F11 W2 LAS Filbas Pagpili ng Paksa PDF

Title F11 W2 LAS Filbas Pagpili ng Paksa
Course Education
Institution Holy Angel University
Pages 11
File Size 205 KB
File Type PDF
Total Downloads 599
Total Views 926

Summary

Filipino 11GAWAING PAGKATUTO MODYULPagpili ng PaksaPangalan: ______________________________ Q4WSeksiyon: _______________________________ Petsa: ____________________IsaisipPanimula (Susing Konsepto)Mga Uri ng PananaliksikMay iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlo...


Description

Filipino 11 GAWAING PAGKATUTO MODYUL Pagpili ng Paksa Pangalan: ______________________________ Q4W2 Seksiyon: _______________________________ Petsa: ____________________

Isaisip Panimula (Susing Konsepto)

Mga Uri ng Pananaliksik May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong kategorya: (1) basic, (2) action, at (3) applied na pananaliksik. Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito, Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa nang karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan. Ang sumusunod ay halimbawa ng basic research:  Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid  Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila  Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang barangay Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espisipikong problema o masagot ang mga espisipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik. Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod:  pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain  pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance 1

 pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaralan. Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon. Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod:  pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan  pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga magaaral sa isang baitang sa isang paaralan  pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad Pansinin ang mga resulta ng applied research ay maaaring ilapat sa mas malaking populasyon tulad ng iba pang paaralan o barangay na malapit o nasa paligid ng inyong paaralan o barangay. Maaring gamitin ng iba pang mga paaralan, barangay, at komunidad ang mga resulta ng mga pananaliksik na ito. Kung hindi man, ang metodong ginamit ng mga mananaliksik ay maaaring gayahin o i- modify nang kaunti ng iba pang mananaliksik upang magamit nila sa pagresolba ng mga kahawig na problema sa kanilang mga lugar.

Alamin Kasanayang Pampagkatuto at Koda Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB – IVab – 100) Subukin GAWAIN 1 Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong. 1. Ano-ano ang mga uri ng pananaliksik? ________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Sa paanong paraan nagagamit ang basic research? Ang action research? Ang applied research? ________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 3. Bakit mahalagang tugma ang layunin ng isang mananaliksik sa uri ng pananaliksik na kanyang gagawin? ________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2

Balikan Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na pinag-isipang paksa. Mahabang panahon ang ginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman, makabubuting, napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon ng pinal na desisyon. Gayumpaman, kung sa proseso ng pangangalap ay marami kang natuklasang impormasyong higit na makapagpapabuti sa iyong isinusulat kung rerebisahin mo nang bahagya ang paksa, maari mo pa ring gawin subalit huwag mo lang kalimutang konsultahin muna ang iyong tagapayo o guro tungkol sa modipikasyong gagawin mo. Mababasa sa ibaba ang ilang mahahalagang gabay sa pagpili ng pinakaangkop na paksa:  Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo. Mahaba at mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kakain ito ng maraming oras mo at magiging mahalagang bahagi ng sumusunod na mga araw, linggo, at buwan sa iyong buhay. Kaya naman mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin. Kapag sinabing malapit sa puso mo o gusto mo, maaaring mapabilang ito sa alinman sa sumusunod:  Paksang marami ka nang nalalaman - May mga kabutihan ang pagpili ng paksang may malawak ka nang kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o mga taong exsperto sa nasabing paksa bago mo pa man simulan ang pagsasaliksik. Maaari mong tingnan ang mga hilig o interest mo tulad halimbawa sa pagsasayaw, isports na inilalaro mo, musika ng bahagi ng maghapon mo, social media na kasama mo na halos bawat araw ng buhay mo, at iba pa.  Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman – Madalas, may mga tao kang higit na gusto pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at gustong-gusto mo sanang higit pang malaman o makilala. Magiging makabuluhan ang pananaliksik mo sa mga ito sapagkat higit mong mapalalawak ang iyong kaalaman at interest batay sa mga matutuklasan mo sa iyong pananaliksik. Tiyak na marami rin ang mababago sa iyong pananaw o paniniwala habang lumalawak ang iyong nalalaman ukol sa mga bagong paksang ito.

