Four Sisters and a Wedding Movie Review PDF

Title Four Sisters and a Wedding Movie Review
Author avielle dizon
Course Filipino
Institution Mayfield Montessori Academy
Pages 26
File Size 764.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 384
Total Views 539

Summary

Senior High School Taong Pampanuruan 2020-Rebyu ng Pelikulang“Four Sisters and a Wedding”Ipinasa ni: (DIZON, Avielle Elize, V.) (12 - STEM)Nobyembre 2020Pamagat Four Sisters and a Wedding (2013) Oras 125 minuto Produksiyon Charo Santos-Concio at Malou N. Santos Direksiyon Cathy Garcia-Molina Panulat...


Description

Senior High School Taong Pampanuruan 2020-2021

Rebyu ng Pelikulang “Four Sisters and a Wedding”

Nobyembre 2020

Pamagat Four Sisters and a Wedding (2013) Oras 125 minuto Produksiyon Charo Santos-Concio at Malou N. Santos Direksiyon Cathy Garcia-Molina Panulat Vanessa R. Valdez at Jose Javier Reyes Sinematograpiya Noel Teehankee Editing Marya Ignacio Tunog Aurel Claro Bilbao Musika Raul Mitra Disenyo sa Produksiyon Winston Acuyong Direction sa Sining Rafael ‘Raffy’ Kasuotan Angelito ‘Angge’ S. Posadas Makeup Salvador Zapanta Nagsiganap Brenna Garcia

Young Teddie

Bea Alonzo

Roberta Olivia “Bobbie” Salazar

Bea Basa

Young Bobbie

Veyda Inoval

Young Alex

Arbey Alegado

Young Gabbie

Shaina Magdayao

Gabriella Sophia “Gabbie” Salazar

Conney Reyes

Grace Salazar

Sam Milby

Tristan Harris

Enchong Dee

CJ Salazar / Reb Reb

Angeline Quinto

Princess Antoinette May Bayag

Toni Gonzaga

Theodora Grace “Teddie” Salazar

Carmi Martin

Jeanette Bayag

Boboy Garovillo

Honey Boy Bayag

Janus del Prado Frodo

Angel Locsin

Alexandra Camille “Alex” Salazar

Bernard Palanca Chad Quinto Vangie Labalan

Manang

Samantha Faytaren

Trixie Harris

Cecil Paz

Toti Marie

Joy Viado

Sassa

Johnny Barnes

Lolo

Mocha Uson

Mocha

Richard Arellano Police Chief Alexis Nacion

Mama Pedring Magbutay

Tagpuan Quezon City, 2012 hanggang 2013 Buod Isang gabi ng pasko, matatanaw ang nag-iisang bahay na walang ilaw. Bagaman napapalibutan ito ng palamuti, nakapatay ang mga maliliit na ilaw. Sa loob ng tahanan ay maririnig ang pag-aaway ng magulang ng pamilyang Salazar. Sa kabilang banda, matatagpuan ang apat na babaeng magkakapatid sa kusina. Gumagawa sila ng keyk yari sa biskwit. Si Teddie ang panganay at lider ng magkakapatid. Ang sumunod naman na si Bobbie ay nagtuturo kay Alex kung paano ang pattern ng keyk: chocolate, cream, chocolate, cream. Nagbiruan ang dalawa at nagpahid ng cream sa muka ng isa’t isa. Ang bunso na si Gabbie ay pinagsabihan ang tatlo. Para kay baby Jesus ang keyk na ginawa nila. Ang panalangin lang ng magkakapatid ay magkaayos ang kanilang magulang at magkaroon ng isa pang kapatid na lalaki. Ilan taon ang lumipas at marami ang nangyari sa pamilyang Salazar. Totoo nga na nagkaayos ang kanilang magulang at nagkaroon sila ng batang kapatid na lalake -- si CJ o “Rebreb”. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang kanilang ama at namatay. Upang bumawi sa gastusin, si Teddie ay pumunta sa Spain para magtrabaho; samantala si Bobbie naman ay communications manager sa New York. Si Alex ay nagtatrabaho bilang assistant director sa Maynila, at si Gabbie ay nanatili sa tahanan ng kaniyang magulang. Bukod sa pag-aalaga sa kaniyang ina na si Grace, siya ay nagtatrabaho bilang guro sa Cubao. Si Rebreb ay malaki na -- at ang bagong balita ay ipapakasal na siya sa bagong kasintahan na si Princess. Bagaman para kay Rebreb ay magandang balita ito, para sa kaniyang mga ate... hindi. Si Teddie na paborito ng kaniyang ina ay isa sa mga na-layoff nang magkaroon ng krisis

