Aralin 5 Talumpati - HRWJHT PDF

Title Aralin 5 Talumpati - HRWJHT
Course Basic Education
Institution Colegio San Agustin – Bacolod
Pages 7
File Size 154.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 4
Total Views 169

Summary

HRWJHT...


Description

La Consolacion College (Formerly: Sacred Heart Academy) Bais City, Negros Oriental KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK MODYUL SA FILIPINO Inihanda ni: Bb. Baby Mae Veriña 09365729366

ARALIN 5

TALUMPATI

__________________________________________________________________________________________________ ___________________ Pamantayang Pangnilalaman: Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay

sa

pananaliksik

Layunin ng pagkatuto:   

Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pinakinggang halimbawa Nakapagsusuri ng isang talumpati Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati

UNANG GAWAIN: LUSONG-KAALAMAN Panuto: Manood ng isang talumpati. Maaaring humanap ng rekording nito sa Internet, audio: visual section ng aklatan ng paaralan o ng pampublikong aklatan, o personal na koleksiyon larawan ang talumpati. Maaaring gamitin ang sumusunod na gabay: (Isulat sa ibaba ang iyong kasagutan). 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.

Sino ang nagtalumpati? Ano ang kredensiyal niya bilang tagapagtalumpati? Ano ang paksa ng talumpati niya? Ano ang masasabi mo sa paraan ng pagkakasulat ng talumpati? Ano ang naobserbahan mong paraan ng pagtatalumpati tulad ng pagbigkas at paggalaw? Saan idinaos ang talumpati? Sino ang nanonood ng talumpati? Ano kaya ang layunin ng talumpati? Nagtagumpay kaya ang nagtalumpati sa layuning ito? Ano ang iba mo pang naobserbahan sa talumpati?

GAOD-KAISIPAN

Ang Pagsulat ng Talumpati

Madalas, iniuugnay ang talumpati sa mga politikong nagpapahayag ng kanilang plataporma sa isang malaking pagtitipon, sa panauhing pandangal na nagbibigay ng Mahe sa seremonya ng pagtatapos ng isang paaralan, o sa Pangulo ng Pilipinas na nag wulat sa bayan ng nagawa ng kaniyang administrasyon sa nagdaang taon tulad sa State of the Nation Address o SONA. Ang talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig. Porrnal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin. Ito ay karaniwang binibigkas bagaman madalas itong nagsisimula sa nakasulat na anyo. May grupo ng tao o publikong inaasahang manood o makinig nito.

URI NG TALUMPATI AYON SA BALANGKAS a) May paghahanda – ang talumpating ito ay tinatawag ring memoryadong talumpati. b) Walang paghahanda – ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maaaring hatiin sa tatlong yugto: paghahanda, pananaliksik, at pagsulat ng talumpati.

Paghahanda Bahagi ng paghahanda ang pagtiyak sa 1) layunin ng okasyon. 2) layunin ng magtatalumpati, 3) manonood, at 4) lugar na pagdarausan ng talumpati. Mahalaga ang panimulang pagsisiyasat sa mga elementong ito dahil kailangang isaalang-alang ang mga ito sa pagtiyak sa nilalaman, tagal, at tono ng talumpati.

1. Layunin ng Okasyon. Mahalagang alamin ng tagapagtalumpati ang layunin ngpagdaraos ng okasyon. Magaring ito ay upang magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante, magpaliwanag tungkol sa isang isyu sa isang komunidad, magkuwento tungkol sa isang karanasan para may matutuhan ang mga tagapakinig, at iba pa. Kung may itinakdang paksa o tema ang mga nag organisa ng okasyon, dapat ding alamin at unawain ito ng tagapagtalumpati para malayon niya ang kaniyang talumpati sa paksa o temang ito. 2. Layunin ng Tagapagtalumpati. Bukod sa layunin ng okasyon, dapat ding tiyakin ng tagapagtalumpati sa kaniyang sarili at/o sa pagsangguni sa nag-organisa ng okasyon) kung ano ang kaniyang magiging layunin sa pagtatalumpati. Kung isa lang siyang magsasalita, maaaring ang layunin ng okasyon ay siya na rin niyang maging layunin. Ngunit kung higit sa isa ang tagapagsalita, kailangang tiyakin ng tagapagtalumpati ang espesipikong papel niya sa okasyon. Ang nilalaman, haba, at tono ng talumpati ay dapat na layon sa layuning ito. Kung ang tagapagtalumpati ay magpapakilala sa panauhing pandangal, kailangang mas maikli ang pagpapakilala kaysa sa susing talumpati. Kung siya ang pangunahing tagapagsalita, dapat tiyakin na maisentro niya ang kaniyang talumpati sa tema. Kung siya ay tatanggap ng gawad, makabubuting ang talumpati ay maikli, nagpapasalamat, at mapagkumbaba. 3. Manonood. Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig. Pangunahing salik din sila sa nilalaman at estilo ng talumpati. Kaya nakakaimpluwensiya na sila sa paghahanda pa lang ng talumpati. Karaniwan, inaalam ng tagapagtalumpati ang dami ng manonood. Kung maliit na grupo lang ang manonood, maaaring maging mas malaman at malalim ang talumpati dahil higit na magkakaroon ng malapit na ugnayan ang tagapagtalumpati at tagapakinig. Kung marami na kailangang maikli lamang ang talumpati at lahukan ng maraming kuwento at biro para mahuli ang atensiyon ng isang malaking grupo. Ngunit bukod sa dami ng manonood, kailangan ding alamin ang ilang bagay tungkol sa katangian nila ang kanilang pinag-aralan,

