Ang Epekto ng Workload sa Pagkakaroon ng Generalized Anxiety Disorder sa mga Mag-aaral ng ika-9 na Baitang sa mga PDF

Title Ang Epekto ng Workload sa Pagkakaroon ng Generalized Anxiety Disorder sa mga Mag-aaral ng ika-9 na Baitang sa mga
Author Angelica Rabi
Pages 9
File Size 70 KB
File Type PDF
Total Downloads 157
Total Views 316

Summary

Ang Epekto ng Workload sa Pagkakaroon ng Generalized Anxiety Disorder sa mga Mag-aaral ng ika-9 na Baitang sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Makati Almodovar, Anna Dumduman, Ana Escota, Keneth Sungcados, Roshelle STEM2A Ipinasa Kay: Bb. Cyndi Samaniego Ang Epekto ng Workload sa Pagkakaroon ...


Description

Ang Epekto ng Workload sa Pagkakaroon ng Generalized Anxiety Disorder sa mga Mag-aaral ng ika-9 na Baitang sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Makati

Almodovar, Anna Dumduman, Ana Escota, Keneth Sungcados, Roshelle

STEM2A

Ipinasa Kay: Bb. Cyndi Samaniego

Ang Epekto ng Workload sa Pagkakaroon ng Generalized Anxiety Disorder sa mga Mag-aaral ng ika-9 na Baitang sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Makati

Almodovar, Anna Dumduman, Ana Sungcados, Roshelle

STEM2A Ipinasa Kay: Bb. Cyndi Samaniego

Kabanata II Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga epekto ng workload sa pagkakaroon ng General Anxiety Disorder sa mga mag-aaral na nasa Ika-siyam na baitang at kung anu-ano ang mga epekto ng iba’t-ibang uri ng workload sa pagkakaroon ng GAD. Ang mga guro ngayon ay nagbibigay ng iba’t ibang uri ng workload sa kanilang mga estudyante tulad ng mga Written Works na pinapalooban ng mga sulating pormal at mga Performance Task tulad ng pagtatanghal. At dahil iba’t-bang asignatura meron ang kurikulum dumarami ang workload na naibibigay sa mga estudyante. Sa dami ng workload na naibibigay, ito ay maaring magdulot ng stress at kung hindi nila matapos ang naibigay na trabaho sa kanila, sila’y kinakabahan at posibleng magkaroon sila ng nervous break downs, panic attacks at anxiety disorders tulad ng General Anxiety Disorder.

A. Literatura

Bilang isang tao, masasabi nating tila parte na talaga ng ating buhay ang mga problemang dumarating sa bawat araw. Kaakibat ng mga problemang ito ay ang pagkabalisa o pag-aalala natin sa mga problemang ito. Sa paghahanap ng solusyon sa bawat isa, bagama’t maituturing na normal ang pag-aalala sa isang indibidwal, hindi natin maaalis na mayroong mga nakararanas ng sobrang pagkatakot na umaabot na sa puntong ang kanilang kalusugan at pag-iisip ay nadadamay

na nagreresulta sa paghina at hindi maayos na paggana ng mga ito. Dito pumapasok ang posibilidad ng pagkakaroon ng Anxiety Disorder ng isang indibidwal. Isa na rito ay ang GAD o Generalized Anxiety Disorder. Hindi pa lubusang napapatunayan at nalalaman ng mga siyentipiko kung ano nga ba ang eksaktong sanhi o dahilan ng pagkakaroon ng GAD. Inilahad sa pananaliksik sa isang artikulo mula sa LiveScience, na maaaring ito ay nagmumula sa genes na naipapasa sa bawat henerasyon. Ngunit hindi ito masyadong tinitingnan sapagkat may mga miyembro ng isang pamilya na hindi naman nakakakuha ng nasabing kondisyon base na rin sa kanyang family history.

Dagdag pa rito ng Health Line, nabanggit na ilan sa mga dapat ikonsidera upang matukoy na may posibilidad na magkaroon ng GAD ang isang indibidwal ay ang pagkakasangkot at pagkakaroon ng rekord sa kaso ng child abuse, sobrang paggamit ng caffeine o tobacco na siyang nagpapa aktibo sa pagkakaroon ng kabalisahan sa pag-iisip ang isang tao at gayundin naman ang pagiging kalahok sa mga sitwasyong nagdudulot ng sakit ng ulo, kasama na ang personal o problema sa pamilya at paaralan (workload).

Ayon kay Keil Centre (2002), maraming paraan upang matukoy kung ang dami ng workload ay sobra na. Maaaring ang hindi pagpapasa sa tamang oras at ang kalidad ng produkto ay hindi ganoon kaganda. Ngunit, ayon sa kanya, masasabi ring mabigat ang gawain na nakaatas at dapat tapusin ay kung ito’y nakakaapekto na sa kalusugan ng isang tao, direkta man o hindi ang epekto ito. Nabanggit niya rin na maaaring makadama ang isang tao ng matinding emosyon gaya ng mabilis na pagkairita sa paligid dahil sa dami ng gawain.

