ESP9 Q2 -mod7 Ang Paggawa Bilang Paglilingkodat Pagtataguyodng Dignidadng Tao Version 2 PDF

Title ESP9 Q2 -mod7 Ang Paggawa Bilang Paglilingkodat Pagtataguyodng Dignidadng Tao Version 2
Author Kyla Dela Rosa
Course Physical Education 2
Institution Notre Dame University
Pages 38
File Size 908.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 87
Total Views 288

Summary

NOTEdukasyonsa PagpapakataoIkalawang Markahan, Linggo 5 at 6 -Modyul 7####### Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod####### ng Dignidad ng Tao119Government PropertyNOT FOR SALEDepartment of Education ● Republic of the PhilippinesEdukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9Alternative Delivery ModeIk...


Description

Government Property

NOT FOR SALE NOT

9

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan, Linggo 5 at 6 Modyul 7 Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

11

Department of Education ● Republic of the Philippines

Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan, Linggo 5 at 6 - Modyul 7: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Iligan Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V Mga Bumuo ng Modyul Author: Vida A. Pacquiao Content and Language Evaluators: Airlene B. Lagas, MAPM and Judith V. Esmillaren, MEd Design and Lay-out Evaluator: Ernida A. Lucagbo, MAEd Editor:

Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I

Illustrator/Photographer: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I and Vida A. Pacquiao Management Team Chairperson:

Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons:

Nimfa R. Lago, PhD, CESE Assistant Schools Division Superintendent

Members

Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief Amelita M. Laforteza, Division EsP Coordinator Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager Meriam S. Otarra, PDO II

Charlotte D. Quidlat, Librarian II Printed in the Philippines by Department of Education – Division of Iligan City Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City Telefax: (063)221-6069 [email protected] E-mail Address:

Edukasyon sa Pagpapakatao

9

Ikalawang Markahan, Linggo 5 at 6 - Modyul 7

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

This page is intentionally blank

Talaan ng mga Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya

…………………………..........….................... i

Nilalaman ng Modyul

…………………………..........….................... i

Pangkalahatang Panuto

…………………………..........….................... ii

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

…………………………............................ iii

Alamin

…………………………..........….................... 1

Subukin

…………………………..........….................... 2

Balikan

…………………………..........….................... 3

Tuklasin

…………………………..........….................... 3

Linangin

…………………………..........….................... 3

Suriin

…………………………..........….................... 4

Pagyamanin

…………………………..........….................... 8

Isaisip

…………………………..........….................... 9

Isagawa

…………………………..........….................... 9

Buod

…………………………………………………..10

Tayahin

…………………………..........….................... 11

Susi ng Pagwawasto

…………………………..........….................... 13

Sanggunian

…………………………………………………. 13

This page is intentionally blank

Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.(Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123.

Nilalaman ng Modyul Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Blooms Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan. Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul.

Ang bahaging Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinakaesensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Blooms Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Pinakaesensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa

pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Blooms Taxonomy.

Ang bahaging Unawain ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikatlong Pinakaesensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Blooms Taxonomy. Gabay ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinakaesensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglipat (Creating) sa Blooms Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.

Pangkalahatang Panuto

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2.

Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pagaaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa mga tanong sa mga gawain at mga tala ( notes) ng mga konsepto mula sa bahaging Suriin. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2.

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

Alamin

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Subukin

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong tatalakaying aralin.

Balikan

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutuhan sa nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Tuklasin

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Suriin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

Pagyamanin

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang natutuhan sa aralin. Isaisip

Isagawa

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Modyul

7

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

This page is intentionally blank

Alamin

“Napaglilingkuran ko ang ating bayan.” Ito ang sagot ng isang sundalo sa isang pastor sa

tanong nito kung bakit pinili niyang maging sundalo sa kabila ng panganib ng ganitong trabaho.

