Module 4 (Paksa 4) PDF

Title Module 4 (Paksa 4)
Author Anonymous User
Course Labor Law
Institution Bataan Peninsula State University
Pages 14
File Size 866.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 169
Total Views 267

Summary

MODYUL IVSI RIZAL AT ANG DAIGDIGBULACAN STATE UNIVERSITY69 | P a g eSa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayanNabibigyang puna ang mga Layunin ni Jose Rizal sa Europa sa unang pagkakataon. Naipapaliwanag ang mga kadahilanan ng muling Paglisan sa Bayan ni Jose P. Riza...


Description

BULACAN STATE UNIVERSITY

MODYUL IV SI RIZAL AT ANG DAIGDIG

69 | P a g e

BULACAN STATE UNIVERSITY

PAGPAPAKILALA:

Ang pangingibang bansa ni Rizal ay dulot ng mga mapapait na karanasan niya sa Unibersidad de Santo Tomas. Ito ang unang dahilan kung bakit niya gustong umalis ng bansa. Pangalawa ay upang maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral na malayo sa mga mata ng mga prayle ng Universidad. Gusto rin niyang malaman o mapag-aralan ang mga kanser na lumalaganap sa iba-ibang larangan ng buhay dito sa Filipinas at pagkatapos ay makahanap siya ng paraan kung paano maipapabatid sa bansa at sa pamahalaang Kastila ang mga pagbabagong kakailanganin ng Pilipinas. Sa kanyang palagay ito ang paraan upang makaahon sa hirap na dulot ng diskriminasyong panlahi na nararanasan ng mga katutubong mamamayan sa bansa. Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan Nabibigyang puna ang mga Layunin ni Jose Rizal sa Europa sa unang pagkakataon. Naipapaliwanag ang mga kadahilanan ng muling Paglisan sa Bayan ni Jose P. Rizal. Napapahalagahan ang mga nagawa ni Dr. Rizal bilang Kasapi ng Kilusang Propaganda Naihahambing batay sa nilalaman at mensahe ang dalawang nobela ni Jose Rizal Natutunton ang mga mapanghamong pangyayari sa buhay ni Dr. Rizal sa pananatili sa Europa. Napapahalagahan ang mga ginawa at binalak gawin ni Jose Rizal para sa Bayan habang malayo sa sariling Bayan. Nailalarawan ang ibat- ibang lugar na narating ni Dr. Rizal sa Asya at Europa.

Takdang Oras: Tatlong Oras

70 | P a g e

BULACAN STATE UNIVERSITY

UNANG PAGLALAKBAY SA IBANG BANSA Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan Nailalarawan ang mga nagawa ng ilang kilusang kung saan naging kaanib si Dr. Rizal sa kanyang pananatili sa Ibang Bayan. Naiisa-isa ang mga magagandang ugaling Pilipino na naisabuhay ni Dr. Rizal at iba pang Pilipino nagtungo din sa Europa upang maka-pagaral. Nakapag-bibigay puna sa naging desisyon ni Dr. Rizal na pagbalik sa Inang-Bayan sa kabila ng panganib sa kanyang buhay.

PAGLALAKBAY SA EUROPA Mayo 1, 1882-umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng Biñan, nakarating sa Maynila pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay. Mayo 3, 1882-Nilisan ang Maynila patungong Singapore sakay ng Bapor Salvador. Mayo 9, 1882-dumating sa Singapore, tumuloy sa otel La Paz. Mayo 11, 1882-sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong Marseilles (France), dinaanan ang Point de Galle, Colombo, Cafe' Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw. Hunyo 7, 1882- dumaong sa Port Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps. Hunyo 11, 1882-dumating sa Naples at Sicily, naghulog ng sulat sa bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng Mansanello (palasyo royal) Hunyo 13, 1882-dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Nelisse, nagpunta sa Chateau d'If (pook na kinabibilangguan ng pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo). Hunyo 15, 1882-lumulan sa isang de primerang klaseng tren, huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy sa Barcelona. BUHAY SA BARCELONA Tumuloy sa Fonda de España, hinandugan siya ng salu-salo ng mga dating kaeskwela sa Ateneo, sinulat ang El Amor Patrio, isang tula upang bigyang-daan ang kanyang kasabikan sa sariling bayan na ibinigay kay Basilio Teodoro, kasapi ng patnugutan ng Diariong Tagalog na kanilang inilathala noong Agosto 20 sa ilalim ng ngalan sa panulat na Laong-Laan sa 2 wika-Kastila at Tagalog (salin ni Marcelo H. del Pilar) Setyembre (kalagitnaan)-nagtungo sa Madrid at nagpatala sa Central Universidad de Madrid sa kursong Medisina at Filosofia y Letras (unang Linggo ng Oktubre). 71 | P a g e

