THESIS FINAL 1 DOC

Title THESIS FINAL 1
Author Precious Mae Peralta
Pages 4
File Size 185.5 KB
File Type DOC
Total Downloads 168
Total Views 560

Summary

KABANATA I SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula Sinasabi na ang bansang Pilipinas ay unti-unti nang umuunlad at nakasasabay sa iba pang mga bansa sa Asya ayon sa mga kaugnay na programa ng ASEAN Intergration 2015. Kaakibat ng mga pag-unlad na ito ay ang napakaraming pagbabago na mangyayari sa kapali...


Description

KABANATA I SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula Sinasabi na ang bansang Pilipinas ay unti-unti nang umuunlad at nakasasabay sa iba pang mga bansa sa Asya ayon sa mga kaugnay na programa ng ASEAN Intergration 2015. Kaakibat ng mga pag-unlad na ito ay ang napakaraming pagbabago na mangyayari sa kapaligiran. Makikita ang mga pagbabagong ito sa pananamit, pag-uugali maging sa pamumuhay ng mga Pilipino. Halimbawa na lamang nito ay ang paggamit ng "electric stove" sa pagluluto na dati ay kalang de uling lamang ang ginagamit. Kung komunikasyon naman ang pag-uusapan, nagkaroon na rin ito ng malaking pagbabago. Noon, ang pagsulat ng liham ang paraan upang makapagpadala ng mensahe, na kung minsan ay inaabot pa ng higit sa isang araw bago makuha ng pinadalhan, ngunit ngayon, sa pamamagitan lamang ng cellphone, telepono o mga "social networking sites", ay maaari nang mabasa ang mensahe sa loob ng ilang segundo lamang. Isa sa nagdulot ng mga pagbabagong ito ay ang teknolohiya. Malaki ang naging epekto ng mabilis na pag-usbong nito sa pamumuhay ng mga tao sa kadahilanang nakatutulong ito sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa maraming aspekto sa lipunan at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan (Castrodes et. al., 2012). Patunay 1...


Similar Free PDFs