Dagdag pa rito, isang pag-aaral ang inilimbag nina Chiorri (et.al, n.d), ang interaksyon ng mag-aaral sa pagitan ng mga gawain at mataas na demand ng mga guro sa kalidad ng produkto ng mga mag-aaral ay nagdudulot ng mental strain. Ito’y nakakaapekto sa perpormans, kaangkupan ng gawain at efficiency. Magbubunga ito ng mababang kalidad ng mga gawain at maaari itong magsanhi ng pagkanerbisyos at nararamdaman lalo ang pressure at stress.

Ayon naman kay Thompson (2017) maaari ring magsanhi ng problema sa pamilya ang pagdami ng workload. Nabanggit niya sa kanyang pananaliksik na ayon sa isang pag-aaral na inilimbag sa The Journal of Applied Psychology, napag-alaman na ang pagdami ng mga gawain ng isang tao ay siyang pagdami rin ng hindi pagkakaintindihan sa pamilya at ito’y nakakaapekto sa pagbawas ng maayos na estado ng pamilya. Sinabi rin niya na ang ang negatibong epekto nito ay kapag mayroong ekspektasyon na dapat panatilihin o pantayan sa gawain at ekspektasyon sa tahanan.

Sinang-ayunan naman ng organisasyong Be Well, Teach Well UK na ang mga gawain ay nakakaapekto sa emosyon ng tao. Ilan sa mga epekto ng gawain sa emosyon ay depresyon, pabago-bagong emosyon, pagkalimot, pagkabalisa (anxiety) o kawalan ng konsentrasyon at pagpapakamatay.

Ngunit ayon sa artikulong Istratehiya para sa Tagumpay ng Estudyante, Ang Social and Emotional Learning o Pagkatutong Panlipunan at Emosyonal ay ang proseso kung saan natututo tayo sa pagkilala at pagkontrol ng mga emosyon, pag‐iisip sa iba, paggawa ng mabuting mga pasya, kumilos nang etikal at responsable, bumuo ng positibong mga relasyon, at umiwas sa

negatibong asal. Ito ang proseso kung saan mapapahusay ng mga estudyante ang kanilang abilidad upang ipagsama ang pag‐ iisip, pakiramdam, at pagkilos upang mapagtagumpayan ang mga mahahalagang gawain sa buhay. Ipinapakita ng artikulong ito na ang tamang pagkontrol ng emosyon, pagpapakita ng konsiderasyon at pagpapamalas ng responsibilidad ay maaaring maging isang daan upang mas maging positibo sa isang gawain, maiwasang magkaroon ng negatibo o hindi magandang epekto sa emosyon at kalusugan ng isang mag-aaral.

Sa kabilang dako, ang pagkakaroon ng hindi tamang time management ay nakakaapekto sa performance ng isang mag-aaral sa klase. Ayon kay Craig Jarrow (2013), “Bad habits lead to bad productivity. They result in self-inflicted stress and affect our ability to get our work done.” Ang pagiging produktibo at malikhain ng isang mag-aaral ay nawawala sapagkat ang oras na dapat sa mga gawaing pampaaralan ay inilalaan sa paggawa ng mga gawaing panlibangan o napupunta sa mga gawaing walang kaugnayan sa pag-aaral.

Base sa artikulo ni Mack (2015), maaaring maging epekto ng hindi wastong paggamit ng oras ay ang pagkakaroon ng hindi mabisang daloy ng gawain, pagkasayang ng oras, hindi pagpapasa sa tamang oras at hindi magandang resulta ng gawain. Ang paggamit ng oras sa wastong paraan ay may magandang naidudulot sa pag-aaral ng isang estudyante.

Ayon kay Orla Ní Shúilleabháin (2013), “Developing an organized approach to your studies is an opportunity to learn how to work more efficiently. It helps prioritize – good timetabling helps you take care of the important and urgent tasks first.” Ayon sa kanya, ang

paggamit ng wastong oras ay makakatulong na mas maging malikhain, mas maging produktibo, nagkakaroon pa ng oras gawin ang ibang bagay, maiiwasan ang procrastination at nagkakaroon ng oras na planuhin ang isang gawain. Binanggit niya rin sa kanyang artikulo ang wastong oras na dapat gamitin ng isang magaaral sa bawat baitang sa sekondarya. Dahil ayon sa kanya, “It’s not the amount of time spent studying, but rather the quality of the study that counts.”

