Kabanata IV - Lecture notes 1 PDF

Title Kabanata IV - Lecture notes 1
Course Kontekstwalisasong Komunikasyon sa Filipino
Institution Don Honorio Ventura Technological State University
Pages 5
File Size 115.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 37
Total Views 137

Summary

KONFIL...


Description

Kabanata IV: MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL Aralin 1 - Kailan nga ba nagiging isyung panlipunan ang isang isyu? • Isang pampublikong usapin ang isyung panlipunan.• Nakaaapekto ito hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan.• Karaniwan, ang mga isyung panlipunan ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.• Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan.• Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.• Walang maituturing na iisang depenisyon ang suliraning panlipunan, subalit lubusang mauunawaan ito gamit ang Sociological Imagination. -Ayon kay C. Wright Mills (1959) ang Sociological Imagination ay isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at interaksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan. Gamit ang kasanayan sa Sociological Imagination, bilang bahagi ng lipunang iyong ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga personal na isyung nararanasan mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila na mayroon kang mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan Halimbawa: 1. Ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping Pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at mga karatig lugar. - Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung susuriin ang isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok ng huli ay bunga ng malawakang suliraning pantrapiko. Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang personal na isyu ang dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na nakaaapekto sa isang indibidwal. DAPAT TANDAAN: • Pampublikong bagay • Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan • Ito ay nakaaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan• Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Ano ba ang kaibahan ng Isyung Personal at Isyung Panlipunan? • Isyung personal - sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya - ang solusyon ng isang isyung personal ay nasa kamay ng indibidwal - maituturing ito na pribadong bagay na dapat solusyunan sa pribadong paraan. Halimbawa: Ang mga hamon at isyung pangkapaligiran o ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal, kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura ito ay maituturing na isyung panlipunan o ito ay may masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura -Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal, subalit kung sa isang lipunan mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan, maaaring maging kongklusyon na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na nagdudulot ng kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan ditto. -Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal na buhay ng isang tao. Halimbawa: DIGMAAN. ito ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karanasan. - PANDEMYA. Hindi maikakaila ang epekto ng pandemya sa kasalukuyang panahon hindi lamang sa buong mundo kundi pati na rin sa bawat indibidwal. Aralin 2: Kalagayan ng buong Mundo sa gitna ng Pandemyang Covid-19 Panimula: Ang Tunay na kalagayan ng sistemang pangkalusugan ng Pilipinas

1. Ano ang Kalusugan? Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit ay mayroong mabuting kalusugan.“Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan.”Ayon sa World Health Organization o WHO: Ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman. 2. Mga Suliraning kinahaharap ng Sangay ng Kalusugan. Sobrang dami ng pagpasok ng pasyente. Kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya ng kwarto, Hospital Bed, gamot at kakulangan sa mga tauhan. Hindi sapat ang dumadating na pondo para sa gamot dahil sa sobrang dami ng pasyente. II. Hamon ng Covid-19: 1. Mga dapat Tandaan: a. Epidemya - Isang epidemya (mula sa Griyego ἐπί epi "sa o sa itaas" at δῆμος demo "mga tao") ay ang mabilis na pagkalat ng nakahahawang sakit sa isang malaking bilang ng mga tao sa isang ibinigay na populasyon sa loob ng isang maikling panahon, karaniwan ay dalawang linggo o mas kaunti. Maaaring limitado ang isang epidemya sa isang lokasyon; gayunpaman, kung kumalat ito sa ibang mga bansa o kontinente at nakakaapekto sa isang malaking bilang ng mga tao, maaaring ito ay tinatawag na pandemic. - b.Pandemya - Ang pandemya (mula sa Griyego παν pan lahat + δήμος demos tao) ay isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon; halimbawa, isang lupalop, o kahit pandaigdigan. c. Covid-19 Ang pandemya ng COVID-19 ay isang patuloy na pandemya ng sakit ng koronabirus 2019 dulot ng SARS-CoV-2. Unang naiulat ang birus sa Wuhan, Hubei, Tsina, noong Disyembre 2019. -Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Mga tagubilin upang malaban ang Covid-19: Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Takpan ang iyong ubo at bahing. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad. d. Pagsubok ng Covid- Hindi lahat ng may sakit ay maaaring masuri sa oras na ito. Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba mula sa mga iba’t ibang bansa. India – Sudhanshu Kumar “In our country quarantine is being implemented without delay. All visas have been cancelled except diplomatic and absolute essential. All college, schools, gyms, cinema, religious places, tourist places, zoos, etc. have been closed. Every time you call on mobile the caller tune has been changed to information on Covid-19 with advice on what to do. All functions and meetings have been cancelled.” Philippines – Ryan Gamboa“President Rodrigo Duterte declared a National State of Calamity in the Philippines for a period of 6 months. Luzon, the island where our capital, Metro Manila is located, will be on lockdown until April 12, 2020. Military personnel will move in to critical areas to impose order and discipline.” United Kingdom – Paul Temple “On the evening of March 23rd the Prime Minister put the country on lockdown. Only essential workers, which includes farmers and the food chain, will continue. All shops other than food and chemist to close. No gatherings allowed, at all. No weddings, baptisms-just funerals and those are done with family members only.” Colombia – Jose Luis Gonzalez Chacon“In Colombia we are on total shutdown. The central government doesn’t provide much in terms of feeding to some regions. So the local authorities are taking actions to help them get all that they need in this situation.” Nicaragua – Javier Callejas“As of March 16, 2020 here in Nicaragua the country is in national alert. The first case of Covid-19 in the country was reported on March 18th. Just about all countries in the immediate region have reported cases in their respective countries and are in lockdown mode.” Argentina – Julio Speroni “Here in Argentina we are under a RED ALERT which started March 16th. All flights from Europe had been suspended to the very minimum, the only fights allowed in are those that bring back

