ANG SIPÌNG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI PDF

Title ANG SIPÌNG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI
Author Rejohn Gustilo
Pages 542
File Size 38.6 MB
File Type PDF
Total Downloads 55
Total Views 234

Summary

ANG SIPÌNG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI BALARILÀ NG WIKANG PAMBANSÁ BALARILÀ NG WIKANG PAMBANSÁ Lope K. Santos May introduksiyon ni Galileo S. Zafra PAMBANSANG KOMISYON PARA KOMISYON SA WIKANG FILIPINO SA KULTURA AT MGA SINING AKLAT NG BAYAN Maynila 2019 Balarilà ng Wikang Pambansa Lope K. Santos Kara...


Description

Accelerat ing t he world's research.

ANG SIPÌNG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI Rejohn Gustilo Balarila ng Wikang Pambansa

Cite this paper

Downloaded from Academia.edu 

Get the citation in MLA, APA, or Chicago styles

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

ANG SIPÌNG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI

BALARILÀ NG WIKANG PAMBANSÁ

BALARILÀ NG

WIKANG PAMBANSÁ Lope K. Santos

May introduksiyon ni Galileo S. Zafra

PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

AKLAT NG BAYAN Maynila 2019

Balarilà ng Wikang Pambansa Lope K. Santos Karapatang-sipi © 2019 ng introduksiyon ni Galileo Zafra at ng Komisyon sa Wikang Filipino. RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring sipiin o gamitin sa alinmang paraan nang walang pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala. Disenyo ng pabalat at aklat: Angeli Narvaez Ang Pambansang Aklatan ng Filipinas CIP Data Rekomendadong lahok: Santos, Lope K. Balarila ng wikang pambansa / Lope K. Santos .-Manila : AKLAT NG BAYAN,2018. pages ; cm ISBN 978-621-8064-57-7 1. Filipino language – Grammar – Study and teaching. 499.2115 PL6059

2018

P820180079

Inilathala ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Maynila 1005 Tel. (02) 736-2525 · (02) 736-2519 [email protected] · www.kwf.gov.ph sa tulong ng grant mula sa PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING 633 Kalye Heneral Luna, Intramuros, 1002 Maynila Tel. Blg. 527-2192 to 97 · Fax: 527-2191 to 94 Email: [email protected] · Website: www.ncca.gov.ph The National Commission for Culture and the Arts is the overall coordination and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).

NILALAMAN Si Lope K. Santos at ang Kaniyang Palatuntunang Pangwika Galileo S. Zafra

XI

Paunang Salita JC de Veyra

3

UNANG BAHAGI I. BALARILÀ NG WIKANG PAMBANSÁ PANANALITÂ PAGSULAT MGA BAHAGI NG BALARILÀ

8 8 9 11

II.

ANG PALÁTITIKAN KAPAKANÁN SA BALARILÀ ANG ABAKADANG TAGALOG PAGBIBIGKÁS NG MGA TITIK PANUMBÁS SA MGA BANYAGANG TITIK

12 12 13 14 19

III.

ANG MGA PANTÍG MGA ANYÔ AT SÍMULAIN WALÁNG KAMBÁL NI KATLUANG PATINIG PAGBILANG NG MGA PANTÍG MGA KATALIWASÁN

23 23 23 24 24

IV.

PALÁBUUAN NG MGA SALITÂ MGA PARAÁN NG PAGLALAPI PALÁTUNTUNAN SA PAGBUÔ MGA SÍMULAING IGINAGALANG MGA TUNTUNING SINUSUNÓD

28 28 29 29 30

V.

MGA SANGKÁP NG PANANALITÂ ANG MGA SALITÁNG-UGÁT ANG MGA KATAGÂ ANG MGA PANLAPÌ

35 35 36 37

VI.

ANG PALÁGITLINGAN MGA ALITUNTUNIN AT SAKLÁW SA PAGGAMIT NG GITLÍNG

40 42

VII. ANG PALÁTULDIKAN ANG MÁNUNULAT AT ANG MAMBABASA MGA LAYON AT KABULUHÁN NG TULDÍK ANÓ ANG DIÍN AT ANÓ ANG TULDÍK PAGKAKÁIBA-IBÁ NG BIGKÁS ANG DIÍNG MALUMAY ANG DIÍNG MABILÍS ANG DIÍNG MALUMÌ ANG DIÍNG MARAGSÂ ANG DIÍNG MARIÍN ANG DIÍNG MALAW-AW ILÁN PANG SÍMULAIN AT PALIWANAG NA PANLAHÁT Tungkól sa mga Diín at Tuldík

