G8-FIL- 4TH-QTR- Final PDF

Title G8-FIL- 4TH-QTR- Final
Author Michael Panlican
Course Filipino 8
Institution Mabalacat City College
Pages 38
File Size 4.1 MB
File Type PDF
Total Downloads 5
Total Views 91

Summary

+1 | OPM S. 202 0- 2021PAMANTAYANG PANGNILALAMANNAiPAmAmAlAs ng mAg-AArAl Ang PAg-unAwA SA iSAng dAkilAngAkdAng PAmPAnitikAn nA mAPAgkukunAn ng mAhAhAlAgAngkAisiPAng mAgAgAmit SAPAgluTAs ng ilAng sulirAnin SA lipunAng Pilipino SA kASAlukuyAnPAMANTAYAN SA PAGGANAPAng MAg-AARAl Ay nAkAbubuo ng MAkAtot...


Description

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

NAiPAmAmAlAs ng mA g-AAr Al Ang PAg-unAw A SA iSAng dAkilAng AkdA ng PAm PAnitik An nA mA PAgkukun An ng mAhAhA lAgA ngkAisiPAng mAgA gAmit SA PAglu TA s ng ilAng sulirAnin SA lipunAng Pilipino SA kASAl ukuy An

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang MAg-AARAl A y n Ak Abubuo ng MAkA toto HAn Ang RAdio bro A dCAst nA n AghAHAmbing sA lipunA ng Pilipino s A pA nA hon ni BAlA gt As A t sA k A sA lukuyA n

G8-FILIPINO/4QTR

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Natitiyak ang kaligirang kasayayan ng akda sa pamamagitan ng: -pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahon ito -pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda -pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat;( F8PB-IVa-b-33) 2. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggan/nabasang pahiwatig sa akda;( F8PN-IVa-b-33) 3. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may akda,gamit ang wika ng kabataan.(F8WG-IVa-b-35) II. Paksang Aralin / Lunsaran Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura Talambuhay ni Balagtas Tauhan sa Florante at Laura Sanggunian :

Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8, Phoenix Publishing House Ailene Baia Julian et, al pp.483-502

III. Pamamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin Napakahusay mo sa nagdaang aralin. Ngayon naman ay ating lakbayin ang akdang tunay na maipagmamalaki natin. Mula sa ting mga lolo at lola hanggang ating mga ate at kuya ay naririnig natin ang walang kapantay na pagmamahalan ng dalawang magsing-irog na kahit anumang hadlang ay di sila magpapatalo . Handa ka na? Halika , Simulan na natin!

Para sa MDL #COMPLETEME. Panuto: Buuin ang mga salita upang mahulaan ang nilalaman ng kahon batay sa mga aklat na nasulat sa panahon ng kastila ito. 1. _ B_ _ G _____ N _ - kuwento ukol sa tatlong prinsipe at kanilang

pakikipagsapalaran. 2. N_L I _E T_N_E_ E- Sinulat ni Joe Rizal na ang pangunahing tauhan ay sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. 3. E_ F_L_B_ _T _ _IS_ O - Pangunahing tauhan ay si Simon at Isagani 4. F_O_ A N _ E at L_U_A – wagas na pagmamahalan ang naging lakas nila sa paglaban sa kaliluhan ni Conde Adolfo. 5. _LUM_ - gamiting aklat sa Filipino

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga akdang ito ? Sa aking palagay ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga akdang ito ay _

2 | S.Y. 2020-2021

_ _.

