Rehiyon 6 (Kanlurang Kabisayaan) PDF

Title Rehiyon 6 (Kanlurang Kabisayaan)
Course Teacher Education
Institution Northeastern College
Pages 24
File Size 1.2 MB
File Type PDF
Total Downloads 106
Total Views 279

Summary

PanitikanngRehiyon 6Ipinasa nina:Cullanan, Francis V.Abulencia, Marinelle Joy N.Azul, Ailene S.Soliman, Dhannica Shainne O.Ipinasa kay:Darius King Antonio GaloRehiyon VI (Kanlurang Visayas)TOPOGRAPIYA AT KASAYSAYAN NG REHIYONAng Rehiyon VI o Kanlurang Visayas ay binubuo ng mga sumusunod:Lalawigan Ka...


Description

Panitikan ng Rehiyon 6 Ipinasa nina: Cullanan, Francis V. Abulencia, Marinelle Joy N. Azul, Ailene S. Soliman, Dhannica Shainne O.

Ipinasa kay: Darius King Antonio Galo

Rehiyon VI (Kanlurang Visayas) TOPOGRAPIYA AT KASAYSAYAN NG REHIYON

Ang Rehiyon VI o Kanlurang Visayas ay binubuo ng mga sumusunod: Lalawigan 1. Aklan 2. Capiz 3. Antique 4. Iloilo 5. Guimaras 6. Negros Occidental



Kabisera Kalibo Roxas City San Jose Iloilo City Jordan Bacolod City

Lokasyon at Topograpiya

Ito ay matatagpuan sa kanluran ng Visayas. Mayaman sa lambak, malawak na kapatagan at masaganang dagat ang mga katangian ng mga lalawigan sa rehiyong ito. Nahahati sa tatlong kapuluan ang rehiyong ito. Ito ay ang mga isla ng Panay, isla ng Guimaras at isla ng Negros. Ang mga lalawigan sa buong rehiyon na ito (maliban sa Negros Occidental) ay tinawag bilang “Piedmont of the Philippines”.

 Kasaysayan  Nabuo ang Kanlurang Visayas sa bisa ng Presidential Decree No. 1 na nilagdaan ni Pangulong Marcos.  Inilipat ang Palawan mula Rehiyon IV-B sa Rehiyon VI sa bisa ng “Executive Order 429” noong Mayo 23, 2005.  Marami sa mga taga Palawan ang nagalit sa paglipat at ibinalik ang lalawigan sa Rehiyon IV-B.



Kasaysayan ng Aklan Ang Aklan ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas. Kalibo ang kabisera nito. Matatagpuan sa Hilagang

Kanlurang bahagi ng Panay ang lalawigan. Ang hangganan nito ay umaabot sa lalawigan ng Antique sa Kanluran at Capiz sa Timog Silangan. Matatagpuan sa Hilaga nito ang dagat Sibuyan at ang lalawigan ng Romblon.Nagmula ang "Kalibo" sa salitang "sangka libo" na ibig sabihin ay "isang libo" sa wikang Aklanon. Ayon sa alamat, ito ang bilang ng mga katutubong Ati (o Aeta) na sumama sa kauna-unahang misa sa lalawigan, kung saan nagmula rin ang pista ng Ati-atihan. Sa gitna ng pamamahala ng mga Espanyol, Aklan, kasama ng ibang mga bayan, ay pinagkaisa para sa Capiz. Noong April 25, 1956, iprinoklama ang Aklan at nilagdaan ito ni Ramon Magsaysay. Matapos ang pitong buwan, November 8, 1956, opisyal na pinasayaan ang Aklan at Kalibo ang ginawang kabisera.

 Kasaysayan ng Capiz Tinawag ito bilang “Seafood Capital of the Philippines” dahil sa dami ng mga “fishponds” na makikita sa buong lalawigan.Nagmula ang pangalan ng lalawigang ito sa salitang “Kapid” na ibig sabihin ay “Kambal” sa lokal na dayalekto. Ang Capiz at ang Aklan ay iisang probinsya noon. Ito’y hanggang sa naghiwalay ang mga ito sa bisa ng “Republic Act 1414” noong Abril 25, 1956.  Kasaysayan ng Antique Ang Antique ay isa sa tatlong dating mga Sakup (mga distrito) ng Panay bago dumating sa isla ang mga mananakop na Kastila. Ang Antique ay kilala noon sa ka tawagang Hantik , na ipinangalan sa malalaki at maiitim na mga langgam na matatagpuan sa isla, na ang tawag ay hantik-hantik.  Kasaysayan ng Iloilo Ipinagmamalaki ng Iloilo ang pagiging “Food basket at Rice Granary” ng Rehiyon dahil sa mga mayabong na lupain at dagat na nagbubunga ng masaganang ani. Ang bigas ang pangunahing tanim sa lalawigan ng Iloilo. Kilala ang mga taga-Iloilo bilang mga Ilonggo at Ilonggo din ang kanilang wika na pormal na kilala bilang Hiligaynon. Nagsasalita din ng Hiligaynon o ilonggo ang mga tao mula sa Capiz. Hinggil sa kasaysayan nito bilang isang mahalagang puerto, mga mestizo ang maraming Ilonggo, o mga taong may halong Kastilang dugo. Kilala ang distrito ng Jaro sa Lungsod ng Iloilo sa kanyang buhay na mga pista. Dito matatagpuan ang isa sa mga tanyag na simbahan sa buong bansa, ang Miag-ao Church na isa ring “World Heritage Site” ng UNESCO. Tinawag bilang “Textile

