Kabanata III DOCX

Title Kabanata III
Author Lenard Josh Ingalla
Pages 3
File Size 21 KB
File Type DOCX
Total Downloads 611
Total Views 989

Summary

Kabanata III METODO NG PANANALIKSIK Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang gagamitin sa pananaliksik, populasyon ng mga respondente, paraan ng pagpili ng kalahok, deskripsyon ng mga respondente, instrumento sa pagkuha ng mga datos, at paraan ng pangangalap ng datos sa pag-aaral na ito. ...


Description

Kabanata III METODO NG PANANALIKSIK Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang gagamitin sa pananaliksik, populasyon ng mga respondente, paraan ng pagpili ng kalahok, deskripsyon ng mga respondente, instrumento sa pagkuha ng mga datos, at paraan ng pangangalap ng datos sa pag-aaral na ito. Pamamaraang Gagamitin Sa paggawa ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Ang nasabing pamamaraan ay gumagamit ng mga sarbey kwestyoneyr o mga katanungan sa pagkuha ng iba't-ibang datos. Layon ng pamamaraang ito na tugunan ang mga katanungang, sino, ano, kailan, saan, at paano, ng isang paksain. Ang pamamaraang ito ang napili ng mga mananaliksik sapagka't, ito ay naglalarawan ng mga kasalukuyang kaganapan o kalagayan batay sa impresyon at reaksyon ng mga respondente. Sa pag-aaral na ito ang pangunahing aalamin ng mga mananaliksik ay ang reaksyon at impresyon ng mga piling estudyante sa Senior High School sa San Pedro College of Business Administration tungkol sa kahalagahan ng pagsasama ng "sex education" sa kurikulum. Populasyon Ang pananaliksik na ito ay may pangunahing layunin na alamin ang kahalagahan ng pagsasama ng "sex education" sa kurikulum. Ang mga mag-aaral sa Senior High School ang napiling populasyon ng mga mananaliksik, sa kadahilanang ang mga mag-aaral na kabilang rito ay maituturing na mas bukas ang isipan sa ganitong usapin kumpara sa mga nakabababang mga baitang. Ayon sa Sphere, ang pahayagan sa San Pedro College of Business Administration, ang mga mag-aaral sa Senior High School ngayong taon (School year 2017-2018) ay binubuo ng 1360 na mag-aaral....


Similar Free PDFs