Aralin 5 - math PDF

Title Aralin 5 - math
Course Midwifery Pharmacology
Institution St. Paul University Manila
Pages 5
File Size 69.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 210
Total Views 406

Summary

SUBUKIN b 4. b c 5. d a TUKLASIN Ano ang inyong napuna sa naging pag-uusap ng guro at mag-aaral? Napuna ko na concern lang sa guro sa kanyang mag-aaral na baka kung saan lang ma papunta ang kinabukasan ng kanyang mga bata. Kaya kina usap ng guro ang kanyang mga bata upang sa ganon ay maayos ang prob...


Description

SUBUKIN 1. b 2. c 3. a

4. b 5. d

TUKLASIN 1. Ano ang inyong napuna sa naging pag-uusap ng guro at mag-aaral? - Napuna ko na concern lang sa guro sa kanyang mag-aaral na baka kung saan lang ma papunta ang kinabukasan ng kanyang mga bata. Kaya kina usap ng guro ang kanyang mga bata upang sa ganon ay maayos ang problema 2. Pansinin ang naging kasagutan ng mga mag-aaral? Masasabi ba ninyo na katangap-tanggap ang kanilang mga sagot? Maaari ba itong maging basehan upang malutas ang problema sa paaralan? Ipaliwanag. - Unang-una sa lahat, magkakaiba tayong lahat ng mga problemang hinaharap sa ating pang-arawaraw na pamumuhay. Hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao batay sa kung ano ang kanyang paunang pahayag na sinabi. Kung ibabase ko ang magiging kasagutan sa tanong ayon sa kanilang mga binitawang pahayag o kasagutan, naniniwala akong katanggap-tanggap ang mga salitang binitawan nila. 3. Ano ang dapat na gawin sa mga naging kasagutan ng mga mag-aaral upang magkaroon ng solusyon sa problema? - pwede silang matulongan ng Deped upang masulosyonan ang problema ng mga mag aaral 4. Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung ang lahat ng suliranin sa paaralan at maging sa pamayanan ay gagawan ng konseptong papel at magtutuloy sa pananaliksik? - sa tingin ko ay makakaragdag pa ito ng ka alaman sa pananaliksik at para mabigyan ng kaalaman ang bawat mag babasa ng pananaliksik tungkol dito.

PAGYAMANIN 1. Ano-ano ang bahagi ng konseptong papel? Bakit mahalaga ang bawat bahagi nito? - Rationale, Layunin, Metodolohiya, at resulta. Ito'y mahalaga dahil ang bawat bahagi ay nakatutulong na gabay sa bawat manunulat/ mananaliksik upang magkaroon ng epektibong konseptong papel. 2. Bakit mahalaga ang feedback at mungkahing guro sa pagbuo ng isang konseptong papel? - Kung ikaw ay baguhan ang feedback ang makakatulog sayo upang maisayos ang bawat mali sa iyong gagawing konseptong pape 3. Paano isinasagawa ang proseso sa pagbuo ng konseptong papel? - Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing balangkas o framework ng paksang bubuuin. Ang fraework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng isang ideya

na tumatalakay sa nais patunay, linawin o tukuyin. Isinasagawa ang proseso ng pagbuo ng konseptong papel sa pamamagitan ng pagsunod sa mga bahagi ng pag buo nito na makakatulong sa atin na maisagawa ang konseptong papel.

ISAISIP 1. Ano ang kahalagahan ng konseptong papel sa pananaliksik? - Ang kahalagahan ng konseptong papel sa pananaliksik ay ito ay nagsisilbing proposal ng pananaliksik nililinaw kung ano ang gagawing sulatin at tinutukoy rin dito ang kahalagahan at kabuluhan ng naturang paksa. 2. Ibigay ang bahagi ng konseptong papel at ilahad ang gagawin sa bawat bahagi nitó? - • Pahinang nagpapakita ng paksa – naglalarawan ng pinakabuod ng manuskito • Rationale - ito ay bahagi na nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa • Layunin - bahagi na mababasa ang hangarin o nais na makamit ng pananaliksik base sa paksa na napili • Metholohiya - Dito inilalahad ang pamamaraan na gagamitin ng isang mananaliksik sa pangangalap ng datos • Inaasahang output o resulta - inilalahad dito ang inaasahang kalalabsan o resulta ng pananaliksik • Sanggunian - sa bahaging ito inililista ang sanggunian ginamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, nabanggit sa mga kaugnay napag-aaral 3. Ano ang dapat isagawa kapag ang konsepto ay malawak? Bakit? - Ito ay dappat nating paikliin uopang sa ganoon ay matutugunan natin ang bawat impormasyon na nasa konsepto dahil kung ito'y malawak mahihirapan na maunawaan para sa iba ang isang konsepto 4. Ano ang dapat gawin ng isang mananaliksik upang maging maganda ang kinalabasan ng kaniyang gagawing konseptong papel? - Dapat na isaalang-alang ang magiging resulta ng nasabing konseptong papel. Mahalaga rin na magkaroon ng pokus habang isinasagawa ito para hindi lumayo sa paksa ang gagawing pahayag.