pampinansiyal sa Spain. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maamin sa kaniyang pamilya na nagtatrabaho siya bilang katulong at waitress. Marami rin ang nagbago sa aspeto ng relasyon. Si Bobbie at Alex na dating malapit sa isa’t isa ay napalayo na dahil naging boyfriend ni Alex ang dating minamahal ni Bobbie na si Chad. Sa isang pagkakataon ay muling naulit ang ingay dati -- hindi nga lang ingay ng saya. Bumalik ang lahat sa dati nilang tahanan. Dala na rin ng pagtanda, may kasama na ang bawat anak. Si Teddie ay kasama si Frodo, isang hardinero sa mansyon na pinagtatrabahuhan ni Teddie. Si Frodo ang dahilan kung bakit nakauwi si Teddie dahil Binayaran niya ang airplane ticket nito kapalit ng pagiging boyfriend ni Teddie habang nasa Pilipinas sila. Si Bobbie naman ay kasama ang kasintahan na si Tristan, isang single dad sa New York na dati pa gustong pakasalan si Bobbie. Kasama rin nila si Trixie, ang anak ni Tristan na ayaw si Bobbie. Ilang paksa ang napag-usapan noong unang hapunan ng pamilyang Salazar. Pinasok sa usapan ang mga trabaho at career. Ipinahayag ni Grace ang kaniyang kagustuhan na ipasa ni Gabbie ang kaniyang MA Application upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Si Alex naman, na lubog sa utang para sa pagpapaupa, ay napag-usapan din. Sa lahat kasi ng magkakapatid, si Alex lang ang pumasok sa industriya ng sining at pelikula -- isang trabaho na hindi kilala sa mataas na suweldo. Dinagdag na rin sa usapan ang trabaho ng mga kasintahan ni Teddie at Bobbie. Si Tristan ay isang senior manager ng product design, at si Frodo ay nagpanggap bilang isang landscape architect. Hindi natapos nang kumpleto ang hapunan dahil umalis si Rebreb. Nasaktan siya sa mga komento ng magkakapatid. “Chararat” o panget daw kasi si Princess, at nagbiro sila na baka sex lang ang habol ng dalawa sa maagang pagpapakasal. Apat na buwan pa lang kasi magkakilala si Princess at Rebreb -- at bata pa ang magkasintahan. Ayon kay Rebreb, maaga ang iskedyul ng kasal dahil naghihingalo na ang lolo ni Princess -gusto na niya raw kasi makita ang apo niya sa tuhod bago mamatay. Kinabukasan, umalis ang pamilyang Salazar para sa pamamanhikan. Ipinakilala ang tatlong bagong tauhan: si Boy, Jeanette, at Princess -- o ang mga Bayag. Ubod ng yaman ang pamilyang ito, at kasama na rin ng maraming pera nila ang kanilang yabang. Hindi natapos nang maayos ang pamamanhikan dahil nabastusan ang magkakapatid sa pagtrato ng mga Bayag sa kanila. Pinasok kasi sa usapan ang pagkakaroon ng prenuptial agreement at money contributions. Ang pamamanhikan ng dalawa ang nagtulak sa plano ng magkakapatid na itigil ang kasal ni Rebreb. Tatlo ang paraan na pinlano nila -- (1) pagtukso kay Rebreb sa