66 66 66 66 67 68 71 76 78 81 86 87

VIII. ANG BAYBAYING PILIPINO MGA TITIK AT DATING PAGSULAT MGA KAKULANGÁNG SUKAT MÁPUNÁ MGA PAGBABAGONG MAGAGAWÂ PALIWANAG SA ILÁNG PANSÍN

95 95 97 98 102

IX. ANG MGA PANG-ANGKÓP Ang na, ng at g Ang at at ʼt Ang ay at ʼy MGA PASUBALÌ

105 105 107 108 108

IKALAWÁNG BAHAGI ANG PALÁSURÌAN (Analogy) X. ANG MGA PANTUKOY XI. ANG PANGNGALAN KALIKASÁN NG MGA PANGNGALAN KAURIAN NG MGA PANGNGALAN KASARÌAN NG MGA PANGNGALAN KATUTURÁN NG MGA PANGNGALAN KAANYUÁN NG MGA PANGNGALAN MGA PANLAPING MAKANGALAN KATUNGKULAN NG MGA PANGNGALAN KAILANÁN NG MGA PANGNGALAN

111 112 120 121 122 123 125 126 128 161 164

XII. ANG PANG-URÌ TUNGKÓL SA KAANYUÁN TUNGKÓL SA KAILANÁN MGA PANG-URÌ SA ÍSAHAN MGA PANG-URÌ SA DÁLAWAHAN MGA PANG-URING MÁRAMIHAN MGA PANG-URING PAMILANG MGA PAMILANG NA PÁTAKARÁN PAG-UUGNÁY NG MGA BILANG MGA PAMILANG NA PÁNUNURAN MGA PAMILANG NA PAMAHAGI MGA PAMILANG NA PAHALAGÁ MGA PAMILANG NA PALANSÁK MGA PAMILANG NA PATAKDÂ MGA PAMILANG NA PAMANAHÓN MGA PAMILANG NA DI-TIYÁK AT PANGMARAMI TUNGKÓL SA KAANTASÁN MGA ANYÔ AT PARAÁN NG PÁNULARAN HAMBINGAN NG MAGKATULAD HAMBINGAN NG DI-MAGKATULAD HAMBINGANG PASAHÓL HAMBINGANG PALAMÁNG MGA ANYÔ AT PARAÁN NG PÁNUKDULAN ANG PANGMARAMI SA PÁNUKDULAN

167 168 189 191 192 192 197 198 200 201 204 206 207 208 209 210 211 212 213 219 219 223 226 231

ANG MGA PANGHALÍP MGA PANGHALÍP NA PANAO ANG PAMUMUPÔ MGA PANGHALÍP NA PAMATLÍG ANG MGA PANGHALÍP NA PANANÓNG MGA PANGHALÍP NA PAMANGGÍT MGA PANGHALÍP NA PANAKLÁW

234 234 237 238 242 245 246

XIV. ANG PANDIWÀ ANG PALÁBANGHAYAN MGA PANDIWANG WALÁNG-BANGHÁY Ang AY Ang MAY at MAYROÓN Ang HALA, HALI, HAYO, TABÌ

253 261 263 263

XIII.

270

Ang TAYO, KATÁ, AMIN, AKIN, IYÓ, KANYÁ, atb. Ang NASA Ang PASA MGA PANDIWANG PANTULONG ANG BAHALÀ MGA PANDIWANG MAY-BANGHÁY MGA PANLAPING BANGHAYIN MGA PANLAPING MAKABANGHÁY Bangháy sa UM Bangháy sa MA Bangháy sa IN o HIN Banghay sa IBangháy sa AN o HAN Bangháy sa MAG Bangháy sa MANG, MAM at MAN Bangháy sa MAKA Bangháy sa MAKI Bangháy sa MAGKA Bangháy sa MAGÍNG BANGHÁY SA MGA PANLAPING KÁBILAAN AT LÁGUHAN KAUKULÁN NG MGA PANDIWÀ MGA PANDIWANG PAKUSÂ AT DI-PAKUSÂ MGA PANDIWANG PALIKÁS MGA PANDIWANG KÁTAWANÍN MGA PANDIWANG PASARILÍ AT PAIBÁ MGA PANDIWÀ NG KAKAYAHÁN O KAARIÁN MGA PANDIWANG PASANHÎ MGA PANDIWANG TAMBINGAN MGA PANDIWÀ SA PANAGURÎ MGA PANDIWANG TÚKUYAN MGA PANDIWANG KABALIKÁN KASAKLAWÁN NG MGA PANLAPING MAKADIWÀ Mga sakláw ng UM Mga sakláw ng MAG Mga sakláw ng MA Mga sakláw ng MANG Mga sakláw ng MAKA Mga sakláw ng MAKI

...