Ang isang mag-aaral na nasa ika-pitong baitang ay dapat lamang maglaan ng isa’t kalahating oras sa kanyang pag-aaral kada araw (1 oras at 30 minuto), ang nasa ika-walong baitang naman ay dalawang oras kada araw (2 oras), ang nasa ika-siyam na baitang naman ay dalawa’t kalahating oras hanggang tatlong oras (2 oras at 30 minuto – 3 oras), ang nasa ikasampung baitang naman ay tatlo hanggang apat na oras (3 oras – 4 oras).

Ang pagkakaroon ng time table ng isang mag-aaral ay nakatutulong sa paggamit ng mabisa at wastong oras sa pag-aaral. Sa pamamagitan din nito, mas maagang natatapos ng magaaral ang kanyang mga gawain at ang pagsasaugali nito ay nagkakaroon ng magandang epekto sa pag-aaral ng isang estudyante. Mas nagkakaroon din ang isang mag-aaral ng oras upang magawa ang kanyang mga hilig o ibang nais gawin kasama ang kanilang pamilya mula sa kanyang natitirang oras.

B. Pag-aaral

Ang mga guro ngayon ay nagbibigay ng sari-saring workload sa mga estudyante. Dahil sa iba’t-ibang Teacher’s Guide na mayroon ang bawat asignatura, iba’t ibang uri din ng workload ang naibibigay. Ayon kay (Bennaars, et al, 1994), ang workload ay ang dami ng trabaho na dapat gawin ng isang tao or organisasyon. Pinaliwanag ni Eastwood (1998), na napakalaki ng epekto ng workload sa pag aaral ng estudyante. Ang pagbabalanse ng workload ay nagiging dahilan din ng stress sa mga estudyante. Kung mas mabigat ang workload, mas malaki ang tiyansang makaranas ng pressure ang estudyante (Devi and Mohan, 2015) na trabahuin agad ang mga gawain. Dahil kung hindi, sila ay makakakuha ng mababang marka at maging “repeater”.

Dagdag pa ni Devi at Mohan (2015), dahil ang mga estudyante ay nagdadaan sa “adolescent period” ang mga estudyante ay maaring magkaroon ng mga psychological problems dahil hindi na nagiging maayos ang kanilang mental development dulot ng maling pag-intindi sa mga sitwasyon. Halimbawa na nga rito ay ang mga workload na ibinibigay sa kanila dahil iniisip ng mga estudyante ang maaring maging resulta ng hindi pagtapos sa workload at maaring magsanhi ng stress at siyang magiging dahilan ng posibleng pagkakaroon ng General Anxiety Disorder.

Nagsagawa ng pag aaral ang grupo nila Lam (2012) sa CUHK. Nagsagawa ang grupo ng isang surbey (LABQ) at pinadala sa mga mag aaral ng CUHK. Nakabuo ang grupo ng

konklusyon na karamihan sa mga estudyante na kanilang natanong ay sinabing ang mga workload na naibibigay sa kanila ay mabigat at mas nahihirapan silang ibalanse ang mga gawain.

Sa surbey din na ginawa ni Scherpbier (et.al, 1997), lumabas sa kanyang surbey na nasa 50% ng populasyon ng kanyang natanong ay pinili ang “school workloads” bilang pangunahing dahilan ng stress. Kaukol sa mga nasabing pag-aaral sinabi rin ni Richlin-Klonsky & Hoe (2003), na ang dahilan ng stress ng estudyante ay marahil dala nila ang mga bagay na siyang hindi kinakaya ng kakayahan nila. Ayon pa sa pag-aaral nila Smiths, Johal, Wandsworth (2000), mas mataas ang mga workload na ibinibigay sa mga unibersidad.

Sa sinagawang pag-aaral ni Khan (et.al, 2013), pumunta sa isang unibersidad upang magsagawa ng surbey. Ginamit nila ang “Sheldon Cohen’s Stress Scale” upang malaman ang stress level ng estudyante. Isang daan at limampu (150) na estudyante ng nasabing unibersidad ang naging kalahok sa pag-aaral na ginawa nila. Lumabas na mas mataas ang tiyansya na magkaroon ang stress ang mga babaeng estudyante dahil sa workload. Lumabas din na mas mataas ang tiyansya na magkaroon ng stress ang mga mas batang estudyante. Dagdag pa nila mas mataas ang Stress Level ng mga estudyante kapag tapos na ang semestre. Sinabi pa ni Essandoh (1995) na ang stress ay mataas lalo na sa mga estudyanteng hindi natapos ang kanilang mga workload.

Samantala, payo naman ng Southern Methohdist University (n.d), na dapat pumunta ang mga estudyante sa Counseling Sessions sa kani-kanilang mga paaralan upang maiwasan ang malalang epekto ng stress tulad ng General Anxiety Disorder....


Similar Free PDFs