Title | Kabanata-2-1 - Lecture notes 4 |
---|---|
Author | hannah ligaya |
Course | Bs accountancy |
Institution | Olivarez College |
Pages | 4 |
File Size | 122.5 KB |
File Type | |
Total Downloads | 23 |
Total Views | 247 |
KABANATA IIIDISENSYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pananaliksik Ang pag – aaral na ito ay gumamit ng disenyong korelasyonal. Sa disenyong korelasyonal, sinusukat ang mga baryabol (nang walang pagkontrol sa mga ito) at inaanalisa ang mga datos upang makita ang relasyon ng bawat baryabol. Ang m...
KABANATA III DISENSYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 1. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag – aaral na ito ay gumamit ng disenyong korelasyonal. Sa disenyong korelasyonal, sinusukat ang mga baryabol (nang walang pagkontrol sa mga ito) at inaanalisa ang mga datos upang makita ang relasyon ng bawat baryabol. Ang mga estadistikal na kagamitan ay ginamit upang masukat ang kalakasan at direksyon ng ugnayan. Ito ay mas madaling makagawa ng mga relasyong sanhi at bunga kapag minanipula ang isa sa mga baryabol (halimbawa: independenteng baryabol) ngunit may mga oras na hindi ito kayang manipulahin, sa tuwing ginagamit ang disenyong korelasyonal at may kinahaharap na problema na inilarawan sa mga nakaraang pag – aaral sa pagtukoy ng kalikasan ng relasyong sanhi at bunga. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin ang kaugnayan sa pagitan ng galing sa Sipnayan at Accounting dahilan upang maging angkop ang nasabing disenyo.
2. Mga Respondente Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na kumukuha ng kursong accountancy sa kasalukuyan. Ang mga respondente ay ang mga mag-aaral ng Olivarez College sa iba't ibang baitang na mula una hanggang sa ika-apat na antas. Ang mga mananaliksik ay
gumamit ng sarbey kwestyuneyr o random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ng bawat grupo. Tignan sa ibaba ang talahanayan. Talahanayan 1 Distribusyon ng mga Respondente sa Unang taon hanngang sa ika-apat na Taon na mga estudyanteng kumukuha ng Kursong Edukasyon Respondent
Unang
Ikalawang
Ikatlong
Ikaapat na Kabuuan
e
Taon
Taon
Taon
taon
Bilang
ng
mga Estudyante
3. Instrumentong Pampananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o sarbey kwestyoneyr bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag aaral. Ang talatanungan o sarbey kwestyoneyr ay nahahati sa tatlong pangkat: ang sipnayan, accounting at magkahalo na patungkol sa paksang pinag - aaralan. Ang sarbey ay nagbigay ng iba't - ibang persepsyon sa mga mag aaral kung sa paanong paraan nakatutulong ang kagalingan sa sipnayan sa pag tahak sa kursong kanilang pinapangarap, ang Accountancy.
Ang sarbey kwestyoneyr ay napapalooban ng mga pag pipilian tulad ng (1) Hindi Sumasang - ayon, (2)Hindi Sigurado, (3)Sumasang - ayon at (4) Lubos na Sumasang -
ayon. Ang mga respondente ay binigyan ng instruksiyon na sumagot ng naayon sa antas ng kanilang pag papakatotoo sa kanilang mga sarili. Ang komposisyon ng mga talatanungan ay ang sumusunod: Talahanayan 2 Komposisyon ng mga tanong sa Sarbey Kwestyuneyr Nilalaman
Pansariling Kaugnayan
Pansariling pagsusuri angking kakayahan Sipnayan
ng pagsusuri
ng Sipnayan
at
Accounting
angking sa kakayahan
ng
sa
assignaturang Basic Accounting
Aytem
5
5
5
4. Triment ng mga Datos Ang pamanahong papel na ito ay nagsisilbing panimulang pagsasanay sa mga mananaliksik sa gawaing pag-aanalisa upang mapagtuunan ng atensyon ang mga nakalap na mahahalagang datos mula sa mga respondente ng BSA. Ang mga datos na ito ang magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad sa pag-aaral. Malinaw at organisadong mailalahad ang resulta sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na istadistikal na pamamaraan:
Ang pamamaraang Frequency ay gagamitin upang matukoy ang demograpikong propayl ng respondente ayon sa kanilang edad at kasarian. Pormula: F = x/n x 100 Ang pamamaraang Mean naman ay gagamitin upang matukoy ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng sipnayan at kakayahan sa accounting. Pormula:
Gagamitin ang pamamaraang Pearsoon R upang matuklasan ang kaugnayan sa pagitan ng mga tagatuos na may angking galing sa sipnayan at sa kalikasan ng Accountancy. Pormula:...