GEC 111 Handouts 15 REHIYON VIII (SILANGANG BISAYAS) PDF

Title GEC 111 Handouts 15 REHIYON VIII (SILANGANG BISAYAS)
Author Anonymous User
Course Literatures
Institution St. Anthony's College
Pages 5
File Size 313 KB
File Type PDF
Total Downloads 256
Total Views 596

Summary

ST. ANTHONY’S COLLEGESan Jose, Antique Liberal- Arts Education DepartmentGEC 111: INTRODUKSYON SA PANITIKAN NG PILIPINASARALIN 15REHIYON VIII(SILANGANG BISAYAS)Ang Rehiyon ay tinaguriang LUKLUKAN NG KASAYSAYAN. Sa Rehiyon makikita ang isa sa makasaysayang lugar, ang Isla ng Limasawa sa Timog Leyte a...


Description

ST. ANTHONY’S COLLEGE San Jose, Antique Liberal- Arts Education Department

GEC 111: INTRODUKSYON SA PANITIKAN NG PILIPINAS ARALIN 15

REHIYON VIII (SILANGANG BISAYAS)

LALAWIGAN

KABISERA

Leyte

Tacloban City

Timog Leyte

Maasin City

Biliran

Naval

Hilagang Samar Silangang Samar

Catarman Borongan City

Kanlurang Samar

Catbalogan City

Ang Rehiyon ay tinaguriang LUKLUKAN NG KASAYSAYAN. Sa Rehiyon makikita ang isa sa makasaysayang lugar, ang Isla ng Limasawa sa Timog Leyte at ang bayan ng Palo, Leyte. Ang wikang ginagamit dito ay ang Waray at Cebuano. Malimit daanan ng bagyo ang Rehiyon dahil ito‟y nasa Typhoon Belt. Pintados- Kasadyaan Festival isang pista sa Rehiyon (Tacloban City) na base sa mga tatoo sa katawan bilang alay sa mga naunang mangtatatoo o “Pintados” na mandirigma noong 1986 isinabay ito sa Kasadyaan festival na ginaganap tuwing ika 29 ng Hunyo. Kinilala ang Samar bilang pangatlo sa pinakamalaking pulo sa buong Pilipinas. Kinilala rin ang Tacloban City bilang Prinsesa ng Silangang Bisaya dahil ito ang sentro ng komersyo at edukasyon. Sa Rehiyon din makikita ang pinakamahabang sa bansa na may habang 2,200 metro at nagkokonekta sa lalawigan ng Leyte papuntang Samar, ang San Juanico Bridge. An Kaadlawon ay ang unang pahayagan na nagtataglay ng sanaysay at tulang waray Kadalasang naaalala bilang katawa-tawa Ang Irignom ay isang bahagi ng pagtitipon na nagbibigay ng pagkakataon upang awitin o

makalikha ng bagong awit ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT 1. MERIE N. ALUNAN Isa sa mga manunulat na babae sa Silangang Bisaya na nakilala bilang makata sa Ingles. Marami sa mga tula niya ay napaloob sa antolohiya ng mga tulang Pilipino. Isa sa kanyang tulang nagwagi ng gantimpala ay “Heartsone of Sacred Tree”. Marami sa mga tula niya ay napaloob sa antolohiya ng mga tulang Pilipino. 2. ONOFRE BALDEMOR Isa sa mahuhusay na makata na nagmula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagpalipat-lipat bilang manunulat sa dyaryo, editor at public relations consultant ng iba‟t ibang publikasyon. 3. JAIME C. DE VEYRA Isa siyang manunulat, iskolar at pulitiko. Siya ang kauna-unahang nanungkulan bilang patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa simula 1937-1941. Nagsulat siya sa El Renacimiento at naglingkod bilang director ng Pambansang Aklatan noong 1925.

4.

5.