ekonomikong estado, edad, kasarian, o kulturang pinagmulan. Dapat isaalang-alang ang mga salik na ito para makabuo ng talumpating mabisa at makakaugnay sa tagapakinig. 4. Tagpuan ng Talumpati. Tumutukoy ito sa lugar, sa kagamitan, sa oras, at sa daloy ng programang kapapalooban ng talumpati. Bago ang mismong pagtatalumpati, mahalagang makita o mausisa man lamang ang kondisyon ng lugar na pangyayarihan ng pagtatalumpati nasa loob labas, nasa entablado o nasa lupa, malamig o mainit ba ang lugar? Tingnan o tanungin din kung may kagamitan: projector, kompyuter, audio player, blakbord, at iba pang kakailanganin sa presentasyon. Alamin din hindi lamang ang eksaktong araw at oras ng pagtatalumpati, kundi maging ang oras ng buong programa. Sa pamamagitan nito magiging malay ang tagapagsalita sa kabuuang daloy ng okasyon at sa tiyak na tungkulin at lugar niya sa daloy na ito.

Pananaliksik Bahagi ng proseso ng pananaliksik ang pagbuo ng plano, pagdebelop ng paksa o tema, pagtitipon ng mga materyal sa pagsulat ng talumpati, at pagsulat ng balangkas ng talumpati.

1. Pagbuo ng Plano. Sa simula, kailangang pag-aralang Mabuti ang paksa o tema, at/o papel ng tagapagtalumpati sa okasyon. Isaisip na maraming iba’t ibang paraan o estratehiya ng pagdedebelop ng isang paksa o tema. Ilista ang mga ito at piliin ang pinakaangkop sa okasyon, sa layunin, sa manonood, at tagpuan. 2. Pagtitipon ng Materyal. Tipunin ang mga materyal na kailangan ayon sa nabuong plano ng pagdebelop ng paksa o tema. Batay sa karanasan ng maraming manunulat, madali lang ang mismong pagsulat kung ang lahat ng materyal na kailangan ay nandiyan na sa mismong oras ng pagsulat. Ang mga materyal na ito ay maaaring mga nakalimbag na materyal tulad ng aklat, artikulo, panitikan; maaari ding di-nakalimbag na materyal tulad ng mga panayam o mga kuwento at maaari ding materyal na audio- visual tulad ng mga pelikula, musika, at larawan. 3. Pagsulat ng Balangkas. Matapos matipon ang mga materyal, huwag agad dumiretso sa pagsulat ng talumpati. Mahalaga pa ring maklasipika o mapagpangkat-pangkat ang mga natipong materyal. Batay sa pagpapangkat na ito, maaaring bumuo ng balangkas ng talumpati. Ang balangkas ang magbibigay ng direksiyon sa pagsulat. Kung wala ito, malamang na malunod ang susulat ng talumpati sa dami ng materyal, at kasunod nito, magbunga ng isang maligoy na talumpati. Sa pagbuo ng balangkas, maaari ding makita kung ano pang bahagi ang kulang sa datos, at kung gayon, kailangan pa ng dagdag na materyal.

Pagsulat Dalawang malaking proseso ang mahalagang isaalang-alang sa yugtong ito: ang mismong pagsulat ng talumpati at ang pagrerebisa nito. A. Pagsulat ng Talumpati. Simulang sulatin ang talumpati ayon sa nabuong balangkas. Narito ang ilang pangkalahatang gabay sa pagsulat. 1. Sumulat gamit ang wikang pabigkas. Ang talumpati ay sinusulat hindi para basahin kundi para bigkasin. Dapat, isaalang-alang ang kakayahan ng mga tagapakinig na unawain ang talumpati kahit pinapakinggan lamang ito. Dahil dito, pinakamabisa ang estilong natural; ibig sabihin, ang talumpati ay parang nakikipag-usap lamang sa tagapakinig. 2. Sumulat sa simpleng estilo. Iwasan ang mahahabang salita. Hangga't maaari, huwag ding gumamit ng teknikal na salita. Sa halip na gumamit ng mga abstraktong salita, mas gamitin ang mga kongkretong salita o iyong lumilikha ng mental na imahen sa tagapakinig. Iwasan din ang mahahaba at komplikadong Pangungusap. Putulin at paikliin ang mahahabang pangungusap at bumuo ng mga pangungusap na may lisang paksa at komentaryo lamang. 3. Gumamit ng iba't ibang estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na pagbigkas. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: a. b. c. d. e.

