ANG Liham NI Pinay SA Brunei PDF

Title ANG Liham NI Pinay SA Brunei
Author Camille Soler
Course Education
Institution Pangasinan State University
Pages 3
File Size 50.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 160
Total Views 361

Summary

Pagsusuri sa Panitikan Ipapasa ni: Camille S. SolerI. Pamagat ng Akda: Liham ni Pinay mula sa BruneiII. May-akda : Ruth Elynia S. Mabanglo Si Ruth Elynia S. Mabanglo ay ipinanganak noong Marso 30, 1949, sa Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Fortunato at Miguela Mabanglo. Siya ay r...


Description

Pagsusuri sa Panitikan

Ipapasa ni: Camille S. Soler

I.

Pamagat ng Akda: Liham ni Pinay mula sa Brunei

II.

May-akda: Ruth Elynia S. Mabanglo



Si Ruth Elynia S. Mabanglo ay ipinanganak noong Marso 30, 1949, sa Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Fortunato at Miguela Mabanglo. Siya ay retiradong propessor sa University of Hawaii sa Manoa. Isang coordinator para sa Kagawaran ng Hawaiian at Indo-Pacific at wika, at ang Filipino at Literatura.



Nagsimulang magturo ng Filipino noong 1985. Ginawaran ng dating Pangulong Aquino ng Presidential Award for Filipino Individuals and Organization Overseas “Pamana ng Pilipino” category.

III. Mga Tauhan: Guro/Ina/Asawa, Tatay, Anak IV.

Buod Siya ay isang Guro, Asawa at Ina na may Asawang irresponsible. Asawana lagi umaasa sa kanyang asawa kahit sa pagtempla ng sarili niyang kape hindi niya magawa. Kaya ang nanay ang gumagawa lahat ng gawaing bahay at siya din ang naghahanap – buhay para sa kanilang pamilya. Pero hindi naging sapat ang kinikita niya sa pagtuturo lamang kaya naisipan niyang maging OFW/mag-abroad sa Brunei. Nung nakapag abroad na siya at nakaluwag luwag na din sa buhay, naasikaso na din niya ang kanyang sarili. Dahil sa doble ang kita niya kompara sa Pilipinas. Natuto na din siyang tumayong mag-isa at ang tanging natutunan niya ay wag asahan ang asawang walang alam kundi iasa lahat sa asawa

V.

Istruktura o pagkakayari sa Tula A. ISTILO NG MAY AKDA----------------------Malayang pananalita

B. URI NG TULA --------------------Tulang liriko C. TALINHAGA Dapat din nating respetuhin ang mga babae dahil lahat tayo ay ginawa ng Diyos na pantay pantaywalang lumalamang at walang nalalamanganaat dapat din nating tulungan ang mga babae sa mga gawaing bahay at ang mga babae ay mahalaga sating lipunan . D. TONO O DAMDAMIN Nagtatampo at nangungulila E. TEMA Ang mga babae ay dapat nating respituhin dahil meron din silang Karapatan at Karapatan nilang maging malaya at dapat din nating silang tulungan sa gawaing bahay.

VI.

MGA MUNGKAHI Ang tulang “Liham ni Pinay Mula sa Brunei” ay gumagamit ng teoryang feminism kung saan ang babae sa tula ay hindi na katulad ng mga babae noong unang panahon. Ipinakikita ng tula ang damdamin ng babae sa pantay na paghahati ng responsibilidad ng ama at ina ng tahanan. Nakapamumulat din ang akda sapagkat nakikita ng mga mambabasa, kababaihan man o kalalakihan ang damdaming sinisikil ng maraming babae sa double standard na kalakaran sa ating lipunan. Sa babae nakaatang halos lahat ng responsibilidad sa pamilya sa kabila ng kanyang pagtratrabaho sa labas ng tahanan upang mapaghusto ang kita ng pamilya. Inaasahang ang mga kababaihang makakabasa nito ay matutong magsalita at ipaglaban ang kanilang karapatan samantala, ang mga kalalakihan naman ay magiging higit na makatwiran at gagawa ng nararapat upang maitaguyod ang pagkakapareho ng tao anuman ang kasarian.

VII.

GINTONG KAISIPAN Ang gintong kaisipan ko dito ay MATUTONG TUMAYO SA SARILING PAA. Wag kang papayag na babae yung naaargabyado sa lalake. Umiba na ang pagtrato ng babae ngayon. Hindi tulad noong unang panahon na Ginagalang, Minamahal, Binibigyang importansiya ang kababaihan. Okay lang pag ang magulang ay piniling magtrabaho pareho. Pero hindi naman siguro makatarungan kung yung babae lang yung naghahanap-buhay. Sa pagkakaalam ko ang Ama dapat ang mas responsible sa pagtrarabaho dahil siya ang “head of the family”. At ang nanay dapat ang best guardians ng mga anak kaya hindi dapat sila paghihiwalayin.Sa tulang ito binigyan niya ko ng pagunawa sa mga magulang ko na hindi nila kinailangan lumayo para matustusan ang aking pangangailangan. Maraming pasasalamat ko sa aking mga magulang at Saludo din ako sa mga OFW na magulang!!!...


Similar Free PDFs