G8-FILIPINO/4QTR

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin: Para sa MDL: Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Pagkatapos ay bilugan ang mga titik ng (3) tatlong pahayag na maaring mahinuha /matukoy ang may kaugnayan sa; 1.) kalagayan sa lipunan ng akdang naisulat. a. Karamihan sa naisulat noon ay nasa wikang Espanyol b. Malayang nakasusulat ang mga Pilipino sa wikang Ingles c. Makatarungan ang mga namumunong kastila kaya’t malayang naisusulat ng mga Pilipino ang kanilang saloobin. d. Nangingibabaw sa mga naisulat sa panahong ito ang tema ukol sa relihiyon. e. Mahigpit ang sensura, ipinagbabawal ang pagtuliga sa kalupitan ng mga kastila sa mga Pilipino 2.) Layunin sa pagsulat ng akda a. mailarawan ng sumulat ang kabiguan, kaapihan, kawalang katarungan sa lipunang ginagalawan. b. maipagyabang ang akdang naisulat. c. makabuo ng isang akdang inaalay sa nagpatibok sa kanyang puso d. maihayag ang naghaharing saloobin sa puso batay sa pamamahalan ng mga kastila e. makabenta ng marami ang kanyang akda. 3.) Batay sa mga naging hinuha mo sa titik A at B. Alin sa mga ito ang maaring epekto sa mambabasa. Bilugan ang titik na para sa iyo ang pinakamahusay na sagot. Patunayan. a. Napapahalagahan ng kabataang tulad ko ang mga akdang naisulat lalo’t may kinalaman sa tunay na karanasan sa buhay ng sumulat na maaaring maging gabay sa pang-araw-araw na buhay. b. Ang tao ay dapat na pantay-pantay sa kalagayang panlipunan sa pagtamo ng edukasyon, pananampalataya at pati na rin sa larangan ng pag-ibig. Malayang nakapagpapahayag ng saloobin ang tao upang maibahagi ito sa nakakarami na maaaring kapulutan ng aral ng walang pag- aalinlangan. _ _ _ _ C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Para sa MDL :Basahin at unawain ang teksto.Gawing gabay ang mga pahayag sa itaas upang lubos itong maunawaan KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito mahigpit ang ipinatupad na sensura kaya't ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol. Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o kaya'y sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyanong tinatawag ding komedya o moro-moro, gayundin ng mga diksiyonaryo at aklat panggramatika. Sa kabila ng mahigpit na sensura ng mga Espanyol ay naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang awit dahil relihiyon at paglalaban ng mga Moro at Kristiyano rin ang temang ginamit niya rito bagama't naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Naitago niya sa pamamagitan ng paggamit ng alegorya ang mensahe pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol. Gumamit din siya ng simbolismong kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo.

3 | S .Y. 2 020-2021

G8-FILIPINO/4QTR Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan ng kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga naganap na kaliluan, kalupitan at kawalang katarungan sa Pilipinas sa pamamahala mga Espanyol. Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K, Santos apat na himagsik na naghari sa puso at isipan ni Balagtas. (1) Ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2) ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya (3) ang himagsik laban sa mga maling kaugalian at (4) ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan . Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra maestra ng panitikang Pilipino at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon. Isinulat niya kasi ang kanyang akda sa wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga Pilipinong manunulat ay nagsisisulat sa wikang Espanyol. Ang awit ay inialay ni Balagtas kay "Selya" o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan. Sinasabing isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan siya nakulong dahil sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nanong Kapule. Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik at kawalang katarungang naranasan ni Kiko sa lipunang kanyang ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya upang likhain ang walang kamatayang Florante at Laura. Ang awit ay nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili, gayundin ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman. Ipinakita rin sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano. Sa panahong ang kababaihan ay mailalarawang mahinhin, hindi makabasag pinggan at mahina, binigyang-diin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan ni Flerida, isang babaeng Muslim. Sa halip na maging sunod sunuran lang sa makapangyarihang kalalakihan sa kanyang paligid tulad ng nakagawian ng kababaihan noon, pinili niyang tumakas mula sa mapaniil na Sultan at harapin nang mag-isa ang mga panganib sa labas ng palasyo at mga kagubatan upang hanapin ang kanyang napawalay na kasintahan. Siya rin ang pumutol sa kasamaan ng buhong na si Adolfo sa pamamagitan ng kanyang palaso. Ito'y mga katangiang taliwas sa mga katangiang madalas gamitin sa paglalarawan sa kababaihan lalo na noon. Sa halip na siya ang hinanap at iniligtas, siya ang naghanap at nakapagligtas sa ng buhay ng kapwa niya babae, Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino. Sinasabing si Dr, Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya'y naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere, Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901. Bagama't napakatagal nang panahon mula nang isulat ni Balagtas ang awit ay hindi mapasusubaliang ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon. A. Pag-usapan Natin 1. Ano ang kalagayan ng bansa sa panahong isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura? _ _ _ 2. Ano ano ang naging layunin ni Balagtas sa pagsulat niya ng Florante at Laura? _ _ _ 3. Ano ang ginamit ni Balagtas upang maitago nito ang mensaheng nakapaloob sa kanyang akda? Bakit? _________________________________________________________________ 4. Isulat ang apat na himagsik na masasalamin sa Florante at Laura. _ _ _ _ 5. Sino-sinong mga bayani ang naimpluwensyahan ng Florante at Laura? _

