal na sulatin ay pakikipag-ugnayan sa mambabasa. Nagtataglay ito ng mga katangiang dapat isaalang-alang ng manunulat. Isinasaalang-alang din ang target na gagamit nito upang maging mabisa ang pagsulat ng iba’t ibang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

7

(Pagkamalikhain at Pakikipagtalastasan)

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Magsagawa ng panayam sa inyong bahay. Imbitahin ang iyong mga kapatid/kamag-anak sa isang usapan. Kapanayamin sila tungkol sa katangian, anyo at target na gagamit ng teknikal-bokasyonal na sulatin na nakakasalamuha nila sa araw-araw na buhay. Gumawa ka ng sarili mong mga tanong sa pakikipanayam batay sa iyong natutuhan sa aralin. Pagkatapos makipanayam, igawa ito ng pasulat na ulat. Ilagay lahat sa kwaderno ang lahat ng kasagutan sa gawaing ito.

Pangwakas na Pagsusulit Panuto: Suriin ang mga pahayag. Piliin at isulat sa kwaderno ang tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang ISA sa mga pangunahing katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin? A. May kasiyahan B. May damdamin C. May katumpakan D. May kababalaghan 2. Alin dito ang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin? A. Balita B. Talambuha C. Liham pangnegosyo D. Lahat ng nabanggit 3. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa pinagkakakitaan ng target na gagamit ng teknikal-bokasyonal na gagamit? A. Hanapbuhay B. Kasanayan C. Edukasyon D. Lipunan 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa teknikal-bokasyunal na sulatin? A. Nobela B. Anunsyo C. Menu ng pagkain D. Walang sa mga nabanggit 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa katangian ng teknikalbokasyunal na sulatin? A. May angkop na terminolohiya B. May katumpakan 8

C. May pinapanigan D. May katiyakan

Papel sa Replektibong Pagkatuto Paano makatutulong sa iyong napiling strand ang kaalaman mo sa katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin, anyo at target na gagamit nito? Sagutin sa kwaderno ang tanong.

Sanggunian https://slideplayer.com/slide/6357625/ https://slideplayer.com/slide/5676262/ Madrid, M.M.M. (May 3, 2012). Retrieved on May 26, 2020 from https://www.slideshare.net/MariaMarthaManetteMadrid/technical-writing12786836. Taylan, Dolores R., et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Manila: Rex B ook Store. (Oct. 26, 2018). Best Uses of Technical Writing. Retrieved on May 26, 2020 from Acadecraft Inc. https://www.acadecraft.com/blog/uses-of- technical-writing/. (June 26, 2017). Teknikal Bokasyonal na Sulatin. Retrieved on May 26, 2020 from https://teknikalbokasyonalnasulatin.wordpress.com/2017/06/26/first-blogpost/.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat:

Jeriny G. Dacanay

Editor:

Edwin Remo Mabilin, EPS

Tagasuri:

Candelaria C. Santos, EdD

Tagaguhit:

Jamil Q. Carvajal

Tagalapat:

Lorena S. Club

Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod Aida H. Rondilla, Puno ng CID Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

9

Susi sa Pagwawasto Filipino 12 Filipino Sa Piling Larang (Tech-Voc.) Unang Markahan-Ikatlong Linggo Modyul 3

Unang Pagsubok 1. 2. 3. 4. 5.

A D C B C

Gawain 1 Maaaring magkaibaiba ng sagot depende sa talakayan sa pangkat.

Gawain 2 Maaaring magkaibaiba ng sagot batay sa pamantayan sa pagmamarka.

10

Pangwakas na Pagsusulit 1. 2. 3. 4. 5.

C C A A C

Papel sa Replektibong Pagkatuto Magkakaiba ng sagot depende sa pananaw...


Similar Free PDFs