Final Outpuuuut PDF

Title Final Outpuuuut
Course BS Accountancy
Institution Ateneo de Manila University
Pages 6
File Size 94.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 432
Total Views 989

Summary

ISYU SA PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO SAKOLEHIYOAng kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon ay atin nang nakakamit at nakikita ngayon. Sa katunayan ay ginagamit natin ito sa araw-araw kahit na hindi natin ito nabibigyang pansin. Karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay hin...


Description

ISYU SA PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO

Ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon ay atin nang nakakamit at nakikita ngayon. Sa katunayan ay ginagamit natin ito sa araw-araw kahit na hindi natin ito nabibigyang pansin. Karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay hindi alam na ang wikang Filipino ay isa sa mga sagisag ng ating kalayaan mula sa mga dayuhan. Ito ang pundasyon ng ating sariling bansa, ang nagpapatunay na ito ay sariling atin. Sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, ano nga ba ang epekto nito sa ating mga Filipino? Ito nga ba ay may magandang epekto, o ito ang magiging dahilan upang hindi magkaintindihan ang mga nasa ahensiya na nangangasiwa sa edukasyon ng bansa laban sa mga taong nais mapanatili ang asignaturang ito sa kurikulum ng kolehiyo? Marahil ang iba ay hindi tutol sapagkat sapat na raw ang mga taong ginugol natin upang pag-aralan ang asignaturang Filipino, habang ang iba naman ay tutol sapagkat tayo raw ay nasa Pilipinas at dapat lang na gamitin natin ang ating sariling wika. Hindi lamang ang mga estudyante ang apektado sa isyung ito, pati na rin ang mga guro na ang hawak na asignatura ay Filipino. Ang asignaturang Filipino ay tumatalakay sa pag-aaral ng tamang paggamit ng ating wika, mga kayamanang literatura sa ating bansa, tulad ng mga akda ng mga batikang manunulat, at iba pang mga kaalaman na kailangan natin bilang mga Pilipino. Marami man ang tumututol sa pagtanggal ng asignaturang ito, may ilan din namang nagsasabing may kapakinabangan ito. Kaya naman ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-alam ng posibleng epekto ng pagpapatupad ng batas na ito. Ang Commission on Higher Education o CHED ay isa sa mga nangangasiwa ng edukasyon sa Pilipinas. Sila ay nagbibigay ng mga iskolarship at tulong pinansyal upang masiguradong makakapag tapos ng pag-aaral ang mga estudyante. Noon Agosto 2018, Buwan ng Wika, sila ay nag apela sa Korte Suprema na ipatupad ang CHED Memorandum Order no. 20 series of 2013 o ang pagbago sa General Education Curriculum (GEC) na magtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at palitan ito ng Asignaturang Hangul kung saan ang asignatura at wikang ito ay ginagamit sa bansang Korea. Pinangangambahan ng grupong Tanggol Wika ang tuluyang pagtanggal sa mga asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo. Noong taong 2015, pinagbigyan ng Korte Suprema ang grupo ng mga guro sa kanilang apela na huwag ituloy ang nais ng Commission on Higher Education na pagtanggal sa Filipino at panitikan sa kolehiyo. Naglabas ng TRO ang Korte Suprema para mapanatili ang Filipino at panitikan sa general curriculum sa kolehiyo kasama ang iba pang asignatura gaya ng Math, Science, Technology, at Philippine history. Nakatuon ang Filipino sa tamang paggamit ng wikang Filipino, habang ang panitikan ay nakatuon naman sa pagbabasa at literatura. Ayon sa grupong Tanggol Wika, isang grupo ng mga guro sa Filipino, higit 10,000 guro sa buong bansa ang maaapektuhan kapag nawala ang Filipino at panitikan sa kolehiyo. Tinutulan ng ilang guro ang desisyon ng Commission on Higher Education (CHED) na alisin na ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.

Ayon pa sa propesor, kinakailangang gawing mandatory ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad dahil kung iaasa sa mga unibersidad ang opsiyonal na pagkakaroon nito, malabong magkaroon ito ng espasyo sa kurikulum. Kinakailangan rin umanong magkaroon ng matibay na wikang pambansa,

