Kabanata II halimbawa - Grade: 11 PDF

Title Kabanata II halimbawa - Grade: 11
Author Avril Cielo Manansala
Course Nuring
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Pages 4
File Size 76.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 87
Total Views 184

Summary

KABANATA II – KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARALI na Literatura Lokal Sa paggamit ng wika, mahahasa ang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng mga mag- aaral. Ang mga nakalimbag na akda,dula o ano mang mga palabas at kwento gamit ang wikang Filipino, ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng s...


Description

KABANATA II – KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL I.Kaugnay na Literatura Lokal Sa paggamit ng wika, mahahasa ang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng mga magaaral. Ang mga nakalimbag na akda,dula o ano mang mga palabas at kwento gamit ang wikang Filipino, ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pang-unawa rito. Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino. Sa pagaaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita, sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa pakikipag-talastasan sa iba. (Reyno,2018) Ayon kina Bernales, et al.(2013), gaano man kasining ang isang pahayag, kung mali naman ang gramatika nito, maaari itong maging hindi katanggap-tanggap lalo na sa mga iskolar,edukado at kritiko. Bukod pa rito, maaari rin itong maging hindi kapani-paniwala at katawa-tawa. Ayon kay Villaruel(2012), ang anumang pahayag ay nagiging malinaw at epektibo kapag gumagamit ng mga angkop na salita para sa kaisipang ipinapahayag. Kailangang taglayin ng pahayag ang kawastuhang pambalarila. May mga salitang ginagamit na ang akala ng mga mambabasa o manunulat ay malayang nakapapalitan ng kahulugan ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa istriktong tuntuning pambalarila. Ang gamit katuturan ng mga salitang magkasing-kahulugan ay hindi dapat ipagkamali sa isa't isa.

Banyaga Grammar names the type of words and word groups that make up sentences not only in English but in any language. As human beings, we can put sentence together even as children—we can all do grammar. But to be able to talk about how sentences are built, about the type of words and word groups that make up sentences—that is knowing about grammar. (Haussamen,et al. , 2002) Ang gramatika ay tumutukoy sa mga uri ng salita at lipon nito na nakabubuo ng pangungusap hindi lamang sa Ingles kundi pati na rin sa ibang wika. Lahat ay may kakayahan sa gramatika, maski ang mga bata ay kayang bumuo ng pangungusap. Ngunit, upang malaman kung paano nabubuo ang mga pangungusap at kung anong klase ng mga salita ang gagamitin, iyan ay malalaman sa pamamagitan ng pag-aaral ng gramatika. (Haussamen,et al. , 2002)

Children are educated in grammar basics starting in elementary school, many professionals believe that the informality of new technologies and the changing modes of communication have weakened the emphasis on proper grammar. (Frederick, 2015) Ang mga mag-aaral ay naturuan na sa kasanayang gramataika mula elementarya. Ngunit sa kabila nito, maraming propesyunal ang nagsasabi na ang pagiging impormal ng mga makabagong teknolohiya at pabago-bagong paraan ng pakikipag-komunikasyon, ang nagiging dahilan kung bakit humihina ang pagbibigay-diin sa paggamit ng wastong gramatika. (Frederick, 2015)

According to Huy N. (2015), writing is one of the most important skills in studying. However, many of the high school students are not aware to the importance of writing. Few of them can write academic writing properly. The reason is because high school students did not focused on making a proper writing.

Ayon kay Huy N. (2015), ang pagsulat ay isa sa pinakaimportanteng kakayahan sa pag-aaral. Ngunit, marami sa mga mag-aaral ng sekondarya ang hindi alam kung gaano kahalaga ang pagsulat. Kakaunti lamang sa kanila ang may kakayahang makasulat ng akademikong sulatin

nang tama. Ayon sa kanya, ang dahilan nito ay pinagtutuunan ng pansin ng mga mag- aaral ang tamang pagsulat.

II.Kaugnay na Pag-aaral Lokal

Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog at inaayos at pinipili sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon. Isang katangian ng ano mang wika ang pagkakaroon ng sistema ng mga tunog at mga kahulugan. Kapag ang sistema ng wika ay malalabag, magreresulta ito sa mali o malabong pahayag na nakaaapekto sa daloy ng komunikasyon. (Garcia,et al., 2008)

According to Lasaten F. (2017). Writing has been given great emphasis in the Philippine educational system since the tracking and learning of English as a second language support the aim of enhancing the English competence of learners. Authorities agree that writing ia one of the highest terms of academic skills for it rejects ones level of language competence. Ayon naman kay Lasaten F. (2017) ang pagsulat ay binibigyang pansin sa sistemang pang- edukasyon ng Pilipinas dahil ang pagtuturo at ang pagkatuto ng Ingles bilang ikalawang wika ng mga mag-aaral ay nakatutulong sa pag-eensayo ng kanilang kakayahan sa nasbing wika. Maraming nagsasabi na ang pagsulat ay kailangan dahil ito ay may malaking ambag sa kaalaman.

Sa pag-aaral naman ni G. Ortiz A. (2017), ang mga mag-aaral ay madalas pa rin na nagkakaroon ng kamalian sa kanilang pagsulat ng sanaysay. Ang mga dahilan ng mga ito ay kawalan ng kasanayan sa teknikal na bahagi pagsulat, pangnilalaman at gramatika. Ito rin ay dahil sa hindi magandang estrahiya ng pagtuturo ng pagsulat ng isang sulatin dahil ayon sa pagaaral, parehong may kalituhan ang nagtuturo at mga mag-aaral kung paano sisimulan ang sulatin lalo kung hindi ito ang kasanayan ng guro sa pagtuturo.

Banyaga According to Ajriyah,et al.(2019), there are four language skills in English that should be mastered by students, listening, speaking, reading and writing in studying " English". English grammar occupies a central position, because it is it is one of the elements of the language, which should be mastered. Incorrect use or lack of understanding of grammar might hinder communication either in speaking, writing, listening or reading. Ayon kay Arjriyah,et al.(2019), mayroong apat na kasanayan ukol sa pagkatuto ng wika, pakikinig, pasasalita, pagbasa, at pagsulat sa pag- aaral ng Ingles. Ang kasanayang gramatika ang pinakasentro ng pagkatuto sapagkat ito ang elemento ng wika na marapat lamang matutunan. Ang maling paggamit o kakulangan sa kaalaman sa gramatika ay maaaring makaapekto sa komunikasyon sa pagsasalita man ito, pagsulat, pakikinig o pagbasa man.

According to the study of Dweik B. and Othman, Z.(2017) about what are the problems in translating Arabic to English. The study shows that gramatical and lexical has an envolvement to this. It is because they have lack of knowledge to the source and target language. Ayon sa pag-aaral nina Dweik B. at Othman, Z.(2017), ang gramatika at bokabolaryo ay may kinalaman sa pagkakamali sa pagsalin ng sulating pang-arabo. Ito ay dahil ang mga magaaral ay walang sapat na kaalaman sa pinagmulan ng salitang kanilang tinatalakay o dapat atalakayin.

Hinkel (2005), claims that communication problems occurs, because the learner encounters a word that they do not understand, aform of word they do not know how to use, orfind that they are unable to express their intended meaning. Ipinahayag ni Hinkel(2005) na ang suliranin sa komunikasyon ay nangyayari dahil ang mga mag-aaral ay may nakatatagpong mga salita na hindi niya maintindihan,hindi niya alam kung paano gamitin o nahihirapan silang ipahayag na maisiwalat ang nais nilang ipakahulugan o sabihin....


Similar Free PDFs