Interpretasyon sa Tulang Sandalangin ni Joey A. Arogante PDF

Title Interpretasyon sa Tulang Sandalangin ni Joey A. Arogante
Course Bachelor in Banking and Finance
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 6
File Size 43.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 353
Total Views 927

Summary

Interpretasyon sat ula ni Joey A. Arogante na pinamagatang “Sandalangin”Sandalangin ni Joey A. ArroganteNakakamangha! Aking kaibigan Nakakahiya talaga Totoong marami! Ang pagkakaabala ko sa iyo. Wala kaming tinapay upang mapakain sa damo kung kaya’t nadadamay kita. Noong ika’y napadaan, kasama ng mg...


Description

Interpretasyon sat ula ni Joey A. Arogante na pinamagatang “Sandalangin”

Sandalangin ni Joey A. Arrogante

Nakakamangha! Aking kaibigan Nakakahiya talaga Totoong marami! Ang pagkakaabala ko sa iyo. Wala kaming tinapay upang mapakain sa damo kung kaya’t nadadamay kita. Noong ika’y napadaan, kasama ng mga pulis, Napaatras at nangamba ako baka sila’y makalahata na magkaibigan tayo at pati ako ay patayin nila kaya hindi kita pinansin.

Paumanhin aking kaibigan! Ipagpaumanhin mo!

Kalangitan, simula ng naging kasama kita,

Sa pagiging kaibigan. Ngunit noong ika’y nawala, Nasira ang lahat Ako ang may kasalanan! Dahil sa masamang ugali ko ay nasira ko ang iyong tiwala Kasama ng mga kaibigan Kaya ako’y nagsisi na paalipin.

Malaki ang naging kapalit Sa pagsasawalang bahala ko sa pagiging kaibigan mo, Ang buhay ko ay lalong naging gumon, Nasira pati nag aking pag-iisip Sa pagiging malas, sa mga pagsubok sa buhay; Ako ay tila naging isang demonyo, Hindi kasundo ng lahatNg tirahan, maging gobyerno, at ng simbahan Ayaw ko na! Hindi ko na kinakaya Ng aking konsensya. Ngayo’y, napagtanto ko na ang hirap nang hindi ka kasama!

Pasensya Kaibigan! Ipagpaumanhin mo

Nalalaman ko na hindi nababayaran ang aking pagkakaabala Sa iyo, Higit na nalalaman ko din na ako’ y matutukso Sa kadahilanang hindi masusukat ang lalim Na sumibol sa aking mundo Na syang nagpapadilim sa aking kasalukuyang ginagalawan, Kaya ako ay nagsusumamo sa iyo Kahit na alam ko na nasira na ako sa iyo, At kahit pa na basa na ang papel ko.

Isa lamang ang aking pakiki-usap Iyo sanang marinig: Ako sana’y pahintulutan na makabawi Kahit na paminsang tsansa na lamang ? Ito na lang aking pakiki-usap! Wala na akong kahit na ano pa man Ako rin ay tila’y wala ng matatakbuhan pa na iba Upang ako ay pakinggan, Upang ako din ay intindihin. Ikaw na lamang.

Nagsusumamo ako sayo! Nawa ay pagbigyan mo ko sa aking hiling

Upang maisa-isa ako ang mga Pagaabala ko sa iyo At gayundin sa inyong lahat.

Kung nais mo. Upang mapababa ang hinaing mo, Maari mong suntukin ang aking dibdib Nang sa gayon ay mailalabas ko na Ang lason na namumutawi sa katawang ito.

Ako’y iyong kaawaan, Ginoo! Nawa ay tulungan ninyo ako, Ako’y iyong pagalingin! Ako’y inyong baguhin! Ang pagiging utak talangka at toyo sa aking ulo Maaring alisin ninyo! Upang kahit na papaano Ako’y makalakad ulit ng diretso at wasto.

Ako’y iyong kaawaan , Ginoo! Ako sana ay iyong tanggapin kahit na hindi kaibigan. Mabuti na sa akin ang iyong kakilala na lamang. Nagsusumamo ako sayo! Maari bang maibigay ninyo sa akin ang inyong tinitirhan

Agad ‘kong hahanapin ang inyong tinitirhan Sa oras na makita ko iyon ay Ipinapangako ko sayo:

Ang ngalan mo ay sasambihin, Ang loob mo ay susundin, Maging dito man sa lupang ibabaw… para…

Paumanhin aking Diyos!

Interpretasyon

May malalim na kahulugan sa tulang ito, sa aking unang pagsasalin ay akala ko tungkol ordinaryong tula lamang ito. Gumamit din ng balbal na salita kung kaya’t akala ko ay para lamang sa kaibigan inaiaalay ang tulang ito ni Joe A. Arrogante. Maiksi ngunit makabuhuluhan ang bawat salita sa tulang ito na tila ba isang paalala sa atin na kailangan natin alalahanin at humingi ng tawad sa kakosa natin na ito na lagi nating kasama. Nakakamangha na ang tula na ito ay para sa ating Diyos, ito ay tila isang panalangin ng tao. Habang ako ay nagsasalin inakala ko na nakikipag-usap ang tula na ito sa normal na kaibigan. Nang matapos, na ako ay nalaman ko na ang ating Ama pala ang sinasabing kakosa at kaibigan natin. Ang kaibigan na lagi nating natatakbuhan. Ang ating boss, amo, kakosa, kaibigan, at higit sa lath ang ating pinakamahal na Ama. Totoo ang sinabi sat ula na tila hindi na mabilang ang mga atraso natin sa kanya. Sa sobrang atrasos natin ay wala tayong magawa, at sa huli alam natin na gagawin nan ama natin ang bagay na ipinag-paumanhin na natin sa kanya. Ang ating Ama na lagi nating tinatakbuhan, anuman ang ating kalagayan. Marahil madami sa atin at kabilang na ako, angtumatakbo sa ating Ama kapag tayo ay malungkot at madaming problema. Marahil ay madalas natin tinatawag ang Ama kapag tayo ay may problema, dahil alam natin na siya lang ating makakapitan at tunay na tutulong sa atin. Siya ang nagbibigay lakas at pag-asa sa atin tuwing tayo ay napapanghihinaan ng loob. Kahit na tayo ay madalas nakakalimot sa mga panahong tayo ay masaya at sagana, tinatanggap pa rin tayo ng ating mapagmahal at dakila na Ama. Isa itong magandang paalala na na laging pasalamatan ang ating Ama na walang ginawa kung hindi patawarin tayo ng paulit-ulit. Binibigyan niya tayo ng walang kasawaang tsansa dahil sa pagmamahal na binibigay niya sa atin. Ito rin ay isang halimbawa na kausapin natin ang Ama ng parang ating kaibigan at ituring ng parang kaibigan. Siya ang ating kaibigan at Ama na laging inaalala ang kapakanan ng kanyang kaibigan at anak....


Similar Free PDFs