BULACAN STATE UNIVERSITY

Nag-aral ng eskultura at pagpipinta sa Academia ng San Fernando at nagsanay sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell sa pagpapalusog ng katawan.Nagpasyang pag-aralang lubusan ang iba't ibang partido pulitikal ng Spain.Natatag ang Circulo Hispano-Filipino sa pangunguna ng Kastila-Pilipinong si Don Juan Atayde na di katagala'y nagsara rin dahil sa kakulangan ng pondo sanhi ng pagwawalangbahala ng mga kasapi.Sinulat ang Me Piden Versos-tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni Rizal sa kanyang bayan (nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso 31, 1889) Nakapagtatag ng sariling aklatan kung saan kabilang ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe at The Wandering Jew ni Eugene Sue-mga akdang nagtanim sa kanyang isipan ng pagkaawa sa mga tauhan dahil sa kanilang kaapihan. Hunyo 17,1883-pinalipas ang bakasyon sa Paris, pinuntahan ang mahahalagang pook tulad ng Champ Elysees, Colonne Vendome (kinalalagyan ng estatwa ni Napoleon I), Opera House, Place de la Concorde, Simbahan ni Magdalena, Simbahan ng Notre Dame at Museo de Louvre-lumang palasyo ni Francis I, pinakamahalagang gusali na pinagdarausan ng mga dula't kababalaghan ng mga Valvis, Medicis at Sorbon.Napansin ang mga palikuran sa lansangan (Gabinet d'Aisence) Unang linggo ng Setyembre, 1883-nagbalik sa Madrid upang ipagpatuloy ang pag-aaral Pormal na sumapi sa Lohiya Acasia gamit ang pangalang pangmason na Dimasalang Hunyo 21, 1884nakapasa sa titulong Doktor ng Medisina.Hunyo 25, 1884-nagsalu-salo sa Restaurant Ingles dahil sa pagkapanalo ng mga pinta nina Juan Luna (Spolarium-unang gantimpala) at Felix Resurreccion Hidalgo (Christian Virgins Exposed to the Populace-ikalawang gantimpala) sa Pambansang Eksposisyon ng Bellas Artes. Napili si Rizal bilang pangunahing mananalumpati Sinulat ang kalahating bahagi ng Nol Me Tangere. Humanga kay Consuelo Ortiga y Perez, anak ni Don Pablo Ortiga y Rey (dating alkalde ng Maynila noong panahon ni dela torre) ngunit pinigil sapagka’t alam niyang gusto rin siya ni Eduardo de Lete kaya’t sinulat ang tulang A La Señorita C.O. y R. Sumapi sa Masonerya-samahang ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko na naglalayong palawakin ang pandaigdigang kapatiran ng tao sa ilalim ng pagkaama ng Diyos, dahil sa pagtitiwala niya sa layunin ng samahan at paniniwalang makakuha ng kasama sa pakikipaglaban sa masasamang pari sa Pilipinas. (Nobyembre 15, 1890-naging Master Mason ng Lohiya Solidaridad at Pebrero 15,1892-sumapi sa Le Grand Orient France) Tatlong buwang hindi tumanggap ng padalang salapi mula kay Paciano dahil sa salot at kalamidad. Ipinagbili ni Paciano ang kanyang kabayong si Castaño sa halagang P200. Nanghiram kay Valentin Ventura upang ipambayad sa Lisensyado sa Pilosopiya at Letras. BUHAY SA PARIS Hulyo 1885-nagtungo sa Paris upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Optalmolohiya. Unang linggo ng Oktubre-nagpatala bilang okulista sa klinika ni Dr. Louis de Wecker-kilalang optalmologong Pranses. Kapag walang ginagawa, dumadalaw kina Luna at Hidalgo at nagsisilbing modelo ni Luna. Sa pintang Ang Kamatayan ni Cleopatra, siya ang paring taga-Ehipto at Sikatuna sa Sanduguan. Naging abala sa pag-aaral ng Aleman, Pranses, Italyano, Polish at Griyego. 72 | P a g e