Ilan kaya sa kabataang tulad mo ang may ganitong motibasyon sa pagpili ng trabaho sa hinaharap? Sa anomang gawaing naitakda mong gawin, isinasaalang-alang mo ba ang kabutihang maidudulot nito sa iba-sa pamilya, paaralan, o pamayanan?

Ani Thomas Edison, ang imbentor ng bumbilya, ang dahilan kung bakit hindi nakilala ng maraming tao ang oportunidad ay dahil maihahalintulad ito sa isang mabigat na gawain na hinahamon ang tao na magsumikap anuman ang balakid sa pagsasagawa nito. Ano-ano ang “oportunidad” na nakapaloob sa paggawa? Ano ang maidudulot nito sa tao, sa kaniyang kapuwa, at lipunang kaniyang kinabibilangan?

Gabay ang isang babasahin at mga gawain, inaasahang masasagot mo sa modyul na ito ang mga Mahalagang Tanong na: Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao? Ano ang mabuting maidudulot nito sa ating pagkatao?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 7.1.

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod

7.2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod 7.3. Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kaniyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kaniyang pagkatao 7.4. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal-bokasyonal

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 96.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Ano ang tawag sa resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangangailangan ng kapuwa? A.Pagkilos B. Paggawa C. Pakikisama D. Pagtaguyod

2. Ang buhay na may patutunguhan ay may katuturan. Ano ang kuhulugan nito? A. Ang taong gumagawa upang makabahagi sa kapuwa ay may saysay ang buhay. B. Ang tao ay dapat may pupuntahan upang may saysay ang buhay. C. Ang tao ay dapat malinaw ang patutunguhan sa buhay. D. Ang tao ay dapat may plano sa buhay. 3. Lahat ng mga mag-aaral ay kailangan makilahok sa Brigada Eskwela ng paaralan. Ano ang dapat mong gawin dito upang maipakita ang pagpapahalaga mo sa paggawa? A. Tumulong upang maipakita ang pagiging aktibo sa paaralan B. Tumulong at magkaroon ng attendance araw-araw C. Tumulong sa mga kailangang kumpunihin D. Tumulong dahil masaya itong gawin

4. Ang sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa: A. Kumita ng salapi upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan B. Dumami ang ari-arian at aangat ang buhay kaysa iba C. Magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral bilang tao D. Tumulong sa kapuwang nangangailangan 5. Bakit kailangang gawin ng isang mag-aaral ang takdang aralin? A. Dahil mas malinang niya ang kaniyang sariling kakayahan B. Dahil magkakaroon siya ng karagdagang puntos C. Dahil ginagawa ito ng mga kamag-aral niya D. Dahil may mapagkaabalahan siya 6. Sino sa mga mag-aaral sa Baitang 9 ang mas nagpapamalas ng pagpapahalaga sa paggawa na makatutulong sa pagkamit ng kaniyang kaganapan? A. Si Jun na ginagawa ang mga tungkulin bilang anak, mag-aaral at kasapi ng lipunan B. Si Jerson na nag-aaral nang mabuti upang magkaroon ng mataas na marka. C. Si Kobby na lumiban sa klase upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. D. Si Alice na nagtatanim ng mga halaman sa kanilang hardin.

7. Ano ang epekto sa pagiging produktibo ng paggawa sa agham at teknolohiya? A. Nababago ang kahulugan ng tunay na paggawa sa buhay ng mga manggawawa. B. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto. C. Nalilimitahan ang pagkakataon ng tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain. D. Nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.

8. Ano ang dapat gawin ng isang lider ng pangkat upang magtagumpay sa proyekto nila? A. Mag-isa niyang gawin ang proyekto upang walang sasalungat sa kaniyang ideya B. Makinig sa mungkahi ng mga miyembro bago nila simulan ang proyekto