3

 Paksang Napapanahon - Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga paksang napapanahon. Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang pangangailangan.  Mahalagang maging bago o naiiba ( unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo. Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag uulit lang sa kung anuman ang natuklasan na ng ibang mananaliksik. Isa pa, kung may limampung mag-aaral sa inyong antas at ang bubuoin mo ay katulad lang ng bubuoin din ng sampu o higit pa sa kanila, hindi maiiwasang maikompara ang iyong papel sa papel na binuo nila. Magiging mas mahirap din ang paghahanap ng mga kagamitan kung mas maraming mag-aaral ang mag-uunahan sa paghiram ng magkakaparehong aklat. Kung mangangailangan ka naman ng taong makakapanayam ay magiging mas madaling mapapayag ang taong ito kung isang beses lang siyang kakapanayamin kaysa kung may sampung mag-aaral na hihiling din sa kanya ng panayam para sa magkakaparehong paksa.  May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon. Tulad ng naunang nabanggit, sa pagbuo ng sulitang pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa internet lang mangalap ng kagamitan at impormasyon. Habang pumipili pa lang ng paksa ay pag-isipan na kaagad kung saan-saan o kung sino-sino ang panggagalingan ng mga impormasyon isasama sa bubuoin. Makabubuting matiyak na ang resources (tao man o bagay ) ay nariyan at maaaring magamit sa oras o panahong kakailanganin mo para sa gawain.  Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan. Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi naman ito matatapos sa takdang panahon ay mawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang araw ng pagpasa. Dito rin papasok ang paalalang ang paksa ay dapat angkop sa kakayahan ng mananaliksik. Tandaang habang binubuo mo ang sulating pananaliksik sa isang asignatura ay may iba ka pang asignaturang mangangailangan din ng iyong panahon at atensyon kaya mahalagang umiwas sa masyadong malalawak na paksang aabutin ng taon bago matapos.

4

Tuklasin Gawain 2 Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong. 1. Paano makatutulong sa isang mananaliksik kung marami na siyang nalalaman sa paksang susulatin niya? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ 2. Bakit mabuti ring pumili ng paksang wala ka pang gaanong ideya subalit gusto mong higit na makilala o malaman pa? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ 3. Ano-anong kabutihan ang maidudulot ng pagpili ng paksang napapanahon? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ 4. Bakit mahalagang pumili ng paksang naiiba sa paksang napili ng mga kaibigan o ng nakararami sa mga kaklase mo? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ 5. Bakit kailangang bago maging pinal ang pagpili mo ng paksa ay may ideya ka na kung saan-saan o sino-sino ang pagkukunan mo ng mga datos o impormasyon? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ 6. Ano ang mangyayari kung maganda nga ang napili mong paksa subalit hindi mo naman matapos-tapos dahil lubha itong malawak at hindi kayang tapusin sa takdang panahong ibinigay ng guro? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________

5

Suriin Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa 1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin. Halimbawa’y ito ang layunin sasabihin ng inyong guro:  Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas mo ang kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo ng sulating pananaliksik patungkol sa mga paksang napapanahong magagamit ng mga guro at administrator ng ating paaralan sa pagpaplano at pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng paaralan para sa mga mag-aaral. Mula sa layuning ito ay mag-isip ka ng paksang tutugma rito. Hindi dapat lumayo ang iyong paksa sapagkat may dahilan ang guro sa pagpili ng layuning pagmumulan ng sulating pananaliksik ng kanyang mga mag-aaral. 2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga magaaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin. Kung sakaling wala kang magustuhan sa mga paksang ibinigay upang pagpilian ay maaari mong kausapin ang iyong guro upang mabigyan ka ng pagkakataong pumili ng ibang paksang malapit sa inyong puso at interes. Mahalagang lagi kang makipag-ugnayan sa iyong guro para makuha ang pananaw niya sa mungkahi mong paksa bago pa man ito simulan upang maiwasang masayang ang oras mo kung sakaling may ibang suhestiyon pa ang iyong guro kaugnay nito. Kung sakaling walang ibibigay na paksang pagpipilian ang guro at ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong pumili ng sarili mong paksa, isa itong maganda subalit mapanghamong gawain. Maaari kang maupo at mag-isip ng lahat ng mga posibleng paksa. Pag-isipan ang paksang malapit sa puso mo na tutugma sa layuning ibinigay ng guro. Maging mapagmasid at maghanap ka sa mga maaaring mapagkunan ng paksa mula sa mga nakatala sa Alam mo ba? Isulat mo ang lahat ng ideyang papasok sa isipan mo para mas marami kang mapagpilian. Huwag mong limitahan ang mga isusulat at iwasang i-edit ang sarili mo. Pagkatapos mong maisulat ang mga posibleng pagmulan ng iyong paksa ay iwan mo muna ito upang higit kang maging handa sa susunod na hakbang.

