Kabanata II KAUGNAY NA LITERATURA DOCX

Title Kabanata II KAUGNAY NA LITERATURA
Author Lycalyn Barillos
Pages 17
File Size 27.9 KB
File Type DOCX
Total Downloads 131
Total Views 629

Summary

Kabanata II KAUGNAY NA LITERATURA Sa kabanatang ito binibigyan ng pansin ang kaugnay na literatura at pag- aaral na isinagawa ng mga lokal at banyagang mananaliksik na may kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral. Sa tulong ng mga nakalap na impormasyon na nagmula sa iba’t ibang aklat, sanggunian at iba ...


Description

Kabanata II KAUGNAY NA LITERATURA Sa kabanatang ito binibigyan ng pansin ang kaugnay na literatura at pag- aaral na isinagawa ng mga lokal at banyagang mananaliksik na may kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral. Sa tulong ng mga nakalap na impormasyon na nagmula sa iba't ibang aklat, sanggunian at iba pang mga saliksik, mas higit na nauunawaan ang kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral. Literaturang Konseptwal Sa bahaging ito ay matutunghayan ang mga kaugnay na literatura na ginamit ng mga mananaliksik upang lalong maging maliwanag ang paglalahad ng kasalukuyang pag-aaral. Simula nang isilang, ang bawat tao ay binigyan na nang pantay-pantay na karapatang linangin at gamitin ang mga makrong kasanayang pangwika sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga ito ang nagsisilbing patunay na ang tao ang may pinakaangat na abilidad at talino sa lahat ng nilikha ng Diyos. Isa sa mga mahahalagang kasanayang pangwika na dapat malinang ng tao ang pagbasa. Ito ang nagsisilbing daan sa pagtuklas ng mas malawak na kaalaman at karunungan na nagiging puhunan na tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang mundong ginagalawan. Bukod pa rito, ito rin ay may malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pangwika gaya ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng kaisipan at maayos na pakikipagkomunikasyon sa lahat ng larangan o disiplina....


Similar Free PDFs