Title | Banghay Aralin- Tekstong Prosidyural At Persweysib |
---|---|
Course | Practice Teaching |
Institution | Franciscan College of the Immaculate Conception |
Pages | 4 |
File Size | 116.4 KB |
File Type | |
Total Downloads | 508 |
Total Views | 708 |
Franciscan College of the Immaculate Conception Baybay, Leyte, Incorporated Baybay City, LeyteInihanda ni : Joycee C. Montebon Iniharap kay : Bb. Monique V. Mahinlo Banghay Aralin Sa FilipinoPetsa : March 12, 2021 Oras : 1:00 -2: Taon at Seksyon : 11- HUMMS; STEM; TVL; ABM Bilang ng sesyon : 1 oras ...
Franciscan College of the Immaculate Conception Baybay, Leyte, Incorporated Baybay City, Leyte
Inihanda ni: Joycee C. Montebon Iniharap kay: Bb. Monique V. Mahinlo Banghay Aralin Sa Filipino
Petsa
: March 12, 2021
Oras
: 1:00 -2:00
Taon at Seksyon
: 11- HUMMS; STEM; TVL; ABM
Bilang ng sesyon
: 1 oras
I. Mahalagang Pag-unawa Maunawaan ng mga mag-aaral na… Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang Tekstong Prosidyural upang mabatid ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga gawain at makamit ang inaasahang resulta. Samantalang, mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang Tekstong Persweysib upang matutong gumamit ng mga akmang salita na makakatulong na mahikayat ang mga mambabasa o sino man sa kanilang mga pangsalaysay na gawa. II. Mahalagang katanungan Laging isaalang-alang ng mga mag-aaral ang tanong na.
Bakit kailangang malaman ang kahalagahan ng pag-aaral ng iba’t-ibang teksto sa pananaliksik gaya ng tekstong prosidyural at persweysib?
III. Layunin Sa pamamagitan ng masusing talakayan ang mag-aaral ay inaasahang: a. Nalalaman ang kalikasan ng tekstong prosidyural at tekstong persweysib; b. Nasusuri ang halimbawa ng bawat teksto; at c. Nakakapagbahagi ng sariling pahayag o halimbawa tungkol sa bawat teksto.
IV. Nilalaman
a. Paksa b. Sanggunian pp.45-49 c. Kagamitan
: Tekstong Prosidyural at Tekstong Persweysib : Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto sa Pananaliksik : Powerpoint Presentation
V. Karanasang Pagkatuto 1. Pangunahing Gawain a.Panalangin : Ama Namin b.Pagbati: Kapayapaan at Kabutihan ay Sumainyo! c.Pagtala ng liban d.Paalala
Makinig ng mabuti kapag nagsasalita ang guro: one mouth rule Panatilihing naka-“on” ang kamera ngunit siguruhing naka-“off” ang mic Iwasang magkaroon ng iba’t ibang gawain habang nasa klase. Igalang ang bawat isa
2. Introduksyon a.Pagbabalik- aral Sa pamamagitan ng Powerpoint Presentasyon, makakasagot ang mga mag-aaral sa sumusunod na katanungan. Sinong makapagtatalakay ng napag-aralan nung nakaraang talakayan? Ano ang aral na nakuha ninyo noong nakaraang talakayan? b.Pagganyak Magpapakita ang guro ng mga larawan na bibigyan ng mga mag-aaral ng kanilang ideya kung ano ang masasabi nila tungkol dito. c. Introduksyon ng mahalagang katanungan
Bakit kailangang malaman at maunawaan o pag-aralan ang iba’t-iabng teksto ng pananaliksik, partikular ang tekstong prosidyural at persweysib?
3. Interaksyon a.Gawain: Bakit kailangang malaman at maunawaan o pag-aralan ang iba’t-iabng teksto ng pananaliksik, partikular ang tekstong prosidyural at persweysib? Kooperasyon/
Pagkamalikhain Kalinisan KABUOAN
10 5 15 points
b.proseso 1. Ano ang kaugnayan ng mga larawang nailahad sa talakayan ngayon? c.Talakayan :Tekstong Prosidyural at Tekstong Persweysib Gawain: 1: “Guess the Gibberish Word” Panuto: Hulaan ang tamang salita. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Peru see saw High key act Text toe Hack vaughng Imp for match yawn Cow marshall Mall like huh inn Sail ick sick -
proseso hikayat teksto hakbang - impormasyon komersyal malikhain saliksik
d.Paglalahat Gawain 2: Panuto: Kumuha ng kalahating papel at gumawa ng sariling repleksyon basi sa naging talakayan. Gawain 3: Concentration Game Panuto: Pumili ng dalawang numero na sa tingin mo ay magkapareho ang nilalaman. Mekaniks: 1. Mahahati ang klase sa dalawang grupo. 2. Magkakaroon lamang ng tig aapat na Segundo ang bawat grupo sa pagsagot. 3. Kailangang magkapareho ang lalabas na pahayag, katanungan o larawan sa mapipiling mga numero. 4. Kung mangyaring parehong pahayag, katanungan o larawan ang lalabas sa napiling numero ng bawat grupo ay siya pa ring mananatiling maglalaro.
5. Bawat tamang pares ng numero ay katumbas ng dalawang puntos. Kung sinong may pinakamataas na puntos ay siyang grupong tatanghaling panalo. 4. Integrasyon a. Pagpapahalaga Bilang isang mag-aaral paano mo mabibigyang halaga ang tekstong prosidyural at persweysib? b.Integrasyong Pahalang Maiuugnay natin ito sa Asignaturang Englis, dahil nagpapahayag ito ng angkop ng paggamit ng mgha salita sa larangan ng pakikipagkomunikasyon, particular sa larangan ng telebisyon at pakikipanayam.
c.Integrasyong Bertikal Ang Araling ito ay nagpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral para mas mapahalagahan ang salitang gagamitin at mapa-unlad ang pakikipagkomunikasyon ng bawat isa. d.Pagbubuo Gumawa ng sariling halimbawa na nagpapakita ng Tekstong Prosidyural at ipaliwanag bakit. Maglahad ng halimbawa na nagpapakita ng Tekstong Persweysib at ipaliwanag bakit ito ang iyong napili....