271 272 273 274 277 278 280 284 286 289 290 293 296 298 301 304 306 308 311 312 318 320 321 322 323 324 324 325 326 326 328 333 335 339 343 345 347 348

Mga sakláw ng MAGKA Mga sakláw ng MAGING Mga sakláw ng IN o HIN Mga sakláw ng I Mga sakláw ng AN o HAN MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN BANGHÁY NG MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN ANG KAILANÁN SA MGA PANDIWÀ MGA PANDIWÀ SA SALITÁNG-ULIT AT TAMBALAN BANGHÁY NG MGA SALITÁNG-ULIT BANGHÁY SA MGA TAMBALAN MGA ÁLANGANING PANDIWÀ

350 350 350 352 355 359 363 370 377 378 386 390

XV. ANG PANDIWARÌ WALÁNG TIYÁK NA KAPAKANÁN MGA BATIS NG MAPAGKUKUNAN KAULATAN NG BAWA’T ISÁ

397 397 397 398

XVI. ANG PANG-ABAY ANG MGA PAMANAHÓN MGA PANLUNÁN ANG MGA PANGAANO MGA PANULAD MGA PANANÓNG MGA PANG-AGAM MGA PANANG-AYON MGA PANANGGÍ MGA PAMÍTAGAN MGA PÁNUNURAN MGA PANTURING MGA PAMARAÁN

402 403 412 415 418 421 424 425 428 435 436 438 438

XVII. PANG-UKOL

444

XVIII. ANG PANGATNÍG MGA PANG-ANGKÓP MGA PAMUKÓD MGA PANINSÁY MGA PANUBALÌ MGA PANANHÎ MGA PANLINAW

451 451 452 454 457 460 462

MGA PANULAD MGA PANAPOS MGA PAMANGGÍT XIX. ANG PANDAMDAM MGA PANDAMDÁM NA LIKÁS MGA PANDAMDÁM NA LIKHÂ MGA PADAMDÁM NA PINAGKÁUGALIAN

463 464 465 470 470 472 474

MGA DAGDAG NA PANUTUHAN Ang mga pamagát na pambalarilang sukat mábasa sa buóng Aklát na itó, na katumbás ng mga “grammatical terms” sa Inglés, ay mákikita sa mga DahongDagdág na nasa-hulihán. APPENDIX A GRAMMATICAL TERMS IN TAGALOG AND THEIR EQUICALENTS IN ENGLISH (Arranged in order of appearance in the Balarila)

476

APPENDIX B GRAMMATICAL TERMS IN TAGALOG AND THEIR EQUIVALENTS IN ENGLISH (Arranged as to subject matter)

482

APPENDIX C GRAMMATICAL TERMS IN ENGLISH AND THEIR EQUIVALENTS IN TAGALOG (Arranged alphabetically)