BULACAN STATE UNIVERSITY

Tinapos ang ikatlong-kapat na bahagi ng Noli. Pebrero 1, 1886-umalis sa Paris upang magtungo sa Heidelberg.

73 | P a g e

BULACAN STATE UNIVERSITY

BUHAY SA HEIDELBERG Pebrero 3, 1886dumating sa Heidelberg-isa sa makasaysayang lungsod sa Alemanya, sentro ng karunungan dahil sa pinakamatandang pamantasang itinayo ng Elector na si Ruperto I (1386) at pangunahing pook ng Repormasyong Protestante. Lungsod din ng serbesa. Nagtrabaho sa klinika ni Dr. Javier Galezonski (Polish)-dalubhasa sa sakit sa mata. Naglingkod bilang katulong sa paggagamot sa Augen Klinik-klinika sa mata ng okulistang si Dr. Otto Becker. (Pagpapatuloy: Buhay sa Berlin). Abril 27, 1887-ibinalita kay Paciano ang pagtanggap ng Php 1000, biayaran ang pagkakautang kay Viola, nagpaalam sa mga kaibigan at nagbalita ng kanyang balak na bumalik sa Pilipinas. Mayo 11, 1887-iniwan ang Berlin patungong Dresden at Leitzmeritz. Mayo 13, 1887-nakipagkita kay Blumentritt, ipinakilala kina Sr. Jose Kromholz (pangulo ng Leitzmeritz Tourist Club), Dr. Karl Czepelak (paralitikong manggagamot) at Robert Klutzchak. Mayo 17, 1887-nagtungo sa Prague, nakilala si Dr. Willkomm-propesor sa kasaysayan sa kalikasan sa Unib. ng Prague. Mayo 27, 1887-nagtungo sa Vienna, nakipagkita kina Sr. Masner, Nordman at Norfenfals, mga kilalang iskolar at nobelista ng Austria. Mayo 24, 1887-nagbigay ng panayam kay G. Adler (reporter ng pahayagang ExtraBlatt) tungkol sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. Mayo 25-31, 1887-nagtungo sa Lintz, Salzburg, Munchen, Nuremberg (isa sa matandang lungsod ng Aleman), Ulm, Stuttgart, Baden Rheinfall (dinalaw ang Rin waterfalls- pinakamagandang talon sa buong Europa), Schaffhausen. Hunyo 4, 1887-nagtungo ng Bern, Lousanne, Geneva, inbinalita kay Blumentritt ang pasyang bumalik sa Pilipinas. Hunyo 23, 1887-dumaan ng Turin, Milan, Venice at Florence bago nagtuloy sa Roma-lungsod ng Vaticano. Tinungo ang Capitolium, Tanpeian Rock, Palatium, Forum Romanorum, Ampitheatre.