Capital of the Philippines” Ang lungsod ng Iloilo ay binigyan ng titulo ng Reyna ng Espanya. Ito ay ang “La Muy Noble Ciudad” (The Most Noble City sa wikang Ingles).

 Kasaysayan ng Guimaras Ang pulo ng Guimaras na siyang pangunahing pulo ng lalawigan ang bumubuo sa 98 bahagdan ng kabuuang kalupaan nito. Binubuo ang lalawigan ng pangunahing pulo ng Guimaras at ilan pang maliliit na mga pulo sa baybayin nito. “Mango Capital of the Philippines” kilala sa kanilang malalaki at matatamis na mangga.  Kasaysayan ng Negros Occidental Ang lugar na ito ay isa sa pinakamalaking supplier ng asukal. Kung pupunta kayo sa lugar ng Negros Occidental, makikita mo ang malalawak na sugarcane fields. Pangalawa, kada Oktubure ng taon, idniriwang sa lalawigan ng Bacolod ang Masskara festival. Ipinagdiriwang ito bilang palatandaan na dapat masaya lang tayo palagi na sinisimbolo ng nakangiting mga mukha ng mga sinusuot na maskara.

 Wika  Hiligaynon o Ilonggo  Aklanon - Aklan  Kinaray-a - Antique at Iloilo  Halimbawa     

Matahum - Maganda Nagaistar ako - Nakatira ako Ambot - Di ko alam Halong - Ingat Buligi -Tulong



Klima

 Katamtaman ang klima

 Tag-init sa buwan ng Disyembre hanggang Mayo  Tag-ulan naman mula Hunyo hanggang Nobyembre  Madalang ang bagyo.



Industriya at Produkto

 Negros Occidental - ang pangunahin at pinakalamalaking lalawigan na nagbibigay ng asukal sa buong bansa .Malawak ang taniman ng tubo, palay, mais at niyog  Iloilo - malalawak ang palayan at mayaman ang palaisdaan  Capiz - nag-aani ng niyog at abaka, pastulan ng hayop ang paanan ng bundok.  Aklan - paghahabi ng telang pinya, jusi at sinamay  Antique - kilala bilang pook pangisdaan.  Guimaras - kilala sa kanilang malalaki at matatamis na mangga.

 MGA MAMAMAYAN Ilonggo – taga-kanlurang Visayas, kilala sa pagiging matapat, malambing at masayahin. Negrense - mula sa Negros Ilonggo - ng Iloilo Aklanon - Aklan Antiqueno - Antique Hiligaynon - katutubo ng Panay Capizeno - Capiz

 Mga Kilalang Tao: Graciano Lopez Jaena – nagtatag ng pahayagang La Solidariad Manuel Roxas – unang Pangulo ng Ikatlong Republika Franklin Drilon – naging pangulo ng senado ng Pilipinas

Gregorio Perfecto – naglagda ng dugo sa 1935 Saligang Batas Pancho Villa – unang boksingerong Pilipino na naging kampeong pandaigdig

Mga Panitikan na Umusbong Bago Dumating ang Panahon ng Himagsikan ng mga Kastila

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Rehiyon 6 ay mayroon na silang mga Panitikan na umusbong sa kanilang lugar.

 Epiko - Isang akdang nagaawit o nagkukwento ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.