Argentine Nationals. Those foreigners who still fly in are forced to do a 14 day quarantine on a specific location and are subject to the criminal law if they break the quarantine.” United States – Mark Heckman “I heard a person say this is like a 9/11 situation in the US. I think we have to accept as individuals that the virus will most likely affect everyone. And we have to eventually create our own plan to put ourselves in a position to realize that our healthcare services cannot adequately treat the patients if everyone were to get it in the next month.” Nigeria – Onyaole Patience Koku “There is a travel ban from countries that have over 1,000 cases. One Nigerian state has banned church and public gatherings.” Zimbabwe – Ruramiso Mashumba “Our main concern is if we lock down how will we sustain our workforce / community? Farmers are close to harvest and at a place where we have no extra income. I am planning my wheat crop and need certain services to make this happen.” Aralin 3: Konsepto ng Bayani (Kalagayan ng mga Nars, Guro, at OFW sa kasalukuyang Pandemya ) Pagbibigay kahulugan: Konsepto - Ito ang sariling pananaw sa isang bagay, halimbawa nito ay ang sarili mong kaisipan batay sa isang paksa o suliranin na ninanais na bigyang kahulugan. Bayani - nagtataglay ng katapangan at kabayanihan. Kalagayan - Ang kalagayan o katayuan ay ang kasalukuyang estado, kondisyon, sitwasyon ng isang bagay. Nars - Ang mga nars ay naglilingkod sa isang kritikal na papel sa paghahanda sa emerhensiya sa lokal, estado, at pambansang antas sa pamamagitan ng pagpaplano, pag-aaral ng komunidad at mamimili, at direktang pagaalaga na ibinigay sa panahon ng kalamidad. Guro - Ang isang guro (mula sa Sanskrito:  [guru]) o titser ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral. OFW - Ang Overseas Filipino Workers o OFW ay ang katawagan na ginagamit upang ilarawan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Madalas, ang mga pilipino na nagiging OFW ay yaong may layunin na magkaroon ng mas mabuting oportunidad at mas mataas na sahod o kita. I. Konsepto ng bayani sa Pilipinas a. Kilalang bayani Jose Rizal, Andres Bonifacio. b. Katangian ng bayani Ang bayáni ay matapang, May matinding pag-ibig sa bayan,, Nagbubuwis ng buhay para dito. c. Ang konsepto ng bayani Sa sinaunang panahon, ang itinuturing na bayani ay mandirigma at pinunò. Mahusay na lider o timuáy at magiting sa pagtatanggol ng kaniyang sakop. Sa ilang pangkatin sa Mindanao, tinatawag itong bagáni. Sa panahon ng himagsikan noong 1896, ang bayani ay hindi na lámang tumutukoy sa matapang na pinunò. Bagkus itinuturing na bayani sa Katipunan kahit ang karaniwang anak ng bayan, ANB, na nagmamahal at handang mag-alay ng dugo at pawis para sa bayan. Ang bayani ay tumukoy sa lahat ng uri ng tao na nakilahok sa Himagsikang 1896 maging babae man o lalaki, batà o matanda, ilustrado o mangmang na tumutugon sa pangangailangan ng bayan gamit man ay tabak o panulat. Sa panahon ng kapayapaan, higit na kailangan ang mga bayani na maglilingkod sa bayan, lalo na sa serbisyo sibil, kahit maliit ang suweldo. d. Ang konsepto ng bayani ay nagkaroon ng bagong kahulugan ito ay ang pagsasakripisyo. II. Pagharap ng mga Nars sa Kasulukuyang Pandemya- Wala pa ring pagbabago sa kalagayan sa trabaho ng mga health worker para maprotektahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Maraming nurse ang nagtatrabaho ng 12-hour shift at tumutugon sa mga pangangailangan ng hanggang sa 12 pasyente. - Filipino Nurses United (FNU) President Maristela Abenojar. Bukod sa hindi maayos na kalagayan sa kanilang lugar-paggawa, napipilitan na ring bumili ng sariling personal protective equipment ang ilan sa mga nurse dahil sa kakulangan nito ng suplay sa kanilang pinagta-trabahuhan.Ilan sa mga ospital ay hindi na pinatatapos ang 14-day quarantine ng kanilang medical staff at pinababalik agad ang mga ito sa trabaho matapos lamang ang isang linggo. II. Pagsipat sa kalagayan ng mga Guro (DepEd at Ched : New Normal sa larangan ng Edukasyon inilulunsad. Panuruang Taon 2020-2021 posible ba?) a. Mga Suliraning kinahaharap ng Edukasyon sa panahon ng Pandemya -Sa gitna ng krisis na dulot ng COVID19, nananatiling walang kasiguraduhan ang kalagayan ng lahat ng pribadong guro sa buong bansa, mula antas pre-school hanggang kolehiyo. - sang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang umusbong tungkol sa edukasyon. Iba't iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba namang tinapos ang school year. - maaaring ma-discriminate ng virtual classes ang malaking hanay ng estudyante lalo na sa mga mahihirap at liblib na komunidad. III. Kalagayan ng mga OFW na apektado ng covid-19

