KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL DOC

Title KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Pages 1
File Size 41 KB
File Type DOC
Total Downloads 793
Total Views 1,001

Summary

KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagda...


Description

KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng Edukasyon. Mga Kaugnay na Literatura Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad ng ating isipan na nagsisilbi ring proseso ng pagbibigay o pagkukuha ng pangkalahatang kaisipan, paghuhubog ng kakayahan sa pagrarason at paghahanda ng sarili sa intelekwal na aspekto para sa pagtahak sa buhay. Ito rin ay ay ang siyensiya o sining ng pagtuturo ayon sa diksyonaryo ng Random House. Nakatala rin sa Collier's Encyclopedia ( ) na ang edukasyon ay nananatili bilang isang prosesyong pangkalahatan na nagiging instrumento upang ang isang komunidad, lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa pamamagitan ng paglalahad at pagpapalaganap ng mga kaalaman na tumutulong sa tao upang lagpasan ang ano mang banta laban sa pansariling kaayusan. Ang Edukasyon ay maituturing na pangkalahatang proseso kaya't nararapat lamang na ito ay hindi makapag-iisa, sapagkat nandito ang pag-aambag ng iba't ibang saloobin, persepsiyon, ideolohiya at mga pagnanais mula sa iba't ibang uri ng indibidwal sa loob ng isang grupo. Masasabi rin na 8...


Similar Free PDFs