489

Si Lope K. Santos at ang Kaniyang Palatuntunang Pangwika

P

GALILEO S. ZAFRA

S

a larang ng pagtataguyod ng wikang pambansa, maituturing na malakí ang ambag ni Lope K. Santos (LKS). Kinikilála siyáng “Ama ng Balarilang Tagalog” dahil siyá ang umakda ng Balarilà ng Wikang Pambansá (1939) na pangunahing batayan sa pagtuturò ng wikang pambansa sa mga pampubliko at pribadong paaralan.1 Pagkaraang manungkulan ni Jaime C. de Veyra bílang direktor ng Institute of National Language (Surian ng Wikang Pambansa),2 si LKS ang humalili at namatnugot sa tanggapan, 1941-1945. Subalit bukod sa pagsulat ng Balarila at sa pamamanutgot ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), si LKS ay masigasig na gumawa ng mga saliksik, bumigkas ng mga talumpati, naglathala ng mga sanaysay at artikulong pangwika, at magiting na nanindigan para sa wikang pambansa lalo na noong unang hatì ng dantaon 20. Sa kabuoan, ang mga pag-aaral, sulatín, at pakikisangkot ni LKS sa larang ng wika ay maituturing na isang palatuntunang pangwika—serye ng mga pag-aaral, at patnubay at plano sa hinaharap—na nagkaroon ng malakíng impluwensiya noon at maaaring makabuluhan pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Ilang Talâ sa Buhay ni Lope K. Santos Sa paglingon sa ilang pangyayaring humubog sa maagang pagkahilig ni LKS sa pag-aaral ng wika at sa pag-uulat sa ibá pang pakikisangkot niya bílang manunulat, makata, historyador ng panitikan, mamamahayag, mambabalarila, politiko, lider-manggagawa, posibleng maitatag ang kaniyang awtoridad bílang isa sa mga pangunahing tagapagsulong ng wikang pambansa. 1 Sa bisà ng Executive Order No. 263, “Authorizing the Printing of the Dictionary and Grammar of the National Language, and Fixing the Day from Which Said Language Shall be Used and Taught in the Public and Private Schools of the Philippines,” itinakdang simulan ang pagtuturò ng wikang pambansa noong 19 Hunyo 1940. 2 Pansinin ang nagbabagong opisyal na pangalan ng ahensiyang pangwika ng pamahalaan: National Language Institute (sa bisà ng Commonwealth Act No. 184, Nobyembre 13, 1936); Institute of National Language (sa bisà ng Commonwealth Act No. 333, Hunyo 18, 1938), at nang lumaon, Surian ng Wikang Pambansa. Sa pagaaral na ito, gagamítin na lámang ang Surian ng Wikang Pambansa o SWP maliban kung sadyang tinukoy sa mga siniping bahagi ang National Language Institute o Institute of National Language.

XI

Si LKS mismo ang nagsalaysay kung paano maagang nahubog ang kaniyang pagkahilig sa pag-aaral ng wika.3 Ipinanganak siyá sa Pasig, dáting isang bayan ng Maynila, noong 25 Setyembre 1879. Ang kaniyang mga magulang ay sina Ladislao Santos at Victoriana Canseco Tumakay. Ang ama ay isang manlilimbag at nagtrabaho sa isang limbagan sa Guipit, Sampaloc, at pagkaraan, sa limbagan sa Sta. Ana. Sa Sampaloc na rin silá nanirahanan at si LKS, noong may limang taóng gulang pa lámang, ay nag-aral ng mga unang letra sa mag-asawang ipinakilalang Gorio at Felipa. Ikinuwento ni LKS na isinasáma siyá ng kaniyang ama araw-araw sa imprenta para malayô sa maghapong pakikipaglaro sa ibáng batà sa kaniláng lugar. Sa imprenta, tinuruan siyá ng ayos ng mga kaha o lalagyan ng mga letra sa paglilimbag. Natutuhan din niya ang magsabog ng mga moldeng tapós nang ilimbag. Unti-unti, marami pang ibáng gawain sa imprenta ang kaniyang naobserbahan at natutuhan. May mga nakatutuwang kuwento si LKS hinggil sa mga karanasan sa imprenta na nagpapahiwatig ng kaniyang maagang pagkawili at pagpapahalaga sa wika. Minsan, umano, napansin niya ang pagkasulat ng pangalan ng ama na “Ladislao.” Ang bása niya dito ay “Ladisla-o.” Binanggit niya kay Mang Casiano, ang kapangalawa ng kaniyang ama sa pamamahala sa imprenta, ang “malîng pagkasulat” ng pangalan. Isinumbong ni Mang Casiano ang anak sa ama: “Tingnan mo iyang anak mo, ibig pang maging marunong sa mga talagang maalam na sa pagsulat ng Wikang Tagalog. Bakit daw ‘ao’ iyon at hindi ‘aw.’” Natawa na lamang daw ang dalawang nakatatanda. Binanggit din ni LKS na narinig niyang sinabi minsan ni Mang Casiano sa ama na siya raw ay “masyadong punahing batà, at lalabas na pilosopo” (Aspillera 1972, 6). Ipinahihiwatig ng mga salaysay ni LKS na malakí rin ang impluwensiya ng ama sa kaniyang pagiging manunulat. Bukod sa pagiging manlilimbag, kilaláng makata at mandudula rin ang ama sa kaniláng lugar. Ayon kay LKS, maraming naisulat na dula ang ama, isa sa mga naalala niya ay may pamagat na “Ang Buhay ni Servillano” na ilang gabing ipinalabas noon sa Sta. Ana. Dahil maagang kinakitaan ng maayos na pagsulat ng mga letra, naididikta raw sa kaniya ng ama ang mga 3 Maituturing na mapagkakatiwalaang sanggunian hinggil sa mga pangyayari sa búhay ni LKS ang aklat na Talambuhay ni Lope K. Santos ( 1972) na isinaayos ng isa sa kaniyang dalawang anak, si Paraluman S. Aspillera. Ipinaliwanag ni Aspillera kung paano nabuo ang aklat na may dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay hango sa walong tape (kabilaan). Saklaw nitó ang pagsílang ni LKS hanggang sa mga taón ng kaniyang pagkakasakit. Ang dalawang anak ni Aspillera na nag-aaral noon sa Philippine Women’s University ang halinhinang nagbantay at nag-udyok sa kaniláng Lolo Openg upang magkuwento sa harap ng tape recorder. Ang ulat mula sa tape recording ay sinimulan at natapos noong 1959, apat na taón bago bawian ng buhay si LKS. Ang ikalawang bahagi naman ay pagsasalaysay na ni Aspillera tungkol sa ama na may kasámang pagsipi sa mga sinulat ni LKS at ng ibáng tao tungkol sa kaniya. Hindi na natapos ni LKS ang pagsasalaysay ng kaniyang búhay dahil sa panghihina at karamdaman (Aspillera 1972, 3-4).