pandemic sa panukalang batas (S. No. 801) na isinumite ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na naglalayong makapagbigay ng credit assistance program para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng COVID-19 pandemic. - Pagpapauwi sa mga OFW na na-stranded dahil sa pandemya. (Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program) -Masikip na pasilidad, paniningil idinaing ng OFWs na naka-quarantine sa barko marami sa mga OFW ang natanggal sa trabaho, kinakaltasan o hindi nakakasahod, puwersahang pinapag-unpaid leave at ipinasok sa iskemang “no work, no pay”. Aralin 4: Korapsyon 1. Ano ang Korapsiyon? Integral sa pananatili ng burukrata kapitalismo sa partikular, at imperialismo at pyudalismo sa pangkalahatan. Kung ang korapsyon ang nagbibigay-substansya sa pambansang administrasyon, ang akses sa serbisyo publiko ay binabalot ng politikang itinatakda ng namamayaning paksyon ng naghaharing uri. 2. Ano ang mga halimbawa ng korapsyon? Isa sa mga pinag-uusapang korapsyon sa bansa ay noong administrasyon ni GMA. Ayon sa Ibon Media (2008), anim na malalaking korapsyon sa ilalim ni Gloria Arroyo ay may multi-bilyong kabawasan sa pondo ng bayan: 1. Fertilizer fund scam, 2. The Jose Pidal bank accounts, 3. The Northrail project, 4. the IMPSA power plant project, 5. the poll automation project and 6. the Macapagal Boulevard project, have collectively cost the Filipino people some P7.3 billion pesos. 3. Mga Uri ng korapsyon: a. Panunuhol (Bribery) – ito ang paggawa ng iligal na gamit ang kasalukuyang posisyon ay korapsyon (Revised Penal Code, Title Seven, Chapter 2, Section 2). Ang panunuhol ay maituturing din na korapsyon (R.A. 9485 Anti Red Tape Act of 2007). Ginagawa ito upang mapabilis ang trasaksyon mula sa normal nitong takbo. FIXER – tawag sa mga taong nagpapasuhol kapalit ang serbisyo nito. Kronyismo – pagkakaroon ng pinapanigan ng isang taong nasa kapangyarihan gaya ng mga pulitiko sa mga “kaibigan” (crony) nito sa pamamagitan ng paghirang sa mga ito sa posisyon ng kapangyarihan (o opisinang pinamamahalaan) na hindi isinasaalang-alang ang mga kwalipikasyon nito sa posisyong pinagtalagaan dito. Nepotismo – Isang anyo ng paboritismong ibinibigay sa mga kamag-anak na hindi tinitingnan o sinusukat ang kanilang pagiging karapatdapat.Padrino System – mas pinapaboran ang mga kakilala para sa isang posisyon kahit hindi ito kwalipikado.b. Pandaraya (fraud) – Ang sinasadyang pagbaluktot sa katotohanan sa layuning udyukan ang isang tao na ibigay ang kanilang mahalagang pag-aaral o isuko ang isang legal na karapatan. (Book 2, Title 4, Chapter 3 ng Revised Penal Code) – kabilang sa anyo ng korapsyon ang manipulasyon, pandaraya o anumang uri ng panlilinlang. HELLO GARCI – sa taong 2004 nagkaroon ng pinakamalaking iskandalo ng pandaraya ang isyu sa eleksyon sa pagkapangulo.c. Punder (R.A. 7080/ An Act of defining and penalizing the Crime of Plunder) – itinakda sa batas na ito na ang ill-gotten wealth ay bunga ng korapsyon. Ferdinand Marcos – isa sa pinakasikat na kso ng plunder -Executive Order No. 1 ay nilagdaan ni dating Pangulong Cory Aquino noong February 28, 1996 ang pagbuo ng PCGG Presidential Commission on Good Governance. Isang ahensya ng gobyerno na namumuno sa pagbawi ng mga yaman at ari-arian ng mga Marcos. d. Kickback – ang pagkuha ng kickback sa mga proyekto ng gobyerno. Ginagawang overpriced ang kontrata para doon kunin ang kickback. Labag ito sa Section 3 ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corruption Practices Act. 4. Nabawasan ba ang korapsyon sa Pilipinas? Ayon sa philstar.com, Bahagyang gumanda ang lagay ng Pilipinas sa 2018 Corruption Perceptions Index na isinagawa ng global anti-corruption watchdog na Transparency International. 5. Ano-ano ba ang mga kasalukuyang kinahaharap na Korapsyon ng Pilipinas? SAP Program ng Pamahalaan a. Ano ang SAP? Social Amelioration Program b. Ano ang benepisyo ng SAP? Ang mga benepisyaryo ng SAP aid ay makakakuha ng emergency cash subsidy na ₱8,000 kung residente ng NCR at hindi bababa sa ₱5,000 kung residente ng ibang lalawigan. Ayon sa DSWD, ang emergency subsidy na ito ay ibibigay in cash sa Abril at Mayo. c. Sino ang mga kasama sa SAP Program? Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay ang mga sumusunod:

