Ched Memorandum Order (CMO) Bilang 20 serye 2013 PDF

Title Ched Memorandum Order (CMO) Bilang 20 serye 2013
Author Teki Chwe
Course Bachelor of Science in Electronics Engineering
Institution Don Honorio Ventura Technological State University
Pages 3
File Size 92.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 30
Total Views 151

Summary

KomFIl...


Description

Bautista, Cristel V. BS ECE – 3B

KOMFIL Oktubre 7, 2020

PAUNANG GAWAIN:

1. Ched Memorandum Order (CMO) Bilang 20 serye 2013 And Ched Memorandum Order (CMO) Bilang 20 serye 2013 ay pinamagatang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.” Ito ay itinalaga noong Hunyo 28, 2013. Ayon sa memorandum na ito, ang mga minor subjects ay hindi na ituturo sa mga estudyante sa kolehiyo kapag naipatupad na ang K – 12 kurikulum upang mabigyang daan sa mga mag-aaral na magpokus sa mga major subjects na siya naming naging dahilan sa pagtanggal ng English, Filipino, Economics at iba pang mga subjects. Nakasaad dito na ang General Education courses ang ipapatupad sa pagtuturo ng mga Grade 11 at 12. Nakapaksa rin dito na ang kolehiyo na ang bahala na magdesisyon kung wikang Filipino o Ingles ang gagamitim bilang daluyan ng komunikayon sa pagtuturo sa mga mag-aaral. Sumusuporta rito na maki-ayon sa mabilis na pagtakbo ng globalisasyon. Subalit hindi ibig sabihin nito na unti-unting ibabasura ang sariling wika. Nilinaw ng CHED na hindi tuluyang aalisin ang asignaturang Filipino sa edukasyon bagkus ililipat ito sa Senior High School. Nagtala ito ng maraming batikos at pagkadismaya lalo na sa mga guro at mag-aaral sa kolehiyo. Naisasawalang bahala sa kautusan ang pagyabong ng kultura, wika, at kasaysayan ng ating bansa. Higit pa rito, mahigit 10,000 ang mawawalan ng trabaho dahil sa panukalang ito. Nilalayon ng memorandum na ito maging globally competitive ang mga estudyante. Ang wikang Filipino sa unibersidad ay kumakatawan sa ating pagpapahalaga na ang buhay natin bilang isang bansa para hubugin ang mga kaisipan ng mga kabataan at mga matatanda na nasa kapangyarihan sa sistema ng edukasyon Tila nakaligtaan ng memorandum na ito na wika ang kailangan ng mga tao upang lubos na makilala ang kanilang sarili at pagkakakilanlan nang hindi tuluyang madala sa mabilis na agos ng globalisasyon. Paano natin makikilala at mamahalin ang sariling kultura kung mismong Filipino hindi natin pinag-aaralan. Ang kultura ay siyang nagpapaandar sa wika, at wika ang nagpapatakbo sa bayan. Huwag itong tanggalin bagkus ito ay dapat linagin.

Noong Abril 2015, ipinatigil ng Korte Suprema ang Ched Memorandum Order (CMO) Bilang 20.

2. Ang samahang Tanggol Wika at PSLLF (Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino) Ang samahang Tanggol Wika Ang samahang Tanggol Wika ay isang alyansa ng mga tagapagtanggol ng wikang Filipino. Ang alyansang ito ay nanguna sa pakikibaka para manatili ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ito ay ang kapatid ng organisasyon ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan na naglalayong itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul. Nagsimula ito sa mga instraktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng petisyon sa CHED at DepEd na ipahinto ang Senior High School na maaring lumusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad. Naglabas ang propesor ng DLSU ng papel na “Isulong an gating wikang pambansang Filipino, itaguyod at ituro sa kolehiyo ang Filipino bilang latangan at asignaturang may mataas na antas.” Ito ang mga adbokasiya ng Tanngol Wika: 1. Panatilihin ang pagturo ng Filipino sa bagong Philippine General Education (GEC) sa kolehiyo. 2. Baguhin ang Ched Memorandum Order (CMO) Bilang 20 serye 2013. 3. Gamitin ang wikang Filpino bilang daluyan sa iba’t ibang subjects. 4. Itulak ang nationalistic education sa Pilipinas. Nabuo ang samahang Tanggol Wika sa isang forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University o DLSU. Higit sa 500 na delegado mula sa 40 na unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing forum. Noong Abril 15, 2015, nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika. Kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglabas ng Temporary

Restraining Order (TRO). Hanggang ngayon, nilalayon pa rin ng mga samahan ang adbokasiya nito at itinataguyod ang wikang Filipino sa mga social media at iba pa.

PSLLF (Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino) Ang PSLLF o Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino ay isang propesyunal na organisasyong nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino, pangunahin sa edukasyon at sa pananaliksik. Ito ay isa rin sa kasaping organisasyon ng samahan ng Tanggol Wika. Inihahayag nila ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo. Sumusuporta rin sila sa pagkakaroon ng 9 na yunit ng asignaturang Filipino. Nakahanda rin sila sa pagdidisenyo ng mga gayong asignatura. Binigyan pansin din ng samahang ito na ang pagtuturo sa wikang pambansa bilang required na asignatura sa kolehiyo....


Similar Free PDFs