Gawain BLG. 1 - ANTI- Bullying ACT (RA 10627) 2 PDF

Title Gawain BLG. 1 - ANTI- Bullying ACT (RA 10627) 2
Author Tan, Maria. Lourdes Grospe
Course Education
Institution University of Northern Philippines
Pages 4
File Size 108.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 9
Total Views 56

Summary

Pangalan: maria. Lourdes grospe tan petsa: enero 19, 2022Pangkat: btled-1a marka:1. Kr: anti-bulying act (ra 10627)Ang batas na ito ay nag bibigay proteksyon sa mga batang nag aaral sa kindergarten, elementary, and secondary schools and learning centers (collectively, “schools”) na walang kakayahan ...


Description

Pangalan: maria. Lourdes grospe tan

petsa: enero 19, 2022

Pangkat: btled-1a

marka:

1. Kr: anti-bulying act (ra 10627) Ang batas na ito ay nag bibigay proteksyon sa mga batang nag aaral sa kindergarten, elementary, and secondary schools and learning centers (collectively, “schools”) na walang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga bully na kung saan unang pinatupad ito sa lahat ng paaralan maging ito man ay pribado o pampubliko. Ang aking natutunan sa anti-bullying Law na aking pinanood, unang-una ay hindi magandang gawain ang mang bully sa mga kabataan dahil ito ay may kaakibat na masamang epekto para sa mental na pag iisip at ganun na din sa kanilang pisikal na ka-anyuan. Ang bullying ay isa sa mga masasamang ginagawa ng mga batang may kapangyarihan na pag-laruan ang isang batang walang kalaban-laban at kayang takutin sila. Dahil sa bullying nasisira ang kinabukasan ng isang bata dahil nawawalan sila ng gana pumasok dahil alam nila na pagtitripan nanaman siya ng mga bumubully sa kanya. Mapapabayaan niya rin ang kanyang pag-aaral dahil sa pagbu-bully ng mga kaklase niya. Kaya kailangan na maisagawa na ang anti-bullying act para sa magandang kinabukasan ng mga batang nabu-bully. Pangalawa, mahalagang may anti-bullying law lalo na sa mga kabataan dahil ito ang nagpoprotekta laban sa diskriminasyon at pananakit ng kapwa nila kabataan o kamag aaral. Ang antibullying law ang nagpro-protekta sa bawat isa. Dahil sa naturang batas, naiiwasang magkaroon ng mga gulo. Kadalasang nambubully ay yaong mga nabully rin. Dahil sa law na ito, napuputol o natitigil ang mga away away. Napapanatili kahit papaano ang kapayapaan. Pangatlo, hindi lamang dapat sa paaralan pinapatupad ang anti-bullying law, dahil ito ay nangyayari sa loob at labas ng paaralan. Sa pamamagitan lamang ng mag sasabi ng masasakit na salita sa biktima ay masasabi na itong pang bubully at mayroon na agad itong kaakibat na parusa ngunit mas mabigat ang parusa kapag sinaktan muna ang biktima. Pang-apat, ang pamamahiya sa mag-aaral ng guro ay pinagbabawal dahil ito narin ay isang uri ng bullying maging ang pananakit pisikal o berbal. Ang batas na ito ay walang pinapanigan mayaman ka man o may may kapit sa kilalang tao o di kaya’y ikaw ay isang mahirap. Ang pang-huli, kapag ang biktima ay nakaranas ng pang bubully maaaring lumapit o humingi ng tulong sa mga kina uukulan katulad ng principal o magulang, maaari din na sa dswd o DepEd humingi ng tulong o mga kilalang opisyal na nag tatangol ng mga nang aapi. Ang pang bubully ay hindi marapat na gawin at hindi kalian man ito nagging tama. Kung tayo man ay ma- bully marapat lang na tumayo tayo sa sarili nating mga paa at matutung lumaban, hindi para sila ay saktan din kundi upang maipagtanggol ang ating sarilli laban sa mga taong mapag samantala. Hangga’t maaari matuto tayong umiwas sa gulo at sa mga taong alam natin na mahilig mang trip o maki pag away. at hangga’t kaya natin umintindi at kausapin sila gawin natin upang malinawan kung saan nanggagaling ang kanilang rason sa pang bubully, ngunit kung hindi na tlaga kaya maaari na natin itong ipag-bigay alam sa mga kinauukulan upang paresulbahan.

2. Lm: Cyberbully Ang cyberbullying ay ang pambubuska o pang bubully sa pamamagitan ng social media. Nasasaktan ng lubos ang mga biktima nito kaya't marami sa iba dito ay nagtatangkang magpakamatay dahil sa sobrang kahihiyan. Ang mga natutunan ko dito ay umiwas sa pagbibigay impormasyon sa mga di kilalang tao o dummy accounts sa social media para wala silang mahanap na pwedeng ipangblackmail sa iyo. Natuto na ako mas maging secure sa internet and to be more secure Mas nagiging strong ako kasi hindi ako nagpaapekto sa mga sinasabi ng online bully Natutunan ko din na maging open sa mga close friends and family ko kapag may naeencounter ako problema. Ang panunukso online ay hindi magandang Gawain, makaka epekto ito sa biktima sa pamamagitan ng pag kasira ng pangalan mo sa social media at mag iiba ang tingin ng mga tao s aiyo. Halimbawa nag post ang bully mo ng malaswang larawan at sinasabi na ikaw ito, ngunit ang totoo hindi ikaw iyon. Maaaring magkaroon ka ng depresyon na mauuwi sa pag patay ng iyong sarili. Panatilihing ikaw ay may koneksyon sa ibang tao na close sayo, laging magsabi ng problema sa iyong magulang/pamilya at sa kaibigan upang maiwasan ang ganitong sitwasyon. Marapat din na mag-isip muna ng Mabuti bago i-post ang gustong i-post, sabi nga nila “think before you click” ,upang hindi ka lalong mapapahamak. Kung ikaw man ay mag popost mabuting may pangalan ng nambubully sa iyo upang sya ay mabigyan ng nararapat na parusa.

