Ang Lumang Simbahan (Buod) ni Florante Collantes DOCX

Title Ang Lumang Simbahan (Buod) ni Florante Collantes
Author Rosalie Orito
Pages 2
File Size 18.2 KB
File Type DOCX
Total Downloads 12
Total Views 132

Summary

Ang Lumang Simbahan (Buod) ni Florante Collantes Sa isang bayang di-kalayuan sa lungsod ng Maynila ay may isang bahay na malaki at maganda. Ang may-ari nito ay si Don Kintin Rodriguez. Labis siyang kinaiinisan sa buong kabayanan dahil sa ugali niyang mapagmataas. Si Don Kintin ay may anak na binatan...


Description

Ang Lumang Simbahan (Buod) ni Florante Collantes Sa isang bayang di-kalayuan sa lungsod ng Maynila ay may isang bahay na malaki at maganda. Ang may-ari nito ay si Don Kintin Rodriguez. Labis siyang kinaiinisan sa buong kabayanan dahil sa ugali niyang mapagmataas. Si Don Kintin ay may anak na binatang nagngangalang Rodolfo. Si Rodolfo at ang alila nilang si Julita na isang magandang dalaga ay nagkaibigan. Lingid ito sa kaalaman ng ama ng binata. Si Julita bukod sa pag- aasikaso ng mga gawaing bahay ay siya ring yaya ng ng isang sanggol na babae. Ang bata ay inampon ni Don dahil sa ang mga magulang nito na sina Kapitan Geraldo delos Reyes at Kapitan Isabel na kanyang kumpari at kumare ay namatay dahil sa sunog. Si Julita ay nagdalang-tao at dahil sa nagiging kapansin-pansin na ang kanyang kaanyuan ay naisipan niyang mangumpisal at humingi ng payo kay Padre Facundo, ang kura sa simbahan ng kanilang bayan. Si Padre Facundo na isang makasalanan ay nag-isip nang masama kay Julita sa halip na ito'y payuhan. Pinagtangkaan niyang halikan ang babae at sinabing ipamamahay niya kung ito'y papayag. Lumuluhang tumatakbong palabas si Julita at nang dumating si Rodolfo ay isinumbong ang masamang tangka ng pari. Galit na galit si Rodolfo at ibig niya sanang sugurin si Padre Facundo ngunit pinigilan siya ni Julita. Si Don Kintin at ang kanyang kapatid na si Donya Pascuala ay may plano para sa kanilang mga anak. Nakapagkasunduan nila na si Rodolfo ay ipapakasal kay Petra upang ang kayamanan nilang magkapatid ay huwag nang makasakamay ng ibang tao. Ayaw ni Rodolfo kay Petra sapagkat si Julita ang kanyang iniibig. Nagalit si Padre Facundo kay Julita dahil sa pagtanggi ng babae sa kanyang masamang tangka kaya't ibinunyag niya kay Don Kintin sa pamamagitan ng isang sulat na lihim nina Rodolfo at Julita. Galit na galit si Don Kintin ngunit hindi siya nagpahalata sa anak at sa kanilang alila. Isang araw ay isinakatuparan na ng Don ang kanyang balak. Inutusan niya si Rodolfo na mamalagi nang ilang araw sa kanilang bukirin upang mag-asikaso nito. Nang makaalis na ang binata ay hinanap niya si Julita. Inalipusta niya ito at sinabing lubhang ambisyosa na ibig makapag-asawa ng mayaman. Pinalayas niya ang kahabag-habag na babae. Lumuluhang umalis si Julita na dala ang isang balutan ng mga damit. Litong-lito ang isipan ni Julita at hindi niya malaman ang kanyang patutunguhan. Hilung-hilu na siya dahil sa pagod, gutom at hirap ng loob. Nang malapit na siya sa simbahan ay bigla siyang napahandusay. Nagkataon naman na naroon si Aling Kobang at siya'y sinaklolohan. Si Aling Kobang ay isang hilot sa panganganak. Sa tulong ni Aling Kobang ay isinilang ni Julita ang isang sanggol na lalaki. Sa bahay naman ni Don Kintin ay humahangos na dumating si Rodolfo. Itinanong ng binata sa ama kung saan si Julita at sinabi nito na pinalayas niya. Nagalit si Rodolfo sa ama. Hinanap niya kung saan-saan si Julita ngunit hindi niya natagpuan. Sa kabilang dako, sa bahay ni Aling Kobang ay pinagyaman ng hilot ang mag-ina. Pagkasilang ng sanggol ay lumabas sa kusina ang matanda upang ipagluto ng pagkain ang bagong panganak. Nang pumasok si Aling Kobang mula sa kusina na dala-dala ang pagkain ay nabigla siya sapagkat wala ang mag-ina. Hinanap niya ang mag-ina hanggang sa makarating siya sa tahanan ni Don Kintin. Nakita ni Aling Kobang na nakahandusay sa puno ng hagdanan ni Julita na katabi ang bagong silang na sanggol. Noon naman ay dumating na si Rodolfo at kinalong ang naghihingalong kasintahan na uminom ng lason. Nag-iwan ng sulat si Julita na ipinagbibilin kay Rodolfo ang anak at nakasaad dito na minabuti na niya ang mamatay dahil kung mabubuhay pa siya ay baka lalong magalit kay Rodolfo ang ama. Poot na poot si Rodolfo kay Padre Facundo na kung hindi sa pari ay hindi sila magkakalayo ni Julita. Pinuntahan niya ang pari at sa daang papunta sa simbahan ay nagkasalubong niya si Mang Banong, na sacristan sa simabahan. Sinabi ni Mang Banong kay Rodolfo na si Padre Facundo ay napakasama at mapagsamantala. Ipinagtapat din niya na sina Padre Facundo ay may lihim na relasyon at si Petra ay nagdadalang-tao. Lalong tumindi ang poot ni Rodolfo sa buhong na pari kaya't sinugod niya ito sa simbahan at binaril hanggang sa mamatay. Ang sanggol na anak ni Julita ay inihabilin niya kay Aling Kobang at siya'y sumama na sa mga tulisan. Ang bata ay pinangalanang Lamberto at lumaki sa pag-aaruga ni Aling Kobang. Ang simbahan naman mula nang mamatay si Padre Facundo ay napabayaan na. Walang paring magtagal sa simbahan sapagkat may multo raw roon. Pinagkatakutan ang lumang simbahan at wala nang pumasok doon. Si Petra naman ay nagtungo sa Espanya at doon niya isinilang ang anak nila ni Padre Facundo. Nang bumalik siya sa kanilang bayan ay may dala na siyang isang sanggol na Ciriaco ang pangalan at pinamalita niyang kanyang ampon. Lumipas ang labingwalong taon. Si Lamberto ay ganap na nang isang makisig, matipuno, magalang at mabait na binata....


Similar Free PDFs