 Apat ang nakilalang epiko ng mga Bisaya 







Lagda - isa lamang kalipunan ng mga tuntunin ukol sa mabuting pagtupad sa tungkulin sa pamahalaan na napapaloob sa mga salaysayin at mga pangyayari. Halimbawa: Bawal pumatay, bawal magnakaw, bawal manakit ng matatanda. Ang hindi nakasusunod ay itatali sa bato at lulunurin sa ilog o sa kumukulong tubig. Haraya - katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga salaysay ng paghahalimbawa ng nasabing tuntunin. Hindi rin ito epiko sapagkat hindi in nakasulat nang patula. Halimbawa:



Maragtas - sapagkat hindi rin ito nakasulat nang patula o inaawit kaya nakasulat lamang ito sa matandang titik-Pilipino na walang tiyak na sumulat.



Hinilawod - Itinuturing itong pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Panay. - Binubuo ito ng 18 salaysay at ang bawat kuwento ay kumakatawan sa tatlong henerasyon. - Kasaysayan ito ng pag-iibigan ng mga bathala ng mga unang nanirahan sa lloilo, Aklan at Antique.

Bukod pa rito, mayroon din silang mga anyo ng panitikan.

     

Ambahan Balak Awit Driges o Haya Sidy Bikal

Mga Panitikan na Umusbong sa Panahon ng Himagsikan ng mga Kastila



Tula at Awit

 Tula - isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa

iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.



Halimbawa:

 Kopla – di tugmaang tula (2 taludtod ; 12 pantig) Halimbawa:

Bakit ako'y ibong binuhay pang muli Kung sa iyong palad ay kikitiling dagli

 Kawikaan o Hurobaton – pinakamaiksing tulang katutubo. Halimbawa : Ang tao nga walan sing pilak Daw pipisnga wala sing pakpak ( Ang taong walang salapi Ay parang ibong walang pakpak )  Tinigbakanon - tugmang quartero na higit na mas Mahiwaga.  Hinilawod - pinakamatanda at pinakamahabang tulang pasalaysay na nagawa ng mga taga-Panay.

 Awit - awit ay isang uri ng literaturang Pilipino na kung saan ang bawat taludtod o linya ay naglalayong magsaad ng isang kwento, karanasan, aral, o pagmamahal sa isang tao, bagay, o hayop. Ito ay nilalapatan ng himig at tunog upang mas maging kaaaya ayang pakinggan o basahin.



Halimbawa:

        

Sabi – tula at awit Ambahan – talata Balak – makatang diskusyon sa pagitan ng babae at lalaki Tara – awit na pampalayas ng masamang espirito Udoy – pang-aliw sa mga taong galit Umay – pang-aliw sa taong iniibig Daraida - nagbibigay payo Daragilon – pumupuna sa katayuan ng isang tao; (Quartero) Gaday – binibigkas sa pagtitipon ng mga pamayanan

 Bugtong - isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan

na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).  Halimbawa:

Egga'y tadday ng ulopa Funnuan ng kanna'y bagguting ( Mayroong isang bagay na kinakain ang kanyang sarili ) - KANDILA



Halimbawa:

 Paktakon – bugtong a. Kopla (2 taludtod) b. Quartero (4 taludtod)

 Epiko na binubuo ng 3 siklo  Nakasentro sa 3 bayani 1. Labaw Donggon - Jocano - Inawit ng babaylan na si Ulang Udig - May 3,882 na taludtod

2. Humadapnon - May 53,000 na taludtod 3. Dumalapdap - Hindi pa nasisipi Mito - kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.



Halimbawa:

 Sugilanon : mito ukol sa pinagmulan, alamat, kwentong bayan, pabula at kwento ng mga manloloko.

Mga Panitikan na Umusbong sa Panahon ng Himagsikan ng mga Amerikano

Nang panahong ito ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na nakulong, nang bigyan ng layang lumipad at nasiyahan na muna sa palipad- lipad sa labas sa labas ng hawla at hindi makapangahas lumipad sa malayo.



Panahon ng Aklatang Bayan (1900-1921)

Ang Pasingaw at Dagli  Ito ay kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag uugali o sa hitsura.  Ang Pasingaw ay nagging dagli. Halimbawa :  Sumpain nawa ang mga Ngiping ginto ni Cue Malay



Mga Panitikan na Umusbong sa Himagsikan sa Panahon ng Amerikano

 Nobela  Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawil- kawil na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan. Ang mga kawil- kawil na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman ng isang tiyak na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman sa isang tiyak na balangkas. Halimbawa:  Hiligaynon :Benjamin ni Angel M. Magahum noong 1907.