Senior Citizen, Persons with Disability (PWD), Buntis at naglalactate na babae, Solo parent, OFWs in Distress, Indigent Families, 4Ps, Underprivileged Sector and Homeless Citizens, Informal Economy Workers (kasambahay, PUV at private vehicle drivers, construction workers, at iba pang mga daily wage earners). d. Sino ang mga hindi kabilang sa SAP Program? Workers na naka-avail sa DOLE program. Senior citizens na may SSS pension. Senior citizens na nakatira kasama ng anak o kapatid na nagbibigay ng tulong financial. Buntis at naglalactate na babae na may asawa o partner na may continuous income habang enhanced community quarantine (ECQ). Solo parents na may partner na may continuous income habang ECQ. OFW na ang income ay unaffected ng COVID-19 lockdowns at layoffs. Asawa ng OFWs na ang income ay unaffected ng COVID-19 lockdowns at layoffs. Puno ng pamilya na walang trabaho pero nakatira kasama ng asawa o anak na may continuous income habang ECQ. Informal Economy Worker na nakatira kasama ang asawa na may continuous income na higit sa ₱5,000. Applicants na unemployed bago pa man ang ECQ at dependent sa tulong financial ng pamilya. Persons With Disability na nakatira kasama ng asawa o kamaganak na may continuous income habang ECQ. Aralin 5: Kalagayan ng mga manggagawa sa panahon ng Lockdown ( Kontraktwal,magsasaka, tindero/a, tsuper ng dyip at trisikel) Ang mga manggagawang Pilipino ay tumutukoy sa mga taong involve sa paggawa o pagtratrabaho. Ang Paggawa ay paggamit ng lakas, talino, at kakayahan ng tao upang makatulong sa produksyon. 1. May dalawang uri ng paggawa: https://brainly.ph/question/2670667 Manggagawang Mental - sila ang mga taong ginagamit ang isip sa paggawa. Manggagawang Pisikal - sila ang mga taong higit na kailangan ang lakas ng katawan sa paggawa o pagtratrabaho. Ngunit may mga pagkakataong ang isang manggagawang Pilipino ay gumagamit ng pisikal at isip o mental sa paggawa, tulad ng mga dentista, mga tagapagluto o chief, mga nurse, guro at mga driver. 2. Ano ang kalagayan ng mga manggagawa sa kasalukuyan? a. Kontraktwal - isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang employer-employee sa pagitan ng isangmanggagawa at ng kapitalista o kompanyang tunay na nakikinabang sa kaniyanglakas-paggawa. https://www.pinoyweekly.org/2020/03/paid-quarantine-dapat http://dspace.cas.upm.edu.ph/xmlui/handle/123456789/371 b. Magsasaka- taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hilaw na mga materyales. http://masipag.org/2020/03/masipag-covid19-statement https://globalfarmernetwork.org/2020/05/adaptive-agriculture-during-a-global-pandemic c. Tindero/a: https://pia.gov.ph/features/articles/1046453 https://www.pinoyweekly.org/2020/03/bayanihan-kontra-covid-19 d. Tsuper: https://www.pinoyweekly.org/2019/10/tigil-pasada-laban-sa-tuluyang-pagpapatigil-pasada-ng-gobyerno-sa-mga...


Similar Free PDFs