Mga-Kapatid ni rizal BUHAY NI RIZAL NUONG SIYA\'Y NABUBUHAY PA AT ANG ILANG ALA-ALA NG NAKARAAN PDF

Title Mga-Kapatid ni rizal BUHAY NI RIZAL NUONG SIYA\'Y NABUBUHAY PA AT ANG ILANG ALA-ALA NG NAKARAAN
Author Joevan Pogie
Course Business Professionals In Trai
Institution University of Northern Iowa
Pages 7
File Size 365 KB
File Type PDF
Total Downloads 38
Total Views 197

Summary

Mga Kapatid:SATURNINA RIZAL :Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng. Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. Napangasawa ...


Description

Mga Kapatid: SATURNINA RIZAL: Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng. Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas. Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.

PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda): Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba, Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya. Nag-aral si Paciano sa Colegio de San Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang Propaganda Movement for social refroms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng Revolutionary Army at naging military commander din ng revolutionary forces sa Laguna noong Philippine-American War. Dahil dito, hinuli siya ng mga Amerikano. Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis. Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging Kapatid na Babae ng Bayani Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-aaral ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang

pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Nang ang kanilang mga magulang na sina Don Francisco at Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang kumupkop sa kanila. Kahit na ang kasintahan ni Jose Rizal na si Josephine Bracken ay pinatira niya sa kanyang tahanan sapagkat pinaghinalaan siya ng pamilya Rizal na isang espiya ng mga paring Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya ay nakapiit sa barkong “Castilla” na nakadaong sa Cavite ay nagpadala ng liham ng pasasalamat si Jose Rizal sa kapatid na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa kanyang tahanan. Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung saan si Jose Rizal ay inilibing na walang kahon at walang pangalan para pagkakilanlan kaya nagbigay siya ng aginaldo sa namamahala sa mga libingan para lagyan ng markang “RPJ” na siyang titik ng mga pangalan ni Jose Rizal. Pagkaraan ng maraming taon ay hinukay ni Sisa at mga kaanak ang mga labi ni Jose Rizal. Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at musikero mula sa Morong, Rizal. Dahil sa pinatira nila ang mga magulang ni Sisa at Jose sa kanilang tahanan, sila ang pinuntirya ng mga Espanyol. Tinakot siya na ibabalik sa pinanggalingan at sinira ang kanilang tahanan bukod pa sa kinuha ng sapilitan ang kanilang mga ari-arian. Si Narcisa at Antonino ay nabiyayaan ng walong anak. Ang anak nilang si Antonio na ipinanganak noong 1878, na namatay noong 1928 ay pinakasalang ang kanyang pinsang buo na si Emiliana Rizal, na anak ng kapatid ni Sisa na si Paciano kay Severina Decena. Ang anak na babae ni Sisa na si Angelica na dumalay kay Jose Rizal sa Dapitan ay sumapi sa Katipunan pagkatapos na patayin ang kanyang amain na si Jose Rizal. Sa isang panayam ni Ambeth Ocampo sa mga guro ni Sisa ay ipinagtapat nila na ang kanilang lolo Antonio ay anak ng prayleng si Leoncio Lopez, and kura paroko ng Calamba, kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose Rizal ng katauhan ni Padre Florentino sa El Filibusterismo. Napag-alaman din na pagkatapos ng kasal nina Narcisa at Antonino ay tumira sila sa simbahan ni Padre Lopez at minana ni Antonino ang lahat ng aklat at pag-aari ng namatay na pari. Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939.

OLYMPIA RIZAL Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre

Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.