 Ang Dula at Dulaan  Dalawang uri ng paghihimagsik ang ipinamals ng mga mansusula sa kanilang mga sinula. Ang una’y paghihimagsik sa kalupitan at pagmamalabis ng mga KAstila. Ito ang uri ng pinakamakabayang hangad ng mga Amerikano. Ang labis nilang ipinagbawal sabihin pa ay ang paghihimagsik sa pamamagitan ng panulat laban sa pamahalaang Amerikano. Halimbawa:  Tanikalang ginto ni Juan k. Abad

 Ang Tula  Ang panahong ito ay ay pinaging makulay ng tintawag na “Paghihimagsik “ ni Alejandro Abadilla. Sa biglang tingin, Ang Pinaghimagsikan” ni Abadilla ay ang porma't hitsura ng tula lalong- lalo na ang kanyuang nagtataglay ng “Sukat at Tugma” subalit panahon at kasaysayan ang nagpbulaan dito. Halimbawa:  Aklanon Habad kay Arsena

Mga Panitikan na Umusbong sa Panahon ng Himagsikan ng mga Hapon

 Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Plipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya ang sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.  Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbabawal ng namumunong Hapon ang pag ggamit ng wikang Ingles at itinataguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.

 Panahong ito rin kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang GINTONG PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO dahil higit na Malaya ang mga Pilipino ( kaysa noong panahon ng amerika) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

 Panahong ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina LIWAYWAY A. ARCEO at GENOVEVA EDROZA-MATUTE dahil sa mga makintal na maka deministang maikling kwento.



Mga Katangian ng mga Akda sa Panahon ng Hapon     



Matitimpi ang pagpapayahag ng paksa Nag sasalysay ng madulang pangyayari Walang balangkas ang kwento Ang paksa ay nauukol sa iba’t ibang karanasan sa buhay ng tao. Gumagamit ng mga payak na pangungusap kaya madaling maunawaan.

Tema ng Panitikan Panahon ng Hapon

 Sumisentro sa buhay sa lalawigan o pagsaka o pangingisda  Ugali ng mga hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkakataon ng dangal sa sarili at bansa.



Mga Panitikan na Umusbong sa Himagsikan sa Panahon ng Hapon



Uri ng Tula

 Haiku  Tulang may malayang taludturan na kinagigiliwan ng mga hapones  May labing pitong pantig  Unang taludtod - Limang pantig  Pangalawang taludtod - Pitong pantig  Pangatlong taludtod - Limang pantig  Karaniwang maiikli ngunit nagtataglay ng matatalinhagang kahulugan.

Halimbawa TUTUBI ni: Gonzalo K. Flores

Hila mo’y tabak Ang bulaklak, nanginig! Sa paglapit mo.



Tanaga

 May sukat at tugma  Bawat taludtod ay may pitong pantig  Nagtataglay ng isang tugmaan A-A-A-A, ngunit ang mga bagong tanaga ngayon ay kakitaan narin ng mga tugma na naiipitan A-B-B-A, sakitan A-B-AB at sunruan A-A-B-A

Halimbawa

KABIBI Ni: Ildefonso Santos Kabibi, ano kaba? May perlas, maganda ka Kung diit sa tainga

Mga bago at mga kilalang manunulat sa rehiyon 6

Melchor F. Cichon  Ipinanganak noong Abril 7, 1945  Ipinanganak sa Sta. Cruz, Lezo, Aklan  Ang kanyang mga magulang ay sina Desposoria F. Cichon at Jose N. Cichon  Asawa ni Pilma D. Cichon  Mga anak: Melchor Jr., Vanessa, Ranel Vincent, and Eugene - Isang makatang Aklanon na tubong Lezo,Aklan. Kilala siya hindi lamang sa kanyang husay bilang makata kundi maging sa kanyang pagpupunyaging itaguyod ang panulaang Aklanon. - Sumesentro ang kanyang mga obra sa buhay at kultura ng mga Aklanon. Sa katunayan siya ay pinarangalan bilang kaunaunahang Aklanon pinagkalooban ng CCP para sa pagsusulat ng tulang Aklanon, Ham-at Madoeom Ro Gabii, Inay? Ag Iba Pang Binalaybay, noong 1994. -Noong 1995 ay tinanggap niya ang isang writing grant para sa larangan ng panulaang Aklanon mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. -Noong 2001, tinanggap niya ang Gawad Balagtas mula sa Unyon ng mga manunulat sa Pilipinas.

- Hindi lang mga tula ang kanyang mga naisulat. Meron din siyang nailathalang mga libro at mga sanaysay. 

Kabilang dito ang mga: Siniad-siad nga kaeangitan (Strips of heavens); Hin-uno Pa; Mamunit Ako Inay at Haiku, Luwa.

-

Akda nya rin ang Manggaranon kita, bakun abi? Na sa saling filipino ay Mayaman tayo, hindi ba?