kultura at pagkakakilanlan ang bansa para sa napipintong ASEAN integration. Mahalagang ambag sa edukasyong sosyo-kultural ng maraming estudyanteng inaasahang darating at mag-aaral sa Pilipinas mula sa mga kasapi ng ASEAN, ang asignatura sa wika, kultura at identidad ng Pilipinas. Sa hiwalay na panayam, nilinaw ni CHED executive director Atty. Julito Vitriolo na hindi umano tuluyang aalisin ang asignaturang Filipino sa edukasyon dahil inililipat lamang ito sa senior high school. Inihayag rin ng opisyal na maaaring lumipat ang ilang guro sa senior high school upang maipagpatuloy ang pagtuturo. Subalit, para kay San Juan, hindi mabuting solusyon ang paglilipat ng mga guro sa senior high school. Aniya, may posibilidad na bumaba ang suweldo ng mga ito, kumpara sa kasalukuyang tinatanggap nila. Mahalaga rin umanong ipagpatuloy ang pagtuturo sa kolehiyo ng wikang Filipino upang magkaroon ng mas intelektwal na talakayan,. Gayunpaman, iginiit ni Vitriolo na kapag maitatag na ang pundasyon ng wikang Filipino sa senior high school pa lamang, maitataguyod na ito hanggang sa paglaki. Samantala, siniguro rin niyang maaari pa umanong mabago ang utos kapag natapos na nilang dinggin ang panig ng mga tutol. Walang katumbas ang mga salitang teknikal na nabanggit sa ngayon. Ngunit mayroong dalawang punto na importanteng dapat isaalang-alang. Una, mas madaling matututo ang estudyante kapag ginagamit ang wikang Filipino (o wikang lokal/dayalekto) dahil wala ng code switching na tinatatwag. Napatunayan na itong argumentong ito sa iba’t ibang pahayagan kung saan ang isang hindi kilalang pamantasan sa Bicol ay nakakapagtala ng maraming pumapasa sa board exams sa engineering atbp. Pangalawa,masyado pang bata ang ating wika kaya marami pa itong oportunindad upang lumago. Siguro’y wala pang katumbas ang mga salitang teknikal na iyan. Ngunit darating ang panahon na sa tulong ng mga eksperto sa wikang Filipino ay madagdagan ang ating bokabularyo sa mga teknikal na salita na sinalin na. Isa sa importanteng layunin ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay ang pagmulat sa mga mag-aaral ng mga nangyayari sa tunay na buhay at kung papaano ito harapin. Sa huli, ano namang masama na magdagdag ka ng 3 hanggang 9 na units na Filipino sa kolehiyo? Hindi naman kabigatan sa bulsa ng magulang iyan dahil noon pa ma’y mayroon ng Filipino. Balakid ba ang Filipino sa ASEAN integration? Hindi ba ito’y magiging dagdag kaalaman para sa mga bisita nating mga banyaga? Kahit saan namang bansang may sariling wika, kailangan mo rin naman itong aralin. Hindi direktang magkakaroon ng epekto ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo kung ang batayan ay ang kursong teknikal na pinili mo. Ang epekto nito ay direktang pinupuntirya ang pagkatao ng bawat Filipino. Ang masaklap nito, malamang sa malamang ay hindi na tayo makakapiglas sa paikot-ikot lang na pagbalewala sa Filipino at ang pagbibigay-pansin lamang sa Ingles o ano mang wika. Habambuhay na lang na ayos lang na maging mali-mali sa Filipino basta dalubhasa ka sa Ingles. Habambuhay na ang tingin sa mga Inglesero at Inglesera’y mga matatalino’t sosyal. Habambuhay rin na tingin na kapag diretso kang magsalita ng Filipino’y ang lalim mo magsalital kahit hindi naman. Kasama na natin ang asignaturang Filipino mula pa noong tumungtong tayo ng elementarya. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong 1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito

ngayon ang tinatawag nating asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika at mga literaturang itinuturing nating kayamanan.

Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino. Sumasalamin ang asignaturang Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa. Ayon naman kay Tipones (2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pagiisip ng mga kabataang Pilipino. Dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang edukasyon sa kultura, tradisyon, kasaysayan, at lalo na sa wika ng Pilipinas. Ang pagaaral ng Filipino ay pag-aaral rin ng pagiging Pilipino. Pilipino tayo kaya’t nararapat lamang na mas maging maigi ang pag-aaral natin sa sarili natin at iyan ang wikang Filipino. Ang pag-aaral ng Filipino ay simula upang mapalawig ang pagkilala at pagmamahal sa bayan. Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong pangangailangan sa paaralan, ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na maging sanay tayo sa sarili nating wika. Ayon kay Dabu (2014), bagamat araw-araw na ginagamit ang wikang Filipino sa tahanan man o sa kalsada, maraming mga Pilipino pa rin ang hindi bihasa rito. Marami pa ring mga Pilipino ang patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit ng mga salita. Dahil sa pamamagitan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino, magiging mulat ang bawat mag-aaral tungkol sa tamang paggamit ng wika at mapapalawig mismo ang ating pambansang wika. Dahil ayon kay Bienvenido Lumbera, "Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbolo ng ating pagiging bansa." Dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang Filipino, ito na rin ang pagkilala natin na nabibilang tayo sa iisang nasyon at ito ang ating pangangailangan upang mahubog ang bawat isa tungo sa iisang sistema ng edukasyon. Ayon pang muli sa pananaliksik ni Martin (2016), bilang mga mananaliksik, napakahalaga ng wikang Filipino. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng sariling wika sa pagsusulong ng kahusayang pang-akademya sa iba’t ibang paaralan at unibersidad dito sa Pilipinas. Nakapaloob ang kurikulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mga mag aaral. Ayon pa kay Zayrhene Fabian ng BSEd major in Biological Science, “Basic lang ang Filipino, which is pwede naman i-tackle sa Senior High para pagtungtong sa college more on the course na yung focus ng curriculum.” Mas mabibigyan ng diin ang mga asignaturang may kinalaman sa kurso ng mag-aaral kung tatanggalin na ang mga minor subjects tulad ng Filipino. May nagsabi rin na sa pamamagitan nito, lalawak ang kakayanan ng mga estudyante dahil dadami ang oportunidad ng bawat isa na magdiskubre ng iba’t iba pang mga asignatura na ayon sa kanilang nais na propesyon. Sinabi rin ni Dexter Garcia ng BSEd major in Physical Science, “Mas magiging globally competitive ang mga graduate ng kolehiyo.” Dahil sa pamamagitan nito, mabibigyang daan ang iba pang mga asignaturang mas kakailanganin natin para tayo ay makasabay sa mga mauunlad na bansa. Ngunit marami namang nagsabi na makakaapekto ito sa negatibong paraan para sa ating bansa. Ayon kay Ana Lucille Calagos ng BSEd major in Biological Science, “Kung aalisin sa kolehiyo, unti-unting mawawala ang pagkamakabayan natin dahil hindi ito [wikang Filipino] mabibigyang pansin, lalo na sa mga taong magiging susunod na tagapagtaguyod nito.” Maaaring ang susunod na henerasyon ay maging

hindi na mulat sa tamang paggamit wikang Filipino dahil hindi na nila ito naabutan sa curriculum ng kolehiyo....


Similar Free PDFs