Aralin II PAG BABALIK SA PILIPINAS Hunyo 29, 1887-nagpadala ng postcard sa mga magulang upang ibalita ang pagdating sa Pilipinas. Hulyo 30, 1887-nakarating sa Saigon, lumipat ng bapor Haiphong patungong Maynila Hulyo 3, 1887- Umuwi ng Pilipinas si Rizal sa kadahilanang: 1.

titistisin ang mata ng ina

2.

aalamin ang katotohanan tungkol sa ligalig na nilikha ng Noli

3.

aalamin ang dahilan ng panlalamig at katahimikan ni Leonor Rivera 73 | P a g e

4.

tutulungan ang mga kababayan

Agosto 5, 1887-dumating sa Maynila, lumulan ng Bapor Binyang, lumipat ng Bapor Bakal. Agosto 8, 1887-dumating ng Calamba. 1. Tinistis ang mata ng ina (sa loob ng isang buwan, nagbali ang paningin ng ina-unang pagtitistis na ginanap sa Pilipinas at nagbigay ng pangalan at katanyagan kay Rizal bilang manggagamot 2. Ipinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero y Perinat upang alamin ang katotohanan tungkol sa subersibong kaisipan ng Noli 3. Itinalaga bilang tanod ni Rizal si Don Jose Taviel de Andrada. Nagpadala ng isang sipi ng Noli si P. Pedro Payo (Arsobispo ng Maynila) kay P. Gregorio Echavarria (Rector ng UST) upang suriin. Bumuo ng komiteng susuri sa aklat: P. Matias Gomez, Norberto del Prado, Fernandez Arias. Hatol sa Noli: Heretiko, lapastangan, isakandaloso sa punto ng relihiyon, laban sa pagkamakabayan, subersibo, laban sa kapayapaan, nakasisira sa pamahalaan ng Kastila at sa gawain nito sa Pilipinas sa puntong pulitikal. Ipinadala ng Gob. Hen. ang ulat ng komite matapos basahin sa Palagiang Komisyon ng Sensura na binubuo ng mga pari at karaniwang mamamayan sa pamumuno ni Padre Salvador Font (Agustino, kura ng Tondo).Dahil sa resulta ng pagsusuri ng aklat naging delikado ang buhay ni Rizal, kaya pinayuhan siya na mas magandang lisanin muna niya ulit ang Pilipinas para sa ikabubuti niya at ikatatahimik ng bansa.

IKALAWANG PAGLALAKBAY 1888 - Si Jose Rizal ay 27 taong gulang at isa nang manggagamot at kilalang manunulat. Dahilan kung bakit umalis muli si Rizal sa Pilipinas: tinutugis siya ng mga makapangyarihang kaaway kaya’t di mapakali ang kanyang pamilya sa Calamba sa panganib kung siya’y mananatili sa bansa. SI RIZAL SA HONGKONG AT MACAO Pebrero 3, 1888 sumakay si Rizal sa barkong Zafiro patungo sa HongKong. Pebrero 7, 1888 nakarating sa Amoy, China si Rizal dahil hindi mabuti ang kanyang pakiramdam malakas ang ulan narinig niyang marumi ang lungsod. Dito ang unang lugar na pinuntahan ni Rizal sa kanyang ikalawang paglalakbay. Sumapit siya sa Hongkong at buhat sa bapor ay tumuloy siya sa Otel Victoria. Sa Macau ay tumuloy si Rizal sa bahay ni G. Lecaros, isang Pilipino na nakapagasawa ng babaing Portuegesa. Pagkatapos ay pumunta si Rizal sa Hapon.

HAPON Dumating siya sa Yokohama at tumuloy sa Otel Grande. Siya ay nagtagal sa Hapon dahil gusto niyang mabatid ang kabuhayan, ang industriya, ang sining, ang kapaligiran at ang wikang Hapones. Dito niya nakilala si Ose-San isang magandang Haponesa na muntik na niyang napakasalan. Naisip lamang ni Rizal na mayroon siyang misyon na dapat gampanan kaya hindi sila nagkatuluyan.

AMERIKA Nakarating si Rizal sa San Francisco, California,Estados Unidos noong Abril 28,1888.Nakita niya sa panahon na iyon ang Amerika ay maunlad na bansa na. Maraming oportunidad ditto at mataas ang antas ng pamumuhay ng mga Amerikano.Ngunit nalungkot si Rizal nang malaman niya na mayroong tinatawag na diskriminasyon sa mga amerikanong Negro.Mas mababa ang tingin sa mga amerikanong itim kaysa sa amerikanong puti.Hindi nagustuhan ni Rizal ang ganito dahil taliwas sa kanyang prinsipyo na kailangan ay pantay-pantay ang karapatan ng mga tao sa isang bansa katulad ng inaasam niyang mangyari sa Pilipinas. Mula San Francisco ay tumawid si Rizal patungong Nueva York (New York). Dito ay sumakay siya ng barko patungong Londres (London).