-

Sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, siya ay patuloy na nagsisilbi sa kanyang bayan ng Aklan. Sa kasalukuyan siya ang tagaingat-aklatan ng Aklan Catholic College Library at nagsusulat pa din sa kanyang mga blog (Aklanon Literature). Ang kanyang husay sa pagsusulat ay testamento sa kanyang pagmamahal sa bayang pinagmulan.

Mga parangal:            

National Commission for the Culture and the Arts Poetry Contests Hari/Hara Sang Binalaybay Ambeth Thank You, Anyway Basura at Lapad. U.P. in the Visayas Sentro ng Wikang Filipino Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Award Manuel L. Quezon University where he majored in Library Science and minored in English. Master in Library Science at U.P. Diliman and his Master in Management at U.P. First Home Life CCP grantee for Aklanon Sentro Ng Wikang Filipino, U.P.

Conrado Saquian Norada 

isinilang sa Iloilo noong Mayo 19,1921.



Siya ay isang intelihadong opisyal ng ikaanim na distrito ng military sa panahon ng World War II at naging gobernador sa Iloilo noong 1969 hanggang 1986.



Kung saan marami siyang ginawang proyekto na hanggang ngayon ay ginagamit padin pundasyon ng mga sumunod sakanya.



Naging president Nasyonal ng Sumakwelan ng Ilonggo Organization. Noong 1990, ang UMPIL,ay gumawad sa kanya bilang Pambansang Alagad ni Balagtas para sa Ilonggo fiction.



Si Conrado Saquian Norada ay isa sa mga pinaka kilalang fiction writer sa kasaysayan ng Pilipinas. Isa siya sa mga lumikha ng Yuhum magazine, ang editoryal na naging kanlungan ng mga iba pang kilalang manunulat noon panahong na ang kalayaan ng mga Pilipino ay hindi pa ganoon kaganap



ilan sa kanayang mga akda ay ang “Ang Likum ni Diana” (Diana’s Secret), Bulak nga Ilahas (Wild Flower), Balay sa Pangpang sang Suba (House by the River Bank), Sekretarya (Secretary), Dalugdog sa Dughan(Dalugdog at the Breast), at Ang Gugma Bulag (Love Is Blind).

Mga Parangal  Pambansang pangulo ng Samahan ng Sumakwelan Ilongo  Co-founder and editor of Yuhum magazine  Pambansang Alagad ni Balagtas for Ilongo fiction (awarded by UMPIL)

Mariano Perfecto  Ipinanganak noong January 1, 1853 namatay noong nobyembre 3, 1913 sa edad na 60.  He was born on November 28, 1891 (died on August 17, 1949, he was 57 years old)  ang unang sumulat ng Pasyon sa Hiligaynon noong 1884. Dahil dito nabahiran ng Kristyanismo ang panitikang Hiligaynon.

Magdalena Jalandoni  Ipinanganak noong ika 27 ng Mayo taong 1891, namatay noong Septyembre 14, 1978 sa edad na 87.  Sa edad na 12 nag simula siyang sumulat ng mga tula.  Siya ang nag-uso ng tulang may malayang taludturan.  Siya ang sumulat ng ang mga tunuk sa isa ca bulaclac (The Thorns of a Flower), nakung saan nasundaan ito ng mga nobela, tula at maikling kwento.  Kaya siya nagsusulat upang dinggin ang boses ng mga kababaihan na kung saan ay di pa tanyag noon sapagpagawa ng mga pampanitikan.  Ilan sa kanyang mga likha ay ang “Ang Matam-is Kong Pagkabata “ (My Sweet Childhood), Ang Guitara (The Guitar) na pinaka tanyag niyang tula, Anabella, Juanita Cruz, Sa Kapaang Sang Inaway (In the Heat of War), Ang Dalaga sa Tindahan (The Young Woman in the Market) at Ang Kahapon ng Panay (The Past of Panay).  Siya ay naka gawa ng 36 nobela, 122 maikling kwento, 7 novelettes, 7 manahabang dula, 24 maikling dula Mga parangal: 

Noong 1977, natanggap niya ang prestihiyosong Republic Cultural Heritage Award para sa kanyang tagumpay sa panitikan mula sa gobyerno.

Angel Mangahum (1867-1935)  Ipinanganak si Angel Magahum noong 1 Oktubre 1867 sa Molo, Iloilo. Namatay noong Namatay siyá noong 28 Nobyembre 1935 sanhi ng komplikasyon sa puso. (SJ)  Naging bahagi siyá ng hukbong rebolusyonaryo laban sa mga Español bago siyá nagpakasal kay Carmen Delgado Borromeo, isa sa mga aktres ng kaniyang mga dula.  Itinuturing na “Ama ng nobelang Ilonggo...


Similar Free PDFs