B. Pagkatapos maisulat ang natutunan sa video clip ikaw naman ay sumulat ng isang reflective journal hinggil dito. Ang anti-bullying ay isang batas na makakatulong upang labanan ang mga taong nambubully sa mga kabataan na walang kalaban-laban at mahina nag kaooban. Ito ay nagsisilbing kakampi ng mga batang api. Ang bullying ay masama. Kasi bakit nila binu-bully yung ibang tao kung wla naman silang ginagawang masama sa iyo o kaya kung meron, dapat marunong mag patawad kasi you can't just judge someone by their appearance. Kailangan kilalanin muna natin yung tao, bago natin i-bully. Malay mo madami syang pinagdadaanan tapos makadagdag ka pa sa stress nung taong binu-bully mo baka mamaya ikaw pa ang maging dahilan na iniisip nya na wala nang halaga ang kanyang buhay. Ang pangbubully ay maaaring maging sanhi ng di magandang resulta katulad na lamang ng pagpapakamatay. Ang pang bubully ay hindi maaaring ipag-walang bahala dahil hindi ito basta-basta lamang. Ang mithiin nito ay upang mapangalagaan ang mga kabataan sa kung sino man o ano man ang maaaring sumira sa kanilang pag katao. Ako ay isa din na kabataan na nag hahangad ng isang maayos na buhay kabataan at naghahangad na maka pagtapos sa kursong aking kinuha. Ako ay nakakaranas ng din ma-bully sa highschool noon dahil sa mataba at mahina ang ang resistensya, ngunit bilang isang maunawain ay akin itong tiniis at natotong lumaban sa aking mga bully. Dahil ito sa tulong ng aking mga magulang at kaibigan maging ang aking guro. Ang gusto kong iparating ay kung kaya kong labanan ang

mga bully ko, ganun din ang mga kabataan na parehas ko lamang, kaya din nila itong labanan at mapag tagumpayan hangga’t meron silang mga taong malalapit sa kinilang malalapitan o masasandalan. Hindi madaling maka-iwas sa mga bully na tao, maraming nagging biktima, mga nagpakamatay at higit sa lahat lalong nag hirap. Kung kaya’t malaking tulong ang anti-bullying act na ipinatupad noong mga nag daang taon. Dahil dito bumaba ang kaso ng bullying sa bansa. At tumataas na ang kompyansa sa sarili ng ilang kabataasn, sila’y nagiging palaban na at nagkakaroon na sila ng boses para sa kanilang sarili. Mayroon akong nakasamamuha na aking kaklase, sya ay lagging tahimik, hindi nakikisama sa ibang kabataan at hindi nag pipresenta sa klase. Hindi sya komportable sa ibang tao, sa kadahilanang sya ay nabubullly dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan. Dito pa lamang makikita na natin ang result ana bullying, hindi maka kilos ng maayos, laging alerto sa paligid, Lumiliban sa klase, Mababa ang grado ,Nagkakaroon ng depresyon ,Pagpapakamatay, Pagiging bully na din sa kanyang kapwa mag-aaral at hindi magiging malusog. Ito ang dapat na iwasan dahil masisira ang kinabukasan ng mga kabataan dahil dito. Kung ako man ang mabubully, hindi ko hahayaan na ito ang sisira sa aking buhay. Ako ay magiging isang matapang at may paninindigan bilang isang tao, kabataan, mamamayan ng aking bansa at anak ng aking magulang, kaibigan ng aking kaibigan at bilang anak ng Diyos. Ako ay lalaban at hindi mag papa api ninoman. Sa ganitong sitwasyon, maaari nang lumapit sa kinauukulan upang humingi ng tulong at salamat ito sa Anti-Bullying Act na pinatupad sa bansa. Dahil dito nagiging at mas magiging maayos pa ang buhay ng bawat kabataan sa bansang Pilipinas.

Pamantayan sa pagsulat ng Reflective Journal Kraytirya

Indikeytor

Puntos

Anyo

● Baybay ● Balarila ● Pagbuo ng Pangungusap

10

Organisasyon

● Kompleto ● Nasa Oras ● Talaan ng Nilalaman

20

Kabatiran ng mga Pangunahing Konsepto

● Pangunahing Konsepto ● Katibayan ng Pagkaunawa pagtatapos

Repleksiyon

● Isa sa bawat katha ● Lalim ng repleksiyon ● Kakayahang tayahin ang sarili

Kabuoan

ng

30

40 100...


Similar Free PDFs