XII

linya sa komedya. Dumating ang pagkakataón na kapag paminsan-minsan ay nauuntol sa pag-iisip ng idudugtong sa mga tula ang ama, si LKS na umano ang nagpupuno ng mga salitâ na madalas namang napapatama sa nais sabihin. May siyam na taóng gulang noon si LKS. Minsan naman, nang magpalabas ang kaniyang ama ng komedya sa Sta. Ana, si LKS ang napagtiwalaang magdikta ng mga diyalogo sa mga komedyante. Hindi pa siyá gaanong matatas noong una, ngunit nang lumaon at naging mabilis na sa pagdidikta, siyá na umano ang inilalagay sa ilalim ng kubol sa harap ng entablado sa mga totohanang palabas. Patuloy na tumutulong-tulong si LKS sa ama sa imprenta. Isa sa mga nagpapalimbag sa kanila noon ay si Don Agustin Fernandez, may-ari ng Libreria Tagala, ang pinakamalakíng tindahan ng aklat noong panahong iyon. Nagpapalathala ito ng mga tula, awit, at komedya. Ikinuwento ni LKS na minsa’y napansin niyang ang isang ililimbag na awit, ang “Roberto y Diablo” ay walang prologo, paunawa, o paunang salitâ. Si LKS ang may tangan ng orihinal samantalang ang kaniyang ama ang nagbabasá sa molde upang tiyakin na tugma ang binabásang orihinal at ang nasa molde. Naisipan umano ni LKS na maglagay ng paunang salitâ—may walo o siyam na saknong. Hindi napansin ng ama na ang mga dagdag na saknong na kunwa’y naáa orihinal ay wala naman talaga sa orihinal dahil nakatuon lámang siyá sa nása molde. Pagpapatúloy ng kuwento ni LKS, dumating isang araw si Don Fernandez upang tingnan ang mga natapos sa palimbagan. Nang masiyasat ang “Roberto y Diablo,” tinanong ng may-ari kay Mang Islao kung siyá ang sumulat ng paunang salitâ. Mangyari palá, may daláng sariling prologo si Don Agustin. Nang mabása ang nakalakip na sa awit, nasiyahan na ito’t hindi na ipinagamit ang báong prologo. Itinuturing ni LKS ang “kapangahasang” ito na simula ng kaniyang pagkahilig sa komedya, awit, at pagtula (Aspillera 1972, 9). Ang ama ni LKS ay sumusulat din ng mga loa—mga “diskurso o ditso na binibigkas sa harap ng mga santo kung ipinagpuprusisyon sa isang bayan o nayon.” Si LKS naman ay lumalabas bílang luwante at binibigkas ang mga tulang sinulat ng ama. Taón-taón siyáng gumaganap na luwante sa pista ni San Pascual Bailon na pintakasi ng Sapa, Sta. Ana. Sa murang edad, isa na ring duplero si LKS at lumalahok sa mga duplo sa ilang lugar sa Maynila tulad ng Singalong, Paco, Sta. Ana, Pasig, at Mandaluyong. Naaalala rin ni LKS na isa sa ginawa nilá noon sa nilipatang palimbagan, ang Amigo del Pais, ay ang Gramatikang Tagalog ni Padre Mariano Sevilla.4 4 Maaaring ang tinutukoy na gramatika ay ang Lecciones de Gramatica Castellana en Tagalo (E. A. Manuel 1994, 746). Ang Lecciones ay nailathala noong 1887. Kung ipinanganak si LKS noong 1979, mahihinuhang mga walong taóng gulang pa lámang si LKS nang nagkaroon siyá ng pakikipag-ugnayan kay Mariano Sevilla hinggil sa paglilimbag ng gramatika.