pamamagitan ng pagpunta sa bar kasama ang maraming babae; (2) pagsabotahe ng imahe ng mga Bayag sa pamamagitan ng paghahanap ng dumi sa negosyo nilang spa; at (3) sukob o pagpapakasal ng ibang kapatid upang matigil ang kasal. Bagaman matagal na pinipilit ni Tristan na magpakasal kay Bobbie, hindi natuloy ang pangatlong paraan dahil hindi pa handa si Bobbie, at nakumbinsi siya na ayaw talaga siya ni Trixie. Pumalpak ang dalawang plano nila. Lalong pinatunayan ni Princess ang kanyang mapagmahal na ugali sa pamamagitan ng paggawa ng hangover meal para kay Rebreb matapos ang kanilang “boys’ night out”. Natuklasan naman ni Teddie at Frodo na wala palang bahid ng dumi ang negosyo ng mga Bayag. Dahil nalaman ni Jeanette ang ginawa ng dalawa, pinagbantaan niya na hahanapan niya rin ng sikreto at dumi si Teddie. Dala na rin ng takot, nagalit si Teddie kay Frodo. Pumunta na lang si Frodo sa orphanage kung saan siya lumaki dala ang mga pasalubong niya para sa mga bata. Nang gabing iyon, galit na galit si CJ sa kaniyang mga ate at sinigurado niya na matutuloy ang kasal nila ni Princess. Bago matuklasan ng lahat ang sikreto ni Teddie, nakita ni Bobbie ang kaniyang ex boyfriend na si Chad sa isang convenience store bumibili ng condoms kasama ang ibang babae. Sinubukang kausapin ni Bobbie si Alex pero nauwi ito sa pag-aaway dahil sa mga hindi naayos na isyu ng nakaraan. Pumunta si Teddie kay Frodo upang humingi ng tawad. Nang gabing iyon, nalaman na ng lahat ang sikreto ni Teddie sa pamamagitan ng paglalaro ng charades kasama ang mga Bayag. Patuloy na tinuturo ng mga Bayag si Teddie, at ang sinasabi ng mga tagahula “katulong”, “kasambahay”, “fake”, at “manloloko” siya. Hindi natuwa si Grace sa pambabastos na ginawa ng mga Bayag, kaya pinalayas niya sila. Matapos ang mahabang usapan, nagkaayos na ang magkakapatid at ina. Natuklasan ang mga personal na isyu ng bawat isa: ang pagka-layoff ni Teddie, ang pagseselos ni Teddie kay Bobbie, ang paghihirap na pinagdaanan ni Bobbie nang maging OFW siya para sa pamilya, ang pagkakaroon ng paborito ng mga magulang, at iba pa. Nauwi ang lahat sa isang malaking yakap. Naayos din ang hindi pagkakaunawaan ni Bobbie at Alex, at tuluyang nakipaghiwalay si Alex kay Chad. Bilang simbolo ng pagkakaayos, naulit ang tradisyon ng paggawa ng keyk na ibibigay nila kay Grace. Halos wala pa rin ang nagbago: tinuturuan ni Bobbie si Trixie sa pattern; si Alex, Bobbie, at Teddie ay nagpahiran ng cream sa muka ng isa’t isa, at si Gabbie ay nanatiling “ina”. Habang nililinis niya ang mga kalat, sinurpresa ng tatlong magkakapatid si Gabbie sa pamamagitan ng pagbigay rin ng biskwit keyk sa kaniya.