ISAGAWA

I. Paksa Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Epekto ng Pagkakaiba ng Pinagmulang Lugar sa Pakikipagkomunikasyon ng mga Internasyonal na Mag-aaral ng Congressional Integrated High School II. Rationale Sa panahon ngayon, talamak na ang mga dayuhan lumilipat ng ibang lugar para makapag-aral dahil sa mga pangarap o hinahangad nilang unibersidad. Ang iba naman ay dahil sa murang matrikula kumpara sa kanilang bansa at ang iba naman ay pinipiling manirahan dito. Sa kadahilanan na ito, nagkakaroon ng problema ang mga estudyante tulad na lamang ng pagkakaiba ng pinagmulang lugar na nagiging sanhi ng hadlang sa pakikipagkomunikasyon. Kung pag-uusapan naman ang ating bansa, sadyang hindi na mapigilan ang pag-usbong o ang pagdami ng mga dayuhang estudyante sa Pilipinas at pag-usbong din ng napakaraming suliranin na hinaharap ng mga dayuhang mag-aaral sa bawat pamantasan o unibersidad. Ayon kay Aning (2011), kaya’t patuloy na maraming dayuhan ang pinipiling mag-aral sa ating bansa ay sa kadahilanang mas maayos ang pamantayan at kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Sa bawat pamantasan ay may mga internasyonal na mag-aaral. Ngunit nagkakaroon ng mga problema ang bawat mag-aaral tulad na lamang ng paghahalubilo. Sa ulat na ibinigay ni Dr. Rodrigo Sicat ang 'culture shock' ay ang pagpapatibay sa isang bagong kultura na kung saan ito ay isang patuloy na proseso. Maaari itong maging hamon kung minsan sa mga dayuhang magaaral, ngunit ang karamihan sa mga mag-aaral na nakararanas ng pagkabigla sa panibagong kultura ay sumasang-ayon na ang pagdaan sa paglipat na ito ay nakatulong sa kanila upang matuto nang higit pa tungkol sa kanilang sarili at magkaroon ng higit na pagtitiwala sa kanilang kakayahang tahakin ang mga bagong sitwasyon. Maaari rin itong humantong sa isang nabago na pagpapahalaga sa sariling kultura. Ayon sa Educational Testing Service (ETS) na nagbase sa TOEFL o tinatawag na Test of English as a Foreign Language, ang bansang Pilipinas ay na sa posisyong tatlumput lima sa loob ng isang daan at animnaput tatlo sa buong mundo noong 2010. Nasabi rin sa talaarawan, kaya mas pinipili ng mga internasyonal na estudyante na mag-aral sa Pilipinas ay sa kadahilanang ang mga kurso na kanilang gusto ay mas mura kaysa sa kanilang bansa at mataas na kalidad na edukasyon. Ang napili naming institusyon para sa aming pananaliksik ay ang Congressional Integrated High School, sa kadahilanang maraming internasyonal na mga estudyante ang nag-aaral dito. Pangunahing layunin ng papel na ito na malaman kung anu-ano ang mga suliranin na nararanasan ng mga dayuhang mag-aaral, malaman ang kanilang mga paraan o estratehiya kung paano nila nalampasan ang paghahalubilo sa ibang tao, alamin kung ano ang mga sanhi na nakahahadlang sa pakikipagkomunikasyon ng mga dayuhan, at malaman ang epekto sa pakikipagkapwa at pagganap ng mga dayuhang mag-aaral ng Congressional Integrated High School. III. Layunin Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang Epekto ng Pagkakaiba ng Pinagmulang Lugar sa Pakikipagkomunikasyon ng mga Internasyonal na Mag-aaral ng Congressional Integrated High School. Dagdag pa rito, mapag-aralan at alamin ang mga sanhi na nakahahadlang sa maayos na pagsasalitaan at pakikipag-usap sa mga dayuhan. Isinasatinig din nito na makatulong sa ibang mag-aaral kung ano ang iba’t ibang dapat na pakikitungo at wastong pamamaraan ng pakikipanayam na hindi nakasasalakay at nakapapanakit sa mga internasyonal na mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nais din