4 | S .Y. 2 020-2021

G8-FILIPINO/4QTR

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 Para sa MDL: #Dagdagan natin. Paunlarin natin ang iyong kaalaman sa pagbasa muli ng isa pang teksto. TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS Tubong Bulacan ang Prinsipe ng Makatang Tagalog. Isinilang siya noong ika-2 ng Abril 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Ngayon ay Balagtas na ang tawag sa lugar ng kanyang kapanganakan bilang pagpaparangal sa kanya na dakilang makatang anak ng Bulacan. Mahirap lamang ang kanyang pamilya. Si Juan Balagtas, ang kanyang ama, at si Juana dela Cruz naman, ang kanyang ina. Kiko ang ipinalayaw kay Francisco. Musmos pa lamang ay kinakitaan na siya ng talino at hilig sa pag-aaral. Dahil sa kahirapan kinakailangan niyang manilbihan bilang utusan sa Tondo, Maynila. Ang kapalit ng kanyang paninilbihan kay Donya Trinidad ay ang pagpapaaral nito sa kanya. Pinag-aral siya sa Colegio de San Jose at dito ay nakatapos ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografía y Fisica, at Doctrina Christiana. Ang mga nabanggit ay ang mga karunungang kinailangan niyang malaman upang makapagaral siya ng Canones, ang batas ng pananampalataya. Bukod dito, pinalad siyang makapagaral sa isa pang paaralan, ang San Juan De Letran. Natapos niya ang Humanidades, Teologia, at Filosofia. Dito niya naging guro si Padre Mariano Pilapil, isang bantog na guro na sumulat ng Pasyon. Naging bukambibig ang pangalan ni Kiko sa larangan ng pagbigkas ng tula, Madalas siyang rnaanyayahan sa iba 't ibang pagdiriwang upang bumigkas ng tula. Naging makulay ang kanyang pagbibinata at naging bantog na makata. Ang angking husay niya rin sa pagbigkas ng tula ang dahilan kung bakit maraming kababaihan ang humanga sa kanya. Subalit isang dilag na nagngangalang Magdalena Ana Ramos ang unang bumihag sa kanyang puso. Sinikap niyang handugan ang dalaga ng isang tula para sa kaarawan nito ngunit sa kasamaang-palad ay hindi siya natulungan ng isa pang makatang tumutulong sa pagaayos ng tula. Ang tulang ipaaayos niya sana kay Jose dela Cruz, na tinawag ding Huseng Sisiw, ay hindi nito tinanggap sa kadahilanang wala siyang dalang sisiw na ipambabayad. Ang pangyayaring iyon ang nagtulak kay Balagtas na pagbutihin ang kanyang kakayahan sa paglikha ng tula. Hindi naglaon at namayagpag sa larangan ng panulaan si Balagtas at nangulimlim naman ang kabantugan ni Huseng Sisiw. Mula sa Tondo ay lumipat si Balagtas sa Pandacan. Dito niya nakilala si 'Selya" o Maria Asuncion Rivera sa tunay na buhay. Napaibig niya ang dalaga at naging magkasintahan sila. Subalit nagkaroon siya ng mahigpit na katunggali sa pag-ibig ng dalaga sa katauhan ni "Nanong" Mariano Kapule. Si Nanong ay mula sa isang may kaya at makapangyarihang pamilya. Sa kagustuhan niyang hindi na makahadlang pa si Balagtas sa kanyang panunuyo kay Selya ay ipinabilanggo niya ang makata. Pinagdusahan ni Balagtas sa bilangguan ang isang maling paratang. Dumagdag pa sa kanyang dalahin ang balitang nagpakasal na dalagang iniibig niya sa kanyang karibal. Pinaniwalaang dahil sa kabiguang ito ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang Florante at Laura. Bagama't may ilang nagsasabing tinapos niya ang obra sa Udyong, Bataan, dito sa lalawigang ito siya nanirahan pagkatapos ng kanyang pagkabilanggo at dito rin niya nakilala ang babaeng iniharap niya sa dambana, si Juana Tiambeng. Sa edad na 54 ni Balagtas, ikinasal sila ni Juana sa kabila ng pagtutol ng magulang ng dalaga dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad. Muling nakilala ang husay ni Balagtas. Naging kawani siya sa hukuman at hindi naglaon ay naging Tenyente Mayor at Juez de Sementera. Noong mga panahong iyon ang posisyong 'iyon ay pinagpipitaganan. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, sa lalawigan din ng Bataan ay muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan ni Alferez Lucas. Bagama't lumaban siya sa kaso at sadyang naubos ang kanyang kayamanan sa pag-apela, pinagdusahan pa rin niya ang paratang na iyon sa kulungan. Sa isang kisapmata'y nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Paglabas niya ng piitan, sinalubong siya ng hirap ng buhay dahil naubos na ang kanyang kabuhayan. Gayumpama'y ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagsulat hanggang sa bawian siya ng buhay noong ika-20 ng Pebrero taong 1862 sa gulang na 74. Naulila niya ang kanyang asawang si Juana at ang apat nilang anak. Lumisan man siya sa mundong ito ay iniwan niya namang buhay sa alaala ng mga Pilipino ang maraming imortal na obrang bagama't gumamit ng alegorya upang maitago ang tunay na mensahe ng akda ay sumasalamin pa rin sa mga kalakaran sa totoong buhay. Isa na sa mga ito ang Florante at Laura. Sinasabing ang mga pasakit sa buhay na naranasan ni Balagtas ang pumanday sa kanya upang maging isang mahusay na manunulat.