Namatay na ang lolo ni Princess kaya natigi pa rin ang kasal nila ni CJ. Nagkaayos ang pamilyang Bayag at Salazar sa burol ng lolo. Upang hindi masayang ang lahat ng preparasyon ng mga Bayag, sinurpresa ni Bobbie si Tristan pagkauwi nito galing sa isang convention, at natupad ang pangarap ni Tristan na kasal. Nagkabati na rin si Trixie at Bobbie, at lumago na rin ang relasyon ni Teddie at Frodo. Pagsusuri I. Tagpuan Bagaman naganap ang karamihan ng eksena sa Quezon City, makikita sa simula ng pelikula ang pinanggalingan ng mga tumandang magkakapatid na Salazar. Si Teddie ay galing sa Spain, si Bobbie naman sa New York, si Alex sa Maynila, at si Gabbie sa New York, Cubao. Mahusay na pinili ng manunulat ang lokasyon ng bawat karakter dahil nabibigyan ang manonood ng ideya tungkol sa mga personalidad ng tauhan batay sa pinanggalingan nilang lugar. 1) Spain - Teddie May aspeto ng pagbabala o foreshadowing ang lokasyon ni Teddie na Spain dahil sa kamakailan lamang na krisis na nangyari noong 2008 hanggang 2016 (Vila, Brea, & Araujo, 2020). Kasalukuyang nangyayari ang krisis noong pinalabas ang pelikula, kaya mapapansin na may kaugnayan ang sitwasyon ni Teddie sa realidad, o ang sitwasyon niya ay true to life. Bukod sa pagbabala, gumamit rin ang direktor at manunulat ng diskarteng pagtutugma, o rhyming technique kung saan iniugnay nila ang sikat na “Made in Spain” na pelikula sa sitwasyon ni Teddie -- isang “Maid in Spain.” 2) New York - Bobbie Maraming palayaw ang New York City: The City that Never Sleeps, Concrete Jungle, Gotham, at ang pinakabantog na The Big Apple (Britannica; Gonzales, n.d.). Nakuha ang pangalan na The Big Apple dahil sa pamagat ng artikulo ng isang manunulat ng sports na si John Gerald. Ayon sa manunulat, narinig niya sa usapan ng mga nag-aalaga ng kabayo na ang New York daw ang “big apple that all horsemen aspired to race at,” (Hutchinson, 2018). Dito pa lang ay nagkaroon na ang manonood ng ideya kay Bobbie -- isang Salazar na umalis ng bansa para sa kaniyang pangarap at pamilya. Bukod dito, kilala ang New York City sa pagkakaroon ng mahusay at magagaling na tao. Subalit, ayon sa istatistika ng TimeOut City Index Survey kasama ang Tapestry Research, 52% ng mga taga-New York ay lonely (2017) -- isa pang katangian na mapapansin kay Bobbie. Higit pa rito, ayon sa isang pananaliksik ng grupo ng Cambridge University researchers, may karaniwan na personalidad ang mga tao mula sa iba’t ibang estado ng Estados Unidos. Sinabi sa artikulo na isa sa mga nangingibabaw na ugali ng new yorkers ang pagiging stressed at unfriendly.

3) New York, Cubao - Gabbie Kahit na witty ang diskarte ng direktor sa pagbigay ng lokasyon na New York, Cubao kay Gabbie, maaari pa rin ipalagay ng manonood na ang lebel galing at husay ni Gabbie ay pang ibang bansa. Sa ilang bahagi ng pelikula, mapapansin ang pagpilit ni Grace na asikasuhin ang MA Applications ni Gabbie para makatrabaho sa ibang bansa. 4) Espana, Manila - Alex Ang Maynila ay ang capital at chief city ng Pilipinas. Ayon sa Britannica, ito ang sentro ng gawain sa ekonomiya, pampulitika, panlipunan, at kultura (Salita, 2020). Subalit, ayon sa The Borgen Project, halos 3.1 milyon ang walang tahanan sa Maynila. Humigit-kumulang 6,000 ang bilang ng mga taong naninirahan sa cemetery slums. Bukod sa pagiging ironic, maaaring sinisimbolo ng Maynila ang mga kasalukuyang sitwasyon ni Alex. Kahit na mahusay siya sa pag-didirect, makikita sa kanyang kapaligiran ang realidad na mababa ang kita ng film industry. Mapapansin din ang uri ng lengguwahe na ginagamit ni Alex: bekimon at jejemon language. Ang kadalasang stereotype ng iba ay mahihirap o mga taong “hindi sosyal” lang ang gumagamit ng jejemon language. II.