na maipabatid at masagot ang mga katanungan ukol sa iba’t ibang sagabal sa epektibong pakikipagkomunikasyon ng mga internasyunal na magaaral: 1. Bakit nakasasagabal sa pakikipagkomunikasyon ang pagkakaiba ng pinagmulang lugar ng mga magaaral? 2. Anu-ano ang sari’t-saring mga sagabal sa pakikipagkomunikasyon sa mga internasyunal na mag-aaral ng Congressional Integrated High School? 3. Paano mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa pakikipagkomunikasyon? IV. Metodolohiya Ang pananaliksik na ito isang uri ng sikwensyal na pagpapaliwanag (sequentialexplanatory) na metodolohiya ng pananaliksik. Ang sequential na pagpapaliwag ay koleksyon at analysis ng datos quantitative kasunod ng koleksyon at analysis ng datos qualitative. Layunin nitong magamit ang mga qualitative na resulta upang makatulong sa pagpapaliwanag at paginterpreta ng mga bunga ng isang quantitative na pag-aaral. Ang mga datos na nakalap sa isang tiyak na oras at/o panahon sa loob ng dalawang magkasunod na yugto. Sa gayon, ang mananaliksik ay unang nangangalap at nag-aanalisa sa mga datos quantitative. Ang mga datos qualitative ay kinakalap sa ikalawang yugto ng pag-aaral at ito'y kaugnay sa unang resulta/kinalabasan ng unang quantitative na yugto Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan (survey questionnaire) at magsasagawa ng interbyu na naglalayong makalikom ng datos at malaman ang epekto ng pagkakaiba ng pinagmulang lugar sa pakikipagkomunikasyon ng mga internasyonal na magaaral, Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa loob lamang ng pribadong institusyon ng Congressional Integrated High School. Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay mga internasyonal na mag-aaral sa antas ng Grade 11 students mula sa loob ng nasabing pribadong institusyon. Ang mga mananaliksik ay kakalap ng tatlumpu na respondente na siyang hahatiin sa dalawang pangkat. Ang naunang labinlima ay kabilang sa kontroladong pangkat at ang natitirang labinlima ay kabilang naman sa eksperimental na pangkat. Mula rin sa tatlumpu na respondent ay magsasagawa ng palabunutan (fish bowl method) upang makakuha ng tatlong respondenteng na sasagot sa mga tiyak na katanungang inihanda ng mga mananaliksik. Sa pag-aaral na ito ay gagamit ng maginhawang sampling na teknik (convenience sampling technique). Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay napili base sa preperensiya ng mga mananaliksik sapagkat sila ay madaling maabot at makapanayam. I. Mga Instrumento ng Pananaliksik Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay talatanungan o sarbey kwestyoneyr at interbyu na naglalayong makapaglalahad ng mga karanasan at/o epekto ng pagkakaiba ng pinagmulang lugar sa pakikipagkomunikasyon ng mga internasyonal na mag-aaral. Gagawa ang mga mananaliksik ng mga katanungan na makatutulong sa pagkuha ng mga datos na kinakailangang malaman sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga mananaliksik din ang siyang mag-iinterbyu nang personal sa lahat ng mga kalahok at habang ginaganap ito, kasabay na ire-record ang proseso ng pakikipanayam gamit ang voice recorder ang mga kasagutan ng mga nasabing kalahok upang mapaniguradong malinaw at kumpleto ang bawat salita sa nagaganap na pakikipanayam sa kanila. Ang mga ito ay dadaan sa maingat na pagsusuri ng balideytor

upang matiyak na wasto ang pagkagawa ng mga talatanungan. II. Pagsusuri ng mga Datos Maingat na susuriin at pananatilihing tiyak ang lahat ng mga datos at impormasyong ilalahad ng pananaliksik na ito. Sisiguraduhin ng mga mananaliksik na ang bawat interpretasyon mula sa mga sagot ng mga respondente ay tama at mapagkakatiwalaan. V. Inaasahang Awtput o Resulta Ang pananaliksik na ito ay may tatlong inaasahang bunga sa dulo: 1. Maisaayos at makapagbigay ng sapat na impormasyon, datos, at solusyon sa mga nasabing hadlang o sagabal sa maunlad na pakikipagkomunikasyon ng mga internasyonal na mag-aaral o kahit sa mga dayuhan. 2. Mas maunawaan ang mga epekto ng kapaligirang suliranin sa pakikipag-usap upang mas lalong mapabuti ang pakikipagkomunikasyon sa mga dayuhang mag-aaral. 3. Makapagbahagi at makapaglahad ng mga panibagong kaalaman kung paano mas mapabibigyang atensyon at mapabubuti ang pamamaraan sa araw-araw na pangkomunikasyon.ng mga internasyonal na estudyante. VI. Sanggunian Aning, J. (2011). Philippines has 26k foreign students. Inquirer.net. Retrieved from https://globalnation.inquirer.net/9781/Philippines-has-26k-foreignstudents Chavez, A (2014). What Asia can Learn From Philippines About English Education. Retrieved November 16, 2014 https://www.google.com.ph/amp/s/m.huffpost.com/us/entry/4572991/amp Dr. Rodrigo M Sicat Ph.D., (2011). Foreign Students’ Cultural Adjustment and Coping Strategies. Retrieved from https://www.cmhc.utexas.edu/cultureadjustment.html#cultureshock...


Similar Free PDFs