5 | S .Y. 2 020-2021

G8-FILIPINO/4QTR Nakatulong rin ang mga himagsik ng damdaming naghari sa puso't isipan niya nang mga panahong iyon. Taglay ng Florante at Laura ang mga himagsik na ito. Bagama't naisulat sa panahon kung kailan napakahigpit ng sensura ng mga Espanyol sa mga akdang Pilipino, naging mapangahas ang obrang ito. Kung magiging mapanuri rin ang mga mambabasa, makikita nilang ang awit ay hitik na hitik sa mga aral at pagpapahalagang magagamit bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng maling pagpapalayaw ng magulang sa kanilang anak, pagkamainggitin na nauuwi sa paggawa ng hindi mabuti sa kapwa, pagbabalatkayo na nagbubunsod ng pagiging mapaghiganti, ang hindi kanais-nais na paguugaling pagpapaliban ng gawain, at pagiging sobrang mapagpaniwala. Masasabing ang obrang Florante at Laura ay naging daan upang mapataas ang antas ng panitikan noong panahong walang layang makasulat at makapagpahayag ng mga kaisipan, pagkamalikhain, at damdamin ng mga mahuhusay na manunulat. Ito'y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman. Dahil sa angking kakayahan, determinasyon, at katatagan ni Balagtas, isinilang ang isang obra-maestrang nagtaas sa antas ng sining ng panitikan. Tunay ngang karapat-dapat na tawaging Prinsipe ng Makatang Tagalog si Francisco Balagtas. Para sa MDL: Subukan natin kung nauunawaan mo ang teksto gawin ang gawain sa ibaba Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot 1. Ano ang kalagayan sa buhay ni Florante? a. mayaman b. mahirap c. katamtaman d. pulubi 2. Paano nakapag-aral si Balagtas? a. namasukang katulong b. nagnakaw c. namasukang tindera d. huminto na lang sa pag-aaral 3. Paano natuklasan ni Kiko ang galing niya sa pagsulat ng tula? a. nagsaliksik siya b. may nakapagsabi sa kanya c. nang tinangihan siya ni Huseng Sisiw sa paggawa ng tula sapagkat wala siyang dalang sisiw na pambayad d. nang tangihan siya ni Huseng Sisiw sapagkat wala siyang perang pambayad. 4. Ano- ano ang mga pasakit na dinanas ni Kiko sa kanyang buhay? a. pagkamatay ng kaniyang mga magulang at iniibig b. pagkakakulong at pagpapakasal ng kanyang minamamahal c. pagkalugi ng kanyang negosyo d. pagkasunog ng kanyang mga akda 5. Bakit mahalagang magkaroon ng isang huwarang dapat tularan lalo na ang mga kabataan sa kasalukuyan? a. wala lang para masaya b. maging inspirasyon at gawin gabay upang tulad nila ay maging matatag sa pagsuong sa pagsubok ng buhay c. para huwag tularan ang mga bagay na nangyari sa kanyang buhay d. nang hindi na magkamali at matulad sa kanya