Mahalagang Tauhan 1) Teddie Si Teddie ang unang anak sa pamilyang Salazar. Siya at ang bunso na si Rebreb (CJ) ang paboritong anak ng kaniyang ina. Bilang panganay, kinuha niya ang papel na maging lider at tagasuporta ng pamilya. Makikita sa unang eksena ang ugali ng batang bersyon ni Teddie: may tiwala sa sarili. Nanatili ang mga katangian niya habang tumanda, at ito ang nagtulak sa kaniyang tagumpay -- nagtapos siya ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas (U.P.), naging guro, nagtapos ng Masters DegreeI, at napunta sa Spain para magtrabaho. Subalit, nang magkaroon ng krisis, isa siya sa mga na-lay off na guro. Upang makapagpadala pa rin ng pera sa Pilipinas, kumuha siya ng mga part time job at naging katulong siya sa mansyon at tagapagsilbi sa restobar. Naging malaking atake itong pangyayari sa kaniyang lakas ng loob, at dito umusbong ang kaniyang mga personal na isyu: denial (pagtanggi), insecurity (kawalan ng kapanatagan), at fear of failure (takot sa pagkabigo). Ang denial ay isang anyo ng defense mechanism. Ito ang kusang pagtanggi sa katotohanan upang maiwasan ang mga negatibong emosyon tulad ng shame, frustration, at sadness (Holland, 2019). Mapapansin ang nabanggit na mga isyu sa pagtrato ni Teddie sa mga tao sa kaniyang paligid. Nagsisinungaling siya sa kaniyang pamilya, kinukumpara niya ang sarili kay Bobbie, nilalait at sinasabihan niya ng masasakit na salita si Frodo, at labis niyang kinakatakutan na malaman ng lahat ang katotohanan ng buhay niya.

2) Bobbie Si Bobbie ang pinakamasipag at matalino sa lahat ng magkakapatid. Sa simula ng pelikula, mapapansin na mabilis siya makaintindi -- siya ang nagtuturo ng “pattern” ng paggawa ng kanilang keyk. Katulad ni Teddie, nagtagumpay sa buhay si Bobbie: nagtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila University (ADMU), at nagtrabaho sa New York City bilang Communications Manager. Subalit, hindi ito sapat para maging paborito siya ng kaniyang magulang. Ayon sa pelikula, paborito ni Grace si Teddie at Rebreb, at paborito naman ng ama si Alex at Gabbie. Matutukoy ang ginamit na teknik ng irony sa pelikula. Kahit na Communications Manager si Bobbie, nahirapan siyang umintindi at maintindihan. Ayon sa kanya, lagi siyang “na-mimisinterpret” dahil sa kaniyang pagkaprangka. Maaari ang pagiging cold at malayo ni Bobbie ay nagmula sa favoritism ng kaniyang magulang, pagkasira ng relasyon nila ni Alex, at pagiging OFW niya. 3) Alex Si Alex ang kinilalang “Black Sheep” ng pamilyang Salazar sa pananaw ng marami. Maaga pa lang ay pinakita na sa pelikula ang pagkakaiba ni Alex nang hindi niya agad naintindihan ang “pattern” ng keyk. Bilang foreshadowing, naipakita sa kalagitnaan ng pelikula ang kaniyang pagkakaiba sa “pattern” o pagkakaparehas ng magkakapatid. Tinahak niya ang daan ng sining kung saan nagpokus siya sa industriya ng pelikula. Dahil natatangi siya sa magkakapatid, naapektuhan siya sa pagkumpara ng iba at pag-away nila ni Bobbie. Dito nagsimula ang pagkakaroon niya ng victim mentality. Ang victim mentality ay pag-iisip ng tao na isa siyang biktima sa lahat ng sitwasyon. Kadalasan ay iniisip niya na lahat ng tao ay kumokontra sa kanya. Bukod dito, mahilig sila magsisi ng pagkakamali sa iba, at madalas sila maging defensive at magkaroon ng angry outbursts (Raypole, 2019). Lahat ng ito ay makikita sa bahagi na biglang nagalit si Alex kay Gabbie at, sinisisi niya ito dahil kinampihan daw ni Gabbie si Bobbie noon. 4) Gabbie Si Gabbie ang bunsong anak na babae na maaga pa lang ay mature at may maternal instincts. Static ang uri ng karakter ni Gabbie. Sa buong pelikula, nanatili ang kaniyang pag-aalaga sa ina. Bukod dito, siya rin ang tumutulong sa gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglilinis ng bahay, pamamalengke, at iba pa. Sa huli, mauulit ang linya ng batang Gabbie na “Naglaro ang mga bata” nang magkulitan ang matandang Teddie, Bobbie, at Alex. Maliban sa nabanggit, may katangian rin si Gabbie ng pagseself sacrifice -- isang kultura na ipapaliwanag sa pahina 20. III.