XIII

Diumano, si LKS ang tagadala at tagakuha ng mga pruweba sa bahay ng pari na nása tapat ng Administracion Civil malapit sa Fuerza Santiago. Dahil madalas ang pagparoo’t parito ni LKS sa pari, nakilála siyá nitó’t kinagiliwan dahil nakakaukausap hinggil sa wikang Tagalog. Ang mga talâng ito hinggil sa maagang pagkamulat ni LKS sa mga gawaing pampanitikan at pangwika, kasa-kasáma ang ama—sa palimbagan, sa pagtatanghal ng mga komedya, loa, duplo—kung paniniwalaan, ay maaaring makapagpaliwanag ng higit na masigasig at malalim na pagsangkot niya sa mga proyekto sa wika at panitikan nang mga sumunod na taón hanggang sa magkagulang. Isang pangunahing peryodista, manunulat, makata, lingguwista, politiko, at lider manggagawa si Lope Kanseco Santos (25 Setyembre 1879—1 Mayo 1963). Simula noong 1900, naging peryodista si LKS sa ibá-ibáng makabayang pahayagan. Sumulat at namatnugot siyá sa mga pahayagang Tagalog tulad ng Ang Kaliwanagan, Ang Kapatid ng Bayan, Muling Pagsilang, Ang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, Mabuhay, Panahon Na, Ang Paggawa, Bayang Pilipino, Lipang Kalabaw, Palaso, at Sampaguita (Tiongson at Picart 1994, 743; Aspillera 1972, 25-39). Nakapaglathala na rin si LKS ng mga antolohiya ng mga tula. Kabílang dito ang Puso at Diwa (1908), Mga Hamak na Dakila (1945), Sino Ka? Ako’y Si (1946), at Ang Diwa ng mga Salawikain (1953). Kinilála rin ang kaniyang mahabàng naratibong tula—ang Ang Pangginggera (1912). Napabantog din siyá bílang nobelista. Pinakatampok sa kaniyang mga nobela ang klasikong Banaag at Sikat (1906) na inakda niya noong 23 taóng gulang lámang siya. Ang ibá pa niyang mga nobela ay ang Salawahang Pag-ibig (1900), Hindi Talaga ng Diyos (1910), Ang Selosa (1925) Kundangan (1926), at Alila ng Kapalaran (1933) (Tiongson at Picart 1994, 743; Aspillera 1972, 54-71, 73-79). Ang mga karanasan niya bílang peryodista at manunulat ay tiyak na nakapagbigay sa kaniya ng mayamang datos hinggil sa katangian lalo na ng wikang Tagalog, ang pangunahing wika ng kaniyang panulat. Kinikilála rin siyáng pangunahing kritiko at historyador ng panitikan ng Filipinas. Ang kaniyang sanaysay na “Peculiaridades de la poesia Tagala” (1929) ay higit na malalim na paglalarawan at pagdidiskurso hinggil sa katangian ng panulaang Tagalog kompara sa sinulat ng mga misyonerong Español tulad nina Gaspar de San Agustin (“De la poesia tagala” sa Compendio del arte de la lengua tagala, 1703), Francisco Bencuchillo (Arte poetico tagalog, 1750), Joaquin de Coria (Nueva Gramatica Tagalog, 1872), at ni Jose Rizal (Arte metrica del tagalog,

XIV

1887). Bukod sa pagsasalaysay ng pag-unlad ng panitikang Tagalog sa sanaysay na “Tinging Pahapyaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog,” nakapaglatag din si LKS ng balangkas ng kasaysayang pampanitikan na susundan ng ibá pang historyador ng panitikan. Sa “Apat na Himagsik ni Balagtas” (1955) naman, inilatag ni LKS ang mga batayan ng pagdakila sa awit na Florante at Laura at lalong pinatatag ang posisyon ni Balagtas bílang isa sa mga mohon ng panitikan ng Filipinas. Inorganisa at pinamunuan din ni LKS ang ilang katipunan ng mga manunulat ng kaniyang panahon. Naging pangulo siyá ng Samahan ng mga Mananagalog (1908), Academia de Tagalistas (1911), Taliba ng Inang Wika (TANIW, 1955), at Ala...


Similar Free PDFs