Panimulang Pananaliksik SA Filipino 1 Quarter 2 WEEK 8 Final PDF

Title Panimulang Pananaliksik SA Filipino 1 Quarter 2 WEEK 8 Final
Author Jhonpaul Badua
Course Econometrics
Institution Dean College
Pages 10
File Size 187.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 82
Total Views 157

Summary

panimulang pananaliksik...


Description

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO NOON AT NGAYON

BADUA, JHONPAUL BORLAZA, LYKA NAJORDA, ALLYSA MARIE MATEO JACINTO, WENCEL IRIS PANGARUNGAN, JAI

Isang Panimulang Pananaliksik bilang pagtugon sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 1: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika t Kulturang Pilipino

BB. MISCHELLE D. MARIANO Guro sa Filipino

PEBRERO 2020

I. KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Tunay na di mapipigilan ang mga pagbabago sa ating mundo, kaalinsabay nito ay patuloy din tayong binabago nito. Tayo ay nabubuhay sa modernong panahon kung saan teknolohiya ang nagiging baLangkas sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa paglipas ng panahon, mas namumulat ang ating sarili sa wika at kulturang bumubuo sa ating pagkatao, na sumisimbulo sa ating pagiging Pilipino. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wikang Filipino noon at ngayon sa kasalukuyan. Ayon kay Espina at Borja (1996), Ang Komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Kasabay ng modernisasyon at paglunsad ng makabagong Teknolohiya, partikular na ang Social Media, ang pakikisabay sa uso ng karamihan at ang pag-abuso sa karapatang kalayaan sa pagpapahayag. Hindi natin mapagkakailang hinaplos nito ang ating pang-arawaraw na pamumuhay. Masasabi na isa sa mga may pinakamalaking impak sa wika at kulturang Pilipino ay ang Social Media na kung saan napapaunlad nito ang wika at napapalawak ang ating bukabularyo upang mas mabilis ang pagbahagi ng ating mga saloobin at sa pakikipagkomunikasyon sa mga ibat-ibang karatig na bansa. Ngunit ito din ay may malaking epekto sapagkat, sa pag-unlad ng social media, kadugtong nito ang paglimot sa lumang wika na galling pa sa ating mga ninuno noon at nasasalinan ng mga wikang Ingles na kung saan nagiging slang ang ilan sa ating mga Pilipino. Dahil sa impluwensiya ng Social Media, nagkakaroon ng malawakang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan, kasabay nito ang Pag-sulpot ng mga bagong salita at ibat-ibang klase ng lenguwahe gaya ng pinakauso sa panahon ngayon, ang paggamit ng mga Balbal na salita na kadalasan na ginagamit ng mga Kabataan. Malaki ang epekto nito sa wika at

kulturang Pilipino sapagkat hindi nabibigyan ng tamang pagkilala, at tamang pagpapahalaga sa wikang Filipino. Kabilang dito ang mga Gay/Beki Lingo na isang patagong wika o salitang balbal na ginagamit ng ilang homosekswal sa Pilipinas. Isa rin ang paggamit ng salitang Conyo na unang nauso sa Social Media, kung saan pinaghahalo ang wikang Ingles at Filipino at patuloy na namumuhay at namamayagpag ang kulturang conyo. Habang may mga lenggwahe naman ang nabubuo katulad ng Jejemon at iba pa. Maging ang mga simpleng salita na pinapaikli ay mabilis na makaimpluwensiya sa mga Pilipino bunsod ng Social Media. Ilan lamang ito sa mga epekto ng Social Media sa Wika at kulturang Pilipino sa kasalukuyan. Ang pagkakaroon ng Social Media ay isa sa paktor na nakakaapekto sa Wika at Kulturang Pilipino, kaakibat nito ang mga kabataan sa araw-araw na paglilibang, pakikipagkomunikasyon, madali nitong naiimpluwensiyahan ang mga kabataan. Ang mga kabataan nitong modernong panahon ay saksi sa pangyayari kung saan unti-unting nababaon ang wika na ginagamit noong nakalipas na dekada. Bilang isang estudyante, ang mga kabataan ang may pinakamalaking parte sa pagbabago ng ibat-ibang bagay katulad ng wika dahil sila ay nabibilang sa henerasyon na may malawak na kapasidad sa pagtuklas. Dahil dito, malinaw nilang nasusubaybayan ang mga pagbabagong nagaganap sa paligid partikular na ang wika sa Social Media. Ang kabatan ang nagpauso ng mga salitang hindi angkop sa wikang Filipino ngunit ang kabataan din ang siyang may kapasidad na pausbungin muli ang ating Wika at Kulturang Pilipino. Dapat ay may balanse at limitasyon ang paggamit natin ng Social Media, at huwag nating kakalimutan ang ating wika na gamitin sa tamang paraan upang umunlad at mapayabong ito hanggang sa hinaharap.

II. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga epekto ng Social Media sa Wika at Kulturang Pilipino noon at ngayon. Ang pagmulat sa isipan ng mga mag-aaral tungkol sa kalagayan ng Wikan at Kulturang Pilipino sa panahon ng makabagong Teknolohiya ay isa rin sa layunin ng mga mananaliksik. Buhat sa pag-aaral na ito, magkakaroon ng kaisipan ang mga mag-aaral kung paano gamitin ng tama ang Social Media sa kabila ng mga epekto nito sa ating Wikang Filipino.

III. MGA TANONG SA PAG-AARAL Ang pananaliksik na ito ay nagnanais na masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano- ano ang mga epekto ng paggamit ng Social Media sa Wika at Kulturang Pilipino ngayon? 2. Bakit mahalaga na malaman natin ang mga epekto ng Social Media sa wika at kulturang Pilipino sa kasalukuyan? 3. Paano makakaapekto ang Social Media sa Wika at kulturang Pilipino sa pang araw- araw nating pamumuhay 4. Ano-ano ang mga maaaring gawin para hindi maapektuhan ng Social Media an gating Wika at Kuturang Pilipino?

IV.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Sa pagpili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din ang kahalagahan ng pag-aaral na isasagawa. Gamit ang makakalap nilang datos at impormasyon ay siyang magiging batayan ng mga kasagutan sa mga epekto na pinagaaralan sa pananaliksik na ito. Ito rin ay naglalayong makapag-ambag sa literature para sa matagumpay na pa pag-aaral. Ang mga matutuklasan sa pag-aaral na ito ay makapag-bibigay benebisyo sa mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang mas lalo nilang maintindihan ang mga epekto ng Social Media sa Wika at kulturang Pilipino, maliban dito makakatulong din ang pag-aaral na ito dahil makapagbibigay ito ng dagdag kaalaman tungkol sa mga Epekto ng Social Media sa Wika at kulturang Pilipino upang mas magkaroon ng tiyaga, lakas ng loob at enerhiya na tapusin ang pag-aaral. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat magagamit ang Social Media sa mabuting paraan. Para sa mga guro, ang pag-aaral na ito ay makakatulong din sa mga guro upang magkaroon ng kamalayan o ideya at tungkol sa mga Epekto na dulot ng Social Media sa wika at Kulturang Pilipino. Para sa mga magulang, ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang mapatnubayan at masubaybayan nila ang kanilang mga anak tungo sa kabutihan ng kanilang pag-aaral dulot ng epekto ng Social Media. Magsisilbi din itong gabay upang matugunan ang mga sikolohikal na pangangailangan ng anak pagdating sa kanilang pag-aaral sa paggamit ng Social Media at sa mga epekto nito. Ang kanilang gabay at suporta ay isang malaking tulong para maging matagumpay ang ginawang pananaliksik. Mahalagang pag-ukulan nila ang kanilang mga anak ng oras at makamtan ang pagasang mapabuti ang anak sa lahat ng pagkakataon. Para sa mga mambabasa, maipababatid ang kahalagahan ng pag-aaral na ito upang magbigay ng kamalayan sa mga dulot na epekto ng Social Media sa wika at kulturang Pilipino. Para sa mga mananaliksik, mas lalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga epekto ng Social media at maunawaan nila ng husto ito. Ang kalahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha ng isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam

sa ibang tao upang mas maging laganap ang kaalaman nila tungkol sap ag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ang magsisilbing reperensiya ng mga susunod pang pag-aaral na may kaugnay rito. Para sa komunidad, ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kainlang mga isip at makagawa ng mga ibat-ibang kuro-kuro para makatulong sa estado ng Wika at Kulturang Pilipino dulot ng epekto ng Social Media.

V. METODO AT DISENYO Disenyo ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyong kwantitatibongpalarawan. Palarawan sapagkat pag-aaralan nito ang mga napapanahon at pangkasalukuyanng epekto ng Social Media sa Wika at kulturang Pilipino. Kwantitatibo rin ito dahil kukunin ang numerical na datos sa pamamagitan ng pagsasarbey. Populasyon at Lokal na Pananaliksik Ang mga kabataan ang magiging kalahok ng naturang pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay lalahukan ng limampung (50) kabataan na gumagamit ng ibat-ibang Social Media sites o platforms na siyang magsisilbing tagatugon. Kasangkapan sa paglikom ng Datos Sapagkat ang pokus ng ng pag-aaral na ito ay malaman ang epekto ng Social Media sa Wika at Kulturang Pilipino, gumamit ang mga mananaliksik ng sariling gawang katanungan. Ang talatanungan ay binubuo ng sampung (10) bilang na mga aytem ayon sa uri ng paggamit. Ipapamahagi ang talatanungan sa mga kabataan upang masukat ang mga epekto ng Social Media sa Wika at Kulturang Pilipino batay sa sariling persepsiyon.