Lucia Rizal: Kahati sa mga Paghihirap ng Bayani Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan nang nagatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal. Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo, 1889. Hindi siya binigyan ng isang burol Katoliko sa dahilang hindi siya nangumpisal mula nang ikasal kay Lucia. Sa artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La Solidaridad Una Profanacion” ay binatikos niya ang mga pari na tumangging ilibing sa maayos na libingan ang isang mabuting Kristiyano dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal. Noong Disyembre 1891, ang balong si Lucia ay isa sa mga dumalo sa pulong ng pamilya sa Hong Kong na isang reuniyon. Sinamahan niya si Jose Rizal pabalik ng Maynila ng Hunyo ng sumunod na taon. Mula ika-6 hanggang ika-15 ng Hulyo 1892, si Jose Rizal ay ikinulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan pagkatapos sa tahi-tahing kasinungalingan na may mga babasahin laban sa mga pari na nakuha sa mga bagahe ni Lucia noong nagbiyahe siya sakay ng barkong Don Juan. Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina Delfina, Concepcion, Patrocinio, Estanislao, Paz, Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak noong 1979 at namatay noong 1900 ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na kinabibilangan nina Marcela Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng ating watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral Salvador Natividad ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sina Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay naging mga estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na kanyang itinatag sa Dapitan.

Maria Rizal Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.

Concepcion Rizal: Ang Unang Pagdadalamhati ng Bayani Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid. Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae. Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal at isinulat niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid na babae at sa kaunaunahang pagkakataon ay naiyak siya sa panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang minamahal. Napakarami rin ang namatay nang bata pa noong mga panahong iyon. Mahigit na sampung mga pamangkin na babae at lalaki ni Jose Rizal ang binawian ng mga buhay sa murang edad.

JOSEFA RIZAL Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay

nagsulat para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat sa lotto. Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus. Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.

Trinidad Rizal: Ang Katiwala ng Pinakasikat na Tula ng Bayani Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal. Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at isinasalaysay niya na ang mga babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso. Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang mamayani dahil napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi niya na kaunting tiyaga lamang at siya ay magtatagumpay. Makaraan ang apat na taon ay nagulat na lamang si Jose Rizal nang makatanggap siya ng liham mula kay Trining. Ipinaalam nito na nakapagtapos ito ng Kolehiyo, dalawang taon at isa’t-kalahating buwan na ang nakakaraan. Noong Agosto 1893, si Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay kasama si Jose Rizal sa “casa cuadrada” o “square house” (bahay kuwadrado). Naitala na minsan ay pinagisipan o pinagplanuhan ni Trining na patakasin si Jose Rizal sa pagkakakulong. Noong Enero 1896 ay inanyayahan ni Jose Rizal si Trining na bumalik sa Dapitan. Ang suliranin ni Jose Rizal ay kung sino ang mapapangasawa ni Trinidad sa Dapitan, dahil ang pook na iyon ay halos parang walang tao at walang kabuhay-buhay. Minsan ay sumulat si Trining kay Jose Rizal na nabasa nito ang sulat sa kapatid nilang si Paciano, na kinukumusta si Trining kung nakakasundo nito si Senyora Panggoy kung saan siya ay namamasukan. Sinabi ni Trining na salamat sa Diyos sila’y magkakasundo at nabubuhay nang tahimik.

Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama hanggang sila’y namayapa at parehong hindi nag-asawa. Bago namatay si Jose Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang ina sa kanyang piitan sa Fort Santiago. Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose Rizal ang isang lampana, isang regalo mula sa mga Pardo de Tavera at ibinulong sa kanya sa wikang hindi naunawaan ng mga kawal na nakabantay sa kanya na ang lutuan ay mayroong bagay na nakatago doon at iyon ay ang kanyang huling tulang isinulat. Tulad ni Josefa at dalawang pamangkin, sumapi sa Katipunan si Trinidad matapos ang kamatayan ni Jose Rizal. Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang buwan mula Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng sakit na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya Rizal. SOLEDAD RIZAL Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890. Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang pamilya. Ang kanyang napangasawa ay si Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin ngunit sila’y nagpakasal nang walang permiso sa kanyang mga magulang. Di sang-ayon si Rizal dito kaya’t ginamit niya ang paksang ito at nagsulat at sinabi niya sa mensahe niya na isang kakahiyan sa pamilya Rizal ang pagpapakasal ng kapitid kay Pantaleon. Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na kontrobersyal dahil sa kumakalat na balita na hindi raw totoong anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni Teodora. Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng limang anak na sina Trinitario, Amelia,

Luisa, Serafin at Felix. Ang kanyang anak na si Amelia ay napangasawa si Bernabe Malvar na anak ni Gen. Miguel Malvar....


Similar Free PDFs