ILUMINADO LUCENTE Ay kinilalang mandudula sa literaturang Waray. May pagkasarkastiko ang himig ng mga sinulat niyang saynete at sarswela at pumupuna sa moral at mga kahinaan o kabiguan ng mga Waray. Ilang sa kanyang mga akda ay ang: Up Limit An Gugma (Love is Off Limit Too), Abugho (Jealousy), Diri Daraga, Diri Bulo, Diri Imasaw-an (Not a Maiden, Not a Widow, Not a Married Woman). LEON OGARO TY Nagsulat tungkol sa Panginoon at ang magandang buhay na kanyang dinanas. Karamihan sa kanyang mga sanaysay ay nailathala sa Free Press. Ilan sa mga hindi malilimutang akda niya ay ang The Little Girl in Bacolod at The Magsaysay Story.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON VIII Titigohon (Huhulaan)  Maiksing tula at uri ng bugtong na may dalawang linya at naglalarawan sa isang bagay sa pamamagitan ng paghahambing o metapora. Tigotigo  Larong bugtong na nilalaro sa tuwing naglalamay sa patay upang hindi antukin. Balac/Amoral/Ismayling  Tula ng pag-ibig sa pagitan ng isang babae at isang lalaki.  Tumatalakay sa mga bagay na ukol sa puso na kadalasan ay pakanta. Kwento (Susumaton)  Tumutukoy ang kanilang mga kwento sa paggunita ng mga karanasan at pangyayaring ginagamit upang turuan ang mga bata ng mabubuting asal. Awiting Bayan  Ang awiting bayan ng rehiyon ay tumutukoy sa maraming karanasan, sa kalikasan, hangin, lupa at dagat, damdamin, estado sa buhay, komunidad at lupang sinilangan. Ilan sa mga awiting bayan ng rehiyon na naging tanyag rin sa ibang bayan ay ang: Lawiswis ng Kawayan, Ang Alibangbang, Dandansoy, O Bulan, An Iroy Nga Tuna ay An Abaniko. Balad  Ito ay isang tulang metaporiko. Tumatalakay ito sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Ambahan  Ito ay ang pinakakilalang katutubong tula sa Leyte.  Ang ambahan ay binubuo ang dalawang taludtod na binubuo naman ng pitong pantig bawat taludtod.  Ito ay madalas awitin sa mga pagdiriwang. Siday  tawag sa tula na nagging tradisyon na rin sa Samaranon. REHIYON IX (ZAMBOANGA PENINSULA)

LALAWIGAN

KABISERA

Zamboanga del Norte Zamboanga del Sur

Dipolog City Pagadian City

Zamboanga Sibugay

Ipil

Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan” kilala sa tawag na Lupain ng mga Bulaklak. Noong ika-6 ng Hulyo,1952 hinati ang Zamboanga sa dalawang probinsya, ang Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.

Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay paso o lalagyan ng bulaklak. Ito ay mabundok na rehiyon kaya dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok Dabiah. Marami sa mga naninirahan dito ay mga Muslim,Pagano at mga Kristiyano. Mayroong ibat ibang pangkat ng Muslim na mauuri rito, gaya ng Tausog,Subanon,Yakan at Samal na naninirahan sa Basilan. Maraming mga Sebuano ang naninirahan dito kaya‟t ang wikang Cebuano ay isa sa mga diyalektong sinasalita. May iba pang wikain ang mapapansin sa rehiyong ito tulad ng: Bagjao,Cebuano,Kalibugan,Tausog,Subanum,Sanduka,Sibuku,Sama at Chabakano. Ang mga Muslim ay may tradisyong tinatawag na Ramadan o Pausa.Ito ay ang hindi pagkain ng mahabang panahon bilang sakripisyo at alay kay Allah,ang Diyos ng mga Muslim. Matapos ang mahabang panahon ng hindi pagkain o sakripisyo ay nagdiriwang naman sila ng kapistahan na kung tawagin ay Hariraya Hadji. May tinatawag din silang Tulak Bala, isang tradisyon na ginaganap isang buwan sa isang taon at apat na beses sa isang buwan tuwing Huwebes.Ang mag-anak ay sabay-sabay na maliligo sa dagat. Dito rin matatagpuan ang mga Samals na magagaling sa paggawa ng Bangka na ang tawag ay Vintas. SUA-SUA ang tawag sa kanilang isang sayaw sa pag-iisang dibdib. SINGKIL ay ang sayaw ng isang prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat na kawayan. Ito ay halos katulad ng Tinikling Ang KOPARANGKAMANIS ay isang sayaw panghukuman. ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT 1. Antonio Descallar Isinilang sa Sindangan Zamboanga noong Hunyo 15, 1952.Nagwagi siya ng unang gantimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginanap noong 1949.Kauna-unaha niyang tula na napalimbag ay ang “Now Before the Conqueror”. 2. Antonio Enrique Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa mga kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay,tungkol sa probinsya,bayan at mga baryong kanyang tinitirhan at binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan.Tumanggap siya ng dalawang gantimpala sa Palanca sa kanyang maikling kwento sa Ingles.Pinalimbag ng Writers Association of Dumaguete City ang kanyang unang aklat ang “Spot On Their Wings”. 3. Ibrahim A. Jubair Siya ang kauna-unahang fictionist ng Zamboanga na ginantimpalaan ng Presidential Certificate of Merit in Literature for Teaching the Filipino-Muslim sa kanyang panahon.Bukod sa pagiging manunulat ng tula at mamamahayag , isa rin siyang kolumnista sa isang pahayagan ng Zamboanga City at editor ng Cresent Review.Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly(South Korea) at ng The Times of Ceylon. 4. Gonzalo Villa Isang manunulat ng maikling kwento at mananalaysay at ipinanganak sa Zamboanga City ng isang maykayang pamilya.Una niyang kwento ang “When Death Struck”.Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946, na pinamagatang “The Role of America in the Rehabilitation of the Philippines”.Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang Footnote of America at pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A Voice of Rama”. MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON IX Ang panitikan ng katutubo ay di nasusulat kaya wala tayong mambabasa. Lahat ng ito ay pasalita at inaawit. Tigumtigum o Tukodtukod  Ang tawag ng mga Tausug sa kanilang bugtong. Epikong Ulahingan  Isa sa epiko ng manobo na tumatalakay sa kababalaghan . Darangan  Pinakatanyag na epiko ng Mindanao .  Tinatawag rin na “Ang Kwento ni Bantugan”  Ito ay binubuo ng 26 na aklat na may 8 tono at inilimbag ng Mindanao State University. Tudbulbul  Epiko ng mga T‟bolis.  Ito ay inaawit sa mo‟nimum (wedding feast) o pagdiriwang ng isang masaganang ani. O Papanok at Bangasamoro

  

Dalawa sa pinakatanyag na awiting rebolusyonaryo ng Cotobato. Naglalahad ng adhikain ng Mindanao at pananaw ng mga katutubo laban sa mga nandayuhan dito. Ito ay may kaugnayan sa pagbukas ng Mindanao sa unag pagkakataon sa mga dayuhan at tinawag itong lupang pangako.

Guman  Tawag sa tula ng Rehiyon. Iringa  Kilalang katawagan para sa kanilang Kwentong Bayan Kabaraperanga  Mga tulang papuri sa bayani ng digmaan. Panaroon  Katumbas ng salawikain. Dedao so wata  Awit sa pagpapatulog ng bata.

