Reflection Paper about- Diskriminasyon Sa Kasarian PDF

Title Reflection Paper about- Diskriminasyon Sa Kasarian
Course Understanding culture, society and politics
Institution Lyceum of the Philippines University
Pages 3
File Size 81.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 408
Total Views 771

Summary

Download Reflection Paper about- Diskriminasyon Sa Kasarian PDF


Description

DISKRIMINASYON SA KASARIAN Ang lantarang pambabastos ni Pangulong Duterte hindi man direkta o kadalasan ay direkta ay may malaking epekto sa mga kababaihan. Nang-eenganyo ito ng karahasan, kawalang respeto sa sekswalidad ng kababaihan at nag-lalarawan ng mababang pagtingin at lantarang pagyurak sa dignidad ng mga babae. Bilang isang lider ng isang bansa, ang ganitong kaugalian ay hindi tama. Alam naman nating laganap ang karahasan sa mga kababaihan simula pa lamang sa mga nakaraang henerasyon. Ang pagtrato ng hindi pantay dahil isa kang babae ay nagpapatuloy pa rin. Ang mga pahayag ng Pangulo kung saan ay direkta itong nagpapahayag ng mga birong ukol sa sekswalisayon ng kababaihan, panggagahasa, at maging ang mga banat na tinatawag na “sexual innuendos” ay nagpapababa sa moralidad at sa pagtingin ng lipunan sa ating mga babae. Ang pag-uugaling ito ay tinatawag na machismo at misogynist na kung saan ang tingin ng mga kalalakihan ay mas makapangyarihan sila sa mga babae kung saan ay kaakibat nito ang pagkakaroon ng labis na diskriminasyon sa mga kababaihan. Tunay nga na ang mga sexist at rape jokes ng Pangulo ng isang bansa ay hindi kailanman naaayon dahil iniinbalida nito ang mga batas laban sa pangaabuso sa kababaihan at sa mga patuloy na ipinaglalabang karapatan ng mga kababaihan mula sa hindi pantay na pagtrato ng lipunan sa mga babae. Ang pagtalakay sa mga isyu tungkol sa kababaihan at sa mga kasarian ay kailangan ng mas malalim pa na pag-aaral at pagninilay-nilay. Marami pang mga isyu tungkol dito ang dapat pagtuunan ng pansin sa lipunan na kailangang maunawaan. Ang bawat mamamayan ay kailangang maintidihan kung ano-ano nga ba ang mga patuloy na nararanasan ng mga kababaihan at pati na rin ng mga taong may iba’t-ibang kasarian. Ang pag-uusap tungkol sa mga ganitong isyu ay hindi na lamang nalilimatahan sa personal na konbersasyon. Ang social media sa iba’t-ibang platorma ay isang may malaking gampanin. Hindi na ito bago. Lahat ng isyu ay nasa internet na. Ang isyu sa mga pang-aabuso ay labis na napag-uusapan sa social media. At ang mga kabataan gaya ko ay patuloy na nakikilahok upang wakasan ang pangaabuso, seksismo, laban sa mga kababaihan at maging sa sinuman. Sa aking palagay, hindi naman na limitado ang konbersayon sa mga isyu na ganito. Ang mga kabataan ngayon ay edukado na sa mga ganitong isyu. Ang lahat ay patuloy na nakikilahok sa pag-harap sa mga mental issues at pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa pangkalusugan. Gayun pa man, ang mga gawaing pangkabataan sa aking henerasyon ay kailangan ding pag-tuunan ng pansin. Hindi ko ikakaila na ang mga kabataan sa ngayon maging sa murang edad ay humaharap na sa mga bagay na sekswal. Ang patuloy na paggabay ay kinakailangan. Ang

sexual education ay kailangang ipatupad at palaganapin. Dahil ang kaso ng maagang pagbubuntis at pagpapamilya ay patuloy na tumataas. Ang bawat isa ay kailangang makitugon sa panawagan na ito. Sa aking opinyon, ang mga bagay na itinuro at patuloy na ipinalalaganap ng mga iba’t-ibang relihiyon sa ating lipunan ay hindi nakakasama. Ang relihiyon ang bumabalanse sa pulitika at sa pagpapanatili ng moralidad sa isang lipunan. Ang mga isyu lamang na nangangailangan ng pananaliksik at atensyon na dapat pagtuunan ay ang mga bagay at kaugalian na nakakasama at lumalabag sa batas at karapatan ng isang tao na nakaugnay sa relihiyon. Ang mga batas para sa mga kakabaihan at mga bata laban sa karahasan at pangaabuso ay tunay na nangangailangan ng pagtitibay. Gayundin, ang patuloy na pagbibigay– pansin sa mga isyu ng pang-ekonomiya, mga empleyado na nakakaranas ng pang-aabuso sa trabaho, kakulangan ng gobyerno sa mga nasasakupan at ang patuloy na krisis kapag humaharap sa mga kalamidad. Ang mga isyung ganito ang dapat patuloy na tinatalakay at pinaglalaanan ng oras ng mga nasa pamunuan. Ang gobyerno ay may responsibilidad sa mga mamamayan. Tungkulin nila ito at ang tamang aksyon ang hinahangad at kinakalailangan sa pagharap sa mga ganitong uri ng isyu. Ang pang-aabuso ay hindi lamang limitado sa isang kasarian. Ang kadalasang mga biktima rin ay ang mga taong iba ang kasarian at miyembro ng LGBT. Ang diskriminasyon sa kanila ay nagpapatuloy. Ngunit may mga miyembro rin ng LGBT na nang-aabuso at nanghaharass. Gaya na lamang ng patuloy na isyu na may malawakang diskusyon patungkol sa palikuran ng babae, bakla, at transwoman. Ano nga ba ang nararapat? Tumatayo ako sa pagitan ng nosyon na maaaring ma-harass ang mga kababaihan sa mga hindi inaasang pagkakataon, Kaya maarari ang bukod na palikuran para sa mga ibang kasarian nang maiwasan ang pangamba at nakaambang diskriminasyon. Gaya ng mga nabanggit, ang pang-aabuso ay nararanasan rin ng mga kalalakihan. Hindi naman maikakaila na may mga babae rin na ginagamit ang kanilang pagkakababae sa pang-aabuso. May mga lalake rin na nagiging biktima ng panggagahasa at pisikal na pangaabuso mula sa kanilang mga kapareha. Sa aking pananaw, hindi pa bukas ang lipunan sa ganitong mga isyu dahil mas nasanay ang mga tao sa nosyon na ang mga babae ang mga mahihina. Ang diskriminasyon sa mga kasarian ay kailangang suriin at pag-aralan. Ang diskriminasyon, pang-aabuso, sa pagkatao ng sinuman ay hindi kailan man magiging tama. Ang respeto ay hindi lamang limitado sa kung ano ang kasarian mo. Ang karapatang pantao

ay nakalaan para sa lahat. Ano man kasarian mo, maging babae, lalake, bakla, tomboy, queer, bisexual, o ano ka man. Lahat ay may karapatan sa pagkakapantay-pantay at pagtanggap....


Similar Free PDFs