6 | S.Y. 2 020-2021

G8-FILIPINO/4QTR

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 Paghinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura.Sagutan ang tsart ayon sa sariling pang-unawa Pangyayari sa Akda Katulad na Pangyayari sa Katulad na Pangyayari sa Teleserye Tunay na Buhay Mas pinili ng magulang ni M.A.R si Nanong Kapule kaysa kay Balagtas pagkat ito ay galing sa mayamang pamilya Pamamasukan upang maipagpatuloy lamang ang pag-aral Ipapakulong ang lalaking iniibig ng babae upang maangkin lamang ito 1. Ano ang gagawin mo kung sakaling maranasan mo ang kawalang katarungan sa iyo nang dahil lamang sa kalagayan mo sa buhay? ____________________________________________ 2. Batay sa ginawa mong paghahambing sa pangyayari sa akda at sa pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan, ano sa iyong palagay ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura? _ _ _ _

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) Para sa MDL: Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung totoo ang pahayag at M naman kung ito ay mali _1. Si Balagtas ay kilala bilang si Nanu Kapule. _2. Apat ang himagsik na naghahari sa puso ni Balagtas. _3. Naging madali ang buhay ni Balagtas. _4. Naging inspirasyon nina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang akdang Florante at Laura. _______5.Naisulat ni Balagtas ang Florante at Laura habang ito ay nasa kulungan.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay H. Paglalahat ng Aralin Panuto: Isulat sa pahina ng aklat ng angkop na datos mula sa mga binasang akda. Pumili ng angkop na sagot sa tsart. 1.Nakulong si Balagtas sa salang paggupit sa buhok ng isang katulong 2. Umibig at nasaktan kay Maria Asuncion Rivera. 3.Pumasok na katulong upang makapag -aral 4.Naisulat niya ang ang Totoy Bato 5.1838 naisulat ang Florante at Laura 6.Naipakita ni Balagtas ang apat na himagsik na naghahari sa kanyang puso 7. Inpirasyon ni Rizal ang akdang Florante at Laura 8. Naipalimbag ang Florante at Laura sa panahon ng mga Amerikano

7 | S.Y. 2 020-2021

G8-FILIPINO/4QTR Kaligirang kasaysayan ng Florante at Laura

Talambuhay ni Florante at Laura

1.

1.

2.

2.

3.

3.

I. Pagtataya Para sa MDL: Pangalan: _ _ Taon at Pangkat: _ _ Petsa_ Panuto: Isulat sa kaukulang bayan o lugar ang mga salita /pangyayari sa buhay ni Balagtas BULACAN MAYNILA BATAAN

Kartila at karton Abril 2 ,1788 Panginay

Huseng Sisiw Maria Asuncion Rivera Nakulong

Juana Tiambeng Juez Sementera nasunog ang kanyang mga akda

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation Para sa MDL: Sumulat ng tulang may sukat at tugma Kung ikaw si Balagtas at magsasalita ka sa mga kabataan sa kasalukuyan. Ano ang iyong sasabihin, upang mabigyan sila ng inspirasyon lalo na ngayong nahaharap sila sa pandemya? _______________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ ______

8 | S. Y. 2020-202 1

_

G8-FILIPINO/4QTR Para sa MDL: LAGUMANG PAGSUSULIT KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE at LAURA Pangalan_ Taon at Pangkat: Petsa PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. _ 1. Taong naisulat ang Florante at Laura (a. 1838 b. 1389 c.1938 d.1888) _ 2. Taong ipinanganak si Balagtas (a. 1738 b. 1789 c.1788 d.1988 ) _ 3. Taong namatay si Balagtas (a. 1838 b. 1882 c.1862 d.1878) _ 4. Ang pinakakaibig ni Balagtas (a. M.A. R b. Flerida c.Magdalena d. Juana Tiambeng) _ 5. Lugar ipinanganak si Kiko (a. Panginay Bataan b...


Similar Free PDFs