REHIYON X (HILAGANG MINDANAO) LALAWIGAN

KABISERA

Bukidnon

Malaybalay

Camiguin

Mambajao

Misamis Oriental

Cagayan de Oro

Misamis Occidental Lanao del Norte

Oroquieta City Tubod

Ang Rehiyon X ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Mindanao. Ang Torogan ay isa sa mga uri ng bahay na makikita rin sa ilang bahagi ng Hilagang Mindanao at karaniwang mga maharlika ang mga nakatira dito. May tinatawag din silang "panalong" na kadalasan ay makikitang nakalagay sa harap ng bahay. Ito ay yari o gawa sa kahoy na maaaring mapansin sa may bintana, sahig, hagdan, dingding at bubong na may disenyong inukit. May dalawampu't siyam na ilog ang rehiyong ito . Popular dito ang mga perlas at korales at lan sa mga uri ng korales na matatagpuan sa Hilagang Mindanao ay ang Bubble Coral, Leather Coral, at Sea Anemone. Ang kanilang kasuotan ay ang Alang ng mga Tinggian, ang Kimona isang kasuotan ng mga babae na kadalasa‟y puti at na sinasamahan ng tapis na itinutupi sa baywang . Sa mga lalaki ay karaniwang “long sleve‟‟ na parang “jaket” at nagsusuot din sila ng Malong at kasuotang bahag lamang. Ipinagmamalaki nila ang kanilang Orkir o Okkil isang disenyo na ang ibig sabihin ay inukit na karaniwang makikita sa kanilang bangka, puntod, sandata, at iba pa nilang kasangkapan at damit. Karaniwang laro na kinagigliwan sa rehiyong ito ang sipa, sumping, bunong braso at bunong paa na karaniwang ginagawa ng mga lalake. Nagiging libangan din nila ang karera ng kalabaw at karera ng kabayo. Sa larangan naman ng musika sila ay may iba't ibang uri ng instrumento tulad ng kubing kulintang, tagotok at gabbang. May isang uri ng sayaw ang mga Maharlikang taga- Mindanao at tinatawag nila itong Singkil. Ang sayaw na ito ay ginagawa nang mabilis upang huwang maipit ng apat na piraso ng kawayan na mabilis na iginagalaw ng mga may hawak nito. „

ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT 1. Emnmanuel Lacaba Nagsimula siyang sumulat para sa Philippine Theater Association. Siya ang sumulat ng liriko ng awit ng pelikulang "Tinimbang Ka Ngunit Kulang ” ni Lino Broca. 2. Francisco R. Demetrio Noong 1951 ay inordinahan siya bilang ganap na pari. Nakapagsulat siya sa tulong ng mga kasama niya sa panulatan . Kabilang sa kanyang mga nasulat ay ang "Christianity on Context". Patunay ng kanyang kahusayan sa pagsusulat ang mga pagkilala niya sa “The National Press Awards for Myths and Symbols", "National Book Awards from Manila Critics", "Premio Pitre Somomone-Marino". Noong 1990 ay nakatanggap siya ng "Gawad CCP Para sa Sining”. 3. Jose F. Lacaba, Jr. Lalo siyang kilala sa tawag na "Pete Lacaba". Siya ay nakatatandang kapatid ni Enmmanuel F. Lacaba. Naging editor siya ng magasin na Free Press Asia-Philippines National. Naging kasapi at pinuno rin siya ng "Concerned Midweek at Philippine Graphics Artists of the Philippines". 4. Lina Espina- Moore Nakasulat siya ng mga tula at salaysay sa wikang ingles at Cebuano. Ang halimbawa ng kanyang mga obra ay "Heart in the Lotus" (1970); "A Lion in the House" (1984) at "Then The Weeping' . 5. Miguel A. Bermard Ang mga aklat na kanyang nasulat ay "Tragic Mountain Manunggal 1958”, “The Assent of Mt. Apo", "Bamboo and the Green wood Tree" , "The Landscape", "The Christianization of the Philippines", "Dius ng Tau", "The February Revolution", at marami pang iba. MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON X Antoka  Ang tawag sa bugtong ng mga taga-Bukidnon.  Ito ay ginagawa nilang libangan kasabay ng kanilang mga gawain. Limbay  Ito ay isang uri ng kanilang tula na karaniwang ginagamit nila sa mga pagtitipun-tipon at binibigkas ng paawit at punung-puno ng damdamin. Mantiay- Ay Manduraw  Isang tulang pasalaysay na nauukol sa tunay na buhay ng isang matapang na mandirigma. Sala  Isa ring tulang pasalaysay ng mga taga-Bukidnon na nagpapahayag ng pagmamahal. Idangdang  Isang tulang pasalaysay na nauukol sa mga tao at sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang kapaligiran....


Similar Free PDFs