C. Magpasiya kung ano ang nararapat gawin ng bawat miyembro D. Magpatulong lamang sa mga miyembro na malapit sa kaniya

9. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi para matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Sang-ayon ka ba rito? A. Oo, dahil likas sa tao na tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. B. Oo, dahil pera lamang ang makatugon sa kaniyang pangangailangan. C. Hindi, dahil tutugunan muna ang pangangailangan ng kapuwa. D. Hindi, dahil hindi pera ang layunin sa paggawa. 10. Ano ang nararapat mong isaalang-alang sa kukuning kurso sa Senior High School? A. Ang in demand na trabaho na may mataas na kita B. Ang kursong gusto ng magulang upang hindi ito masaktan C. Ang kursong gusto ng mga kaibigan upang magkasama pa rin kayo D. Ang taglay mong kasanayan, talento, hilig at pinansyal na katayuan ng pamilya

Balikan

Sa modyul 5, natutuhan natin ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad upang mapangalagaan ang karapatan at matupad ang tungkulin. Sa kasalukuyang modyul, mapapalawak natin ang saklaw ng dignidad sa larangan ng paggawa at ang malalim na kahulugan ng paggawa.

Gabay ang isang babasahin at mga gawain, inaasahang masasagot mo sa modyul na ito ang mga Mahalagang Tanong na: Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao? Ano ang mabuting maidudulot nito sa ating pagkatao?

Tuklasin

Gawain 1 Panuto: 1. Gumawa ng isang panayam sa iyong mga magulang o guardian.

2. Itanong sa kanila: Bakit mahalaga ang paggawa o pagtatrabaho ng tao? 3. Itala ang kanilang mga sagot sa iyong kuwaderno. 4. Pagkatapos, bumuo ng iyong sariling opinyon batay sa mga ibinigay nilang dahilan. 5. Sagutin ang mga tanong. a. Ano ang iyong nabuong pananaw ukol sa kahalagahan ng paggawa? b. Sang-ayon ka ba na mahalaga ang paggawa bilang tagapagtaguyod o promoter ng dignidad ng tao at paglilingkod? Pangatwiranan? c. Sa buhay mo ngayon, paano mo mapangatawanan ang paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidad mo at ng iyong kapuwa?

Linangin Gawain 2 Panuto: 1. Pumili ng isa sa sumusunod na gawain na naisasagawa sa inyong bahay. a. Mag-alaga ng maysakit o kaya ay nakababatang kapatid b. Tumulong sa paglilinis o pagsasaayos ng halamanan c. Tumulong sa magulang sa mga pangunahing gawaing bahay 2. Gagampanan ang mga papel na ito sa loob ng kalahati o isang araw. 3. Ang lahat ng mga karanasan ay kailangang itala sa kuwaderno. 4. Matapos ang gawain, sagutin ang sumusunod na tanong: a. Naging masaya ka ba sa naranasan mong gawain? Pangatwiranan. b. Ano ang pinakamahirap mong naranasan? Ipaliwanag. c. Ano ang natutuhan mo mula sa pagsasagawa ng napiling gawain? Ipaliwanag. d. Ano ang nagtulak sa iyo upang gampanan ang gawain? Ano ang iyong naging damdamin nang matapos mo ito? e. Ano ang nagbago sa iyong pananaw tungkol sa paggawa? Ipaliwanag. 5. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa Pagyamanin.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Ano ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ito mahalaga para sa isang tao? Karapatdapat bang maunawaan ng lahat ang tunay na esensiya ng paggawa? Ang araling ito ay makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang malalim na kahulugan ng paggawa.

Bilang kabataan, nagsisimula na marahil mabuo sa iyo ang pananaw sa paggawa bilang reyalidad ng buhay: isang bagay na hindi na matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw. Sa pagdaan ng panahon, matutuhan mo kung bakit mahalagang kilalanin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban, S. J. 2009).

Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education,” ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas o anunsiyo para sa mga produkto at komersyal o pagsulat ng aklat. Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad ng hayop o makina. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development Education, 1991).

Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi matatawag na paggawa.

Ang paggawa ay anomang gawain- pangkaisipan man o manwal, anoman ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging nilikha.

Sa simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na siya u...


Similar Free PDFs