LONDON Dito sa Londres ay natagpuan niya ang ilang natitirang tomo ng Sucesos de las islas Filipinas (Mga Pangyayari sa kapuluang Pilipinas) ni Antonio Morga. Ginugol niya ang maraming araw sa pagbabasa, pagsuri at pagsipi sa aklat ni Morga. Ninais niyang mabatid kung bakit itinuturing ng mga Kastilla na ang mga Pilipino ay lahing may mababang uri. Binasa niya rin ang ibang awtor na sumulat tungkol sa ating bansa. Pinagpasiyahan niya na sipiin ang aklat ni Morga upang makapaglathala ang ilang kamalian ng aklat sa mga katutubong kultura ng ating bansa Dito rin sa Londres ay marami siyang naisulat na bagay at isyu sa larangan ng pulitika. PARIS Dito sa Paris ay patuloy niyang ginugol ang mahahalagang panahon niya sa Pambansang Aklatan sa Pransiya. Ang Aklatan dito ay hindi kasing laki nang nasa Londres nguni’t ito ay hindi naging sagabal sa hangarin maisulat niya ang karugtong ng nobelang Noli Me Tangere at tapusin ang Sucesos delas Islas Filipinas ni Antonio de Morga. Itinayo niya ang Samahang Kidlat na binubuo ng Pilipinong sina Juan at Antonio Luna, Felix R. Hidalgo, Gregorio Aguilera, Fernando Canon, Lauro Dimayuga, Julio Llorente, Guillermo Puatu at Bladomero Roxas.Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang higit silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon. Sinulat ni Rizal ang La Verdad Para Todos (Ang katotohanan para sa Lahat). Ang lathalang ito ay kaunaunahang artikulo ni Rizal na lumabas noong Mayo1889.May hangarin si Rizal kung bakit siya bumalik ng Londres at iyon ay (2) upang makita ang ilang dokumento na pinatitityak sa kanya ni Dr. Adolf Meyer, at (3) nais niyang dalawin ang pamilya ng mga Beckett na napakabuti sa kanya lalong-lalo na si Gertude. Kalagitnaan ng Enero, 1890 ay bumalik si Rizal sa Paris. Sa mga panahong ito’y nilimbag ang mga paliwanag niya sa Sucesos ni Morga sa Garnier. BRUSSELS Siya ay tumira sa pamilya ng mga Jacoby. Nilisan niya ang Paris kasama ni Jose Albert, dahil napakamahal ng upahan ng tirahan doon dahil sa Pandaigdig na Tanghalan noong 1889. Dito sa Brussels ay walang tigil siya sa paggawa. Sinimulan niyang isulat ang El Filibusterismo at pinagpatuloy rin ang pagpapadala ng artikulo sa La Solidaridad. Dahil sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya ay nagbalak siyang umuwi, sa dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang

habang “ang mga magulang nagdaranas ng lupit ng mga

at

mga

kapatid

ko

ay

paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalungat ni Graciano Lopez- Jaena at ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce. Nagbago lamang ang isip ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso na pagpapaalis sa mga tagaCalamba mula sa hacienda ng mga Dominko at ito ay kanilang iaapela sa Royal Audiencia sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso. MADRID Sa unang araw ng Agosto, 1890 ay simula ng mga kabiguan ni Rizal. Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado at kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan ni Gobernador Heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano. Natanggap niya rin ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan na pagpaalis sa mga taga- Calamba mula sa hacienda ng mga dominiko.Habang bigo sa pagbibigay katarungan sa kanyang magulang ay namatay ang kanyang kaibigan na si Jose Maria Panganiban. Nagkaroon din siya ng mga hamon. Lumisan siya sa Madrid pero sumulat ng isang maikling sulat ng pasasalamat sa mga kababayanan na naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz. Lumisan siyang papuntang Hongkong dahil sa mga suliraning bumabagabag sa kanya sa Europa, dahilan sa magkasalungat na paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa, at upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas, at para kupkupin na rin ang kanyang pamilya na kasalukuyang inuusig ng mga Kastila. HONGKONG Dumating siya sa Hongkong noong Nobyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan na naninirahan dito. Bago magpasko ay dumating ang kanyang pamilya at dito ay ipinagdiwang nila ang pasko. Dito rin niya ginamot ang kanyang ina at ang iba pang mga pasyente. Dito rin sa Hongkong ay sinulat niya Konsepto at Saligang-batas ng La Liga Filipina. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago siya umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang ito kung siya ay mamamatay: una ay, 1. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid, 2. Sulat sa sambayanang Pilipino, at 3. Sulat kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol.

Aralin IV SI RIZAL AT ANG KANYANG PARTISIPASYON SA PROPAGANDA Ang mga gawain sa Kilusang Propaganda ay pumukaw ng interest ng mga Espanyol ngunit hindi sapat upang makamit ang mga hinihiling nilang pagbabago. Ilang repormang naipasa ng pamahalaang kolonyal ngunit hindi naipatupad sa Pilipinas. a. Ang kakulangan ng salapi ay naging malaking hamon sa kilusang naging dahilan ng paghinto ng LaSolidaridad noong 1895. b. Nahati rin ang komunidad ng mga Pilipino sa Espanya dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan. c. Pinangunahan ni Marcelo H. del Pilar ang pangkat na nagsusulong na mananatili ang mga propagandista sa Espanya at patuloy na hikayatin ang pamahalaan upang ipatupad ang mga hinihinging reporma sa Pilipinas. Naniwala si Jose Rizal na panahon na upang bumalik ang mga propagandista sa Pilipinas at doon ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa reporma. Nagpasyang umalis si Rizal sa Espanya noong 1890 at nakabalik siya sa Pilipinas noong 1892. Ngunit sa kabila ng mga isyung humati sa Kilusang Propaganda, ang pinakamalaking dahilan ng pagkabigo ng kilusan ay ang kapangyarihan ng mga prayle na nagtagumpay na mapigilan ang mga repormang isinusulong ng mga propagandista. Mahalagang bunga ng Kilusang Propaganda: a) Ang pagpapatuloy ng pagsulong ng reporma sa Pilipinas. b) Ilan sa mga propagandista ay naniniwala na kailangang isulong ang paghingi ng reporma sa mismong kapuluan. c) Kailangan ding maipaalam sa mas marami ang mensahe ng reporma. Upang maisakatuparan ito, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina noong 1892 upang pangunahanang pagoorganisa tungo sa pagbabago at linangin ang diwa ng kapatiran sa mga Pilipino. Ang La Liga Filipina– kakaiba ito sa mga naunang samahang panreporma dahil karamihan sa mga kasapi nito ay nagmula sa masa. Pangunahing hangarin ng samahan ang pagtutulungan ng bawat miyembro at paghahanda ng kanilang sarili para sa inaasahang pagbabago sa lipunan. Aralin V PAGSULAT NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO

Noong siya ay nasa Europa, nagsimula siyang magsulat ng mga nobela. Isa sa kanyang mga isinulat ay ang Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas at nagbibigay tugon din ito sa mga Katolikong Prayle. Isinulat niya ang nobelang iyon upang maimulat ang mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari sa bansa dahil sa pagsakop ng mga Espanyol. Ang kanyang nobela ay nailathala noong 1887 sa Berlin. Ipinagbawal ang kanyang libro sa Pilipinas ngunit may mga ibang palihim na nagdadala. Dahil sa kanyang nobela, nang bumisita si Rizal sa Pilipinas, siya’y pinatawag ng Gobernador Heneral dahil sa mga paratang niya sa mga Espanyol. Ipinagtanggol ni Rizal ang kanyang sarili at siya rin ay humingi ng paumanhin. Nang bumalik si Riza...


Similar Free PDFs