Paraan ng Pangangalap ng Datos Sa pagsasagawa na pananaliksik na ito, nakapaloob dito ang mga tiyak na hakbang na isasagawa ng mga mananaliksik mula sa pagbasa, pagtatala at pangangalap ng mga datos sa mga kaugnay na literatura tungkol sa paksa at pagsasagawa ng isang sarbey hanggang sa pagbuo ng kongklusyon mula rito. Sa pamamagitan ng masusing mga hakbang na ito, magiging malinaw at magkakaroon ng Sistema ang isasagawang sarbey at pangangalap ng datos mula sa mga respondente. 1. Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Internet upang magkaroon at makakalap ng sapat na kaalaman sa suliraning nabanggit. Ang mga mananaliksik ay kumuha din sa mga proyekto, tesis, at e-journals upang makakuha ng mabisang impormasyon sa kabuuang pag-aaral at pananaliksik. Gumamit ring ng ibat-ibang sanggunian ang mga mananaliksik upang makaipon ng mga sapat na karampatan ng mga datos at impormasyon. 2. Pagsasagawa ng mga Katanungan at Sarbey

Matapos ang mas malalimang pag-unawa ng mga mananaliksik sa paksa at pagaaral na ito, susunod ang paggawa ng mga katanungan at sarbey na pinapaloob ang ilang posibleng kasagutan na nakaayos upang magsilbing tseklist at pagkapinalisa ng isinagawang talatanungan at kasunod naman ang pagpapadami nito. Mas mabilis ang pag-susuri ng mga mananaliksik sa paraan ng pagbabahagi ng ibat-ibang katanungan sa mga napiling respondante. Ginagamitan din ito ng pakikinayam, kawili-wili at kapana-panabik na Gawain ng pagkuha ng impormasyon sa tulong ng pagtatanong sa mga tao o awtoridad na may kinalaman o may malaking maitutulong sa giinagawang pananaliksik. 3. Pagpapasagot ng Sarbey at Talatanungan

Hihingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa ilang mga kabataan upang sagutin ang mga talatanungan na isinagawa. Tumutukoy ang hakbang na ito sa pagkuha ng malawak na impormasyon mula sa mga respondante patungkol sa mga epekto ng Social Media sa Kulturang Pilipino sa kasalukuyan. 4. Dokumentasyon ng mga Nakalap na Datos

Matapos na ipamahagi at ipasasagot sa limampung (50) respondante ang mga talatanungan, daraan ito sa estadistikal na pagtataya ang mga datos na nakalap . 5. Pagsusuri ng mga Datos Pagkatapos masagutan ng mga respondante ang talatanungan, ang kanilang mga sagot ay susumahin o kukunin ang total. Kukunin ng mga mananaliksik ang sagot nila sa bawat tanong. Ang mga makukuhang resulta ay gagamitan ng sumusunod na pormula upang maipakita ang porsyento ng mga napiling sagot ng mga respondante.

VI. TALASANGGUNIAN

Gallego, (2016). Epekto ng Paggamit ng Social Media sa Paggamit ng Wika. Hinango noong Disyembre, 2020, mula sa https://www.researchgate.net/publication/323727182_Gallego__Isang_pagsusuri_sa_korpus_ukol_sa_pagbabago_ng_Wikang_Filipino_1923-2013

Concha, Mark Jayson (2019) . Mabuti at Masamang Epekto ng Social Media sa Wikanh Filipino. Mula sa https://www.academia.edu/36072366/MABUTI_AT_MASAMANG_EPEKTO_NG_SOCIAL_MED IA_SA_WIKANG_FILIPINO

Castillo, Lawrence, Dischoso Mikaela, De Torres John Carylyle (2016). Hinango noong Nobyembre 14, 2016. Mula sa https://free15394.wordpress.com/

Runion Patrica (2016). Paggamit ng Wikang Pambansa sa Makabagong Panahon, Social Media, Tulong o Sagabal. Hinango noong Nobyembre 15, 2016. Mula sa https://paggamitngwikangpambansasamakabagongpanahon.wordpress.com/2016/11/15/socialmedia-nakakatulong-o-nakakasagabal/

Magtibay, Charles Lordwin (2015). Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino. Hinango noon Oktubre 13, 2015. Mula sa https://www.scribd.com/doc/284753606/Ang-Epekto-Ng-SocialMedia-Sa-Wikang-Filipino-Sa-Mga-Mag-Aaral-Ng-PNTC-Sa-Unang-Antas

Ang Social Media at Wikang Pambansa (2016). Hinango noong Nobyembre 20, 2016. Mula sa https://kumamoncom.wordpress.com/2016/11/20/ang-social-media-at-wikang-pambansa/

Ang maganda at masamang dulot ng Social Media sa mga mag-aaral (2020) . hinango noong Marso, 03 2020. Mula sa https://www.docsity.com/en/ang-maganda-at-masamang-dulot-ngsocial-media-sa-mga-mag-aaral/5409361/

Paglimot sa Sariling Wika, makikita sa Social Media (2016) . hinango noong Mobyembre 13, 2016. Mula sa https://pahayagan101.wordpress.com/2016/11/13/paano-ginagamit-ang-wika-sasocial-media/

Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag- aaral ng PNTC sa unang antas (2016) . hinango noong Enero 23, 2016. Mula sa https://vdocuments.site/ang-epekto-ng-socialmedia-sa-wikang-filipino-sa-mga-mag-aaral-ng-pntc-sa-unang.html...


Similar Free PDFs