paggamit ng matalinghagang pahayag o tayutay paggamit ng kuwento pagbibiro paggamit ng mga kongkretong halimbawa paggamit ng paralelismo

f. paggamit ng mga salitang pantransisyon sa mga talata g. pagbibigay ng tatlong halimbawa para maipaliwanag ang isang ideya Huwag isipin na ang mga estratehiyang ito ay mga palamuti lamang. Sa halip, dapat ituring ito bilang mga pamamaraan para mas madaling mapakinggan at maunawaan ng mga tagapakinig ang talumpati. 4. Gumamit ng angkop na mga salitang pantransisyon. Sa nakasulat na sanaysay o artikulo, ang teksto ay maaaring balik-balikan kapag hindi gaanong naintindihan. Ang pagbabago ng mga talata na hudyat ng pagbabago rin ng ideya ay makikita sa paggamit ng mga espasyo at indensiyon sa mga pahina. Ngunit ang talumpati ay minsan lang mapakikinggan. Kapag nabigkas na, wala nang paraan para ito ay balikan maliban kung ito ay irerekord na hindi naman karaniwang ginagawa ng maraming tagapakinig. Kaya naman dapat gabayan ng tagapagtalumpati ang tagapakinig sa pamamamagitan ng pagbibigay ng mga hudyat gamit ang mga salita. Ilang dito ang sumusunod: una, ikalawa, ikatlo, sa simula, sa katapusan, pagkatapos, kasunod nito, at iba pa. 5. Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan ng talumpati. Karaniwan, mas madali kung magsisimula sa katawan ng talumpati. Pagkasulat ng katawan, mas madali nang isulat ang introduksiyon at kongklusyon. Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng alinman sa sumusunod: a. sipi mula sa isang akdang pampanitikan b. anekdota; c. pagbanggit ng paksa o tema at pagpapaliwanag ng mga susing konsepto nito; d. pag-iisa-isa sa mga layunin; at e. pagtatanong sa tagapakinig, Ang kongklusyon naman ay maaaring maglaman ng alinman sa sumusunod: a. sipi mula sa isang akdang pampanitikan o anekdota na magbibigay diin sa nilinang na ideya: b. paglalagom sa mga pangunahing ideyang dinebelop c. pagrerebyu sa mga layunin at kung paano ito natamo, at d. panawagan sa tagapakinig na gumawa ng pagkilos.

Pagrerebisa ng Talumpati Sa yugto ng pagrerebisa, mahalaga ang paulit-ulit na pagbasa, ang pag ayon ng estilo ng talumpati sa pagbigkas, at ang pag-aangkop ng haba ng talurmpati sa ibinibigay na oras.

1. Paulit-ulit na pagbasa. Kapag nasulat na ang unang draft o borador, hindi ito nangangahulugan na ganap na ngang tapos ang talumpati. Kailangan itong rebisahin. Isang mahalagang hakbang sa pagrerebisa ang paulit-ulit na pagbasa nang malakas sa draft. Tandaan ang laging sinasabi tungkol sa talumpati-ito ay binibigkas. Kung gayon, kailangang matiyak ng tagapagtalumpati na madulas ang pagbigkas ng mga salita at pangungusap. Kung may problema sa pagbigkas ang tagapagtalumpati (halimbawa sa pagbigkas ng tunog /s/o tunog /th. Iwasan ang mga salitang gumagamit ng mga letrang ito upang hindi mahirapan sa pagpapahayag ng talumpati. 2. Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraang pabigkas. Pakinggan kung may musika o ritmo ang bagsak ng mga pahayag. Nagagawa ito kung napag-iiba-iba sa talumpati ang mahahaba at maikling pangungusap. Sikapin ding ilagay sa dulo ng pangungusap ang mga makabuluhang salita o mga salitang gustong bigyang-diin. 3. Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras. Bahagi rin ng pagrerebisa ang pagtiyak na ang haba o tagal ng pagbabasa o pagbigkas ng talumpati ay umaayon sa ibinigay na oras sa tagapagtalumpati. Huwag gawing eksakto sa oras. Magbigay ng kaunting palugit, ibig sabihin, dapat ay mas maikli nang kaunti ang talumpati sa itinakdang tagal nito....


Similar Free PDFs