Pananamit

Ang costume o damit na ginamit ng mga pangunahing tauhan ay kinakatawan ang mga katangian nila. Sa unang larawan, makikita ang pagkakaiba ng apat na tao batay sa asta at pananamit nila: (1) si Alex na itim ang suot at maikling shorts na sumisimbolo sa pagka-”blacksheep” o rebelde niya, at pagkakaiba niya sa magkakapatid; (2) si Teddie na mahilig magsuot ng matingkad na damit na maraming disenyo na kinakatawan ang kagustuhan niyang magmukang confident, sosyal, at successful; (3) si Gabbie na walang kinikilingan at simpleng tao, kaya ang mga suot niya ay puro neutral colors; (4) at si Bobbie na effortless ang pananamit -- madalas puti ang suot niya na pinapahiwatig ang pagka-classy pero mapagpakumbaba niya dahil sa simpleng mga accessories at kasuotan. Sa pangalawang larawan naman, makikita ang contrast ng pambahay na damit ni Teddie at Bobbie. Binibigyang diin ang paggamit ni Teddie ng silk or satin robe upang magbigay ng impression na maayos ang pamumuhay niya sa Spain. Sa kabilang banda, kahit si Bobbie ang totoong may pera at may kaya sa magkakapatid, nanatili siyang “lowkey” sa pananamit dahil ayaw niyang makakuha ng atensyon. 1) Teddie

Katulad ng nabanggit sa unang talata, maraming pattern at matingkad na kulay ang mga damit ni Teddie. Bilang paboritong anak na nabigo, agad nawala ang confidence o tiwala niya sa sarili. Pero dahil hawak niya ang responsibilidad ng panganay, inisip niya na kailangan niyang manatiling malakas. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pagpapamukha na successful siya. Upang mag-stand out, at mag-fit in, sinigurado niya na ang mga damit niya ay flashy at nakakapukaw ng pansin. Ang suot niya sa airport ay blazer and pants set at heels; silk or satin robe sa bahay; at

blazer and dress shorts set sa pamamanhikan. Maaaring ipagtanto ng manonood na nagsisilbing shield o kalasag ang damit para kay Teddie. Para sa kanya, damit na lang at ang false confidence ang maaari niyang panghawakan na sagisag ng success at maraming achievements. 2) Mga Bayag

Kung si Teddie ay ginagamit ang mga damit bilang kalasag sa realidad ng kaniyang buhay, ang mga Bayag ay ginagamit ang damit bilang salamin na naglalarawan sa kanilang yaman. Katulad ni Teddie, mahilig ang mga Bayag sa mga kasuotan na nakakapukaw ng pansin -- mga kulay na matingkad, at mga damit na hindi karaniwang nakikita. Maoobserbahan na mayabang at mapagmataas ang mga magulang ni Princess sa simula, at sadya ang pagpaparamdam nila sa pamilyang Salazar na mahihirap sila. Minsan may mga tao rin na sadyang pinapakita sa lahat ang sosyal na kasuotan nila upang magyabang. Maaaring iugnay ang pagiging materialistic nila sa kanilang mga damit. 3) Bobbie

Si Bobbie ay ang kabaliktaran ni Teddie at mga Bayag: simple manamit pero classy. Mapapansin sa pelikula na plain white and black lang ang kulay ng mga suot ni Bobbie, pero nagpapakita pa rin ng “yaman” dahil sa kaniyang pag-asta at kaunting accessories. Bukod dito, pinapakita ang personalidad ni Bobbie na ayaw niya mapunta sa spotlight, at gusto niya manatiling lowkey o bahagi lang ng madla. Pinapakita ng costume niya ang pagiging effortless at mapagpakumbaba niya. Mapapansin rin na

kahit siya ang pinaka ayaw ng mga tauhan sa pelikula, mabuti ang loob niya. Sinisimbolo itong pag-uugali ng mga puti niyang suot na damit. 4) Alex

Batay sa lahat ng larawan, mapapansin na si Alex lang ang nagsusuot ng madilim na kulay ng damit. Maliban dito, siya lang rin ang madalas na nagsusuot ng maikli na pambaba o shorts. Gothic ang estilo ng damit ni Alex, at maaaring binibigyan ito ng impresyon na siya ay unique o iba sa magkakapatid, at siya ay “nagrerebelde”. Maaari rin iugnay ang maitim niyang suot sa p...


Similar Free PDFs