6

3. Pagsusuri sa mga itinalang Ideya. Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya. Suriin mabuti ang bawat isa gamit ang sumusunod na mga tanong:  Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo?  Bakit ka interasado rito?  Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?  Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?  Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?  Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?  Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?  Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon? 4. Pagbuo ng tentatibong paksa Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa mga nakatala sa iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating pananaliksik. Lagyan ng tsek ang mga ito gamit ang mga naunang tanong bilang gabay. Muli, suriing mabuti ang mga napili mo. Magdesisyon ka at itanong sa sarili: Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay sa layunin, at tiyak na matatapos ko sa limitadong oras na ibinigay sa akin para tapusin ang gawain? Batay sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo na ang iyong tentatibong paksa. 5. Paglilimita sa paksa Maaaring sa una'y malawak ang paksang mabubuo mo kaya't kakailanganin mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa takdang panahon at hindi maihahanap ang angkop sa kasagutan. Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paglilimita sa isang malawak o pangkalahatang paksa.

7

Malawak o Pangkalahatang Paksa:  Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral Nilimitahang Paksa:  Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko Lalo Pang Nilimitahang Paksa:  Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

Malawak o Pangkalahatang Paksa:  Persepsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan Nilimitahang Paksa:  Persepsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan Lalo Pang Nilimitahang Paksa:  Persepsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan

Sa paglilimita sa iyong paksa, iwasang maging lubha naman itong limitado na halos wala ka nang pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating pananaliksik. Kung masyadong limitado ang paksa ay maaaring magkulang ang mga gamit na kakailanganin mo para dito. Dito mangangailangan ka ng modipikasyon o bahagyang pagpapalawak sa iyong paksa upang maging mas makabuluhan ang kalalabasan ng iyong pag-aaral.

Pagyamanin GAWAIN 3 A. Nakapagtatala ng mga ideyang maaaring pagmulan ng tentatibong paksa para sa iyong sulating pananaliksik Magtala ng 10 o higit pang mga ideyang malapit sa iyong puso o mga bagay na interesado ka ng maaaring pagmulan ng mga tentatibong paksa para sa iyong sulating pananaliksik. 8

1.

6.

2.

7.

3.

8.

4.

9.

5.

10.

GAWAIN 4 B. Nasusuri ang mga ideyang puwedeng pagmulan ng paksa Isulat muli sa unang hanay sa ibaba ang mga ideyang isinulat mo sa papel sa Sagutin Natin A. Pagkatapos, lagyan ng tsek (/) ang mga kahon sa kanan nito kung tumutugon ito sa mga naglalarawang parirala na nasa heading. Ekis (X) naman kung hindi.

Mga Ideyang Itinala Ko

Gusto Ko o Malapit sa Aking Puso

Madaling Maiuugna y sa Layunin

Maraming Mapagkukun an ng Impormasyon

Matatapos sa Oras na Nakalaan

Bago o Naiiba

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Tayahin GAWAIN 5 Napakahalaga ng pagpili ng pinakaangkop na paksa sa pagbuo ng sulating pananaliksik. Ano-ano nga ba mahahalagang hakbang, paraan, o proseso sa pagpili ng tamang paksa? Punan ang bawat kahon at lagyan ng maikling paliwanag ang mga isinagot mong hakbang. 9

2.

1. Paliwanag

Paliwanag

5.

Pagpili ng Paksa

3. Paliwanag

Paliwanag

4. Paliwanag

GAWAIN 6 Ang pagbuo ng isang sulating pananaliksik ay naiiba at higit na mapanghamon kaysa sa pagbuo ng ulat o ng iba’t ibang uri ng tekstong nakasanayan mong buoin. Gayumpaman, kakayanin mo itong mapagtagumpayan kung ihahanda mo ang iyong puso, isip, at sarili sa pagsabak sa gawaing ito. Bumuo ka ng mga payo, paalala o tips para sa mga bagong mananaliksik na tulad mo upang mapaghandaan at mapagtagumpayan ang gawaing ito. 10

1. _________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ______ 2. _________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ______

Sanggunian

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. Pagbasa at Pagsusuri bg Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, INC. 120-124

Susi sa pagwawasto: Sariling Sagot ng mga mag-aaral.

Inihanda ni Mary Jane R. Dela Cruz Teacher-II/FILIPINO-SHS Malabanias IS-SHS

11...


Similar Free PDFs